Pasado alas-siete na ng gabi nang matapos ni Samantha i-encode ang lahat ng report sa iniwang papeles ni Ms. Lalaine. Agad siyang nag-text sa boss niya at hinintay ang reply nito. Subalit pasado alas-otso na, hindi pa rin ito nagte-text back. Napilitan siya tuloy na tawagan ito. Mabuti na lang at sinagot nito ang tawag niya kahit na alanganin siya. Pagkatapos ng fifteen minutes, nag-text na si Ms. Lalaine na puwede na niyang i-print ang document.Kaso, hindi niya alam kung nagkataon lang o talagang minamalas ba siya ng gabing iyon dahil pati printer niya may sumpong. Kinailangan pa niyang i-access ang printer ng nasa kabilang work station para lang makapag-print siya.Pagpatak ng alas otso y media, hawak na niya ang mga papeles na kailangan niyang ibigay kay Sir Aaron.Sir Aaron.Aaron Miguel Sandejas, 28 years old at panganay na anak nina Sir Greg at Madam Liza Sandejas, ang may-ari ng Sandejas Shipping Lines. Matangkad, guwapo,
Huling Na-update : 2021-11-25 Magbasa pa