Home / Romance / BAKAS NANG KAHAPON / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of BAKAS NANG KAHAPON : Chapter 1 - Chapter 10

50 Chapters

PROLOGUE

         " Rina?"           " Joan?"           " Glenn?"            " Karla?"            Umalingawngaw ang tawag na iyon ng isang babae sa gitna ng dilim ng gabi. Patuloy nitong tinatawag ang kaniyang mga kaklase, na dati kanina ay kasama lamang niya.            " Ano ba naman kayo? Wala naman biruan ng ganyan! Hindi nakakatuwa!" Kinakabahang sabi nito. Hindi na alam ang gagawin. Kinikilabutan na s'ya sa takot. Bukod sa madilim ang bahaging iyon, ay mayroon ding isang bar na nasa bandang dulo ng eskinita na iyon. Hindi malayong may maligaw na lasing doon, at baka kung ano pa ang gawin sa kaniya.           " Ano ba? Nasaan na ba kayo? Wag n'yo naman ako biruin ng ganito." Mangiyak ngiyak na sigaw nito. Hindi na rin n'ya alam ang gagawin. Nabuhay ang
Read more

CHAPTER ONE - BONDING

     "Mama!" sigaw  ng batang lalaki habang tumatakbo , papalapit ito kay Angela. Malawak ang pagkakangiti nito, habang   nakadipa  ito, tanda ng sabik na pagyakap sa bagong dating.  Para bang  sadya talagang inaabangan ang pagdating n'ya, dahil paghinto pa lang ng sinasakyang tricycle, ay sabik na sabik na itong lumapit doon kasunod si lola Ading.       Kadarating lang nya galing sa pinapasukang trabaho sa kabayanan. Nagtatrabaho s'ya bilang isang cashier sa isang bagong bukas na mall doon. At sa tulong na rin ng kanyang matalik na kaibigan, kung kaya s'ya madaling nakakuha ng trabaho.       Nagsisimula rin s'yang mag - ipon upang magamit na pang bayad ng matutuluyan na malapit lang sa pinapasukang mall, gayundin sa kanyang eskwelahan. Medyo nahihirapan din kasi s'ya sa halos araw araw na pag uwi sa kanila, pagkatapos ng kanyang klase at trabaho.        Kailangan n'yang
Read more

CHAPTER TWO - HER BESTFRIEND

LUNES, maagang bumangon si Angela upang maghanda sa kanyang pagpasok sa trabaho. Alas kwatro pa lang ng umaga at madilim pa sa labas ng bahay. Tanging ang mga tilaok lang ng mga manok ang maririnig mo. Maaga syang naghanda at nagluto ng babaunin nyang pagkain. Ito ang lagi nyang ginagawa upang makatipid. Mahal din kasi kung bibilhin pa nya. Sa hapon naman sa kantina ng unibersidad na sya kumakain.         Halos katatapos lang nyang mag ayos ng mga dadalahin nya ng maramdaman nyang lumabas ang kanyang lola. Hindi na nya ito ginigising tuwing maaga syang bumabangon. Intindi naman nya na matanda na ito at kelangan talaga ng sapat na pahinga at hindi na dapat pang napapagod.       "Tapos ka na ba?" bungad nito       "Opo 'la. Paalis na rin po ako.para hindi ako masyado matanghalian." sabi nya. "Kayo na po muna ang bahala kay Vince lola ha. Pagpasensyahan nyo na po kung makulit man." natatawa nyang s
Read more

CHAPTER THREE - INVITING TO THE PARTY

KINABUKASAN, talaga ngang seryoso ang kaibigan nya na sasama talagang matutulog sa kanila. Bitbit nito ang mga dalang pasalubong para kina Vince at lola. Bumili pa ito ng pagkarami- raming pagkain. Maaga naman silang nakauwi, alas singko pa lang at maliwanag pa. Wala ang ilang propesor nila at may dinaluhang seminar kung kaya mas maagang naka uwi sina Angela. Nang dumating ang sundong tricycle ni Angela. Walang arteng mas nauna pang sumakay ang kaibigan, kung tutuusin hindi ito sanay na sumasakay sa ganito. De kotse ito at may driver pa, hindi naman nito kailangang magtiis na sumakay sa ganito, pero hindi ito pinansin ng babae. Sa tuwing sasama ito sa kanila. Sumasabay ito sa sinasakyan nya.       " Ayaw mo bang  kotse nyo ang maghatid sa iyo?" minsang tanong nya dito. Naalangan kasi sya na hindi naman nito sanay sa ganitong sasakyan.       " Hindi na kailangan. At saka maganda namang sumakay dito, mahangin, maingay nga la
Read more

CHAPTER FOUR - UNEXPECTED VISITOR

MÀAGA pa rin naman kinabukasan na bumangon ang magkaibigan kahit pa nga late na silang natulog sa tagal ng pagkukwentuhan. May liwanag na rin nang lisanin nila ang baryo.      "Kelan po ulit ang balik mo dito, tita ninang?" tanong ng bata.       "Promise baby, sa linggo buong araw tayong magkasama, ipapasyal namin kayo ni mama at lola. Ok?" sabi nito at hinalikan ang bata.        "Sige po. Hihintayin po ulit namin kayo." sabi nito.        Niyakap at hinalikan nya ang anak, gayundin ang lola nya at tinungo na nila ang sasakyan. 7:48 ng huminto sila sa harap ng gusaling pinapasukan. Pagkababa tumayo nalang sila sa tabi habang hinihintay ito magbukas, habang abala naman ang kaibigan na kinuha ang phone at dinayal ang numero ng kanilang driver para magpasundo.        Nang magbukas ang gusali nagpa alam si Angela sa kaibigan, tama namang pagdating
Read more

CHAPTER FIVE - TRANSFERRING TO THEIR NEW HOUSE

ANGELA'S POV LINGGO, busy ang araw na ito para sa kanila. Ngayon kasi sila nakatakdang maglipat ng bahay sa bayan. Inalok sya ng kaibigan na tutulong ito sa kanila sa gagawing paglilipat, kaya hindi na rin sya nakatanggi rito ng sabihin nitong sa sasakyan nalang nila isasakay ang mga gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit nilang dadalhin kasya naman sana sa tricycle ni mang mario, kaya lang mapilit pa rin ito para hindi raw gipit. Hindi na rin sya nakatanggi. Maaga silang dumalo ng misa para hindi rin sila hapunin sa paglilipat- bahay.        Ibinilin na muna nila ang ilang mga alagang hayop kina manang maring at mang mario. Ito ang pinakamalapit nilang kapit- bahay. Siguro dadalaw- dalaw nalang sila pag may libreng oras sila. Mainam na rin naman ito dahil mas malapit sa kanyang pinapasukan.        Magtatanghali na ng matapos sila sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin. Matapos nito nagpasya na muna silang mananghalian b
Read more

CHAPTER SIX - THE PARTY

HABANG naglalakad sila pasunod kay Karen sa loob, hindi maiwasan ni Angela na iikot ang tingin sa paligid. Malawak ang space ng bakuran ng mansyon. Sa bandang kanan nito, may isang malawak na oval shape na swimming pool. Sa palibot nito landscpe naman na puno ng Bermuda grass na halatang alaga sa trim. Palibot din ng ornamental plants and orchids na kasalukuyan palang namumukadkad sa mga bulaklak na naka- dagdag sa pagiging presko ng paligid. Sa bandang dulo ng pool ay may swing at bench na malapit sa isang malaking puno na nagsisilbing pinaka lilim nito.        Marami ng tao sa paligid, at ang iba busy sa pagkukwentuhan, ang iba naman ay kumakain at ang mga batang maliliit naman ay naglalaro sa malawak na garden nito. Buffet style ang handaan. Nakahilera sa isang lugar ang iba't- ibang uri ng pagkain at inumin, ikaw na ang syang bahalang kumuha ng gusto mo. Meron naman mga umiikot sa mga bisita na may dalang kopita ng alak para sa mga gustong uminom.
Read more

CHAPTER SEVEN - HIS NIGHTMARE

PASADO alas nueve na nang gabi ng makarating sina Angela sa bahay. Nakatulog na rin si Vince habang nasa byahe, marahil sa sobrang pagod nito sa paglalaro kanina. Binuhat na lamang nya ang bata paakyat sa taas at hinatid naman sila ni Karen hanggang sa kwarto.  Matapos mai- ayos ng higa si Vince muli nyang hinarap kanyang kaibigan.          "Salamat, ha.!"          "Wala 'yon, salamat rin na pinag bigyan mo ako na makadalo kayo." Anito. "Nga pala may pagkain na nakabalot dyan para kay lola." Sabay turo sa plastik na dala. "O pano aalis na rin ako para makapag pahinga ka na rin." Yumakap at humalik pa ito sa kanya bago muling umalis.         Nag ayos sya at itinabi ang pagkaing dala at naghanda ng matulog. Hindi na nya inabala pa ang iba sa pagdating nila. Binigyan rin naman sya ng sariling duplicate ng susi ni Aling Sally, sakali mang nalelate sya ng uwi. Naramdaman naman ng lola
Read more

CHAPTER EIGHT - UNDER THE BRIDGE

  ABALANG - abala si Norman sa pag che- check ng mga files sa harapan. Subalit palagi rin sumasagi sa isipan nya ang imahe ng batang nakita nya sa bahay nina Alex. Hindi nya alam kung anong nangyayari sa sarili. Noong una, ang paulit ulit na bangungot nya, at ngayon naman ang batang iyon. Hanggang ngayon, ramdam pa rin nya ang mabilis na pintig ng kanyang dibdibsa tuwing sasagi ito sa kanyang ala ala. Kahit na nga isang linggo na mula ng bumalik sya rito. Sa tuwing maalala nya ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. Parang dinudurog ang puso nya. Tila may bahagi ng puso nya na dala dala ng batang iyon. Pakiramdam na nya hindi na yata sya ang kilala nyang Norman ngayon. Ibang iba na ang nararamdaman nya sa sarili nitong mga nakalipas na araw.          Gusto man nyang magtanong kay Alex ng tungkol sa bata ngunit naisip na baka kantyawan na naman sya nito.          "Sir, you have a meeting with
Read more

CHAPTER NINE - PURSE

ANGELA'S POV  PAKIRAMDAM ni angela may nagmamasid sa kanila kaya inilibot nya ang tingin sa paligid. Wala naman syang nakikitang kakaiba sa mga nasa paligid nya. Normal lang ang mga taong nasa loob at wala namang kahina- hinala ang kilos.         'Napapraning na ata ako.' bulong nya sa sarili.           Napansin pala ni Karen ang ginawa nya at nagtanong.         "May problema ba, bess?" tila nababahalang sabi nito.          "Wala naman"          "Bakit uneasy ka yata dyan. Kanina ayos lang naman tayo ah."           "Sino ba hinahanap mo?"         "Wala naman." at ibinalik na nya ang atensyon sa pagkaing nasa harapan.      "Gusto mo pa, baby?" baling nya sa bata.        "Okey na po ako, busog na po.
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status