Malungkot na pinagmamasdan ni Samantha ang puntod ng mga magulang niya. Doon siya dumiretso pagkatapos ng shift niya sa call center na pinapasukan niya. Dalawang linggo na niyang ginagawa iyon. Pakiramdam niya kasi, tuwing naroon siya, mas payapa siya dahil malapit siya sa mga magulang niya.
Mula nang malaman niyang buntis siya, inaaraw-araw niya ang pagbisita roon. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa nagawa niya. Nakikiusap din siya na sana tulungan siya ng mga itong magdasal para sa kinabukasan niya at ng magiging anak niya.
Hirap pa rin kasi siya, marami rin iniisip pa na problema. Una ang utang niya kay Mrs. Dimayuga. At siyempre ang iba ba niyang bayarin sa bahay. Halos tatlong buwan na siyang hindi nakakapagbigay ng upa. Mabuti na lang mabait si Aling Filomena, ang may-ari ng bahay na matagal nang inuupahan ng pamilya niya. Ang sabi nito, h’wag daw niyang problemahin muna ang bayad sa bahay. Subalit kahit na ganoon, alam niyang darating d
Maaga pa lang kinabukasan, gising na si Samantha. Nag-ayos siya ng mga gamit sa kusina at nagdilig ng halaman. Maganda ang gising niya ngayong araw. Unti-unti na rin kasing nawawala ang hilo at pagduduwal niya. Maayos na rin nang bahagya ang pagkain niya. Malaki siguro ang naitulong ng vitamins at maternity milk na inireseta ni Doc Angel.Wala pang alas-otso nang magpasya siyang mag-agahan na. Hindi niya makakasama sa agahan ngayon si Bettina. Maaga kasi itong pipila sa bangko upang kunin ang padala ni Kristoff na uutangin niya.Nagsasalin siya ng maternity milk sa baso nang makarinig siya ng katok sa pinto. Agad siyang naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang bisita niya.“M-Mrs. Dimayuga,” pautal na sabi niya.Gaya ng dati, naka-pulang blouse ito at slacks na itim. Nasa braso ulit nito ang mamahalin nitong bag. Mabilis nitong ibinuka ang pamaypay nito bago pinas
“Pa’no ‘yan, wala na 'kong kasamang dukha sa office,” nakalabing sabi ni Mandy kay Samantha. Humagikhgik siya. Naaaliw siya ulit sa pananalita ni Mandy. Magkasing-lengguwahe talaga ito at si Bettina. Binibisita siya nito ngayon sa bahay niya. Tatlong araw na siyang nakalabas sa ospital. At mula noon, sa bahay na nina Bettina siya lumalagi. Si Aling Ness ang nakaisip ng ganoong set-up. At dahil may bahagya pa siyang takot na mamalagi nang mag-isa sa bahay niya pagkatapos ng pananakot ni Mrs. Dimayuga, pumayag na rin siya. Naka-usap na niya si Insp. Javellana matapos niya itong patawagan kay Bettina. Pinuntahan siya mismo ng pulis sa ospital upang makuha ang statement niya laban Kay Mrs. Dimayuga. Ang sabi nito, tatawag na lang ito sa kanya kung may progress na tungkol sa reklamo niya. Sa nakalipas na tatlong araw, tanging higaan at CR lang ang itinerary niya. Sinasaway pa nga siya minsan ni Aling Ness, tuwing tumatayo siya sa kama.
24 years ago“Nagtapat na ‘ko kay Anna tungkol sa atin, Ruth. Pumayag na siya sa annulment,” masayang balita ni Joseph, ang lalaking lubos na iniibig ni Ruth. Nagkakilala sila sa kumpanyang pinagta-trabahuan niya na pagmamay-ari mismo ng mga magulang nito. Siya ang sekretarya at ito ang boss niya. Una pa lang, sadya na silang naging malapit dahil galing sila sa iisang lugar, sa San Gabriel—isang progresibong bayan sa Gitnang Luzon. Madalas itong magtanong sa kanya noon tungkol sa mga kakilala nila doon. Dahil matapos nitong mag-aral sa US ng masterals, hindi na ito nakauwi sa kanila at agad na tinake-over ang pamamahala sa Aguinaldo Real Estate Company. Mabait si Joseph, maalalahanin, at magaling makisama sa mga empleyado nito. Kaya naman kahit na alam niyang bawal dahil may asawa at anak na ito, hindi niya napigilan ang sariling mahulog dito. &nb
Tiningala ni Samantha ang mataas na gate na nasa harapan niya. Ayon sa traysikel driver na naghatid sa kanya roon, iyon daw ang bahay ni Joseph Aguinaldo. Tanghaling tapat at masakit sa balat niya ang sinag ng araw. Kaya lang, parang nag-aalinlangan siyang mag-doorbell kahit na naroon na siya.Malayong malayo sa determinadong estado niya kanina nang tumakas siya paalis ng Maynila. Hindi alam nina Bettina at Aling Ness ang tungkol sa pagbisita sa kanya ni Mrs. Esteves ilang linggo na ang nakararaan. Nakukunsensiya man siya, sadya niyang pinili ang maglihim sa mga ito.Alam niya, sa oras na malaman ng mga ito ang balak niyang hanapin ang totoo niyang ama, pipigilan siya ng mga ito dahil sa kalagayan niya.Ngunit malakas ang udyok ng kung ano man sa dibdib niya na kailangan niyang puntahan ang ama sa San Gabriel. Kaya heto siya ngayon, bumiyahe ng higit limang oras upang sa huling sandali ay mag-alangan lang din.Wala sa sarili siyang nap
“Anna, my late wife, tricked me when she agreed with the annulment. Hindi niya tinotoo ang sinabi niya na siya mismo ang magfa-file ng annulment namin. Nagsumbong siya sa mga magulang namin. They threatened me. And I was willing to be stripped off of everything I have, makasama ko lang kayo ng Mama mo. But… Anna’s parents said they will haunt your mother and do what’s necessary.” Humigpit ang pagkakahawak ng Daddy niya sa kamay ni Samantha. Natigilan din ito, dumaan ang takot sa mga mata. Nakaupo silang mag-ama sa sofa habang tahimik siyang nakikinig sa paliwanag nito. “Call me weak or a coward, but at that time, I know I was doing the right thing. Anna’s parents were powerful because his uncle was the chief of police at that time. With their connections, I know their threats weren’t empty. At natakot ako para sa inyong dalawa ng Mama mo. Kaya pinili kong h’wag na lang magpakitang muli. Naging sunud-sunuran ako sa mga magulang ko at kay Anna sa sumunod na ilan
A tight smile broke into Samantha’s lips as soon as she heard the pre-landing announcement of the plane she was in. There was a bittersweet feeling stirring inside of her—a thing she had never felt for the past four years. Maybe that’s what you really get when you are going back to a place that broke you.At least now you’re home, anang isip niya.Home.Again, she smiled bitterly. Home is supposed to be a place of comfort, of joy, of beautiful memories. But for the last few years she had spent in the country was far from comfortable, joyous and beautiful.So, paano niya naisip na tahanan niya ang Pilipinas?Marahan siyang nagbuga ng hininga bago bumaling sa bintana. The morning rays of the sun was greeting her-- shifting her thoughts to the positive side of things.And then she realized, if it weren’t for those hardships, she wouldn’t become half of the woman she is now—e
Maingat na isinara ni Samantha ang laptop niya bago pagod na sumandal sa kanyang upuan. She just finished interviewing the last applicant for Charlize Elizabeth Events, her new company named after her daughter.Isang linggo na halos mula nang makabalik siya sa Pilipinas. And she hadn’t stopped working since. Mabuti na lang tinulungan siya ni Lucas na maghanap ng space for her to set-up her new office kahit noong nasa California pa siya. Of course, her brother used his connections to get the best deal on the best spot in the city. Ito na rin ang kumuha ng construction company to get her new space ready. It was almost done now. She just needed to set up her new office with couches and a few display cases to get her office up and running.She leaned on her chair some more before staring at the ceiling of her office. The white walls and ceiling instantly relaxed her. Hindi siya talaga nagkamali sa piniling minimalist design ng office niya. His bro
Samantha was stuck in the d*amn traffic. It’s almost 10 in the evening and she’s really dead tired. Kanina pa tumatawag ang Daddy niya sa kanya dahil hinahanap na raw siya ni Charlie.Kanina, matapos ang maayos na meeting niya sa mag-inang Cobarrubias, bumalik siya sa opisina upang i-check kung na-deliver nang tama ang mga items na in-order niya sa furniture store. She had the delivery of the items expedited. She rented a truck para lang mai-deliver ang mga binili niya on the same day. Good thing the store she went too had an in-house interior designer who helped her picked the things that goes well with her offices’ theme. Pagpatak ng alas nuwebe, sabay-sabay na silang umuwi ng mga kaibigan niya—with Mandy agreeing to drop Bettina home para makauwi na rin siya agad.But here she is, stuck in the endless traffic for almost half an hour na hindi niya alam kung saan nagmumula!Umusad ang kotseng nasa harap niya. But it was just for a few me