Home / Romance / That First Night With Mr. CEO / Chapter 2: First Night 2

Share

Chapter 2: First Night 2

Pasado alas-siete na ng gabi  nang matapos ni Samantha i-encode ang lahat ng report sa iniwang papeles ni Ms. Lalaine. Agad siyang nag-text sa boss niya at hinintay ang reply nito. Subalit pasado alas-otso na, hindi pa rin ito nagte-text back. Napilitan siya tuloy na tawagan ito. Mabuti na lang at sinagot nito ang tawag niya kahit na alanganin siya. Pagkatapos ng fifteen minutes, nag-text na si Ms. Lalaine na puwede na niyang i-print ang document.

Kaso, hindi niya alam kung nagkataon lang o talagang minamalas ba siya ng gabing iyon  dahil pati printer niya may sumpong. Kinailangan pa niyang i-access ang printer ng nasa kabilang work station para lang makapag-print siya.

Pagpatak ng alas otso y media, hawak na niya ang mga papeles na kailangan niyang ibigay kay Sir Aaron.

Sir Aaron.

Aaron Miguel Sandejas, 28 years old at panganay na anak nina Sir Greg at Madam Liza Sandejas, ang may-a*i ng Sandejas Shipping Lines. Matangkad, guwapo, at mabait, ganyan i-describe ng mga kasamahan niya sa trabaho ang bago nilang boss sa SSL. Well, hindi pa naman talaga opisyal na tinanggap ni Sir Aaron ang posisyon ng CEO mula nang mamatay si Sir Greg halos anim na buwan na ang nakararaan. At ayon sa bali-balita, nag-uusap-usap pa raw ang pamilya kung sino talaga sa magkakapatid na Aaron, Joshua, at Kiel ang magiging bagong CEO ng kumpanya. Hindi pa niya nakikita sina Joshua at Kiel dahil pawang nasa London pa raw ang dalawa at nag-aaral ng masters. Pero ang sabi ni Ms. Lalaine, mahilig daw sa night life ang maga nakababatang kapatid ni Sir Aaron kaya walang balak manatili sa Pilipinas. Pero kahit na hindi pa niya nakikita ang mga kapatid ni Sir Aaron, mas boto na siya kay Sir Aaron na maging bago nilang CEO.

Minsan na niya itong nasilip nang malapitan sa opisina nito nang utusan siya ni Ms. Lalaine na kunin ang isang document kay Ms. Viviane, ang secretary ng CEO. At para sa kanya, mali ang mga kasamahan niya tungkol sa description ng mga ito sa bago nilang boss. Dahil hindi lang guwapo si Sir Aaron, kundi napakaguwapo. Sa totoo lang, mas bagay itong maging artista kaysa lawyer o CEO.  At hindi niya itinatanggi na mayroon siyang malaking crush sa bago nilang boss.

Umalon ang kilig mula sa tiyan niya patungo sa d****b niya nang maisip na siya mismo ang magbibigay ng report mula sa department nila.

Mabilis niyang inilabas ang make-up kit niya at nag-retouch ng make-up niya.

Hindi naman siya ilusyonada. Crush lang niya ang bago nilang  boss at gusto niyang maayos ang hitsura niya kapag nakaharap niya ito mamaya. ‘Yon lang at wala nang iba pa. Dahil alam naman niya, ni katiting na pag-asa, hindi puwede ibigay ng langit si Sir Aaron sa kanya bilang love life. Sa laki ng agwat ng status nila sa buhay, kahit siguro dumipa siya araw-araw sa simbahan at maglakad nang paluhod patungo sa altar, ni sulyap na may pagkukusa hindi gagawin ni Sir Aaron sa kanya. Idagdag pa na ayon sa showbiz news, girlfriend nito ang model at artista na si Kristine de Leon. Ano namang panama niya ro’n?

At saka sa takbo ng buhay niya ngayon, mas importane sa kanya ang makatapos ng pag-aaral at patuloy siyang makapagtrabaho para sa kanila ng Mama niya kaysa sa mga usaping puso na ganyan. Pero siyempre kahit na imposible, gusto pa rin niyang maging maayos ang hitsura niya pagharap kay Sir Aaron.

Muli niyang sinipat ang sarili sa compact mirror niya. Pasimple niyang inayos ang floral scarf na nasa leeg niya dahil tumabingi iyon. Nang makitang maayos na ang make-up, ang buhok  at ang damit niya, tumayo na siya at lumabas ng opisina bitbit ang report na ibibigay niya kay Sir Aaron. Pagpasok niya sa lift, agad niyang sinipat ang oras sa cellphone niya. Fifteen minutes na lang, malapit nang mag-alas nueve. Kailangan na niyang magmadali upang makauwi na siya.

Nang tumunog pabukas ang lift, agad na tinambol ng kaba ang d****b niya. Mukhang nasobrahan ang excitement niya na makakaharap niya ng personal si Sir Aaron. Paghakbang niya palabas ng lift,humugot siya nang malalim na hininga at pilit na kinalma ang sarili. Kailangan niyang kumalma dahil baka kung anong masabi niya kay Sir Aaron. Nagiging mali-mali pa naman siya kapag natataranta.

Papahakbang na siya patungo sa pinto ng penthouse nang biglang mawalan ng ilaw. Agad na gumana ang emergency lights na nasa hallway. Ngunit dahil sa takot, minadali niya ang paghakbang patungo sa pinto penthouse ni Sir Aaron.

Pagdating niya roon, nagtaka pa siya nang makitang bahagyang nakabukas ang pinto ng penthouse. Ayaw man niya, napilitan siyang sumilip sa loob niyon. Madilim ang paligid, tanging ang ilaw lamang ng nag-iisang emergency light sa malayong dulo ng sala ang nagbibigay tanglaw sa silid. Noon nahagip ng paningin niya ang isang bulto na nasa sahig na tila walang malay.

Lalong tinambol ng kaba ang d****b niya. Hindi na siya nagdalawang-isip at tuluyan na siyang pumasok sa penthouse. Nagulat pa siya nang makitang si Sir Aaron mismo ang nasa sahig at wala nang iba!

Binitiwan niya ang lahat ng bitbit niya at lumuhod sa tabi nito. Hinawakan niya ang pisngi nito, bigla itong umungol. Noon niya na napagtanto na amoy-alak ito. Umangat ang tingin niya sa bar, may ilang bote ng beer doon at isang bote ng premium drink na nakalahati na ang laman. Kumpirmado, lasing ang boss nila.

Napangiwi siya maya-maya. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin—hayaan na lang ito doon sa sahig hanggang sa mahimasmasan ito o kaya naman ay alagaan ito hanggang magkamalay.

Sandaling nagtalo ang isip niya. Hanggang sa mapagdesisyonan niyang tulungan ang boss niya hanggang magkamalay. Delikado kasi na pabayaan niya ito roon nang mag-isa. Lalo pa at hindi pa bumabalik ang kuryente.

Muli niyang niyuko si Sir Aaron. Gusto niya sanang tanungin kung bakit ito nag-lasing. Pero sa hitsura nito, mukhang hindi ito sasagot.

Muli niyang hinaplos ang pisngi nito. Nagulat pa siya nang bigla itong magmulat ng mata. Hindi naglipat sandali, hinawakan nito ang kamay niyang nasa pisngi nito. Agad na lumundag ang puso niya patungo kung saan. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya sa pagkakahawak nito subalit lalo lang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

Agad siyang nag-panic.

“What are you… doing here?” mabagal na sabi nito, namumungay ang mga mata.

“S-Sir…” tawag niya rito, alanganin.

Hindi na ito sumagot bagkus ay hinila siya nito palapit dito at walang sali-salitang hinalikan ang kanyang labi. Malambot ang labi at mainit ang hininga nito. Agad siyang naliyo. At kahit na alam niyang ang tamang gawin ay ang magpumiglas at pigilan ito sa ginagawa nito sa kanya, hindi niya magawa. Pakiramdam niya, kusa siyang nalulusaw sa mga bisig at h***k nito. Maya-maya pa, dumama na ang mga kamay nito sa katawan niya. Tuluyan na siyang nadarang. Nilimot na niya ang lahat ng kanyang iniisip at pag-aalinlangan. Ilang minuto pa, sumuko na siya at kusa siyang nagpaubaya.

Mga Comments (7)
goodnovel comment avatar
Marilyn Aramay
ang rupok mo girl hahaha
goodnovel comment avatar
Prescila Pannad
ang hilig talaga ng mga babaeng to na isuko ang perlas ng pilipinas, sa mga lasing na kalahi ni adan,. ...
goodnovel comment avatar
Dasa Cusipag Geralyn
ang rupok nman...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status