Nandito na ako ss mall ngayon, kasalukuyang hinihintay ko si ate Raq. Ang usapan namin ay magkikita kami ng two PM, pero napaaga ako ng dating dahil hindi na nag-lecture ang prof namin kanina.
Isasama ko sana sina Apz at Ida ngayon dahil nami-miss ko na rin sila at gusto kong bumawi sa hindi ko pagsama sa kanila last time, kaya lang ay may duty silang pareho ngayon after school.
Nakatambay lang ako sa coffee shop, binabasa ang paperback na parati kong dala nang biglang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Kaya naman ay kinuha ko ito mula sa dala kong bag at binasa ang text galing kay Richard.
Sunduin ba kita sa school? ‘Di pa tapos ang meeting namin eh, pero malapit na.
No need, nandito na ako sa mall.
Sinagot ko muna ang text niya bago
“Ang lakas ng ulan!” Sabi pa niya pagkatapos naming makasakay sa kotse niyang dala. Papunta kami ngayon sa bahay namin para kumuha ng mga gamit ko. “Biglang buhos na naman ito, katulad noong nakaraan.” At talagang ngumiti pa sa akin ng pilyo ang lalaking ito. Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng pisngi, dahil tulad niya, naalala ko rin iyong last time na naabutan kami ng malakas na ulan at na-stranded sa bahay.“Tingnan mo.” Pagpapatuloy niya pa. “Kung hindi kita sinundo ngayon, eh ‘di magco-commute ka. Sa ganitong panahon? Buti kung makahanap ka ng masasakyan.”“Syempre mayroon naman niyan.”“At mga ilang oras naman kaya ang hihintayin mo bago ka makahanap?”Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Para kasing kahit anong sabihin ko ay talo pa rin ako. Pagkaraan ay may na-realize ako, tiningnan ko lang siya, naisip ko na gusto ko iyong ganitong side niya. Iyong ch
“Babe.” Narinig kong tawag niya sa akin. Kasalukuyan na kaming nakahiga dito sa loob ng kuwarto niya. Tumigil naman din agad ang ulan kanina kaya nakauwi kami dito sa bahay niya. “Gising ka pa?” tanong niya, eh obvious naman na hindi pa ako tulog kahit hindi niya nakikita ang mukha ko. Paano ba naman ay yakap yakap niya ako mula sa likuran ko.“Hmmm…” tanging sagot ko sa kanya.“May itatanong lang sana ako.”“Ano iyon.”“Ahmm… Bakit mo ako love?” Natawa akong bigla pagkarinig sa tanong niya, hindi ko kasi in-expect na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Ngayon talaga habang nakakulong ako sa yakap niya at umuulan na naman ng malakas.“Ano ba naman iyan, tama bang tawanan lang ang tanong ko.”Natatawang hinarap ko siya. “Ano ba naman kasing klaseng tanong iyan? Ngayon mo pa talaga itatanong, pagkatapos ng lahat?”
“Anong oras pupunta ang mga kaibigan mo?” Tanong niya sa akin habang papunta na kami sa location. Nagpaalam kasi ako sa kanya kagabi kung pwede bang makadalaw uli sina Ida at Apz sa shoot. Kahit na nakaoo na ako kay Ida, gusto ko pa ring hingin ang permiso niya bilang director. Hindi porket may relasyon kami ay iba-bypass ko na ang mga ganoong bagay.“Mga hapon pa naman raw. Pasensya na ha, idol lang talaga nila si A eh.” Sa totoo lang ay ako ang nahihiya sa pagfa-fangirl ng mga kaibigan kong iyon.“Walang problema, Babe. Kausapin na lang natin mamaya si A.”Ang ganda ng pagkakangiti ko sa kanya ngayon. Kumpara last time, medyo panatag ang loob ko ngayon. Magaan ang pakiramdam ko. Malaking tulong na alam na ni ate Raq ang totoong relasyon namin ng katabi ko. At least, alam kong kahit papaano ay may masasabihan na ako ng nararamdaman ko. Kahit paano ay alam kong may kakampi na ako.Mayamaya ay ipinara
Nakakalimang sequence na kami, at mag aalas dose na nang kalabitin ako ni ate Raq at may itinuro sa may bandang garahe. Paglingon ko, nakita ko si sir Sam na naglalakad papasok ng bahay habang kasabay si Lillian na animo ay kumikinang sa sobrang kaputian.“Heto na ang higad na si Lillian.” Sabi pa ni ate at pinaikot pa ang mga mata niya. “Tingnan mo naman Stacy, naglalakad pa lang ubod na ng arte. Akala mo ay ubod niya ng ganda at lahat at sasamba sa kanya.”“Maganda naman kasi siyang talaga, ate.”“Mas maganda ka diyan noh!”“Ay si ate, ang bias.” Natigil kami sa pagbubulungan nang makalapit sila sa amin.“Lillian, si Raq. Remember her?” Todo ang pagkakangiti na baling sa amin ni sir Sam.“Of course! Hello Raq!” bati niya kay ate pagkatapos ay bumeso pa siya. Pinipigilan ko ang pagngiti dahil huling huli ko ang ekspresyon ng mukha ni ate nang m
“Mga brod, ako na naman ang mapapasama sa plano n’yong ito eh.” Narinig kong nag aalalang sabi sa kanila ni sir Sam. “Baka mamaya, masapak ako ha.” Dagdag niya pa.Wala pa rin ang boyfriend ko, magdadalawang oras na siyang wala. Sa production ay ayos lang naman iyon, dahil wala pa rin ang mga artista namin. May mga guesting pa kasi sila sa isang variety show. Pero sa akin at sa mga lalaking ito ay hindi ayos iyon, kakain lang ng lunch inabot na ng dalawang oras? Akala ko ba ay sandali lang? Ano iyon, noong um-order ay saka lang nagkatay ng kung anumang ino-order nila?Naku ha, umayos kang lalaki ka, baka ikaw ang makatay ko nito mamaya.“Huwag kang mag alala Sam, kami ang bahala sa iyo. Isipin mo na lang, makakatulong ka ng maigi kay Rekdi sa gagawin mong ito.” Pampalakas loob sa kanya ni kuya Mike, pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. “Ikaw naman Stacy, sumakay ka na lang sa amin ha. Huwag ka
Hay! Habang tinatanaw ko si Stacy palakad palayo sa akin ay inis na inis ako, hindi sa kanya, kung hindi sa sitwasyon ngayon. Ano ba talaga ang nangyayari? Kumain lang ako sa labas kanina kasama si Lillian dahil nga sa may diniscuss kaming business, pagbalik ko ay para na akong walang girlfriend. Bago naman ako umalis kanina ay ayos lang kami. Halos mamilipit nga ako sa kilig dahil sa huling sinabi niya. Hindi niya lang alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng sinabi niyang iyon, na wala daw siyang gustong ibang pasalubong. Ako lang daw, basta bumalik lang ako ng buo ay ayos na sa kanya.Pero anong nangyari? Bumalik naman akong buo, walang labis, walang kulang. Bakit ngayon ay para akong may aids kung iiwas nila si Stacy sa akin. Kung pwepwede nga lang na ipagsigawan ko na sa kanila na girlfriend ko iyong taong iniiwas nila sa akin, kanina ko pa ginawa dahil sa inis. Pero nagpipigil ako, hindi ko ginagawa iyon dahil alam kong magagalit na naman sa akin si St
“Okay ka na ba rito, Stacy?” nag aalalang tanong sa akin ni ate Raq nang alalayan niya akong makahiga sa kamang ginagamit namin sa eksena. “Magpahatid ka na kaya kay Rekdi?” Suhestyon pa niya. “Nag aalala na ako sa iyo at sobrang putla mo ngayon.”Akma na siyang tatayo nang abutin ko ang braso niya. “Huwag na ate, ayos lang naman po ako.”“Ayos? Wala akong nakikitang maayos sa hitsura mo ngayon.”“Normal lang naman ito ate.” Kumbinse ko pa sa kanya.“Normal?” gulat niyang sabi. “Paanong naging normal sa isang tao ang pagkahilo at pamumutla? Wala ka naman sigurong sakit na malala para magkaganyan ka?” umiling ako sa kanya bilang sagot. “Iyong ate ko natatandaan ko noon, parati ring namumutla at nahihilo, pero buntis kasi siya noon.”Napahinto siya sa pagsasalita na para bang may na-realize, pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng mahinang pagtapik sa hita ko. “Babe, gising ka na. Uuwi na tayo.” Narinig ko pang sabi sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad kong nabungaran ang guwapong mukha ni Richard. Hahawakan ko sana ang mukha niya nang ma-realize ko kung nasaan kami. Kung ano ang sitwasyon bago ako magpahinga dito sa kuwarto. “Nahihilo ka pa ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong pa niya sa akin.Umiling ako saka dahan dahang umupo mula sa pagkakahiga. “Nasaan na ba si ate Raq? Ang sabi niya sa akin kanina ay gigisingin niya ako kapag last sequence na.” Naaalala ko pa ang pangako niyang iyon bago niya ako iwan kanina dito sa loob ng kuwarto.“Sinabihan ko kasi siya kanina na huwag ka nang gisingin, na hayaan ka na lang muna na matulog rito.”“Alam na niya…” kaswal kong imporma sa kanya pagkatapos ay hinaplos ko ang tiyan ko at saka tumingin sa kanya.