“Okay ka na ba rito, Stacy?” nag aalalang tanong sa akin ni ate Raq nang alalayan niya akong makahiga sa kamang ginagamit namin sa eksena. “Magpahatid ka na kaya kay Rekdi?” Suhestyon pa niya. “Nag aalala na ako sa iyo at sobrang putla mo ngayon.”
Akma na siyang tatayo nang abutin ko ang braso niya. “Huwag na ate, ayos lang naman po ako.”
“Ayos? Wala akong nakikitang maayos sa hitsura mo ngayon.”
“Normal lang naman ito ate.” Kumbinse ko pa sa kanya.
“Normal?” gulat niyang sabi. “Paanong naging normal sa isang tao ang pagkahilo at pamumutla? Wala ka naman sigurong sakit na malala para magkaganyan ka?” umiling ako sa kanya bilang sagot. “Iyong ate ko natatandaan ko noon, parati ring namumutla at nahihilo, pero buntis kasi siya noon.”
Napahinto siya sa pagsasalita na para bang may na-realize, pagkatapos ay muling tumingin sa akin.
Naalimpungatan ako ng makaramdam ng mahinang pagtapik sa hita ko. “Babe, gising ka na. Uuwi na tayo.” Narinig ko pang sabi sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad kong nabungaran ang guwapong mukha ni Richard. Hahawakan ko sana ang mukha niya nang ma-realize ko kung nasaan kami. Kung ano ang sitwasyon bago ako magpahinga dito sa kuwarto. “Nahihilo ka pa ba? Kamusta na ang pakiramdam mo?” Nag aalalang tanong pa niya sa akin.Umiling ako saka dahan dahang umupo mula sa pagkakahiga. “Nasaan na ba si ate Raq? Ang sabi niya sa akin kanina ay gigisingin niya ako kapag last sequence na.” Naaalala ko pa ang pangako niyang iyon bago niya ako iwan kanina dito sa loob ng kuwarto.“Sinabihan ko kasi siya kanina na huwag ka nang gisingin, na hayaan ka na lang muna na matulog rito.”“Alam na niya…” kaswal kong imporma sa kanya pagkatapos ay hinaplos ko ang tiyan ko at saka tumingin sa kanya.
Pagdating namin sa bahay ay agad niya akong binuhat paakyat sa kuwarto namin. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataong makatapak sa sahig.“Dahan dahan naman. Makakarating naman tayo sa kuwarto.” Nag alala kong sabi dahil baka mahulog kami sa hagdan. Nararamdaman ko kasi ang pagmamadali niya na akala mo ay may humahabol sa kanya.“Babe, I can not help it.” Nang makarating sa kuwarto, inaasahan kong ididiretso na niya ako sa bathroom pero laking pagtataka ko nang ibaba niya ako sa kama. Pagkatapos ay lumayo siya sa akin.“Saan ka pupunta? Akala ko ba?” tanong ko nang iwan niya akong nakahiga. Hindi ko kasi alam kung saan pa siya magpupunta. Samantalang sa takbo ng usapan, no hindi pala usapan. Sa takbo ng landian namin kanina ay sa bathroom kami didiretso. Katulad niya ay naeexcite din naman ako, matagal din simula noong huling may mangyari sa amin dahil nagpigil nga siya. Natakot kasi siya nab aka maapekt
“Babe, ang daya mo naman eh.” Nagrereklamong sabi ko sabay katok sa pintuan ng banyo kung saan siya nagkulong.“Magbababad na muna ako rito.” Sagot niya sa akin.“Ang daya naman talaga. Ang akala ko ba ay sabay tayo? Bakit nandiyan ka na sa loob samantalang nandito ako sa labas?”Narinig kong tumawa siya. “Wait lang.” sabi pa niya.Frustrated na frustrated akong sumandal sa pinto. Ang buong akala ko pa naman ay…Pagyuko ko ay hindi ko naiwasang mapangiwi. “Easy boy.” Nasabi ko na lang, I guess I will have blue balls again. Nanlalatang bumalik ako sa kama at humiga na muna.Babe naman, ano ba itong ginagawa mo sa akin? Kanina ay sobrang sama na talaga ng loob ko. Excited na akong bumalik sa set kanina dahil alam kong naghihintay sa akin si Stacy. Hindi lang nila alam kung gaano ko tiniis ang presensya ni Lillian buong lunchtime. Iyong halos kilabutan ako dahil sa
Magkatabi na kaming nakahiga ngayon sa kama. Humupa na ang tensyon sa mga katawan namin. Nakaunan ako sa braso niya habang nakayakap naman ang isa niyang braso sa bewang ko. Kapwa kami hubad sa ilalim ng kumot. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa mga nangyari kanina, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nababawi ang resistensya ko.“Babe.” Narinig ko ang pagtawag niya kaya naman inaantok kong iniangat ang paningin ko sa kanya. Naghintay ako na sundan niya ang sinabi pero wala na akong narinig na kahit ano, bagkus ay ang kaninang nakayakap niyang braso ngayon ay humahaplos na sa aking tagiliran.“Bukas na lang please.” Pakiusap ko pa sa kanya, dahil legit na talaga ang pagod na nararamdaman ko ngayon mula sa dalawang beses na pag iisa ng mga katawan namin. Hindi ko na talaga kakayanin kung hihirit pa siya ng isa. Baka hindi na ako makatayo bukas sa sobrang pagod.“Grabe ka naman Babe, hindi na naman ako iisa pa
“Friend.” Tawag sa atensyon ko ni Apz, magkakatabi kaming nakaupo ngayon sa loob ng classroom. Katatapos lang ng exam namin at naghihintay na lang ng dismissal. Actually, naghihitay din ako ng text ng boyfriend ko kung nasaan na siya, pero hanggang ngayon ay hindi siya sumasagot. “Si Direk Richard ba iyong naghatid sa iyo kanina?” tanong niya pero hindi mariringgan ng pang iintriga ang boses niya, tonong gusto niya lang makasigurado.Tumango ako, useless na magkaila pa ako sa mga kaibigan ko dahil mukhang may nakakita sa akin na bumaba sa sasakyan ni Richard. Naalala ko tuloy ang naging pilitan namin kaninang umaga.“Ang kulit mo namang talaga, lalaki ka. Bakit kasi kailangan mo pa akong ihatid ngayon? Sinabi ko naman na dadalhin ko ang kotse ko para makadiretso na ako mamaya sa Araneta.” Litanya ko sa kanya habang nasa parking lot na kami ng school ko. Ang sabi ko sa kanya ay sa bahay niya ako idir
“Rekdi!” Narinig kong gulat na sabi ni kuya Mike pagdating namin sa convenience store kung saan ang meeting place namin bago manood ng game. “Kasama ka pala?” Umismid ako, kunwari pa itong si kuya na nagulat, alam ko naman na gustong gusto nga nila na sumama ang lalaking ito sa amin ngayon. Gusto pa kasi nilang pag initin daw nag tumbong nito kaya prinovoke pa nilang maigi kahapon. Hindi pa sila kuntento sa ginawa nilang pang iinis, kulang pa raw according to kuya Eric na ka-text ko kanina.“Bakit parang nagulat ka?” balik tanong naman sa kanya ng boyfriend ko. “Ayaw mo ba? Ayaw n’yo ba akong kasama?” tanong niyang pang muli saka tiningnan ang mga taong kasama naming manood na ngayon ay pawang nakatayo sa gilid ng convenience store. Nandito si tatay Matt, si kuya Eric, kuya Mike, direk Juls, ate Raq, kuya Eric at si sir Sam na lahat ay nakatuon sa amin ang pansin. “Papayag ba naman ako na iwan n’yo ako at hindi
Pagkatapos ng game ay dumiretso na kami sa isang resto malapit sa Araneta para makapag-dinner. Halos sabay sabay kaming naglalakad pero parang hindi ko kakilala ang mga kasabay naming dalawa ni Richard. Paano naman, wala ang usual na masayahing grupo, wala ang biruan, wala ang tawanan, wala ang kantyawan ng mga kuya ko. Tahimik lang na naglalakad ang lahat.Nang makarating sa resto ay pinili nila ang pwesto na medyo nasa sulok at malayo sa ibang customer, pinagtabi nila iyong dalawang table para magkasya kaming lahat. Pagkatapos makuha ng waiter ang mga order naming lahat ay napatingin ako kay Richard na katabi ko ngayon. Natatawa pa rin ako dahil naalala ko kung paanong halos hilahin na niya ako palabas sa venue kanina noong ma-realize niya kung ano ang nasabi niya. At ang mga kasama kong halos puro na-shock din sa narinig mula sa direktor nila ay dali dali na ring sumunod sa amin palabas.Naiinis nga lang ako dahil hindi man lang ako nakapag-celebrate s
“Ayos ka lang ba, Babe?” Tanong ko kay Stacy nang pareho na kaming nakahiga sa kama sa loob ng kwarto ko. Halos alas dose na rin ng gabi. Napasarap ang kwentuhan ng grupo, kung hindi pa magsasara ang resto ay wala pa sana kaming balak na magpaalam sa isa’t isa. Ngayon ay nag aalala ako dahil napuyat na naman ang mag ina ko. Kanina habang sakay kami ng kotse pauwi ay ilang beses kong napansin ang paghihikab niya. Alam kong pagod na pagod siya ngayong araw dahil nanggaling pa siya sa school kanina bago kami manood ng game.“Oo naman, why? Masaya nga ako. Masayang masaya.” Todo ngiting sagot niya sa akin. “Sa wakas ay nasa finals na ang favorite team ko at nakapanood ulit ako ng live.” Pinagmamasdan ko lang siya habang nagkwekwento, nakatihaya siya kaharap ng kisame samantalang ako ay nakatagilid sa side niya. “Nakita mo ba iyong step back three ng import namin?” Ngayon ay nilingon na niya ako.“Oo
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma