Home / Romance / Body Shot / Kabanata 51 - Kabanata 60

Lahat ng Kabanata ng Body Shot: Kabanata 51 - Kabanata 60

146 Kabanata

Chapter 51

 Pagmulat ng mga mata ko ay nagtaka ako kung nasaan ba ako. Nang igala ko palibot ang paningin ko sa paligid ay saka ko lang naalala kung nasaan baa ko at anong ginagawa ko rito.Binalikan ko sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, hindi tuloy maiwasang mag init ang pisngi ko nang maalala ko ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi. Pagbaling ko sa tabi ko ay nagtaka pa ako na wala na siya, lumipat ba siya sa kuwarto niya dahil siya kumportable s kamang ito? Inabot ko na lang ang unan na ginamit niya saka mahigpit na yinakap iyon. Sa ngayon ay ito na lang muna ang yayakapin ko. Mamaya ko na siya haharapin.Busy pa ako sa pagbabalik sa mga nangyari kagabi habang inaamoy amoy ang unan nang makarinig ako ng pagtikhim. Kaya naman ay agad akong humarap sa pinagmulan ng pagtikhim na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ko. Huling huli niya ako habang inaamoy ang unan na ginamit niya. Nakatayo lang naman siya sa may pintuan, looking so fresh habang na
last updateHuling Na-update : 2021-11-28
Magbasa pa

Chapter 52

 “Hayan ha, bawal ang masyadong magpagod at magpuyat.” Sabi niya nang pareho na kaming nakasakay sa kotse niya. Kagagaling lang namin sa doktor at maayos naman ang resulta. Binigyan kami ni baby ng vitamins at may mga ilang bagay na ipinagbawal sa akin. Hiyang hiya pa ako nang humarap sa doktor, paano ba naman ay mahigit isang oras na kaming late sa appointment na ginawa niya. Buti na lang talaga at nandoon din ang kaibigang doktor niya kanina kaya hindi na namin kinailangang mag explain dahil agad silang nagkwentuhan.Imbes kasi na mapadali ay napatagal pa ako sa pagligo, paano ba naman ang lokong ito, nang hindi ako dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto niya ay pumasok sa banyong kinaroronan ko. Talagang sinabayan ako sa paliligo at knowing him, hindi kuntento sa ganoon lamg. Hindi talaga tumigil hangga’t hindi ako sumusuko sa panlalanding ginagawa aniya.“Paano ang shoot?” nag aalala kong tanong sa kanya.“Huwag
last updateHuling Na-update : 2021-11-28
Magbasa pa

Chapter 53

 Pagpasok ko sa kuwarto ay agad kong hinagis sa kama ang cellphone ko at saka humiga. Hindi ko alam, pero para bang pagod na pagod ako ngayon. Nag-drive lang naman ako papunta sa ospital. Iyon lang ang ginawa ko ngayong araw pero iba ang pagod na nararamdaamn ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakapatong sa noo ang magkasalikop kong mga palad. Pilit inaaalam kung ano ang mali, kung bakit nagkaganoon? Bakit ang labo ni Stacy? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit ayaw niya? Ang daming bakit, para na namang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.Ano pa ba ang plano niya? Bakit hindi niya sabihin sa akin? Maayos na kami, pero iyon lang pala ang akala ko. Matindi ang pagpipigil ko sa kanya kanina, ang sabi ko ay huwag na lang siya magpunta sa shoot, kayang kaya ko naman na pirmahan na lang ang mga papel na kailangan niya. Para ano pa ba at naging direktor ako ng show kung hindi ko kayang agwin iyon, kung hindi ko man lang mapaboran ang taong mahal ko. Pero matigas nag ulo
last updateHuling Na-update : 2021-12-01
Magbasa pa

Chapter 54

 Halos luto na ang menudo ko nang magulat ako dahil naramdaman ko ang pagyakap mula sa likuran ko. Mayamaya ay hindi ito nakatiis, ibinaon pa niya ang mukha niya sa leeg ko.Dinama ng kaliwang kamay ko ang mukha niya. “Nagugutom ka na ba? Luton a rin ito. Umupo ka na doon at hintayin mo akong maghain.”Hindi siya sumagot, hindi rin siya kumilos. Pero mayamaya pa ay nagtaka ako dahil inabot niya ang kalan at saka in-off. Ang namalayan ko na lang ay umangat ako mula sa kinatatayuan ko at ngayon nga ay pareho na kaming nakaupo sa sofa.Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Nang makuntento yata sa pagkakayakap sa akin ay humiwalay saka dalawang kamay na sinapo ang mukha ko at saka ako tinitigan.Wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya. Basta ang tanging pumasok sa isip ko ay hindi niya ako pababayaan. Na susuportahan niya anuman ang desisyon, na hindi niya ako iiwan. Na hindi niya ako pipiliting mag
last updateHuling Na-update : 2021-12-02
Magbasa pa

Chapter 55

 Monday, shoot day. Dahil nga sa ayaw kong pumayag na hindi magpunta sa shoot ay nandito ako ngayon, nakasakay sa sasakyan niya. Sinundo niya ako kanina sa bahay at sabay kaming pupunta sa location. Uuwi daw kasi si dad kahapon kaya dali dali akong nagpahatid kay Richard pauwi sa bahay. Maghapon akong naghintay pero halos maghating gabi na rin noong dumating si dad. Gustuhin ko mang kausapin siya ay hindi ko na nagawa dahil hindi rin naman na ako pwedeng magpuyat. Pagkagising ko naman kanina ay nakaalis na siya, nag iwan lang siya ng note. Ayaw ko man ay hindi ko na naman naiwasang malungkot, hanggang kailan kaya kami ganito ng tatay ko?“O, bakit tahimik ka?” puna niya sa akin.“Wala.”“Kinakabahan ka pa rin babe?”Tumango ako. Bago kami naghiwalay kahapon ng umaga ay muli naming napag usapan ang grupo. Firm pa rin kasi ang decision ko na huwag munang ipaalam sa kanila, na sinang ayunan naman niya. Okay, s
last updateHuling Na-update : 2021-12-03
Magbasa pa

Chapter 56

 “Ito o.” Nagtataka kong kinuha ang palihim niyang iniabot sa akin. Magkatabi kaming kumakain ng dinner. Yes, dinner time na. Awa ng Diyos ay naging maayos naman ang buong araw. Naitawid namin ng maayos ang relasyon namin na walang nakakadiskubre sa mga kasama namin dito sa shoot.“Ano po ito?” tanong ko habang hawak ang susi na iniabot niya.“Eh ‘di susi, ano pa ba?” Medyo napalakas ang boses niya sa pagkakasabi noon kaya naman napalingon sa direksyon namin ang mga kasalo namin habang naghahapunan.“Alam ko pong susi ito, pero ano po ang gagawin ko rito?”“Susi ng van iha. Remember, bawal kang magpuyat dahil sa kalagayan mo.” Buti na lang at ipinagdiinan niya ang salitang kalagayan kaya na-gets ko na ang ibig niyang sabihin. Nag alala lang ako sa ibang nakarinig.Kaya magpoprotesta sana ako pero sumabad si direk Juls. “O Stacy, magpahinga ka na nga pagkatapos mag-
last updateHuling Na-update : 2021-12-04
Magbasa pa

Chapter 57

 “Anong oras na?” nagtatakang kong tanong pagmulat ng mga mata ko. Nabungaran ko ang medyo namumungay na mata ng boyfriend ko na nakatunghay sa akin. Nagising ako dahil sa mahinang tapik na ginawa niya sa akin.“Two AM na.” sagot niya naman sa akin at humikab pagkatapos. “Nakakapagod na araw pero as long as ikaw ang makikita ko pagpasok ng sasakyan ay tanggal ang pagod ko agad.”Inismiran ko lang ang pambobola niya, ang lalaking ito talaga. Kahit saan ay ipipilit ang mambola. “Pack up na ba?” tanong ko na lang. “Dalawang oras din pala akong nakatulog.” Dagdag ko pa pero hindi muna ako bumangon mula dito sa likurang upuan ng van, marahan muna akong nagstretch.Nandidilat na mata ang isinagot niya sa mukha ko, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Bakit? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.“Ano ang sinasabi mong dalawang oras? Paanong
last updateHuling Na-update : 2021-12-05
Magbasa pa

Chapter 58

 Nandito na ako ss mall ngayon, kasalukuyang hinihintay ko si ate Raq. Ang usapan namin ay magkikita kami ng two PM, pero napaaga ako ng dating dahil hindi na nag-lecture ang prof namin kanina.Isasama ko sana sina Apz at Ida ngayon dahil nami-miss ko na rin sila at gusto kong bumawi sa hindi ko pagsama sa kanila last time, kaya lang ay may duty silang pareho ngayon after school.Nakatambay lang ako sa coffee shop, binabasa ang paperback na parati kong dala nang biglang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Kaya naman ay kinuha ko ito mula sa dala kong bag at binasa ang text galing kay Richard.               Sunduin ba kita sa school? ‘Di pa tapos ang meeting namin eh, pero malapit na.               No need, nandito na ako sa mall. Sinagot ko muna ang text niya bago
last updateHuling Na-update : 2021-12-06
Magbasa pa

Chapter 59

 “Ang lakas ng ulan!” Sabi pa niya pagkatapos naming makasakay sa kotse niyang dala. Papunta kami ngayon sa bahay namin para kumuha ng mga gamit ko. “Biglang buhos na naman ito, katulad noong nakaraan.” At talagang ngumiti pa sa akin ng pilyo ang lalaking ito. Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng pisngi, dahil tulad niya, naalala ko rin iyong last time na naabutan kami ng malakas na ulan at na-stranded sa bahay.“Tingnan mo.” Pagpapatuloy niya pa. “Kung hindi kita sinundo ngayon, eh ‘di magco-commute ka. Sa ganitong panahon? Buti kung makahanap ka ng masasakyan.”“Syempre mayroon naman niyan.”“At mga ilang oras naman kaya ang hihintayin mo bago ka makahanap?”Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Para kasing kahit anong sabihin ko ay talo pa rin ako. Pagkaraan ay may na-realize ako, tiningnan ko lang siya, naisip ko na gusto ko iyong ganitong side niya. Iyong ch
last updateHuling Na-update : 2021-12-07
Magbasa pa

Chapter 60

 “Babe.” Narinig kong tawag niya sa akin. Kasalukuyan na kaming nakahiga dito sa loob ng kuwarto niya. Tumigil naman din agad ang ulan kanina kaya nakauwi kami dito sa bahay niya. “Gising ka pa?” tanong niya, eh obvious naman na hindi pa ako tulog kahit hindi niya nakikita ang mukha ko. Paano ba naman ay yakap yakap niya ako mula sa likuran ko.“Hmmm…” tanging sagot ko sa kanya.“May itatanong lang sana ako.”“Ano iyon.”“Ahmm… Bakit mo ako love?” Natawa akong bigla pagkarinig sa tanong niya, hindi ko kasi in-expect na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Ngayon talaga habang nakakulong ako sa  yakap niya at umuulan na naman ng malakas.“Ano ba naman iyan, tama bang tawanan lang ang tanong ko.”Natatawang hinarap ko siya. “Ano ba naman kasing klaseng tanong iyan? Ngayon mo pa talaga itatanong, pagkatapos ng lahat?”
last updateHuling Na-update : 2021-12-08
Magbasa pa
PREV
1
...
45678
...
15
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status