Tulala si Samantha habang nakatingin sa ataul na ngayon ay nasa sala na ng bahay nila. Kung paano niya nagawang itawid ang kahapon na unang araw ng lamay ng Mama niya, hindi niya alam. Siguro, kung wala si Bettina at ang iba pa nilang kapitbahay na tumulong sa kanya, hindi niya alam kung kaya pa niyang tumayo ngayon. Masyadong malungkot, palihim na nadudurog.Kagabi, pinilit siya ng doktor ng Mama niya na uminom ng pampatulog upang makatulong daw sa pag-process niya ng pagkamatay ng Mama niya. Nakatulog siya, subalit paggising niya kaninang umaga, ramdam pa rin ang walang kaparis na hinagpis sa puso niya. Ilang beses siyang humiling na sana, panaginip lang ang lahat. Na sana, hindi totoo ang mga nakikita niya ngayon sa bahay nila—ang mga bulaklak, ang mga kapitbahay na nakikiramay, at ang ataul kung saan nakahimlay ang bangkay ng Mama niya.Kaya lang, kahit na anong gawin niyang pagpikit, tuwing magmumulat siya, ganoon pa rin. Walang pagbabago.
Read more