Malakas sa tenga ni Samantha ang tunog ng pagtik-tak ng wall clock habang nakaupo siya sa cubicle niya. Alas-tres na ng hapon at iyon na ang huling araw niya sa trabaho. Subalit imbes na mag-concentrate sa pag-aayos ng files na iiwan niya, inaabangan niya ang pagbalik ni Sir Aaron sa opisina nito. Maya’t-maya ang tawag niya kay Ms. Viviane, tinatanong niya kung nakabalik na ba ang boss nito at puwede na ba itong kausapin. Kaya lang, humapon na at malapit nang matapos ang working hours, pero hindi pa rin niya natitiyempuhan si Sir Aaron.
Buo na ang loob niya, makikiusap siya na i-retain siya trabaho kahit na ilang buwan lang. Hanggang sa sigurado na siyang may malilipatan na trabaho. Ayaw niyang mabakante sa pagtatrabaho. Mas mahirap kasi iyon para sa kanya. Lalo pa ngayon at sumusubok siya ulit na umutang sa iba pang lending companies.
Naisip na rin niyang isanla ang mga natitira pang alahas ng Mama niya. Pero hindi pa niya iyon nagagawa. May sentim
Pagod na bumaba sa babaan ng jeep si Samantha. Pagkatapos niyon, patamad siyang naglakad. Dalawang kanto lang ang layo ng inuupahan niyang bahay mula doon kaya talagang nilalakad lang niya iyon pauwi. Kaya lang, sa mga oras na ‘yon, parang mas gusto niyang magtraysikel na lang pauwi. Pagod na pagod na kasi ang mga paa niya. Iyon na ang ikatlong araw na maghapon siyang nasa labas at naghahanap ng trabaho. Kaya lang, wala pa rin talaga siyang mahanap na trabaho na puwede niyang pasukan. Kung hindi siya qualified dahil undergraduate siya, nagkakaproblema siya sa working hours dahil ang iba, night shift ang schedule ng pagtatrabaho.Kanina, matapos niyang magpasa ng application sa isang call center, dumaan siya sa university. Nag-file siya ng LOA para sa kasalukuyang sem. Desidido na kasi siya. Alam niyang importante ang sem na iyon upang makatapos siya. Pero sa ngayon, mas kailangan niyang magtrabaho upang mabuhay siya at makapagbayad ng uta
Humugot ng malalim na hininga si Samanta at mabilis na nagpakalma ng sarili nang mapagbuksan niya ng pinto ang mag-inang Dimayuga. Alas-otso pa lang ng umaga ng Biyernes pero hindi talaga nag-aksaya ng oras ang mga ito upang maningil.Nakataas ang kilay ni Mrs. Dimayuga habang nakatingin sa kanya. Si Robin naman, nakangisi pa rin habang paulit-ulit na pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya na para ba siyang isang ulam na balak nitong lantakan. Agad siyang nairita sa ginawi nito. Gusto niya sana itong singhalan kaya lang, kasama nito ang nanay nito. At ang ipahiya si Robin sa harap ng nanay nito ang pinahuli niyang gagawin ng mga oras na iyon. Dahil mula pa noong maliliit sila, overprotective na si Mrs. Dimayuga sa unico hijo nito. Kaya tuloy lumaki itong spoiled at barumbado.“Biyernes na, Samantha. Alam mo ang pakay namin. Hindi mo ba kami papapasukin?” ani Mrs. Dimayuga, pasuplada.Kumurap siya at mabilis na niluwangan ang pagkakabu
Nagmamadaling binuksan ni Samantha ang ilaw sa buong kabahayan. Nagpatuloy ang pagkatok sa pinto, papalakas. Subalit ni hindi niya iyon nilapitan. Nanatili siyang nakatayo sa sala, gulat at kinakabahan.“Sam, si Robin ‘to. Buksan mo ‘to. Ano ba?!” anang nasa pinto. Hindi siya nakasagot nang biglang umalon ang matinding kaba sa d*bdib niya.Mabagal at halos nabubulol si Robin sa pagsasalita. Sigurado siya, lasing ito. Lalo siyang nanginig. Halos hindi niya lubos maisip ang maaring gawin ni Robin sa kanya sa sandaling makapasok ito sa bahay niya.Taranta siyang tumipa sa cellphone niya at sinubukan ulit na tawagan si Bettina. Kaya lang, nakailan nang ring ang kabilang linya, hindi pa rin sumasagot ang kaibigan niya. Lalo siyang nataranta at nagpalinga-linga—nag-iisip ng puwede niyang gawing sandata sandaling makapasok sa loob ng bahay niya ang lasing na si Robin.Maya-maya pa, tumigil na ang pagkatok. Napatitig si
Gigil na in-off ni Samantha ang cellphone niya bago niya muling isinuksok iyon sa bag niya. Talagang sinusubok ng ibang tao ang pasensiya niya. Kung sabagay, wala namang bago roon sa nakalipas na tatlong araw. Paano, tawag nang tawag sa kanya si Mrs. Dimayuga. Kung hindi ito naniningil, hinahanap nito sa kanya ang anak nitong barumbado.Ano namang malay niya sa kinaroroonan ni Robin e nag-file na nga siya ng pormal na reklamo sa barangay dahil sa ginawa nitong pambubulabog sa kanya limang araw na ang nakararaan. Nagharap-harap pa silang tatlo sa barangay—siya at ang mag-inang Dimayuga. Pumirma din siya ng kasulatan na babayaran niya hanggang sa akinse ng susunod na buwan ang natitira pang pagkaka-utang niya sa mga ito. At kapalit niyon ay ang pagtigil sa panggugulo ni Robin sa kanya. Pumayag naman ang mga ito. Maayos naman ang usapan nila noong kaharap nila si Kapitan Domeng pero bakit ngayon, parang may amnesia ang mag-ina at halos araw-araw siyang kinuku
Masakit ang katawan ni Samantha nang magkamalay siya. Nagising siya dahil sa iba’t-ibang boses ng tao na nasa paligid niya. Kasunod niyon ang bahagyang pagkirot ng kaliwang kamay niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Una niyang namulatan ang puting kisame at ang malakas na buhos ng ilaw na nagmumula roon. Muli siyang napapikit. Agad niyang sinalag ang kamay niya sa kanyang mata, upang lalo lamang magulat nang mapansin niyang may nakatusok na suero sa likod ng palad niya.Noon mabilis na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. Hinahabol siya si Robin. Pagkatapos niyon, tumakbo siya papunta sa fastfood chain na malapit sa opisina nila. Nakabanggaan niya ang isang lalaki. Pagkatapos…Napasinghap siya, nanlaki ang mga mata. Wala sa sarili siyang napabalikwas ng bangon sa kama. Taranta siyang nagpalinga-linga. Nasa isang cubicle siya na balot ng blue na kurtina. Sa tapat niya ay isang nurse na abala sa pag-iinser
“Ano? Pakiulit mo nga ‘yong sinabi mo, Sam?” mataas ang boses na tanong ni Bettina kay Samantha. Napangiwi na siya at nakagat ang kanyang pang-ibabang labi, gusto niyang ipigilin ang mga luha niya. Kaya lang, lalo siyang naiiyak habang nakatingin siya kay Bettina. Nang-uusig ang mga mata nito kahit alam niyang hindi nito sadya. Siguro, kung buhay pa ang Mama niya, ganoon din ang magiging reaksyon. Kanina matapos siyang kuhanan ng initial statement ng mga pulis tungkol kay Robin, sinabihan siya ng nurse na tumawag ng makakasama niya lalo pa at iilipat siya sa rehydration room. Nag-alangan siyang tawagan si Bettina. Kaya lang, wala naman siyang maisip na puwedeng kasama niya habang nasa ospital siya. Pagdating ni Bettina sa ospital, taranta itong nagtanong sa kanya kung anong nangyari. Nasabi niya ang tungkol sa ginawa sa kanya ni Robin. Balak pa sana niyang maglihim, kaya lang alam niya, mas lalo lang siyang makukunsensiya kung pati kay Bettina, magsisi
Malungkot na pinagmamasdan ni Samantha ang puntod ng mga magulang niya. Doon siya dumiretso pagkatapos ng shift niya sa call center na pinapasukan niya. Dalawang linggo na niyang ginagawa iyon. Pakiramdam niya kasi, tuwing naroon siya, mas payapa siya dahil malapit siya sa mga magulang niya.Mula nang malaman niyang buntis siya, inaaraw-araw niya ang pagbisita roon. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa nagawa niya. Nakikiusap din siya na sana tulungan siya ng mga itong magdasal para sa kinabukasan niya at ng magiging anak niya.Hirap pa rin kasi siya, marami rin iniisip pa na problema. Una ang utang niya kay Mrs. Dimayuga. At siyempre ang iba ba niyang bayarin sa bahay. Halos tatlong buwan na siyang hindi nakakapagbigay ng upa. Mabuti na lang mabait si Aling Filomena, ang may-ari ng bahay na matagal nang inuupahan ng pamilya niya. Ang sabi nito, h’wag daw niyang problemahin muna ang bayad sa bahay. Subalit kahit na ganoon, alam niyang darating d
Maaga pa lang kinabukasan, gising na si Samantha. Nag-ayos siya ng mga gamit sa kusina at nagdilig ng halaman. Maganda ang gising niya ngayong araw. Unti-unti na rin kasing nawawala ang hilo at pagduduwal niya. Maayos na rin nang bahagya ang pagkain niya. Malaki siguro ang naitulong ng vitamins at maternity milk na inireseta ni Doc Angel.Wala pang alas-otso nang magpasya siyang mag-agahan na. Hindi niya makakasama sa agahan ngayon si Bettina. Maaga kasi itong pipila sa bangko upang kunin ang padala ni Kristoff na uutangin niya.Nagsasalin siya ng maternity milk sa baso nang makarinig siya ng katok sa pinto. Agad siyang naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang bisita niya.“M-Mrs. Dimayuga,” pautal na sabi niya.Gaya ng dati, naka-pulang blouse ito at slacks na itim. Nasa braso ulit nito ang mamahalin nitong bag. Mabilis nitong ibinuka ang pamaypay nito bago pinas