Hindi mapakali si Samantha habang hinihintay niyang matapos ang pagkakabit ng Central Venous Catheter o CVC para sa emergency dialysis ng Mama niya. Lumipad ang tingin niya sa labas ng bintana ng ospital. Malapit nang lumatag ang dilim at hindi niya mapigilan ang maiyak dahil hindi siya sigurado kung bukas, kasama pa niya ang Mama niya. Yumuko siya at pinagsalikop ang mga kamay niya.
Kanina pa niya gustong umiyak pero pinipigilan niya. Mula nang mamatay ang Papa niya at magkasakit ang Mama niya, ni minsan hindi na siya nakaramdam ng pagod o panghihina. Ang alam niya, malakas na siya—immune sa lungkot at takot ng anumang hamon ng buhay. Pero hindi pala.
Nang sabihin sa kanya ng doktor na tanging kidney transplant lang ang makakagamot sa sakit ng Mama niya at maging iyon ay walang kasiguruhan, pakiramdaman niya, pinagsakluban siya ng langit at lupa.
Ayaw niyang mabuhay na wala ang Mama niya. Kahit alagaan niya ito habambuhay, basta
Aaron lifted his gaze from his laptop as soon as he heard the soft knock from the door of his office. Maya-maya pa, sumilip sa pinto si Viviane, ang dating secretary ng Daddy niya na secretary na rin niya ngayon.“May bisita ka,” seryosong balita nito.Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa laptop niya. “Tell them I’m busy—““It’s Kristine,” putol ni Viviane sa kanya.He huffed and returned his eyes to the older woman. He clenched his fists and tried to restrain his anger. He hesitated for a while but in the end, he gave Viviane a gentle nod—signaling the older lady to allow the visitor to enter.Maya-maya pa, niluwangan ni Viviane ang pagkakabukas ng pinto ng opisina niya. Agad na pumasok si Kristine, wearing her pretty New Yorker inspired outfit. He suppressed a smile as soon as his eyes landed on her. His Kristine is really very pretty. And his heart thumped into a familiar
Tulala si Samantha habang nakatingin sa ataul na ngayon ay nasa sala na ng bahay nila. Kung paano niya nagawang itawid ang kahapon na unang araw ng lamay ng Mama niya, hindi niya alam. Siguro, kung wala si Bettina at ang iba pa nilang kapitbahay na tumulong sa kanya, hindi niya alam kung kaya pa niyang tumayo ngayon. Masyadong malungkot, palihim na nadudurog.Kagabi, pinilit siya ng doktor ng Mama niya na uminom ng pampatulog upang makatulong daw sa pag-process niya ng pagkamatay ng Mama niya. Nakatulog siya, subalit paggising niya kaninang umaga, ramdam pa rin ang walang kaparis na hinagpis sa puso niya. Ilang beses siyang humiling na sana, panaginip lang ang lahat. Na sana, hindi totoo ang mga nakikita niya ngayon sa bahay nila—ang mga bulaklak, ang mga kapitbahay na nakikiramay, at ang ataul kung saan nakahimlay ang bangkay ng Mama niya.Kaya lang, kahit na anong gawin niyang pagpikit, tuwing magmumulat siya, ganoon pa rin. Walang pagbabago.
Aaron watched his mother pace anxiously in his office at SSL. It’s 7 in the evening and truth be told, though he has been trained to spend indefinite hours in the courtroom, his body has been feeling the strain of the day. Or should he say, the strain of the past few weeks.It’s just supposed to be an ordinary day, had it not been for that damn accident on one of their cargo ships. At kahit hinihintay pa niya ang pagbabalik ng mga tauhan niya sa SSL for an emergency meeting, alam na niya agad na malaking halaga ang mawawala sa kanila dahil sa aksidente.The ship carries products from their biggest clients. And though they had always practiced insuring the goods entrusted to them, still, the accident will cost them much in paying for the damages and penalties. As if the pulling out of investment of Mr. Smith, one of their biggest investors, was not enough for him to handle. The move shook their financial stability and some of the board me
Kabado si Samantha habang hinihintay niya si Ms. Lalaine na bumalik sa office nito. Pagpasok niya sa opisina kanina, alam niyang mayroon nang kakaiba sa paligid. Kung noon, ang iba niyang kasamahan sa trabaho nagagawa pang makipag-tsismisan bago magtrabaho, ngayon, walang gano’ng eksena. Lahat aligaga sa pagtatrabaho.Si Shantelle na ang nagsabi sa kanya kung bakit—nahaharap sa matinding financial crisis ang SSL at nagdesisyon na raw si Sir Aaron na mag-downsize ng manpower.Ang tsismis na narinig lang niya noon sa HR, magkakatotoo na. At kahit na alam niyang kaya siyang ipaglaban ni Ms. Lalaine, hindi pa rin niya maiwasang kabahan dahil sa employment status niya.Contractual employee siya at madalas, ang mga gaya niya ang natatamaan sa retrenchment. Gusto sana niyang kausapin si Ms. Lalaine tungkol doon kaya lang, ang sabi ni Shantelle, gaya ng mga nakaraang araw, maagang nagpatawag ng meeting si Sir Aaron sa conference room.Kaya ngayo
Malakas sa tenga ni Samantha ang tunog ng pagtik-tak ng wall clock habang nakaupo siya sa cubicle niya. Alas-tres na ng hapon at iyon na ang huling araw niya sa trabaho. Subalit imbes na mag-concentrate sa pag-aayos ng files na iiwan niya, inaabangan niya ang pagbalik ni Sir Aaron sa opisina nito. Maya’t-maya ang tawag niya kay Ms. Viviane, tinatanong niya kung nakabalik na ba ang boss nito at puwede na ba itong kausapin. Kaya lang, humapon na at malapit nang matapos ang working hours, pero hindi pa rin niya natitiyempuhan si Sir Aaron.Buo na ang loob niya, makikiusap siya na i-retain siya trabaho kahit na ilang buwan lang. Hanggang sa sigurado na siyang may malilipatan na trabaho. Ayaw niyang mabakante sa pagtatrabaho. Mas mahirap kasi iyon para sa kanya. Lalo pa ngayon at sumusubok siya ulit na umutang sa iba pang lending companies.Naisip na rin niyang isanla ang mga natitira pang alahas ng Mama niya. Pero hindi pa niya iyon nagagawa. May sentim
Pagod na bumaba sa babaan ng jeep si Samantha. Pagkatapos niyon, patamad siyang naglakad. Dalawang kanto lang ang layo ng inuupahan niyang bahay mula doon kaya talagang nilalakad lang niya iyon pauwi. Kaya lang, sa mga oras na ‘yon, parang mas gusto niyang magtraysikel na lang pauwi. Pagod na pagod na kasi ang mga paa niya. Iyon na ang ikatlong araw na maghapon siyang nasa labas at naghahanap ng trabaho. Kaya lang, wala pa rin talaga siyang mahanap na trabaho na puwede niyang pasukan. Kung hindi siya qualified dahil undergraduate siya, nagkakaproblema siya sa working hours dahil ang iba, night shift ang schedule ng pagtatrabaho.Kanina, matapos niyang magpasa ng application sa isang call center, dumaan siya sa university. Nag-file siya ng LOA para sa kasalukuyang sem. Desidido na kasi siya. Alam niyang importante ang sem na iyon upang makatapos siya. Pero sa ngayon, mas kailangan niyang magtrabaho upang mabuhay siya at makapagbayad ng uta
Humugot ng malalim na hininga si Samanta at mabilis na nagpakalma ng sarili nang mapagbuksan niya ng pinto ang mag-inang Dimayuga. Alas-otso pa lang ng umaga ng Biyernes pero hindi talaga nag-aksaya ng oras ang mga ito upang maningil.Nakataas ang kilay ni Mrs. Dimayuga habang nakatingin sa kanya. Si Robin naman, nakangisi pa rin habang paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya na para ba siyang isang ulam na balak nitong lantakan. Agad siyang nairita sa ginawi nito. Gusto niya sana itong singhalan kaya lang, kasama nito ang nanay nito. At ang ipahiya si Robin sa harap ng nanay nito ang pinahuli niyang gagawin ng mga oras na iyon. Dahil mula pa noong maliliit sila, overprotective na si Mrs. Dimayuga sa unico hijo nito. Kaya tuloy lumaki itong spoiled at barumbado.“Biyernes na, Samantha. Alam mo ang pakay namin. Hindi mo ba kami papapasukin?” ani Mrs. Dimayuga, pasuplada.Kumurap siya at mabilis na niluwangan ang pagkakabu
Nagmamadaling binuksan ni Samantha ang ilaw sa buong kabahayan. Nagpatuloy ang pagkatok sa pinto, papalakas. Subalit ni hindi niya iyon nilapitan. Nanatili siyang nakatayo sa sala, gulat at kinakabahan.“Sam, si Robin ‘to. Buksan mo ‘to. Ano ba?!” anang nasa pinto. Hindi siya nakasagot nang biglang umalon ang matinding kaba sa d*bdib niya.Mabagal at halos nabubulol si Robin sa pagsasalita. Sigurado siya, lasing ito. Lalo siyang nanginig. Halos hindi niya lubos maisip ang maaring gawin ni Robin sa kanya sa sandaling makapasok ito sa bahay niya.Taranta siyang tumipa sa cellphone niya at sinubukan ulit na tawagan si Bettina. Kaya lang, nakailan nang ring ang kabilang linya, hindi pa rin sumasagot ang kaibigan niya. Lalo siyang nataranta at nagpalinga-linga—nag-iisip ng puwede niyang gawing sandata sandaling makapasok sa loob ng bahay niya ang lasing na si Robin.Maya-maya pa, tumigil na ang pagkatok. Napatitig si