“Ang tunay po na Mama niya, nasaan po siya? Patay na rin po ba?” sa wakas ay naitanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan. Umiling ito kaya bahagya akong nagulat. “Gustuhin ko mang ipagtapat sa iyo ang lahat, wala pa rin akong karapatan. Dapat ay sa kaniya mo iyon malaman. May isang pakiusap lang ako, Farah…” sumisinghot na saad nito. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at tumingin sa mga mata ko. “Ano po iyon, Tita?” tanong ko. Ako man ay nagpahid ng mga luha gamit ang panyong dala ko. “Kahit alam mo na ang nangyari tungkol sa Papa niya, please lang huwag kang magpapakita ng lungkot o pagkaawa sa kaniya. Ayaw na ayaw niyang nagmumukha siyang kawawa sa mga mata ng ibang tao, lalo na sa mga taong nagpapahalaga sa kaniya. Sikapin mong umakto na parang wala kang alam,” pakiusap nito. Agad ko namang naunawaan ang nais niyang iparating kaya agad akong tumango. Ngumiti naman siya sa akin. Magsasalita pa sana ako kaya lang ay naunahan ako. “Ma, pinapaiyak mo ang girlfriend ko? Inaalok
Read more