Share

Chapter 20 His Gentle Touch

“Wala naman akong ginawang masama,” ewan ko kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko. Bigla ko lang naisip na sinaktan niya ako kahit wala naman akong ginagawang masama. At iyon ay dahil lang daw sa selos niya. Ni wala nga siyang karapatang magselos dahil hindi ko naman siya boyfriend. Tumiim ang bagang niya at walang pagpipigil na sinakop ang mga labi ko. Unti-unti niya akong inihiga habang palalim nang palalim ang mga halik niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Hindi gaya ng dati, masuyo at walang dahas ang bawat galaw niya ngayon. Puno ng pag-iingat at pagkabanayad. Kaya kahit ayaw ko sanang tumugon ay nadadala ako sa marahang paghagod ng mga labi niya sa aking mga labi.

Nang mag-umpisang gumapang ang kamay niya sa mga dibdib ko ay bumigat ang paghinga ko. Pinakawalan niya lang ang mga labi ko nang maubusan na ako ng hangin. Bumaba ang mainit niyang halik sa panga ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status