Nagmamadaling binuksan ni Samantha ang ilaw sa buong kabahayan. Nagpatuloy ang pagkatok sa pinto, papalakas. Subalit ni hindi niya iyon nilapitan. Nanatili siyang nakatayo sa sala, gulat at kinakabahan.
“Sam, si Robin ‘to. Buksan mo ‘to. Ano ba?!” anang nasa pinto. Hindi siya nakasagot nang biglang umalon ang matinding kaba sa d*bdib niya.
Mabagal at halos nabubulol si Robin sa pagsasalita. Sigurado siya, lasing ito. Lalo siyang nanginig. Halos hindi niya lubos maisip ang maaring gawin ni Robin sa kanya sa sandaling makapasok ito sa bahay niya.
Taranta siyang tumipa sa cellphone niya at sinubukan ulit na tawagan si Bettina. Kaya lang, nakailan nang ring ang kabilang linya, hindi pa rin sumasagot ang kaibigan niya. Lalo siyang nataranta at nagpalinga-linga—nag-iisip ng puwede niyang gawing sandata sandaling makapasok sa loob ng bahay niya ang lasing na si Robin.
Maya-maya pa, tumigil na ang pagkatok. Napatitig si
Gigil na in-off ni Samantha ang cellphone niya bago niya muling isinuksok iyon sa bag niya. Talagang sinusubok ng ibang tao ang pasensiya niya. Kung sabagay, wala namang bago roon sa nakalipas na tatlong araw. Paano, tawag nang tawag sa kanya si Mrs. Dimayuga. Kung hindi ito naniningil, hinahanap nito sa kanya ang anak nitong barumbado.Ano namang malay niya sa kinaroroonan ni Robin e nag-file na nga siya ng pormal na reklamo sa barangay dahil sa ginawa nitong pambubulabog sa kanya limang araw na ang nakararaan. Nagharap-harap pa silang tatlo sa barangay—siya at ang mag-inang Dimayuga. Pumirma din siya ng kasulatan na babayaran niya hanggang sa akinse ng susunod na buwan ang natitira pang pagkaka-utang niya sa mga ito. At kapalit niyon ay ang pagtigil sa panggugulo ni Robin sa kanya. Pumayag naman ang mga ito. Maayos naman ang usapan nila noong kaharap nila si Kapitan Domeng pero bakit ngayon, parang may amnesia ang mag-ina at halos araw-araw siyang kinuku
Masakit ang katawan ni Samantha nang magkamalay siya. Nagising siya dahil sa iba’t-ibang boses ng tao na nasa paligid niya. Kasunod niyon ang bahagyang pagkirot ng kaliwang kamay niya. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. Una niyang namulatan ang puting kisame at ang malakas na buhos ng ilaw na nagmumula roon. Muli siyang napapikit. Agad niyang sinalag ang kamay niya sa kanyang mata, upang lalo lamang magulat nang mapansin niyang may nakatusok na suero sa likod ng palad niya.Noon mabilis na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. Hinahabol siya si Robin. Pagkatapos niyon, tumakbo siya papunta sa fastfood chain na malapit sa opisina nila. Nakabanggaan niya ang isang lalaki. Pagkatapos…Napasinghap siya, nanlaki ang mga mata. Wala sa sarili siyang napabalikwas ng bangon sa kama. Taranta siyang nagpalinga-linga. Nasa isang cubicle siya na balot ng blue na kurtina. Sa tapat niya ay isang nurse na abala sa pag-iinser
“Ano? Pakiulit mo nga ‘yong sinabi mo, Sam?” mataas ang boses na tanong ni Bettina kay Samantha. Napangiwi na siya at nakagat ang kanyang pang-ibabang labi, gusto niyang ipigilin ang mga luha niya. Kaya lang, lalo siyang naiiyak habang nakatingin siya kay Bettina. Nang-uusig ang mga mata nito kahit alam niyang hindi nito sadya. Siguro, kung buhay pa ang Mama niya, ganoon din ang magiging reaksyon. Kanina matapos siyang kuhanan ng initial statement ng mga pulis tungkol kay Robin, sinabihan siya ng nurse na tumawag ng makakasama niya lalo pa at iilipat siya sa rehydration room. Nag-alangan siyang tawagan si Bettina. Kaya lang, wala naman siyang maisip na puwedeng kasama niya habang nasa ospital siya. Pagdating ni Bettina sa ospital, taranta itong nagtanong sa kanya kung anong nangyari. Nasabi niya ang tungkol sa ginawa sa kanya ni Robin. Balak pa sana niyang maglihim, kaya lang alam niya, mas lalo lang siyang makukunsensiya kung pati kay Bettina, magsisi
Malungkot na pinagmamasdan ni Samantha ang puntod ng mga magulang niya. Doon siya dumiretso pagkatapos ng shift niya sa call center na pinapasukan niya. Dalawang linggo na niyang ginagawa iyon. Pakiramdam niya kasi, tuwing naroon siya, mas payapa siya dahil malapit siya sa mga magulang niya.Mula nang malaman niyang buntis siya, inaaraw-araw niya ang pagbisita roon. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa nagawa niya. Nakikiusap din siya na sana tulungan siya ng mga itong magdasal para sa kinabukasan niya at ng magiging anak niya.Hirap pa rin kasi siya, marami rin iniisip pa na problema. Una ang utang niya kay Mrs. Dimayuga. At siyempre ang iba ba niyang bayarin sa bahay. Halos tatlong buwan na siyang hindi nakakapagbigay ng upa. Mabuti na lang mabait si Aling Filomena, ang may-ari ng bahay na matagal nang inuupahan ng pamilya niya. Ang sabi nito, h’wag daw niyang problemahin muna ang bayad sa bahay. Subalit kahit na ganoon, alam niyang darating d
Maaga pa lang kinabukasan, gising na si Samantha. Nag-ayos siya ng mga gamit sa kusina at nagdilig ng halaman. Maganda ang gising niya ngayong araw. Unti-unti na rin kasing nawawala ang hilo at pagduduwal niya. Maayos na rin nang bahagya ang pagkain niya. Malaki siguro ang naitulong ng vitamins at maternity milk na inireseta ni Doc Angel.Wala pang alas-otso nang magpasya siyang mag-agahan na. Hindi niya makakasama sa agahan ngayon si Bettina. Maaga kasi itong pipila sa bangko upang kunin ang padala ni Kristoff na uutangin niya.Nagsasalin siya ng maternity milk sa baso nang makarinig siya ng katok sa pinto. Agad siyang naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang bisita niya.“M-Mrs. Dimayuga,” pautal na sabi niya.Gaya ng dati, naka-pulang blouse ito at slacks na itim. Nasa braso ulit nito ang mamahalin nitong bag. Mabilis nitong ibinuka ang pamaypay nito bago pinas
“Pa’no ‘yan, wala na 'kong kasamang dukha sa office,” nakalabing sabi ni Mandy kay Samantha. Humagikhgik siya. Naaaliw siya ulit sa pananalita ni Mandy. Magkasing-lengguwahe talaga ito at si Bettina. Binibisita siya nito ngayon sa bahay niya. Tatlong araw na siyang nakalabas sa ospital. At mula noon, sa bahay na nina Bettina siya lumalagi. Si Aling Ness ang nakaisip ng ganoong set-up. At dahil may bahagya pa siyang takot na mamalagi nang mag-isa sa bahay niya pagkatapos ng pananakot ni Mrs. Dimayuga, pumayag na rin siya. Naka-usap na niya si Insp. Javellana matapos niya itong patawagan kay Bettina. Pinuntahan siya mismo ng pulis sa ospital upang makuha ang statement niya laban Kay Mrs. Dimayuga. Ang sabi nito, tatawag na lang ito sa kanya kung may progress na tungkol sa reklamo niya. Sa nakalipas na tatlong araw, tanging higaan at CR lang ang itinerary niya. Sinasaway pa nga siya minsan ni Aling Ness, tuwing tumatayo siya sa kama.
24 years ago“Nagtapat na ‘ko kay Anna tungkol sa atin, Ruth. Pumayag na siya sa annulment,” masayang balita ni Joseph, ang lalaking lubos na iniibig ni Ruth. Nagkakilala sila sa kumpanyang pinagta-trabahuan niya na pagmamay-ari mismo ng mga magulang nito. Siya ang sekretarya at ito ang boss niya. Una pa lang, sadya na silang naging malapit dahil galing sila sa iisang lugar, sa San Gabriel—isang progresibong bayan sa Gitnang Luzon. Madalas itong magtanong sa kanya noon tungkol sa mga kakilala nila doon. Dahil matapos nitong mag-aral sa US ng masterals, hindi na ito nakauwi sa kanila at agad na tinake-over ang pamamahala sa Aguinaldo Real Estate Company. Mabait si Joseph, maalalahanin, at magaling makisama sa mga empleyado nito. Kaya naman kahit na alam niyang bawal dahil may asawa at anak na ito, hindi niya napigilan ang sariling mahulog dito. &nb
Tiningala ni Samantha ang mataas na gate na nasa harapan niya. Ayon sa traysikel driver na naghatid sa kanya roon, iyon daw ang bahay ni Joseph Aguinaldo. Tanghaling tapat at masakit sa balat niya ang sinag ng araw. Kaya lang, parang nag-aalinlangan siyang mag-doorbell kahit na naroon na siya.Malayong malayo sa determinadong estado niya kanina nang tumakas siya paalis ng Maynila. Hindi alam nina Bettina at Aling Ness ang tungkol sa pagbisita sa kanya ni Mrs. Esteves ilang linggo na ang nakararaan. Nakukunsensiya man siya, sadya niyang pinili ang maglihim sa mga ito.Alam niya, sa oras na malaman ng mga ito ang balak niyang hanapin ang totoo niyang ama, pipigilan siya ng mga ito dahil sa kalagayan niya.Ngunit malakas ang udyok ng kung ano man sa dibdib niya na kailangan niyang puntahan ang ama sa San Gabriel. Kaya heto siya ngayon, bumiyahe ng higit limang oras upang sa huling sandali ay mag-alangan lang din.Wala sa sarili siyang nap