Home / Romance / That First Night With Mr. CEO / Chapter 1: First Night

Share

That First Night With Mr. CEO
That First Night With Mr. CEO
Author: Jenny Javier

Chapter 1: First Night

Sumulyap si Samantha sa wall clock. Fifteen minutes before five in the afternoon. Alanganin siyang nagpalinga-linga sa maliit na cubicle  niya na katabi mismo ng opisina ni Ms. Lalaine Gutierrez, ang VP for Marketing ng Sandejas Shipping Lines o SSL. Girl friday siya ni Ms. Lalaine. Mabait ang boss niya  subalit may pagka-istrikta lalo na sa oras. At sa mahigit isang taon na niyang pagta-trabaho roon, saulado na niya ang work ethics ng boss niya. Mabait at approachable ito sa labas ng trabaho. Pero during office hours, istrikta ito at hindi nagdadalawang-isip na ipakita sa kanya na ito ang boss at siya ang empleyado.

Ang sabi nito, maganda raw na training niya ang ganoon lalo at graduating na siya sa kurso niyang Bachelor of Science in Business Administration. Kapag nakuha na raw niya ang diploma niya, puwede na raw siyang i-hire permanently ng kumpanya bilang executive secretary nito, bagay na gusto rin niya sanang mangyari.

Nahihirapan pa rin siya kasi hanggang ngayon.  Pinagkakasya niya ang suweldo niya sa baon niya, gastusin sa bahay at maging gamot para sa Mama niya. First year college siya nang mamatay sa isang aksidente ang Papa niya. Dahil sa lungkot at labis na pag-iisip, na-stroke naman ang Mama niya. Napilitan siyang tumigil sa pag-aaral noon upang makapagtrabaho siya at makapag-ipon para sa kanilang mag-ina. Pagkatapos ng isang taon, nag-enroll siya ulit sa university at nag-apply bilang student assistant sa library. Dahil maayos naman ang grades niya, isa sa mga professors niya ang nag-recommend sa kanya for scholarship sa SSL Foundation. At nang mag-offer ng summer job ang SSL para sa mga gaya niyang working student, hindi niya pinalampas ang pagkakataon. Na-assign siya agad sa opisina ni Ms. Lalaine bilang girl friday ng secretary nitong si Ms. Jean. Magaan katrabaho ang dalawang babae at sa loob ng halos tatlong buwan niyang pagta-trabaho roon, naging malapit ang loob niya sa mga ito. Ang sana’y summer job lang niya noon, naging part-time job hanggang sa naging contractual employee na siya ng kumpanya. Lalo na nang mag-resign si Ms. Jean, halos anim na buwan na nag nakararaan. Ayaw kumuha ni Ms. Lalaine ng ibang assistant kundi siya lang. Alam na raw niya kasi ang pasikot-sikot sa trabaho ni Ms. Jean kaya malaki ang tiwala nito sa kanya. Kaya naman laking pasasalamat niya dahil kahit paano may maayos siyang trabaho.

Kung may iaangal lang nga siya sa kalagayan niya ngayon, iyon na siguro ang madalas siyang distracted sa night class niya dahil sa pagod sa trabaho. Idagdag pa na pagdating niya sa bahay, inaasikaso pa niya ang Mama niya at ang mga pangangailangan nito sa susunod na araw. Buti na lang, nariyan lagi ang bestfriend niya at kapitbahay na si Bettina.

 Sa araw, tuwing wala siya, si Bettina ang tumitingin-tingin sa Mama niya—naghahatid ng pagkain at iba pang pangangailangan nito. Dalawang taon ang tanda ni Bettina sa kanya subalit hindi ito nakapagtapos sa pag-aaral. Nakipag-live-in ito nang maaga subalit nakipaghiwalay din sa ex-boyfriend nitong mukhang walang pangarap sa buhay. Mabuti na lang at hindi ito nagka-anak sa ex-boyfriend nito. At imbes na mag-aral ulit, nagtayo na lang ito ng maliit na tindahan na siyang pinagkakabalahan nito ngayon. Mabuti na lang din, dahil hindi niya siguro alam kung paano niya hahatiin ang sarili niya sa araw-araw kung wala si Bettina.

Sumulyap siya sa kalendaryo sa table niya. Isang sem at kalahati na lang, ga-graduate na siya. Kailangan lang niyang magtiis pa nang kaunti. Magiging maayos din siya—sila ng Mama niya.

Maya-maya pa, tumunog ang intercom. “Sam, please get inside my office,” ani Ms. Lalaine. Agad siyang tumingala, limang minuto bago  mag-alas singko.

Sana madali lang ang iuutos ni Ma’am, lihim niyang sabi.

Pagtuntong niya sa opisina ni Ms. Lalaine, agad na umangat ang magandang mukha nito sa kanya. Nasa early 40’s na si Ms. Lalaine, maganda at palangiti. Ngunit sa mga oras na iyon, ni hindi ito ngumiti, sumulyap lang sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa laptop nito. Bakas ang stress sa mukha nito.

“I need your help, Sam,” umpisa nito. “Puwede bang mag-absent ka muna ngayong gabi sa klase mo?” anito habang patuloy sa pagta-type sa laptop nito.

Lihim siyang napangiwi. Ni minsan hindi pa siya nag-aabsent sa night classes niya kahit na anong pagod niya sa trabaho. Pero sa nakikita niyang stress sa mukha ni Ms. Lalaine, mukhang kailangan nga nito ng tulong niya at hindi siya makakahindi sa pakiusap nito.

Ngumiti siya. “Puwede naman po siguro, Ma’am. Wala naman po kaming exam ngayon,” sagot niya.

Nagbuga ng hininga si Ms. Lalaine, sumulyap ulit sa kanya at tipid na ngumiti. “This will be just a couple of pages, Sam. You’ll just need to encode it and then pass it to Sir Aaron at the penthouse.” Tumuro ito sa taas, sa direksiyon ng penthouse ni Sir Aaron, ang interim CEO nila sa SSL. “He wanted this report today. Tumawag na ako kay Vivianne, nag-undertime raw si Sir Aaron at may aasikasuhin. Hindi ko na ito naihabol bago siya lumabas,” paliwanag pa ulit ni Ms. Lalaine, ang mga mata nakatutok pa rin sa laptop nito. “Okay lang ba ‘yon, Sam? Hinahabol ko kasi ‘yong family dinner namin sa parents ni Raffy. I will be bringing the kids. E alam mo naman kung gaano kagulo ‘yong kambal kapag may sumpong.”

Hiwalay na si Ms. Lalaine sa asawa nitong si Raffy. Ayon sa kuwento noon sa kanya ni Ms. Jean, nambabae raw ang asawa nito dahil workaholic si Ms. Lalaine. Pero nagko-co-parenting sila para na rin sa walong taong gulang na kambal na anak ng mga ito.

Lumapit na siya sa mesa ni Ms. Lalaine. “Ilang pages po ba ang ie-encode pa, Ma’am?”

Tumigil na ito sa pagtipa sa laptop nito, inayos ang reading glasses nito bago tumingin sa kanya. “Around 15-20 pages pa. These are the reports from our last campaign 6 months ago. Kailangan daw ni Sir Aaron for a comparative study sa expenses ng ibang department. You know, Sir Aaron is a little old school. Abogado kasi. He wants everything in paper.”

Tipid siyang ngumiti bago tumango. “Sige, Ma’am. Ako na lang po ang tatapos.”

Nagbuga ng hininga si Ms. Lalaine, ngumiti. “Okay I’ll send you the file, now,” anito bago muling tumipa sa laptop nito. “There, done! Thank you so much, Sam. I owe you this one,” anito na mabilis na tumayo sa swivel chair nito at naghanda sa pag-alis. Sinipat nito ang mamahalin nitong wristwatch. “Shoot! It’s already five!” bulalas nito bago minadali ang pagliligpit sa mga gamit nito. Magkasabay pa silang lumabas sa opisina nito.  “Just send me the file before you print it out. I will check it before you give it Sir Aaron. Remember, just drop the document and leave,” bilin pa nito bago ito umalis.

Pag-alis ng boss niya, bumalik siya sa cubicle niya at muli niyang tiningala ang wall clock. Sampung minuto matapos mag-alas singko. Sinilip niya ang floor kung nasaan ang department nila. Isa-isa nang nagliligpit ng gamit ang mga kasama niya roon, naghahanda na sa pag-uwi. Pero siya may kailangan pang tapusin.

Pag-upo niya sa office chair niya, agad niyang in-access ang file na kailangan niyang tapusin at nagsimulang tumipa.

Mga Comments (15)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Combis
interesting next pls
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
maganda ...️...️...️
goodnovel comment avatar
Nanc y Obias
.........🫶🫶...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status