Pagmulat ng mga mata ko ay nagtaka ako kung nasaan ba ako. Nang igala ko palibot ang paningin ko sa paligid ay saka ko lang naalala kung nasaan baa ko at anong ginagawa ko rito.
Binalikan ko sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, hindi tuloy maiwasang mag init ang pisngi ko nang maalala ko ang mga maiinit na sandaling pinagsaluhan namin kagabi. Pagbaling ko sa tabi ko ay nagtaka pa ako na wala na siya, lumipat ba siya sa kuwarto niya dahil siya kumportable s kamang ito? Inabot ko na lang ang unan na ginamit niya saka mahigpit na yinakap iyon. Sa ngayon ay ito na lang muna ang yayakapin ko. Mamaya ko na siya haharapin.
Busy pa ako sa pagbabalik sa mga nangyari kagabi habang inaamoy amoy ang unan nang makarinig ako ng pagtikhim. Kaya naman ay agad akong humarap sa pinagmulan ng pagtikhim na naging dahilan ng pamumula ng pisngi ko. Huling huli niya ako habang inaamoy ang unan na ginamit niya. Nakatayo lang naman siya sa may pintuan, looking so fresh habang na
“Hayan ha, bawal ang masyadong magpagod at magpuyat.” Sabi niya nang pareho na kaming nakasakay sa kotse niya. Kagagaling lang namin sa doktor at maayos naman ang resulta. Binigyan kami ni baby ng vitamins at may mga ilang bagay na ipinagbawal sa akin. Hiyang hiya pa ako nang humarap sa doktor, paano ba naman ay mahigit isang oras na kaming late sa appointment na ginawa niya. Buti na lang talaga at nandoon din ang kaibigang doktor niya kanina kaya hindi na namin kinailangang mag explain dahil agad silang nagkwentuhan.Imbes kasi na mapadali ay napatagal pa ako sa pagligo, paano ba naman ang lokong ito, nang hindi ako dumiretso sa banyo sa loob ng kwarto niya ay pumasok sa banyong kinaroronan ko. Talagang sinabayan ako sa paliligo at knowing him, hindi kuntento sa ganoon lamg. Hindi talaga tumigil hangga’t hindi ako sumusuko sa panlalanding ginagawa aniya.“Paano ang shoot?” nag aalala kong tanong sa kanya.“Huwag
Pagpasok ko sa kuwarto ay agad kong hinagis sa kama ang cellphone ko at saka humiga. Hindi ko alam, pero para bang pagod na pagod ako ngayon. Nag-drive lang naman ako papunta sa ospital. Iyon lang ang ginawa ko ngayong araw pero iba ang pagod na nararamdaamn ko. Nakatitig lang ako sa kisame habang nakapatong sa noo ang magkasalikop kong mga palad. Pilit inaaalam kung ano ang mali, kung bakit nagkaganoon? Bakit ang labo ni Stacy? Ano pa ba ang gusto niya? Bakit ayaw niya? Ang daming bakit, para na namang sasabog ang ulo ko dahil sa sakit.Ano pa ba ang plano niya? Bakit hindi niya sabihin sa akin? Maayos na kami, pero iyon lang pala ang akala ko. Matindi ang pagpipigil ko sa kanya kanina, ang sabi ko ay huwag na lang siya magpunta sa shoot, kayang kaya ko naman na pirmahan na lang ang mga papel na kailangan niya. Para ano pa ba at naging direktor ako ng show kung hindi ko kayang agwin iyon, kung hindi ko man lang mapaboran ang taong mahal ko. Pero matigas nag ulo
Halos luto na ang menudo ko nang magulat ako dahil naramdaman ko ang pagyakap mula sa likuran ko. Mayamaya ay hindi ito nakatiis, ibinaon pa niya ang mukha niya sa leeg ko.Dinama ng kaliwang kamay ko ang mukha niya. “Nagugutom ka na ba? Luton a rin ito. Umupo ka na doon at hintayin mo akong maghain.”Hindi siya sumagot, hindi rin siya kumilos. Pero mayamaya pa ay nagtaka ako dahil inabot niya ang kalan at saka in-off. Ang namalayan ko na lang ay umangat ako mula sa kinatatayuan ko at ngayon nga ay pareho na kaming nakaupo sa sofa.Nakatingin lang siya sa akin pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit. Nang makuntento yata sa pagkakayakap sa akin ay humiwalay saka dalawang kamay na sinapo ang mukha ko at saka ako tinitigan.Wala na akong naintindihan sa mga sinabi niya. Basta ang tanging pumasok sa isip ko ay hindi niya ako pababayaan. Na susuportahan niya anuman ang desisyon, na hindi niya ako iiwan. Na hindi niya ako pipiliting mag
Monday, shoot day. Dahil nga sa ayaw kong pumayag na hindi magpunta sa shoot ay nandito ako ngayon, nakasakay sa sasakyan niya. Sinundo niya ako kanina sa bahay at sabay kaming pupunta sa location. Uuwi daw kasi si dad kahapon kaya dali dali akong nagpahatid kay Richard pauwi sa bahay. Maghapon akong naghintay pero halos maghating gabi na rin noong dumating si dad. Gustuhin ko mang kausapin siya ay hindi ko na nagawa dahil hindi rin naman na ako pwedeng magpuyat. Pagkagising ko naman kanina ay nakaalis na siya, nag iwan lang siya ng note. Ayaw ko man ay hindi ko na naman naiwasang malungkot, hanggang kailan kaya kami ganito ng tatay ko?“O, bakit tahimik ka?” puna niya sa akin.“Wala.”“Kinakabahan ka pa rin babe?”Tumango ako. Bago kami naghiwalay kahapon ng umaga ay muli naming napag usapan ang grupo. Firm pa rin kasi ang decision ko na huwag munang ipaalam sa kanila, na sinang ayunan naman niya. Okay, s
“Ito o.” Nagtataka kong kinuha ang palihim niyang iniabot sa akin. Magkatabi kaming kumakain ng dinner. Yes, dinner time na. Awa ng Diyos ay naging maayos naman ang buong araw. Naitawid namin ng maayos ang relasyon namin na walang nakakadiskubre sa mga kasama namin dito sa shoot.“Ano po ito?” tanong ko habang hawak ang susi na iniabot niya.“Eh ‘di susi, ano pa ba?” Medyo napalakas ang boses niya sa pagkakasabi noon kaya naman napalingon sa direksyon namin ang mga kasalo namin habang naghahapunan.“Alam ko pong susi ito, pero ano po ang gagawin ko rito?”“Susi ng van iha. Remember, bawal kang magpuyat dahil sa kalagayan mo.” Buti na lang at ipinagdiinan niya ang salitang kalagayan kaya na-gets ko na ang ibig niyang sabihin. Nag alala lang ako sa ibang nakarinig.Kaya magpoprotesta sana ako pero sumabad si direk Juls. “O Stacy, magpahinga ka na nga pagkatapos mag-
“Anong oras na?” nagtatakang kong tanong pagmulat ng mga mata ko. Nabungaran ko ang medyo namumungay na mata ng boyfriend ko na nakatunghay sa akin. Nagising ako dahil sa mahinang tapik na ginawa niya sa akin.“Two AM na.” sagot niya naman sa akin at humikab pagkatapos. “Nakakapagod na araw pero as long as ikaw ang makikita ko pagpasok ng sasakyan ay tanggal ang pagod ko agad.”Inismiran ko lang ang pambobola niya, ang lalaking ito talaga. Kahit saan ay ipipilit ang mambola. “Pack up na ba?” tanong ko na lang. “Dalawang oras din pala akong nakatulog.” Dagdag ko pa pero hindi muna ako bumangon mula dito sa likurang upuan ng van, marahan muna akong nagstretch.Nandidilat na mata ang isinagot niya sa mukha ko, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Bakit? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.“Ano ang sinasabi mong dalawang oras? Paanong
Nandito na ako ss mall ngayon, kasalukuyang hinihintay ko si ate Raq. Ang usapan namin ay magkikita kami ng two PM, pero napaaga ako ng dating dahil hindi na nag-lecture ang prof namin kanina.Isasama ko sana sina Apz at Ida ngayon dahil nami-miss ko na rin sila at gusto kong bumawi sa hindi ko pagsama sa kanila last time, kaya lang ay may duty silang pareho ngayon after school.Nakatambay lang ako sa coffee shop, binabasa ang paperback na parati kong dala nang biglang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Kaya naman ay kinuha ko ito mula sa dala kong bag at binasa ang text galing kay Richard. Sunduin ba kita sa school? ‘Di pa tapos ang meeting namin eh, pero malapit na. No need, nandito na ako sa mall. Sinagot ko muna ang text niya bago
“Ang lakas ng ulan!” Sabi pa niya pagkatapos naming makasakay sa kotse niyang dala. Papunta kami ngayon sa bahay namin para kumuha ng mga gamit ko. “Biglang buhos na naman ito, katulad noong nakaraan.” At talagang ngumiti pa sa akin ng pilyo ang lalaking ito. Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng pisngi, dahil tulad niya, naalala ko rin iyong last time na naabutan kami ng malakas na ulan at na-stranded sa bahay.“Tingnan mo.” Pagpapatuloy niya pa. “Kung hindi kita sinundo ngayon, eh ‘di magco-commute ka. Sa ganitong panahon? Buti kung makahanap ka ng masasakyan.”“Syempre mayroon naman niyan.”“At mga ilang oras naman kaya ang hihintayin mo bago ka makahanap?”Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Para kasing kahit anong sabihin ko ay talo pa rin ako. Pagkaraan ay may na-realize ako, tiningnan ko lang siya, naisip ko na gusto ko iyong ganitong side niya. Iyong ch
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma