Buong biyahe ay hirap na hirap akong huminga dahil sa kaba. Sasaktan na naman ba niya ako? Tahimik lang din siya at madilim ang mukhang nakatitig sa daan. Kahit nga mismong ang windshield ay tinataliman niya ng tingin. Napalunok ako at ibinaling ang mukha sa labas.Narating namin ang bahay niya na halos hindi humupa ang pagdagundong ng dibdib ko at ang pangangatog ng mga tuhod ko. Para akong maiihi na ewan.Nang iparada niya ang sasakyan ay agad siyang bumaba at dumiretso na sa loob ng bahay. Ni hindi man lang ako nilingon o hinintay makababa. Unti-unti akong lumabas ng sasakyan at sumunod na rin sa kaniya. Binilisan ko ang paglakad dahil baka lalo pa itong magalit kung sakaling babagal-bagal ako.Nang marating namin ang pinto ng kuwarto ko ay hinila niya ako papasok sa kuwarto niya.“L-Lance… p-please d-don’t hurt m-me…” halos magmakaawa na ako dahil sa matinding takot. Pabalya niyang isinara at ni-lock ang pintuan saka ako isinandal sa pader. Tuloy-tuloy nang bumuhos ang mga luha ko
“She came here during the opening. She was with her friends,” diretsong sagot nito. Dahil nakayuko ako ay kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao ni Lance na nasa ibabaw ng mga hita niya. Mariin ako pumikit a lumunok. Pambihirang buhay ito!“Oh, that? I hoped she had liked the food para naman gustuhin pa niyang bumalik rito,” walang emosyong sagot ni Lance. Tumawa naman nang malakas si Darwin at ilang ulit na napapailing. Para siyang naaaliw na ewan.“Well, your food will be ready at any moment now. Farah, I hope you enjoy your second visit as you did the first time,” masayang saad ni Darwin. Hindi ko alam kung ako lang ba o parang may laman iyong sinabi niya.Dahil naging awkward na ang pakiramdam ko kanina ay halos hindi ako nakakain nang maayos. Ramdam ko pa ang panaka-nakang titig ni Lance na parang pinag-aaralan ang bawat galaw ko. Masayang-masaya ako noong unang beses akong kumain dito. Pero ngayon, parang wala talaga akong gana. Hindi naman siya nagtatanong o kahit komprontahin
“Wala naman akong ginawang masama,” ewan ko kung bakit biglang nanubig ang mga mata ko. Bigla ko lang naisip na sinaktan niya ako kahit wala naman akong ginagawang masama. At iyon ay dahil lang daw sa selos niya. Ni wala nga siyang karapatang magselos dahil hindi ko naman siya boyfriend. Tumiim ang bagang niya at walang pagpipigil na sinakop ang mga labi ko. Unti-unti niya akong inihiga habang palalim nang palalim ang mga halik niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagpupumilit ng dila niyang makapasok sa bibig ko. Hindi gaya ng dati, masuyo at walang dahas ang bawat galaw niya ngayon. Puno ng pag-iingat at pagkabanayad. Kaya kahit ayaw ko sanang tumugon ay nadadala ako sa marahang paghagod ng mga labi niya sa aking mga labi.Nang mag-umpisang gumapang ang kamay niya sa mga dibdib ko ay bumigat ang paghinga ko. Pinakawalan niya lang ang mga labi ko nang maubusan na ako ng hangin. Bumaba ang mainit niyang halik sa panga ko
Kinabukasan ay halos maiyak na ako sa tindi ng sakit ng katawan ko. Literal na hindi ako makagalaw sa bigat ng nararamdaman ko. Madaling araw na kami natapos kanina at buong akala ko nga ay hindi na siya titigil. Unlimited yata ang stamina niya Kaya ilang sandaling pahinga lang ay game na naman siya. Ayaw naman niyang magpapigil dahil alam na alam niya kung paano ako paiinitin. Dahil talagang masakit pa ang bawat himaymay ko ay muli akong nakatulog.Nang muli akong magising ay hapon na. Mas mabuti na ng bahagya ang pakiramdam ko kaysa kanina. Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo. Namamaga na ang pagkababae ko dahil napapangiwi ako kanina habang nagsasabon. Mabuti na lang at guminhawa ako sa tulong na rin ng maligamgam na tubig. Paglabas ko ay nagbihis ako at inalis ang bedsheet at mga pillowcase na nabasa namin sa halos magdamag na pagniniig. Maging ang kumot at comforter ay inalis ko na rin para mapalitan. Pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina
“At least you can still remember me. Sabagay hindi naman iyon ang mahalaga. So, where is Lance? Bakit iniwan ka niya ritong mag-isa? Oh, let me guess, he just brought you here to shoo away other women, right?” nang-uuyam na tanong niya sa akin. Bahagya kong sinulyapan ang kabuuan niya. Red Spaghetti strap dress and suot niya. Hapit na hapit sa katawan niya kaya lutang ang maganda niyang balakang at maliit na baywang. Sexy, hot at maganda naman itong Angeli pero bakit kaya parang malungkot ang buhay niya? Sa dinami-rami ba naman kasi nang makikita at makakausap ay ito pang babaeng ito ang natiyempuhan ko. Malas! Bumuntong-hininga ako at matamis na ngumiti sa kaniya. Tumaas ang kilay nito. Nagulat siguro dahil kahit iniinsulto na niya ako ay wala akong balak na patulan siya.“Una sa lahat, tama ka, dinala ako ni Lance dito bilang isang pusang pambugaw sa mga daga. Ewan ko lang kung kabilang ka roon. At nagpaalam lang saglit si Lance dahil may kailangang kausaping tao tungkol sa negosyo.
Naiwan akong tulala sa lamesa. Iniisip ko pa rin iyong itsura ni Lance kanina. Gustuhin ko mang magtanong kaya lang nahihiya naman ako. Saka baka kaya lang niya ako ipinakilalang girlfriend kasi ayaw niya sigurong mag-isip ng kakaiba iyong madrasta niya.Nang makabalik si Lance sa lamesa namin ay bumalik na sa dati ang ekspresyon ng mukha niya. Napabuntong hininga na lang ako. Nagpatuloy lang ang kasiyahan. Pagkatapos ng kainan ay nagkaroon pa ng awarding ng mga empleyado at pagbibigay ng mga premyo sa mga nanalo sa palaro. Mayroon ding raffle draw at pagkatapos ay nagbigay ng speech si Lance para sa lahat. Hindi ko maiwasang hangaan siya habang nagsasalita kanina. Ang ganda ng tindig niya at talagang kumpiyansa siya habang nagsasalita. Lahat ay matamang nakikinig kanina, at nagtatawanan pa nang haluan niya ng biro ang pagsasalita. Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga dumalo at nakiisa sa kasiyahan pagkatapos ay inilatag na via video presentation ang mga proyekto ng kumpanya nila para s
Wala sa sariling napatitig ako sa mga mata niya. Nakangiti siya sa akin pero hindi naman siya mukhang nagbibiro. Ano ulit iyong sinabi niya? Gusto niya akong maging totoong girlfriend?“Pinaglalaruan mo ba ako?” hindi ko maiwasang matanong. Hindi ko rin napigilan ang paggapang ng inis kasabay ng pagkalito. Napaunat siya sa pagkakaupo at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. Nanatili siyang nakatitig sa akin na tila tinitimbang ang nararamdaman ko ngayon. Sa huli ay ako rin ang sumuko at nag-iwas ng tingin.“Gusto mo bang maging girlfriend ko?” bahagyang sumeryoso ang mukha niya nang itanong iyon. “At isa pa, hindi kita pinaglalaruan. Tinatanong kita,” dagdag pa niya. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at ilang beses kumurap. Napalunok pa ako nang bahagyang kumunot ang noo niya. Bumuntong-hininga ako at napailing na lang.“Ayaw mo? Tumatanggi ka sa akin?” bigla akong kinabahan dahil wala na ang ngiti sa mga labi niya. Sa pagkakataong ito ay seryosong-seryoso na ang mukha niya. Wala sa
“Fuck!” malakas niyang mura nang lalo siyang tumigas sa loob ko. Halos bumigay na ang mga tuhod at braso ko sa lakas at tindi ng mga galaw niya. Kasunod nga noon ay ang sabay naming pagkamit sa kasukdulan. Ilang sunod-sunod na malalakas at madidiing bayo pa bago niya naibuhos ang lahat sa kaloob-looban ko. Ibinagsak ko ang katawan ko. Pagod na pagod ako at maging ang paghingal ko ay nakadadagdag sa pagod na nararamdaman ko. Hinaplos niya ang mukha ko saka ako muling hinalikan. Banayad lang noong una, hanggang sa maging mapusok. Napaungol ako nang maramdaman ang muling pagkabuhay niya at pabiglang pagpasok sa akin. “Oh!” napabitiw ako sa halikan namin dahil may kasabay na hapdi ang kiliting dumaloy sa katawan ko dahil sa biglaang pagkakasagad niya. Sagad na sagad na kahit mismong hangin ay hindi makadaraan. Ipinatong niya ang dalawang hita ko sa balikat niya at saka lalo pang binilisan ang pag-ulos. Mahigpit akong nakakapit sa mga braso niya dahil hindi ko alam kung saan kakapit sa
Farah’s POVHindi ako nakatulog buong magdamag dahil sa matinding pag-aalala kay Lance. Mula noong umalis ito kahapon ay hindi pa ito bumabalik at hindi ko rin naman siya makontak. Ayoko sanang mag-isip ng masama pero hindi ko naman ito mapigilan dahil hindi mawala-wala ang matinding kaba sa dibdib ko.Lumipas pa ang buong maghapon ay wala pa rin akong anumang balita mula kay Lance. Kahit ano pang pangungulit ko sa mga naiwan niyang tauhan dito ay ayaw naman nilang magsalita. Ni hindi nga rin ako makakain ng maayos dahil sa matinding pag-aalala.“Ma’am, magandang gabi po, gusto daw po kayong makausap ng tauhan ni Sir,” tawag-pansin sa akin ni Butler Jimmy. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa excitement.“Nasaan po siya?” may pagmamadaling tanong ko. Bigla akong nabuhayan ng loob dahil baka may balita na ito tungkol kay Lance.“Naroroon po sa sala, Ma’am,” magalang na tugon ni Jimmy. Mabilis akong tumango at nagpaalam na sa kaniya para puntahan ang sinasabi niyang naghihintay sa akin.
“Bakit? Bakit mo iyon nagawa kay Papa? Alam mo bang nag-aagaw buhay si Mama Angela sa ospital ngayon? Dahil hindi siya makapaniwalang ang batang minahal at inalagaan niya ay hindi pala tao kun‘di isang demonyo!” malakas kong sigaw sa kaniya. Pero ipinagpatuloy lang niya ang pagtungga ng alak mula sa boteng hawak niya. “Bakit? Dahil epal ka! Lahat na lang, gusto mo sa iyo! Lahat na lang, dapat ikaw ang bida! Pero okay na sana, eh. Okay na sana kung kahit konti may inilaan si Papa para sa akin. Ako ang nasa tabi niya sa lahat ng oras, habang ikaw, nagpapakakasarap sa buhay mo. Maging ang pagpasok niya sa illegal na negosyo at sindikato, sinuportahan ko. Pero ano ang ending? Lahat ng kayamanan, pera at posisyon niya, sa iyo lang pala niya iiwan! Ulol ba siya? Ako ang pinahirapan niya tapos lahat ng pakinabang sa iyo mapupunta? Hell, no!” parang nahihibang na sabi niya. Para siyang wala sa sariling katinuan habang nagsasalita. “Papatay ka dahil lang sa pera? Napaka
The next day, I spent almost the whole day sleeping and whining about my whole body being sore. Kinailangan ko pang uminom ng gamot para lang kahit papaano ay maibsan ang pananakit ng buong katawan ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa baby ko. “Sorry, baby, na-diet kasi nang husto si Daddy, kaya iyon ayaw paawat!” hinging paumanhin ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Madilim na sa labas at katatapos ko pa lamang maligo. Ilang beses akong napapangiwi habang nagsasabon at nagbabanlaw kanina dahil sa hapdi ng pagkababae ko. Parang namamaga na nga yata iyon at maging ang pag-ihi ay isang malaking pagsubok! Napaangat ako ng paningin nang biglang bumukas nag pintuan ng kuwarto. Inaasahan kong si Lance ang papasok pero bumagsak ang balikat ko nang dalawang katulong na parehong may dalang tray ng pagkain at mga prutas ang pumasok. “Nasaan ang Sir ni’yo?” nakangiting tanong ko nang maupo na ako sa harap ng mga nakahaing pagkain. “Um
“Ha? Bakit? May nangyari ba sa kanila?” nahihintakutang tanong ko. Bigla kasi akong kinabahan sa ibinalita niya sa akin. “Nagsiguro lang ako dahil alam ko kung gaano na kadesperado si Darwin na mahanap ka. At alam kong ikaw ang gagamitin niya para mapasunod ako sa anumang iba pang binabalak niya. Kaya inunahan ko na siya bago pa niya maidamay ang pamilya mo. Kahit ang mga kaibigan mo ay pinababantayan ko na rin. Konting-konti na lang ay mahuhuli na rin namin ang hayop na iyon!” asar na tukoy ni Lance kay Darwin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. “Salamat, Lance. Salamat at hindi mo sila pinabayaan.” “Wala kang dapat ipagpasalamat. Ako pa nga ang dapat humingi ng dispensa dahil nadadamay kayo sa gulo ng pamilya ko,” may lungkot niyang sabi. “Hindi ka nag-iisa, Lance. Nandito lang ako. Magkasama nating harapin ang lahat ng problema,” sinserong sambit ko sa kaniya. “Hirap ka ba sa paglilihi? O kaya ay may mga gusto ka
“Lance, ano ba kasing klaseng buhay ito? Mabuti nga at ‘yang braso lang ang tinamaan sa iyo. Paano kung sa susunod ang ulo mo na o iyong parte ng katawan mo na pwede mong ikamatay?!” may pag-aalalang panunumbat ko. Nasubukan ko nang maranasan ang mapaulanan ng bala at pasabugan pa ang sinasakyan. Doon ko rin nakita kung gaano kagaling makipagbarilan ni Lance. Maliksi siya at sigurado ang bawat kilos nito. Pero kasabay din noon ang katotohanang napakadelikado ng mga ganoong sitwasiyon. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap nang mahigpit. Noong una ay nalito ako kung ano ang gagawin pero parang kusa namang umangat ang mga kamay ko para tugunin ang yakap niya. “I’m very sorry for putting you in danger, Farah. Akala ko, matatapos ko ang lahat ng ito bago ko maipagtapat sa iyo na hindi totoong nakalimutan kita. Pero sakim si Darwin. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako napapatay. At natatakot ako dahil pati ikaw ay gusto niyang idamay,” madamdaming saa
“Hindi mo naman kasalanan iyon dahil may sakit ka. Kaya naiintindihan ko kung hindi ka naniniwala sa ak–” “I never lost my memory, or any memory at all!” naagaw ang atensiyon ko at napatunganga ako sa pagputol niya sa pagsasalita ko. “What?” naguguluhang tanong ko. “I was just pretending that time,” mababa ang boses na pag-amin niya. Doon na tuluyang umawang ang bibig ko. Para bang sa isang segundo lang pagkatapos niyang sabihin iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Ang kalituhan ko ay biglang napalitan ng galit at paghihinakit. Matalim ko siyang tiningnan at doon ko napansin ang paglunok niya dahil sa paggalaw ng kaniyang Adam’s apple. “Why?” may diin at nagtatagis ang mga ngiping tanong ko. Kagyat na nanubig ang mga mata ko dahil isa-isang nagbalik sa isip ko ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Ang mga pang-iinsultong halos pumatay na sa akin at dumurog sa lahat ng pinaniniwalaan ko tungkol sa pag-ibig at mga p
Dahil sa nangyari sa nagdaang gabi ay halos hindi ako nakatulog. Bigla-bigla na lang akong nagugulat at kinakabahan. Kahit konting ingay lang ay madali akong naaalimpungatan mula sa pagkakaidlip ko. Kaya hanggang ngayon, kahit mag-aalas- nuwebe na ay naririto pa rin ako sa kuwarto at tulala. Naagaw lang ang atensiyon ko nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko. “Ate, gising ka na daw ba? Tinatawag ka na nina Mommy at Daddy. Kumain ka na raw po!” narinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. Huminga ako ng malalim at napilitang bumangon na rin. “Oo, sige. Pakisabi susunod na ako,” sagot ko. Pilit kong pinasisigla ang boses ko para hindi siya makahalata. Naligo ako at nagbihis bago lumabas ng silid ko. Naabutan ko sa sala sina Mommy at Daddy. Seryoso ang pag-uusap ng dalawa kaya hindi nila napansin ang paglapit ko. “Mom, Dad, good morning po!” bati ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sa akin at ngumiti. “Anak, tinanghali ka, ah? Hindi ka rin kumain kagabi. Akala ko nga ay may s
Tumikhim si Darwin na umagaw sa atensiyon ng dalawa. Si Lance lang ang lumingon habang si Hailey ay patuloy lang sa paghalik sa kaniya. Pinigil niya ito at kunot’noong tumingin sa akin.“Ano na namang ginagawa ng babaeng iyan dito?” mataray na tanong ni Hailey. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nanatiling nakapako ang paningin ko kay Lance.Inilabas ko ang kaheta mula sa bag ko at walang imik na lumapit sa kinanaroroonan niya.“Huwag kayong mag-aalala, hindi ko kayo guguluhin. Pasensya na sa abala,” buong katatagan kong saad kahit parang sinusuntok ang puso ko sa sakit.“Kung gano’n, bakit ka nandito?” malamig na tanong ni Lance.Iniabot ko sa kaniya ang kaheta at may pagtataka niya iyong tiningnan.“Ibabalik ko lang ito, sa iyo. Nakalimutan kong ibigay noong huling palayasin mo ako rito,” walang-buhay na sabi ko. Inabot naman niya iyon kaya agad na akong tumalikod upang lumabas.“Sana nga hindi na kita makitang muli,” nanunuyang saad ni Lance. Napapikit ako at marahang pinagdikit an
“Lance… hindi mo ba talaga ako naaalala?” halos pumiyok nang tanong ko. Muli akong napalunok upang pigilan ang sariling maiyak dahil bahagya na ring nanginig ang mga labi ko. Gusto kong maging matapang sa kabila nang paghilab ng dibdib ko dahil sa malamig na trato niya sa akin.“Makulit ka rin talaga, eh, ano? Ilang beses ko nang sinagot iyang tanong mo! Ikaw lang itong hindi makaintindi dahil ipinipilit mo ang sarili mo sa akin! Bakit? Magkano ba ang kailangan mo para tigilan mo na ako?” nang-iinsultong tanong niya. Napanganga ako sa sinabi niya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan pa ang maiyak.“Lance, buntis ako…” umiiyak kong sambit. “Miss na miss na kita…” pagpapatuloy ko pa. Pero hindi nagbago ang malamig na tingin nito sa akin. Dahil doon ay lalo akong napahikbi sa sobrang sakit na dinaranas ng puso ko. Para itong patuloy na dinudurog at tinatapakan pa nang paulit-ulit.“Ah… iyon naman pala! Buntis ka rin at gusto mong ipaako sa akin?” nagulat ako nang pagak siyang