“Ayos ka lang ba, Babe?” Tanong ko kay Stacy nang pareho na kaming nakahiga sa kama sa loob ng kwarto ko. Halos alas dose na rin ng gabi. Napasarap ang kwentuhan ng grupo, kung hindi pa magsasara ang resto ay wala pa sana kaming balak na magpaalam sa isa’t isa. Ngayon ay nag aalala ako dahil napuyat na naman ang mag ina ko. Kanina habang sakay kami ng kotse pauwi ay ilang beses kong napansin ang paghihikab niya. Alam kong pagod na pagod siya ngayong araw dahil nanggaling pa siya sa school kanina bago kami manood ng game.
“Oo naman, why? Masaya nga ako. Masayang masaya.” Todo ngiting sagot niya sa akin. “Sa wakas ay nasa finals na ang favorite team ko at nakapanood ulit ako ng live.” Pinagmamasdan ko lang siya habang nagkwekwento, nakatihaya siya kaharap ng kisame samantalang ako ay nakatagilid sa side niya. “Nakita mo ba iyong step back three ng import namin?” Ngayon ay nilingon na niya ako.
“Oo
Nagkaayaan pang mag inuman after naming kumain ng dinner, pero dahil nga sa kalagayan ni Stacy ay hindi na sila sumama ni Rekdi. Kami kami na lang, sina tatay Matt, Direk Juls, kuya Mike, kuya Eric at ito ngang si Sam.“Hoy Samuel, hinay hinay ka lang sa pag inom ha. Napaparami na iyan.” Puna ni direk Juls kay Sam. “At ikaw naman, Raq.” Baling niya sa akin. “Last bottle mo na iyan ha.”“Direk Juls naman, pangalawang bote ko pa lang ito eh.” Reklamo ko pa. Sa totoo lang ay mataas ang tolerance ko sa alak kaya hindi ako basta basta na nalalasing. Ang sabi nga ng tatay ko ay malaki ang bahay alak ko, nagmana raw ako sa kanya kaya matagal ako bago malasing.“Oo nga namn Raq, tama na iyan. Kung sa bahay ninyo ay okay lang na malasing ka, dito sa labas ay hindi ka namin papayagan.” Si kuya Mike naman.“Ang iistrikto naman ng mga ito, daig n’yo pa magulang ko eh.”
“Saan ba tayo pupunta? Sino ang pupuntahan natin sa Batangas bukod sa Lola mo?” Pangungulit ko sa kanya habang patuloy siya sa pagmamaneho. Ctually, mahigit isnag oras na kami sa biyahe, ganoon katagal ko na rin siyang kinukulit pero ayaw niya namang magsabi. After lunch ay inaya na niya ako na umalis na kami, kaya naman nandito kami ngayon sa gitna ng kalsada.“Basta Babe. Sigurado naman ako na matutuwa ka doon sa pupuntahan natin eh.” Kumindat pa siya sa akin pagkatapos niyang sabihin iyon. “Relax ka lang diyan, if you want ay matulog ka na muna. Hindi ka ba nahihilo? Hindi ba masama ang pakiramadam mo?” ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa boses niya nang magtanong siya sa akin.Umiling lang ako, pagkatapos ay tumingin na sa labas ng bintana. Tinanaw ko na lang ang magagandang tanawing dinadaanan naming.Hindi ko na namalayan ang biyahe namin, hindi ko alam kung ilang oras ba ang inabot nito at kung huminto b
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga tanawing dinaraanan namin. Nasa biyahe na kaming muli, hindi na kami nagtagal sa resort kahit na todo ang pag iimbita sa amin ni Lillian na doon na magpalipas ng gabi. Katwiran ni Richard, magpupunta pa kami sa Lola niya. Though partly true iyon, mukha rin kasing pareho naming na-sense nitong boyfriend ko na may ibang ibig sabihin ang pag iimbitang iyon ni Lillian kanina. Ramdam ko na mas si Richard ang iniimbita niya, kung pwede nga lang na ipahatid na lang niya ako sa driver niya ay ginawa na ng babaneg iyon. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang eksena kanina.“Why naman hindi pa kayo dito mag-spend kahit isang gabi lang, Direk?” sabi ni Lillian.“Naku, hindi talaga pwede Lillian.” Sagot naman ng boyfriend ko sabay tingin sa akin.Iyong pagtinging iyon, mukhang iba ang naging meaning kay Lillian.
Hindi ko lang sinasabi kay Richard, pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. Kabado ako habang papalapit na kami kung saan nakatira ang lola niya, na makakaharap ko na ang nag iisang kapamilya ng boyfriend ko. Kabado ako sa kung ano ang magiging impresyon niya sa akin. Natatakot ako na hindi niya ako magustuhan para sa apo niya dahil unang una na ang agwat ng edad naming dalawa. Masyado pa akong bata kung ikukumpara kay Richard, wala pa akong nararating, wala pa akong napapatunayan kahit sa sarili ko samantalang ang apo niya ay isa ng successful na direktor.Kung sakali man na ayawan niya ako, paano na ako, paano na kami ng magiging anak ko? Hindi ko naman yata kakayanin na patuloy pa rin na makisama kay Richard kung alam ko na hindi naman ako tanggap ng lola niya, pero mukhang hindi ko rin naman kakayanin ang mapahiwalay pa sa kanya.Ilang sandali pa ay napansin ko na ipinapasok na niya ang sasakyan namin sa isang malawak na solar. Mas lalo yatang lumakas
Naguluhan ako pagmulat ng mga mata ko. Nanibago ako na wala akong nabungaran na katabi ko dito sa kama. Nasanay na ang katawan ko na unang nakikita ko pagmulat ng mga mata ay ang magandang mukha ni Stacy. Nang ma-realize kung nasaan ako ngayon ay mabilis akong bumangon. Dumaan muna ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo pagkatapos ay dire diretso na sa kuwartong tinulugan kagabi ni Stacy.Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang maalala ang kulitan pa namin kagabi bago kami natulog. No, ako lang pala ang nangulit.“Babe naman.” Ungot ko sa kanya habang nandito kami sa terrace ng bahay. Katatapos lang naming kumain ng dinner. Siya ay nakaupo sa upuang rattan na narito habang ako naman ay ay nakahiga at nakaunan sa hita niya.“Ano na naman ba iyon?”“Umapela ka naman kay Lola. Huwag kang oo lang ng oo sa kanya ha. Nakakainis ka naman eh.”Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa
Habang nasa sasakyan kami ni Lola Cedes ay panay ang kwento niya tungkol kay Richard. Aliw na aliw naman ako habang nakikinig sa kanya, ang dami kong nalaman na mga bagay bagay tungkol sa boyfriend ko. Ang dami kong natuklasan na hindi kasama sa mga kinuwento sa akin ni Richard.“Alam mo ba iyang apo ko, hindi naman sa bini-build up ko pa siya sa iyo dahil alam ko naman na hindi ko na kailangang gawin pa iyon. Ubod ng bait at lambing ng lalaki na iyan. Ikaw na lang ang mauumay sa kalambingan niya. Makakaranas ka rin ng pagka inis paminsan minsan dahil sadyang makulit talaga. Matigas ang ulo niyang lalaki na iyan.”“Paanong matigas ang ulo, La?” Akala ko ba ay ibi-build niya si Richard sa akin, bakit parang kabaligtaran yata ang nangyayari? Gusto ko tuloy matawa.“Naku, kahit anong pilit ko noong nag aaral pa siya na ako na ang magbabayad ng tuition fee niya ay ayaw namang tanggapin ng damuhong iyon. Hindi
“Lola naman, sige na naman po…” Natatawa ako habang pinagmamasdan ang ginagawang pangungulit ni Richard kay Lola Cedes. Nandito kaming tatlo sa may terrace sa itaas ng bahay. Katatapos lang naming maghapunan kaya heto at nagkwekwentuhan na muna bago matulog.“Magtigil ka nga riyan, Ricardo!” Aliw na aliw talaga ako kapag tinatawag ni Lola si Richard na Ricardo. “Para kang bata diyan na umaatungal. Pagbalik ninyo sa Maynila ay iyong iyo naman na itong si Stacy, walang aagaw sa kanya.”“Pero La…” At talagang lumipat pa ang lalaking ito sa pang isahang sofa kung saan nakapwesto si Lola. Patuloy pa rin siyang nakikiusap rito na kung pwepwede raw ba na sa kwarto na niya ako matulog ngayong gabi. Ayaw talagang lubayan ang Lola pero mukhang hindi naman umuubra ang convincing powers niya rito.“Huwag matigas ang ulo mo. Aba, gusto mo yatang mahataw pa kita ng abaniko ko. Teka at nasaan nga
“Lola Cedes, nagkahiwalay po pala ang parents ni Richard noon?” Tanong ko kay Lola, pareho na kaming nakahiga ngayon at sinasamahan siyang manood ng paborito niyang teleserye.“Nakwento na niya sa iyo?”“Opo.”“Isa iyan sa mga bagay na ayaw na sanang balikan ng apo ko. Kahit nagpapakita na malakas iyong lalaki na iyon, alam ko na pinagsisisihan niya pa rin ang naging desisyon niya na hindi sumama sa mga magulang niya dati. Alam ko na nasasaktan pa rin ang apo ko tuwing maaalala iyon.”“Nararamdaman ko nga po ang bigat na dinadala niya kanian noong nagkwekwento siya sa akin Lola.”“Ayun na nga, mararamdaman mo lang pero hindi niya direktang sasabihin sa iyo na nasasaktan na pala siya. Pilit niyang pinapakita sa mga tao na masayahin siyang tao na akala mo ay walang pinoproblema sa buhay, gusto niyang ipakita na malakas siya at walang problemang hindi niya kayang solusyuna
“T-teka… Ano ito? Bakit may ganito? A-anong nangyayari?” Nauutal kong tanong kay Richard na hanggang ngayon ay nananatiling nalakuhod sa harapan ko at nakalahad sa akin ang palad niyang may tangan na kahita ng singsing.“At saka ano ang ginagawa nila rito?” Tumayo ako mula sa kinauupuan at lalakad na sana para lumapit sa mga taong nakapaligid sa amin. Ano ba ang ginagawa nila rito sa resort? Bakit sila nandito, parang napakaimposible naman na gusto lang nilang manood ng shoot. Pahakbang na ako nang tumayo rin si Richard at pigilan ako.“Babe, where do you think you are going?”“And you,” baling ko sa kanya. “What do you think you are doing right now? Ano ang ibig sbaihin nito?” Pagkasabi ko noon ay nakita kong napalunok ng ilang beses ang kaharap ko sabay napakamot sa batok niya.“K-kasi Babe… A-ano kasi…” Siya ngayon ang hindi magkandatuto sa pagsag
“Stacy.” Napalingon akong muli kay Kuya Eric nang marinig ko na tinawag niya ako. “Upo ka daw muna doon. Mag stand-in ka raw muna, iche-check lang namin ang camera angle.” Pagpapatuloy niya pa.Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa sinabi ni kuya. Well, noong practicum days ko naman ay madalas na pinapagawa nila sa akin ito. Hindi ba nga at inamin sa akin ni Richard na madalas siya ang nagsasabi kina kuya Mike at kuya Eric na ipagawa sa akin ito, dahil nga may motibo siya. Gusto niya raw kasi akong makita kahit sa monitor lang.Medyo creepy sa totoo lang pero nakakakilig rin naman. Noong nakwento niya sa akin iyon habang magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at sinita ko siya. Ang sabi ko pa nga ay kung gusto niya pala akong makita, sana pala ay in-assign niya ako sa loob ng ObVan. Doon ay palagi niya akong makikita. Pero ang sabi niya lang sa akin ay masyado na raw garapal kung iyon ang ginawa niya. Inikutan ko lang siya
“No Stacy, hindi mo na kami kailangang tulungan. Kayang kaya na namin ito.” Pagsaway sa akin ni sir Sam.Nakikita ko naman kasi kung gaano sila ka aligaga sa ngayon. Ramdam ko na kulang na kulang sila sa tao kaya alam ko na nahihirapan sila. Hindi pa ba sapat na proof ang haggard na hitsura ni ate kanina. Iyong tipong nagpapanic at halos maiyak na dahil sa dami ng ginagawa, na kahit nakakaramdam ng pagod ay hindi makapagreklamo dahil halos lahat sila ay pawang maraming ginagawa.“At saka malalagot kami nito kay Rekdi kapag nakita niyang pinatutulong ka namin. Baka makasama naman ito sa kalagayan mo.” Dagdag niya pa.“Ay oh, ang OA naman. Hindi naman po ako magbubuhat ng camera at ilaw, o kaya naman ay imposible naman akong maghihila ng mga kable dito. Kaya ayos lang ko, hindi ito makakasama sa akin. Sa totoo nga lang po ay namiss ko ang tumulong sa production. Though halos saglit lang naman po ang pagpapracticum
Chapter 143“Rekdi, si Stacy!” Nagulat ako nang biglang magsalita si Eric.“Si Stacy? Nasa kabilang resort, kasama ng Daddy niya at ni Miss Amanda?” Hindi tumitinging sagot ko sa kanya. Abala ako sa pag iinspeksyon sa checklist namin. Baka kasi may ma-miss out ako, mahirap na.“Hindi Rekdi! Tingnan mo, kausap siya nina Raq at Sam!” Si Mike naman ngayon na kababakasan ng pagpapanic sa boses.Dahil sa narinig ay saka lang ako lumingon sa direksyong tinitingnan nila. At dahil nga salamin naman ang dingding ng opisinang kinaroroonan namin ay kitang kita ko ang kagandahang hinding hindi ko pagsasawaan kailanman. Awtomatiko akong napangiti, ilang araw ko na nga bang hindi nasilayan ang mukha ng Babe ko?Hindi ko napigilan ang sarili ko, agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at akmang hahakbang na palabas ng opisina nang pigilan ako ng dalawang kasama ko.“Rekdi, saan ka pupunta?”&ldqu
Ang bilis naman ang aksyon ni Lord, pinagbigyan agad ang kanina lang ay hinihiling ko. Simula pa kagabi ay ipinagdarasal ko na sana ay makasama ko si Richard kahit na alam ko naman na imposible iyon na mangyari. Papunta kaming south at ang grupo naman niya ay sa north ang punta. Kahit saang anggulo ko isipin ay hindi talaga kami magpapang abot.Kahit hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sila napunta sa resort na ito ay hindi na iyon mahalaga sa ngayon. Imposible naman kasi na sinadya ng boyfriend ko na dito sila mag location sa katabing resort kung saan kami nagbabakasyon. Wala siyang paraan para malaman kung nasaan kami dahil kahit nga ako ay clueless sa pupuntahan namin kaninang umaga. Kaya nga nagulat ako nang makita kong medyo pamilyar ang lugar na tinatahak ng van. Mas lalo namang imposible na sabihin sa kanya ni Daddy, hindi nga sila nag uusap kung hindi ko pa pilitin si Daddy eh, ang sabihin pa kaya kung saan kami magpupunta? Kung pwede nga lang
“Mukhang masarap nang maglakad sa buhanginan ah.” Sabi ko sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa loob ng restaurant, wala namang masyadong customer kaya naisip ko kanina na ayos lang na magtagal muna ako rito. Sayang naman ang kagandahan ng paligid kung magkukulong lang ako sa loob ng cottage namin katulad ng ginagawa nina Daddy at Tita Amanda.Pagkatapos naming mag usap kanina ni Tita at magkwentuhan pa ng kaunti ay lubusang gumaan na ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang matagal nang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Ngayon ay masasabi ko na tuluyan ko nang napalaya ang lahat ng sama ng loob na naramdaman ko kina dad at tita Amanda. Alam ko sa sarili ko na wala na akong ill feelings na nararamdaman sa relasyon, as in totally wiped out na lahat ng sakit na naramdaman ko noon.Malaking tulong na sa bahay namin tumira si Tita dahil nakilala ko siya ng husto. Nalaman ko kung bakit siya nagustuhan ni dad, nalaman ko kung bakit m
“Paano ba iyan Babe, problem solved na.” Mayamaya ay narinig kong sabi sa akin ng boyfriend ko sa kabilang linya. Sinabi ko kasi sa kanya na alam na ni Daddy na buntis ako.“Eh ano naman ngayon?” Hindi ko napigilan ang sarili kong tarayan siya. Akala niya ba ay nakalimutan ko na ng atraso niya sa akin. Ngayon niya lang sinagot ang tawag ko sa kanya, nagpadala lang siya sa akin kanina ng text na kagigising niya lang. Pagkatapos ay wala na. Nakakapanibago na talaga siya ngayon.“Eh ‘di kasalan na ang susunod.”“Kasalan? Nino?” Tanong ko sa kanya. “Sina Dad at Tita Amanda ba? Pero wala naman silang nababanggit sa akin eh, happy na raw sila na magkasama sila. I don’t think na magpapakasal pa sila.” Totoo naman ang sinabi ko, dahil noong minsan ay natanong ko silang dalawa habang magkakasalo kami sa breakfast. Kako ay bakit hindi pa sila magpakasal since okay na naman ako sa relasyo
“Ano, kamusta ang set up natin Juls?” Nagpa-panic kong tanong kay Juls.“Rekdi naman, dumadagdag ka lang sa pagkakataranta namin eh. Relax ka lang diyan.”“Paanong hindi ako matataranta, anong oras na eh. Ang usapan namin ng Daddy ni Stacy ay before sunset niya dadalhin rito ang Babe ko.”“Alas-dos pa lang naman Rekdi. Hayaan mo na lang muna kami rito, kami na ang bahala.” Pagpapahinahon naman sa akin ni Sam.“At isa pa Rekdi, ano ba ang ikinatatakot mo? Iyon bang mawala ang sunset, pwede naman nating dayain sa ilaw iyan.”“Siraulo ka talaga Mike, ginawa mo pang shoot itong proposal ni Rekdi.” Sita sa kanya ni Eric.Lahat kami ay nandito na sa Batangas, sa katabing resort kung saan naroon ngayon si Stacy. Kumpleto nag grupo ko, wala man silang papel sa gagawin ko ay gusto ko na maging saksi sila sa gagaiwn kong ito. Ang totoo ay kagabi pa nandito ang grupo
“Anak, bakit mukhang malungkot ka ngayon? Hindi ka ba excited sa magiging bakasyon natin?” Tanong sa akin ni dad paglingon niya sa akin dito sa backseat. Nasa harapan kasi siya nakaupo katabi ng company driver namin habang kami naman ni Tita Amanda ang nakaupo rito sa likuran ng van. Maaga kaming umalis ng bahay at ngayon nga ay nasa bandang Batangas na kami.“Excited naman po dad.” Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.“Iyan ba ang mukha ng excited?” Tanong naman sa akin ng katabi kong si Tita. Napilitan tuloy akong ngumiti para mapanatag silang dalawa.“Nakow! Alam ko na kung bakit, alam ko na ang dahilan ng pinagkakaganyan mong bata ka.”Kinunotan ko lang ng noo si Dad saka pumikit na lang.“Uy, huwag ka nang matulog. Malapit na tayo. Kanina ka pa tulog ng tulog. Anong oras ka ba natulog kagabi? Baka nakipagtelebabad ka pa sa Richard na iyon samantalang sinabihan na kita na ma