Monday, shoot day. Dahil nga sa ayaw kong pumayag na hindi magpunta sa shoot ay nandito ako ngayon, nakasakay sa sasakyan niya. Sinundo niya ako kanina sa bahay at sabay kaming pupunta sa location. Uuwi daw kasi si dad kahapon kaya dali dali akong nagpahatid kay Richard pauwi sa bahay. Maghapon akong naghintay pero halos maghating gabi na rin noong dumating si dad. Gustuhin ko mang kausapin siya ay hindi ko na nagawa dahil hindi rin naman na ako pwedeng magpuyat. Pagkagising ko naman kanina ay nakaalis na siya, nag iwan lang siya ng note. Ayaw ko man ay hindi ko na naman naiwasang malungkot, hanggang kailan kaya kami ganito ng tatay ko?
“O, bakit tahimik ka?” puna niya sa akin.
“Wala.”
“Kinakabahan ka pa rin babe?”
Tumango ako. Bago kami naghiwalay kahapon ng umaga ay muli naming napag usapan ang grupo. Firm pa rin kasi ang decision ko na huwag munang ipaalam sa kanila, na sinang ayunan naman niya. Okay, s
“Ito o.” Nagtataka kong kinuha ang palihim niyang iniabot sa akin. Magkatabi kaming kumakain ng dinner. Yes, dinner time na. Awa ng Diyos ay naging maayos naman ang buong araw. Naitawid namin ng maayos ang relasyon namin na walang nakakadiskubre sa mga kasama namin dito sa shoot.“Ano po ito?” tanong ko habang hawak ang susi na iniabot niya.“Eh ‘di susi, ano pa ba?” Medyo napalakas ang boses niya sa pagkakasabi noon kaya naman napalingon sa direksyon namin ang mga kasalo namin habang naghahapunan.“Alam ko pong susi ito, pero ano po ang gagawin ko rito?”“Susi ng van iha. Remember, bawal kang magpuyat dahil sa kalagayan mo.” Buti na lang at ipinagdiinan niya ang salitang kalagayan kaya na-gets ko na ang ibig niyang sabihin. Nag alala lang ako sa ibang nakarinig.Kaya magpoprotesta sana ako pero sumabad si direk Juls. “O Stacy, magpahinga ka na nga pagkatapos mag-
“Anong oras na?” nagtatakang kong tanong pagmulat ng mga mata ko. Nabungaran ko ang medyo namumungay na mata ng boyfriend ko na nakatunghay sa akin. Nagising ako dahil sa mahinang tapik na ginawa niya sa akin.“Two AM na.” sagot niya naman sa akin at humikab pagkatapos. “Nakakapagod na araw pero as long as ikaw ang makikita ko pagpasok ng sasakyan ay tanggal ang pagod ko agad.”Inismiran ko lang ang pambobola niya, ang lalaking ito talaga. Kahit saan ay ipipilit ang mambola. “Pack up na ba?” tanong ko na lang. “Dalawang oras din pala akong nakatulog.” Dagdag ko pa pero hindi muna ako bumangon mula dito sa likurang upuan ng van, marahan muna akong nagstretch.Nandidilat na mata ang isinagot niya sa mukha ko, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.“Bakit? Bakit ganyan ang hitsura mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.“Ano ang sinasabi mong dalawang oras? Paanong
Nandito na ako ss mall ngayon, kasalukuyang hinihintay ko si ate Raq. Ang usapan namin ay magkikita kami ng two PM, pero napaaga ako ng dating dahil hindi na nag-lecture ang prof namin kanina.Isasama ko sana sina Apz at Ida ngayon dahil nami-miss ko na rin sila at gusto kong bumawi sa hindi ko pagsama sa kanila last time, kaya lang ay may duty silang pareho ngayon after school.Nakatambay lang ako sa coffee shop, binabasa ang paperback na parati kong dala nang biglang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Kaya naman ay kinuha ko ito mula sa dala kong bag at binasa ang text galing kay Richard. Sunduin ba kita sa school? ‘Di pa tapos ang meeting namin eh, pero malapit na. No need, nandito na ako sa mall. Sinagot ko muna ang text niya bago
“Ang lakas ng ulan!” Sabi pa niya pagkatapos naming makasakay sa kotse niyang dala. Papunta kami ngayon sa bahay namin para kumuha ng mga gamit ko. “Biglang buhos na naman ito, katulad noong nakaraan.” At talagang ngumiti pa sa akin ng pilyo ang lalaking ito. Hindi ko tuloy naiwasang pamulahan ng pisngi, dahil tulad niya, naalala ko rin iyong last time na naabutan kami ng malakas na ulan at na-stranded sa bahay.“Tingnan mo.” Pagpapatuloy niya pa. “Kung hindi kita sinundo ngayon, eh ‘di magco-commute ka. Sa ganitong panahon? Buti kung makahanap ka ng masasakyan.”“Syempre mayroon naman niyan.”“At mga ilang oras naman kaya ang hihintayin mo bago ka makahanap?”Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Para kasing kahit anong sabihin ko ay talo pa rin ako. Pagkaraan ay may na-realize ako, tiningnan ko lang siya, naisip ko na gusto ko iyong ganitong side niya. Iyong ch
“Babe.” Narinig kong tawag niya sa akin. Kasalukuyan na kaming nakahiga dito sa loob ng kuwarto niya. Tumigil naman din agad ang ulan kanina kaya nakauwi kami dito sa bahay niya. “Gising ka pa?” tanong niya, eh obvious naman na hindi pa ako tulog kahit hindi niya nakikita ang mukha ko. Paano ba naman ay yakap yakap niya ako mula sa likuran ko.“Hmmm…” tanging sagot ko sa kanya.“May itatanong lang sana ako.”“Ano iyon.”“Ahmm… Bakit mo ako love?” Natawa akong bigla pagkarinig sa tanong niya, hindi ko kasi in-expect na itatanong niya iyon sa akin ngayon. Ngayon talaga habang nakakulong ako sa yakap niya at umuulan na naman ng malakas.“Ano ba naman iyan, tama bang tawanan lang ang tanong ko.”Natatawang hinarap ko siya. “Ano ba naman kasing klaseng tanong iyan? Ngayon mo pa talaga itatanong, pagkatapos ng lahat?”
“Anong oras pupunta ang mga kaibigan mo?” Tanong niya sa akin habang papunta na kami sa location. Nagpaalam kasi ako sa kanya kagabi kung pwede bang makadalaw uli sina Ida at Apz sa shoot. Kahit na nakaoo na ako kay Ida, gusto ko pa ring hingin ang permiso niya bilang director. Hindi porket may relasyon kami ay iba-bypass ko na ang mga ganoong bagay.“Mga hapon pa naman raw. Pasensya na ha, idol lang talaga nila si A eh.” Sa totoo lang ay ako ang nahihiya sa pagfa-fangirl ng mga kaibigan kong iyon.“Walang problema, Babe. Kausapin na lang natin mamaya si A.”Ang ganda ng pagkakangiti ko sa kanya ngayon. Kumpara last time, medyo panatag ang loob ko ngayon. Magaan ang pakiramdam ko. Malaking tulong na alam na ni ate Raq ang totoong relasyon namin ng katabi ko. At least, alam kong kahit papaano ay may masasabihan na ako ng nararamdaman ko. Kahit paano ay alam kong may kakampi na ako.Mayamaya ay ipinara
Nakakalimang sequence na kami, at mag aalas dose na nang kalabitin ako ni ate Raq at may itinuro sa may bandang garahe. Paglingon ko, nakita ko si sir Sam na naglalakad papasok ng bahay habang kasabay si Lillian na animo ay kumikinang sa sobrang kaputian.“Heto na ang higad na si Lillian.” Sabi pa ni ate at pinaikot pa ang mga mata niya. “Tingnan mo naman Stacy, naglalakad pa lang ubod na ng arte. Akala mo ay ubod niya ng ganda at lahat at sasamba sa kanya.”“Maganda naman kasi siyang talaga, ate.”“Mas maganda ka diyan noh!”“Ay si ate, ang bias.” Natigil kami sa pagbubulungan nang makalapit sila sa amin.“Lillian, si Raq. Remember her?” Todo ang pagkakangiti na baling sa amin ni sir Sam.“Of course! Hello Raq!” bati niya kay ate pagkatapos ay bumeso pa siya. Pinipigilan ko ang pagngiti dahil huling huli ko ang ekspresyon ng mukha ni ate nang m
“Mga brod, ako na naman ang mapapasama sa plano n’yong ito eh.” Narinig kong nag aalalang sabi sa kanila ni sir Sam. “Baka mamaya, masapak ako ha.” Dagdag niya pa.Wala pa rin ang boyfriend ko, magdadalawang oras na siyang wala. Sa production ay ayos lang naman iyon, dahil wala pa rin ang mga artista namin. May mga guesting pa kasi sila sa isang variety show. Pero sa akin at sa mga lalaking ito ay hindi ayos iyon, kakain lang ng lunch inabot na ng dalawang oras? Akala ko ba ay sandali lang? Ano iyon, noong um-order ay saka lang nagkatay ng kung anumang ino-order nila?Naku ha, umayos kang lalaki ka, baka ikaw ang makatay ko nito mamaya.“Huwag kang mag alala Sam, kami ang bahala sa iyo. Isipin mo na lang, makakatulong ka ng maigi kay Rekdi sa gagawin mong ito.” Pampalakas loob sa kanya ni kuya Mike, pagkatapos ay ako naman ang binalingan niya. “Ikaw naman Stacy, sumakay ka na lang sa amin ha. Huwag ka