Masakit na liwanang na nagmumula sa kung saan ang nagpamulat kay Samantha kinabukasan. Malakas na ang buhos ng liwanag mula sa bintana ng kanyang kuwarto. Ibig sabihin, tanghali na at hindi na siya nakapasok sa opisina pagkatapos ng mga nangyari kagabi.
Kagabi.
Napakagat-labi siya nang maalala ang nagdaang gabi. Ang paghahabol niya sa oras. Ang pagkawala ng kuryente sa SSL building. Ang eksenang natagpuan niya sa loob ng penthouse ni Sir Aaron at ang…
Sir Aaron.
Marahan siyang napapikit at dinama ang kanyang labi. Ramdam pa niya ang init ng h***k ni Sir Aaron doon. Dama pa ng balat niya ang bawat paghaplos ng mga palad nito. At dala pa rin ng puso niya ang ligaya na dulot ng pag-angkin nito sa kanya.
Marahan siyang nagmulat nang maramdaman ang pamumula ng pisngi niya. Mabilis niyang kinuha ang unan sa tabi niya at itinakip iyon sa kanyang mukha. Gusto niyang magsisigaw at maglulundag dahil panay ang alon ng kilig sa d****b niya. Ngayon na maayos na ang huwisyo niya at naaalala niya ang lahat, tila nahihiya siya. Pero kagabi, habang kusang loob niyang ibinibigay kay Sir Aaron ang sarili niya, ni hindi niya naisip ang hiya o kung ano pa mang dapat niya sanang maisip. Ang tanging naiisip lang niya ng mga oras na iyon, ang ‘di maipaliwanag na saya sa puso niya at ang mga h***k at yakap ng boss nila.
Alam niya, para siyang gaga. Ibinigay niya ang sarili niya sa isang lalaking lango sa alak at walang kasiguruhan kung maaalala pa siya. Pero hindi siya nagsisisi. Gusto niya si Sir Aaron. Marahil nga, higit pa sa gusto. At ewan ba niya kung bakit pakiramdam niya na dapat siya talaga ang naroon kagabi at hindi si Ms. Krisitine na siyang palagi nitong binabanggit.
Napabuntong-hininga siya at bumangon sa kanyang kama. Napangiwi siya nang makaramdam siya ng kaunting sakit sa kanyang pagkababae. Patunay talaga iyon na nangyari ang kagabi at hindi siya nag-iilusyon lang.
Wala sa sarili siyang humarap sa salamin. Aside from losing her innocence, wala namang nagbago sa kanya. Siya pa rin si Samantha Bautista. Nag-iisang anak, working student at marami nang responsibildad sa buhay sa edad na bente-tres.
Bumuntong-hininga siya at kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa tokador. Kailangan niyang mag-text kay Ms. Lalaine na magha-half day siya ngayon. Hindi siya pala-absent pero dahil sa mga pangyayari kagabi, hindi niya sigurado kung makakakilos din siya nang maayos agad sa opisina. Kailangan niyang ipahinga ang katawan niya kahit ilang oras lang.
Tatlong ulit siyang inangkin ni Sir Aaron kagabi. At nanatili siya sa penthouse nito ng halos dalawang oras. Kung paanong nangyari ang mga nangyari kagabi, hindi niya pa rin alam. Subalit isa lang ang sigurado siya, hindi niya makakalimutan ang nagdaang gabi kahit na kailan.
Mabilis siyang tumipa sa cellphone niya. Nag-text siya kay Ms. Lalaine kung puwede siyang maghalf-day. Minuto lang ang binilang, nag-reply ang boss niya. Pumayag ito sa request niya. Maya-maya pa, tumawag ito. Kinakabahan man, sinagot niya ang tawag.
“H-hello, Ma'am?” bati niya sa boss niya, alanganin.
“Sam, naibigay mo kay Sir Aaron 'yong file kagabi?” diretsong tanong ng boss niya sa kanya.
Napangiwi siya, tumikhim. “M-medyo po, Ma'am.”
“Medyo?”
Sinubukan niyang pigilan ang pagbangon ng kaba sa d****b niya. Kaya lang nagsimula nang pagpawisan ng malamig ang mga kamay niya. Mabanggit lang ang kagabi, parang nakukunsensiya na siya at kinakabahan nang sabay na hindi niya malaman.
“M-ma'am, ano po kasi...” Napalunok siya. “N-nawalan po ng kuryente kagabi kaya hindi ko po naibigay kay S-Sir Aaron nang personal 'yong file. K-kaya po iniwan ko na lang sa desk ni Ms. Viviane. S-sorry po. Hindi ko po kayo na-inform agad.” Napangiwi siya. Hindi siya sanay magsinungaling. Kaya lalo siyang nakukunsensiya sa ginagawa niya ngayon. Pero anong magagawa niya, hindi niya puwedeng sabihin sa iba na nagpunta siya sa bahay ni Sir Aaron kagabi at may nangyari sa kanila.
Nang makatulog si Sir Aaron bandang alas-dies y media ng gabi, saka pa lang siya dahan-dahang lumabas ng penthouse. Hindi pa bumabalik ang kuryente at lalo niyang ipinagpapasalamat iyon dahil hindi gumagana ang mga CCTV. Naging pabor iyon sa kanya upang isakatuparan ang plano niyang burahin ang anumang bakas ng pagkakakilanlan sa kanya kagabi. Ginamit niya ang staircase para pumunta sa executive floor at ilapag sa table ni Ms. Viviane ang report na ibibigay niya sana kay Sir Aaron. Gusto niyang pagmukhain na hindi talaga siya nakarating sa penthouse at malabo na nagkita sila ni Sir Aaron kagabi.
She was just at the wrong place at the wrong time. ‘Yon lang ‘yon.
At kahit na alam niyang imposible, ayaw niyang mahanap siya ni Sir Aaron kung sakali. Isa pa, gusto na niyang kalimutan ang mga nangyari kagabi at ipagpatuloy ang buhay niya na parang walang nangyari. Dahil alam niya, kahit na gaano kaganda para sa kanya ang nangyari kagabi, wala iyong bale kay Sir Aaron. Ni hindi nga siya nito kilala dahil pangalan ng girlfriend nito ang tinatawag nito tuwing inaangkin siya nito. Kaya ano pang panghahawakan niya? Ano pang aasahan niya?
Last night will be just a memory. A very beautiful memory.
“I see. That’s good. Mabuti na rin na hindi kayo nagkita ni Sir Aaron kagabi,” kalmadong pagbabalita ni Ms. Lalaine.
“B-bakit po?” kinakabahang tanong niya.
“May nangyari daw kay Sir Aaron.”
Napatuwid na siya ng tayo. Bumangon ang kaba sa d****b niya.
Anong nangyari kay Sir Aaron? Nasaktan ba ito? Naaksidente? Maayos naman niya itong iniwan kagabi. Siniguro din niyang naka-lock ang pinto at—
“I guess it’s between him and his actress girlfriend. He was upset. Viviane called and said that Madam Liza is calling off all meetings today on his behalf. Which is kind of good. We all need a breather after all the tension from the board for the past 6 months,” ani Ms. Lalaine bago nagbuga ng hininga. “Anyway, you can take the day off Sam. Take the extra hours of today to catch up with your lessons from your night classes.” Mabilis siyang nagpasalamat sa boss niya. Ilang minuti pa, pinutol na nito ang tawag.
Napabuga siya ng hininga. Mukhang alam na niya ngayon kung bakit naglasing si Sir Aaron kagabi. Dahil sa girlfriend nito.
Marahan siyang napailing nang makaramdam siya nang kaunting kurot sa d****b niya. Masakit mang isipin, pero ginamit lang siya talaga ni Sir Aaron para sa kung ano mang frustration nito sa girlfriend nito.
Well, ano ba ang ine-expect niya? Na nagustuhan siya ni Sir Aaron kaya may nangyari sa kanila?
Napahilot na siya sa ulo niya na biglang nanakit. Kailangan na niya sigurong mag-kape para mahimasmasan siya at umayos na ang huwisyo niya.
Mabilis siyang nagtali ng buhok at lumabas ng kuwarto niya.
Mabilis na naghilamos ng mukha at nag-toothbrush si Samantha bago siya dumiretso sa kusina at nagluto ng agahan. Tamang-tama at hindi pa lumalabas ng kuwarto ang Mama niya. Marahil napuyat din kakahintay sa kanya kagabi.Iyon ang isa sa mga bagay na iniiwasan niya. Ang ma-stress ang Mama niya. Sa tulong ng walker, bahagya nang nakakalakad ang Mama niya. Malaki ang naitulong ng physical therapy noong mga unang buwan matapos nitong ma-stroke. Sa pamamagitan ng maiingat na paggalaw, malaya itong nakaka-ikot ito sa inuupahan nilang bahay nila tuwing wala siya. Subalit gusto pa rin niyang makasiguro kaya maya’t-maya, chini-check ito ni Bettina. Noong nagsimula siyang magtrabaho sa SSL, talagang kusa siya nitong hinihintay sa gabi pagkatapos ng klase niya. Pero kagabi talaga, halos alas-dose na ng gabi siya nakauwi. At dahil sa pagkataranta niya sa nangyari, hindi na niya ito natawagan o nai-text man lang.Mamaya, paglabas nito ng kuwarto, magpapali
Aaron woke up from the hushed noises surrounding him. He opened his eyes only to curse under his breath when he felt that instant pounding on his head.“Aaron, are you awake?” said the familiar voice of his mother. Not a second longer, he saw his mother’s face hover over him. Agad nitong hinawakan ang pisngi niya. “Thank goodness you’re awake!” anito bago iniba ang direksiyon ng tingin. “Citas, isang tasa ng kape, please,” masuyong utos nito sa mayordoma nila sa bahay.Lalo siyang napangiwi, naguluhan. Why is Manang Citas there in his house? And more importantly, what is his mother doing in his house?He gritted his teeth and forced himself to sit. That’s when he realized that he slept on the carpet and was just wearing his boxers on. How the hell did he ended up like that, he doesn’t have any idea.He saw the plump figure of Manang Citas walked towards him from the kitchen. Inabot
Paglabas ni Aaron ng kuwarto niya, wala na ang Mommy niya at ang mga katulong nila. Nalinis na rin ang bahay niya. Wala na ang mga bubog sa sahig. Wala na rin ang mga basyo ng alak sa bar.He will go for a drive today. Before his mother left, sinabi nito sa kanya na ito mismo ang nag-cancel ng mga meetings niya ngayon so that he could think.Maya-maya pa, tumunog ang cellphone niya. He quickly fished out is phone from his pocket and answered the call.“What the bloody hell, Aaron! What have you been doing there that Mom’s calling me to get married and give her grandkids already?” said the man with heavy British accent on the other line.Napangsi siya. The caller was Joshua, his younger brother. He had been living in London for three years now for his masterals. He’s supposed to be the interim CEO ng SSL pero ayaw nito. Mas gusto nito ang buhay sa abroad. Or mas tamang sabihin na mas gusto nito ang bachelor life abroad
Hindi mapakali si Samantha habang hinihintay niyang matapos ang pagkakabit ng Central Venous Catheter o CVC para sa emergency dialysis ng Mama niya. Lumipad ang tingin niya sa labas ng bintana ng ospital. Malapit nang lumatag ang dilim at hindi niya mapigilan ang maiyak dahil hindi siya sigurado kung bukas, kasama pa niya ang Mama niya. Yumuko siya at pinagsalikop ang mga kamay niya.Kanina pa niya gustong umiyak pero pinipigilan niya. Mula nang mamatay ang Papa niya at magkasakit ang Mama niya, ni minsan hindi na siya nakaramdam ng pagod o panghihina. Ang alam niya, malakas na siya—immune sa lungkot at takot ng anumang hamon ng buhay. Pero hindi pala.Nang sabihin sa kanya ng doktor na tanging kidney transplant lang ang makakagamot sa sakit ng Mama niya at maging iyon ay walang kasiguruhan, pakiramdaman niya, pinagsakluban siya ng langit at lupa.Ayaw niyang mabuhay na wala ang Mama niya. Kahit alagaan niya ito habambuhay, basta
Aaron lifted his gaze from his laptop as soon as he heard the soft knock from the door of his office. Maya-maya pa, sumilip sa pinto si Viviane, ang dating secretary ng Daddy niya na secretary na rin niya ngayon.“May bisita ka,” seryosong balita nito.Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa laptop niya. “Tell them I’m busy—““It’s Kristine,” putol ni Viviane sa kanya.He huffed and returned his eyes to the older woman. He clenched his fists and tried to restrain his anger. He hesitated for a while but in the end, he gave Viviane a gentle nod—signaling the older lady to allow the visitor to enter.Maya-maya pa, niluwangan ni Viviane ang pagkakabukas ng pinto ng opisina niya. Agad na pumasok si Kristine, wearing her pretty New Yorker inspired outfit. He suppressed a smile as soon as his eyes landed on her. His Kristine is really very pretty. And his heart thumped into a familiar
Tulala si Samantha habang nakatingin sa ataul na ngayon ay nasa sala na ng bahay nila. Kung paano niya nagawang itawid ang kahapon na unang araw ng lamay ng Mama niya, hindi niya alam. Siguro, kung wala si Bettina at ang iba pa nilang kapitbahay na tumulong sa kanya, hindi niya alam kung kaya pa niyang tumayo ngayon. Masyadong malungkot, palihim na nadudurog.Kagabi, pinilit siya ng doktor ng Mama niya na uminom ng pampatulog upang makatulong daw sa pag-process niya ng pagkamatay ng Mama niya. Nakatulog siya, subalit paggising niya kaninang umaga, ramdam pa rin ang walang kaparis na hinagpis sa puso niya. Ilang beses siyang humiling na sana, panaginip lang ang lahat. Na sana, hindi totoo ang mga nakikita niya ngayon sa bahay nila—ang mga bulaklak, ang mga kapitbahay na nakikiramay, at ang ataul kung saan nakahimlay ang bangkay ng Mama niya.Kaya lang, kahit na anong gawin niyang pagpikit, tuwing magmumulat siya, ganoon pa rin. Walang pagbabago.
Aaron watched his mother pace anxiously in his office at SSL. It’s 7 in the evening and truth be told, though he has been trained to spend indefinite hours in the courtroom, his body has been feeling the strain of the day. Or should he say, the strain of the past few weeks.It’s just supposed to be an ordinary day, had it not been for that damn accident on one of their cargo ships. At kahit hinihintay pa niya ang pagbabalik ng mga tauhan niya sa SSL for an emergency meeting, alam na niya agad na malaking halaga ang mawawala sa kanila dahil sa aksidente.The ship carries products from their biggest clients. And though they had always practiced insuring the goods entrusted to them, still, the accident will cost them much in paying for the damages and penalties. As if the pulling out of investment of Mr. Smith, one of their biggest investors, was not enough for him to handle. The move shook their financial stability and some of the board me
Kabado si Samantha habang hinihintay niya si Ms. Lalaine na bumalik sa office nito. Pagpasok niya sa opisina kanina, alam niyang mayroon nang kakaiba sa paligid. Kung noon, ang iba niyang kasamahan sa trabaho nagagawa pang makipag-tsismisan bago magtrabaho, ngayon, walang gano’ng eksena. Lahat aligaga sa pagtatrabaho.Si Shantelle na ang nagsabi sa kanya kung bakit—nahaharap sa matinding financial crisis ang SSL at nagdesisyon na raw si Sir Aaron na mag-downsize ng manpower.Ang tsismis na narinig lang niya noon sa HR, magkakatotoo na. At kahit na alam niyang kaya siyang ipaglaban ni Ms. Lalaine, hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil sa employment status niya.Contractual employee siya at madalas, ang mga gaya niya ang natatamaan sa retrenchment. Gusto sana niyang kausapin si Ms. Lalaine tungkol doon kaya lang, ang sabi ni Shantelle, gaya ng mga nakaraang araw, maagang nagpatawag ng meeting si Sir Aaron sa conference room.Kaya ngayo