Home / Fantasy / The Demon-Angel / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Demon-Angel: Chapter 1 - Chapter 10

44 Chapters

Chapter One

MonicaSa mundo na ginagalawan sadyang may mga bagay at tao talaga na inakala mo’y alam mo at kilala mo na, pero hindi pa pala. Mga bagay na patuloy na ikinukubli sa dahilang ito ang mas nakabubuti at nararapat. Pero paano nga ba ito haharapin kong ang mga tao mismo sa iyong paligid na akala mo ay kakampi ay siya ring nagbabalat kayo?******Pumupungas pa ako habang pababa ng hagdan sa kadahilanang antok pa. Kahit nakaligo at nakabihis na ako ay hindi pa rin naalis ang antok ko.  Hihikab sana ako ngunit nabitin ito nang may marinig akong galabog galing sa kusina. Dali-dali akong tumakbo papunta ng kusina, gayun din si papa na nakasabay ko pa sa pagpasok ng kusina."Ma?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa harap ng gas stove. Nagkalat ang mga shell ng itlog sa lababo at gayundin ang ilang kasangkapan pang luto."Dear? Anong nangyari?" tanong ni Papa kay Mama bago ito lapitan. Ako naman ay naupo na sa dining.
last updateLast Updated : 2021-06-28
Read more

Chapter Two

MonicaIlang linggo na rin ang lumipas mula noong pumasok sila Nathan. Tulad ng inaasahan, naging ka-close nga ni Mikael ang iba pa naming kaklase. Si Nathan naman mas gusto mag-isa, madalas ko siyang nakikita na nagpupunta ng library, o 'di kaya naman ay kausap si Sir Levi. Wala naman nagbago kahit mayroong transferee. Maingay pa rin ang klase sa tuwing walang teacher, nagsisigawan, nagko kopyahan ng assignment, normal na mga bagay na ginagawa ng mga Senior High School student."Bestie, akin na yung folder mo sa Creative Writing. Ipapasa na iyon mamaya 'di ba? Para isasabay ko na." sabi ni Geca habang nakalahad ang kamay."Oo nga pala, ano? Sandali."Nagsimula na akong maghalungkat sa bag ko. Pinagawa kasi kami ni Sir Raguel ng isang short story. Minimum of five thousand words at handwritten. Isang linggo naman ang palugit niya kaya walang problema.Halos ibuhos ko na ang laman ng bag ko pero hindi ko mahanap yung folder ko.
last updateLast Updated : 2021-06-29
Read more

Chapter Three

MonicaPagbalik ko sa loob ng room ay nilapag ko ang baunan na dala ni mama."Salamat po sa pagkain!" sambit namin ni Geca bago buksan ang baunan. Kinuha ko ang dalawang bimpo na nakabukod. Nakabalot doon ang tag-isang set ng kutsara at tinidor.Sa unang layer ng baunan ay yung ulam na pang-tatlo o apat na tao ata. Tapos sa huling layer ay kanin."Wow, mahal na mahal ata tayo ni tito. Halatang ayaw tayo magutom." sabi ni Geca habang nakatingin sa baunan na nasa harap namin."Uy, gusto niyo?" pag-aalok ko sa kaklase namin na nasa second row."Thank you!" nakangiting sabi nito matapos kumuha ng ilang piraso."Ikaw?" pag-aalok ko kay Mikael na nasa likod namin at mag-isang kumakain."Ano iyan?" "Lechon Kawali, luto ni papa. Kuha ka lang." sabi ko habang hawak-hawak ang baunan."Mag-isa ka lang maglulunch?" tanong naman ni Geca."Yup. Nakapagluto kasi ako kanina ng pwedeng ibaon kaya nag-
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

Chapter Four

Third PersonNaalerto agad si Geca dahil nararamdaman niya na hindi na natutuwa ang kanyang kaibigan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase nila. At tuluyan na ngang tumayo ito dahil sa inis. "Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" Wika ni Monica kaya naman hinawakan na ni Geca ang kaibigan upang pigilan ito at huminahon na ito.Aaminin niya, maski siya ay naiinis na rin pero kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanyang bestfriend."Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sabi ni Therese at tumayo na rin ito sa upuan na tila ba nakikipag-kompetensya pa kay Monica."Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." Segunda pa ng kaibigan ni Therese na si Tanya.Mas naalarma si Geca dahil tila nag-iba ang aura ng kanyang bestfriend.
last updateLast Updated : 2021-07-01
Read more

Chapter Five

MonicaNakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin."Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama."Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko."H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa."Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!""Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya."Opo!" natatawa kong tugon.Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan
last updateLast Updated : 2021-07-02
Read more

Chapter Six

Monica   Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok. "Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal. "Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. "Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya. "Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy. "Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi." Tumango na lang ako
last updateLast Updated : 2021-07-04
Read more

Chapter Seven

Monica   Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan. "Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa. "Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa. "Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael. "Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan. "May sinabi ba ako?" "Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo." "Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca. "Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko. Mula sa kinauupuan ko ay sini
last updateLast Updated : 2021-07-06
Read more

Chapter Eight

Angelica Sandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.“Wait, what do you mean?”“Don't give that shit. I know that you are a demon.”Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman gan
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more

Chapter Nine

Mikael   Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang.   Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven.   Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan.   Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo n
last updateLast Updated : 2021-07-09
Read more

Chapter Ten

Monica   Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca.   Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato.  "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker. Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto
last updateLast Updated : 2021-08-31
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status