Home / All / The Demon-Angel / Chapter Nine

Share

Chapter Nine

Author: Mirayyy_13
last update Last Updated: 2021-07-09 22:18:05

Mikael

Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang.

Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven.

Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan.

Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo ng isang pentagram para makabalik na sana sa bahay nila Monica nang may marinig ako na malakas na pagsabog sa labas. Dali-dali kong isinara ang pentagram at sumilip sa labas. Nakita ko na nakatayo si Nathan sa bakuran naming at nakangisi habang nakatingin sa akin.

“Ano? Makikipagtitigan ka na lang ba  sa akin?” nang aasar na sigaw nito.

Binuksan ko ang bintana ko bago tumalon palabas.

“Ano na naman ba ang gusto mo, Satan?”

“Simple lang. Labanan mo ako. Kanina pa ako nangangati yung kamay ko na sapakin ka.” sabi niya at bago patunugin ang mga daliri niya.

Sa isang iglap at nasa tabi na nya ako kaya naman mahinahon ko na tinapik ang balikat niya, “baka naman hindi ka lang naghuhugas ng kamay, Satan. O sadyang madumi lang talaga ang kamay mo kaya hindi na maalis ang pangangati?”

Isang matalim na kutsilyo ang muntik nang tumama sa mukha ko mabuti na lang at naka-iwas ako.

“Pikon? Ikaw ang nagsimula, hindi ba?” nang aasar kong sabi habang patuloy na umiiwas sa pag-sugod niya.

“Fuck you.” Sabi niya bago palitan ang weapon nya. Isang itim na chain iyon. At kung hindi ako nagkakamali, ang chain na iyon ang paborito niyang gamitin. Kung ikukumpara sa whip na gamit ng ibang demons gaya mga archdemon, ay dalawampung beses na mas malakas ito. Ang seven Prince of Hell lang ang may kakayahan na makapag-summon ng isang Demonic Chain. Pero kung iisipin, may isang demon nga pala na nagagawang makapag-summon nito. Sad to say she’s not part of their team anymore.

Pumulupot ang chain sa kamay ko at isang ngisi ang lumitaw sa labi niya nang makita na bahagyang nasunog ang balat ko kasama ng pagtulo ng dugo ko sa lupa.

“Too early to celebrate, brat.” sabi ko bago hawakan ang chain at pwersahan na hilahain iyon. Nang nasa tamang layo na siya ay sinalubong ko ang mukha niya nang isang makas na suntok. Napaatras siya at nawala ang pagkapulupot ng chain sa kamay ko.

Bahagya kong hinaplos ang kamay ko na bahagyang nalapnos dahil sa chain at agad din naman iyon gumaling.

“Tsk tsk tsk tsk. Humihina ka na, Satan. Sign of aging na ba yan? Ni hindi man lang ako pinagpapawisan sa iyo.” Pang-aasar ko.

“Aba, sa tingin mo ba sino ang nagpapakita ng sign of aging sa ating dalawa? Ikaw ang mas gurang sa ating dalawa.” sabi niya bago itapat ang kamay niya sa dereksyon ko. Sa isang iglap naging matatalim na piraso ng yelo ang butil ng ulan na bumubuhos at bumulusok ang mga iyon papunta sa akin.

Mabilis akong bumuo ng isang barrier, sapat lang para maprotektahan ko ang sarili ko sa mga matatalim na yelo na iyon. Dahil na rin sa dami ng butil na patuloy na bumubulusok papunta sa akin at sa kapal ng hamog dulot ng ulan, hindi ko makita nang malinaw ang kalaban ko.

Isang ngisi ang nabuo sa labi ko nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. Agad akong umiwas nang maramdaman na sumugod na siya nang isang suntok. Mabalis kong nahawakan ang kamay niya na ginamit niya para suntukin sana ako. Akmang babawi ako ng suntok nang may maramdaman ako na tumama sa likod ko. Lumitaw ang ngisi sa labi ni Satan nang makita na may lumabas na dugo sa labi ko.

May isang sphere na nakatarak sa likod ko at may demonic pentagram doon. Dumiin iyon sa katawan ko bago tuluyang mawala. Naramdaman ko na bahagyang nabawasan ang lakas ko dahil sa sugat na natamo ko at sa epekto ng demonic pentagram.

“See? Humihina na ang senses mo, tanda.” Nang aasar na sabi niya bago magpadapo ng suntok sa kaliwang pisngi ko. Sinundan niya ito ng sipa sa kanang tagiliran ko kaya naman natumba ako. Sinamantala niya ang pagkakataon para tapakan ang dibdib ko.

Satan, being a demon himself, ay diniinan ang pagkakaapak sa akin kaya naman bahagyang lumubog ako sa kinahihigaan ko.

He looked down on me as if I’m a dying prey. He has this devilish smirk on his lips which annoyed me.

“What? Suko na ka na? Should I kill you right here, right now?”

“Dream on!” sabi ko bago hawakan ang binti niya na nakaapak sa akin bago siya ibalibag. Dahil sa nanggigigil ako sa kanya ay napalakas iyon at mas malalim ang pagkakalubog niya kaysa sa akin. Mabilis akong tumayo at hindi pa rin binibitiwan ang binti niya. Kinaladkad ko sya bago ihampas sa dingding ng bakuran namin.

“You should really get out of here if you don’t want me to end you, right here, right now.” Nang-aasar na sabi ko at ginaya pa ang pamamaraan ng pagsasabi niya sa akin kanina.

Binitiwan ko ang binti niya kaya naman bumagsak ang katawan niya sa lupa. Naglakad na ako palayo sa kaniya dahil akala ko ay susuko na sya. Hindi na ako nagulat noong may pwersahang humila sa likod ng kuwelyo ko at may dumapo na malakas na suntok sa sikmura ko.

Agad rin naman akong bumawi at hinila rin ang likod ng kuwelyo niya bago sya tuhurin nang malakas ang sikmura niya. Agad kong sinipa ang binti niya kaya naman napaluhod siya at ginamit ko ang siko ko para tukuran ang likod niya.

“Hindi ka talaga marunong sumuko, ano?” sabi ko at napabuntong hininga pa.

Agad niyang sinipa ang binti ko kaya naman nadapa rin ako. Pinulupot niya ang braso niya sa leeg ko para sakalin ako. Halos kapusin na ako ng hininga kaya naman agad akong nagsummon ng isang maliit na dagger. May mga holy symbols iyon at dinagdan ko pa ng isang holy pentagram bago isaksak sa braso ni Satan na sumasakal sa akin. Nabitiwan niya ako at ginamit ko ang pagkakataon na iyon para makawala sa kaniya.

“Summoning weapons, eh? What? Are you going to play dirty?” naasar niyang sabi matapos maglaho ang nakatarak na dagger sa braso niya. Tumulo ang marami dugo roon ang bahagya pang nalapnos ang balat niya dahil sa holy symbols at holy pentagram.

“Well, first of all, ikaw ang naunang gumamit ng weapons. You used your chain as well as your spear against me. I’m just being fair here.”

“Really?” sabi niya bago sumugod muli ng isang suntok.

“Yeah. And, please Satan. Or should I say Nathan? Pwede bang paki-reserve muna yang galit mo at makipaglaban ka na lang next time? Hindi ka ba pagod ngayon? Drain na utak ko, pati energy ko gusto mo ma-drain?” sabi ko at umiwas sa suntok niya at tumayo na tamad na tamad.

“Well, ganyan siguro talaga pag tumatanda. Just like what you’ve said. Sign of aging.” Sabi niya at tumayo na lang din.

“Aba, bastos talaga yang bunganga mo.”

“It’s just me being me, Mikael.” Sabi niya at naglakad na. Pero napataas ang kilay ko nang nakita na naglalakad siya papasok sa bahay naming.

“Hoy, saan ka papunta?” sabi ko at sinundan na siya.

“Makikikape. Aba, I’m doing you a favor. You said it yourself, pagod ka. We should take a rest dahil na rin sa punyetang research na yan at sa pakikipaglaban. Ipaghanda mo ako ng kape. Bisita ako.” Sabi niya bago tuluyang pumasok sa bahay.

“Huwag mong subukang umapak sa carpet at umupo sa sofa na basa ka. Mapapatalsik kita sa bahay nang wala sa oras.” Pagbabanta ko nang makapasok sa bahay. Dumeretso ako sa kusina para mag init ng tubig para sa kape at habang nagpapakulo ng tubig ay nagpalit na ako ng damit.

“What? Papahiramin mo ba ako ng damit mo?” naasar na sabi niya nang makalabas ako sa kwarto ko

“You’re a self-proclaimed powerful being. Why don’t you use your powers to make yourself dry?” sabi ko habang pinupunasan ang buhok gamit ang maliit na towel.

“Tch. Damot.” Narinig kong bulong niya.

“Ayoko pahiramin ka ng gamit ko. Mamaya kulamin o pag nasahan mo pa ako.” Sabi ko at nilampasahan sya.

“Mangilabot ka sa sinasabi mo. Utang na loob anghel ka pa naman.” Sabi niya at ilang saglit lang ay nabalot na sya ng itim na mist at nang mawala ang mist ay nagbago na ang damit nya at looking fresh na agad ang lolo nyo.

“Well, just stating the fact. You’re a demon. You can do everything you want. You can copy me just by using my clothes.” Sabi ko at nagtimpla na ng kape.

“Do you really think I am that weak? I can copy your appearance without such thing. I’m a prince of hell, I’m powerful.”

Humilata siya sa sofa at gumamit pa ng throw pillow para gawaing unan.

“Oh ito na yung kape mo.” Inilapag ko ang kape sa center table.

“Is it Caramel Machiatto?” sabi niya at bumangon.

“Nah, just a simple 3-in-1 cofee. H’wag ka na mag inarte, nakikikape ka lang.” sabi ko bago umupo sa reclining chair.

“Ano ba iyan. Pang mahirap.” sabi niya bago kuhain ang tasa at inumin ang kape.

“H’wag kang mag-alala. Masarap yan, may halong basbas para naman bumait ka.”

“Fuck you.”

“Bless you.”

Hindi naman siya namansin at ininom na lang ang kape.

Walang nagsasalita sa aming at tanging pagbuhos lang ng ulan ang maririnig. Ilan sandali matapos magkape ay tumayo na si Nathan.

“Oh, before I go, I just want to say that, Carson, the highest ranking incubus is planning to attack at Monica’s place. He’s with a several witches and human familiar. Just sayin’ dahil ayoko magkaroon ng utang na loob dahil sa kape.”

Matapos niyang sabihin iyon ay nabalot na siya ng itim na mist at naglaho na. Ako naman ay napatakbo na sa kwarto para kuhain ang gamit ko. Ilan sandali pa ay nabalot na ako ng liwanag at pag dilat ko ay nasa bahay na ulit ako nila Monica, sa kwarto kung saan niya ako pinapatuloy.

Pinakiramdaman ko ang paligid at wala naman na akong naramadaman na ibang presensya bukod kay Geca at kay Monica. Pero, hindi nakaligtas sa akin ang naiwan na bakas ng sumugod na incubus. Tulad ng sinabi ni Nathan, marami sila. Pero dahil nga bakas na lang ang naiwan, ay bahagyang nakampante na ako.

Napaluhod ako dahil naramdaman ko ang muling pagbukas ng sugat ko sa likod ko. Mukhang hindi pa rin tuluyang gumaling ang sugat ko. Idagdag pa na ginamit ko ang lakas ko para mabilis na makapunta rito. Napa-upo ako sa kama bago huminga nang malalim.

Ilan sandali pa ay naramdaman ko na ang pag galing ng sugat ko. Nang maging maayos na ang pakiramdam ko ay lumabas ako ng kwarto para silipin ang dalawa. Nakita ko na tulog na tulog sila at ang nagsisilbing ilaw lang sa kwarto ay ang lampshade ni Monica. Mukhang may kuryente na kaya naman tahimik at maingat kong isinara ang pinto bago bumaba ng kusina para maghanda ng hapunan.

Related chapters

  • The Demon-Angel   Chapter Ten

    Monica Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca. Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker.Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Demon-Angel   Chapter Eleven

    Mikael Umandar na paalis ang sasakyan na minamaneho ni Kiel at ako naman ay napahalukipkip. "Oh? Problemado ka ata?""May problema kasi.""Ano na naman? Tungkol ba kay Satan at sa ibang prince of hell?""No. It's about Monica." Saglit syang sumlyap sa akin at napakunot pa ang noo. "What is it?" Napabuntong hinga ako at umayos ng pagkakaupo. "She found the book.""Well, you mean the 'Angels and Demons'?""Yup.""Eh di ba may seal naman yun? Hindi niya pa rin naman malalaman ang laman ng libro pag nagkataon. Ni hindi nga lilitaw ang title ng libro na iyon." Muntik na ako sumubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kiel. Kung wala akong seatbelt malamang ay tumama na ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan nya. Hindi sya makapaniwala na napatingin sa akin. "Wait, don't tell me that she already broke the seal?"

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Demon-Angel   Chapter Twelve

    Monica Lumipas ang buong araw at parang aso't pusa si Geca at Kiel. Panay ang asar ni Kiel kay Geca at pikon na pikon naman si Geca. Pauwi na kami at inabot na kami ng hapon dahil nag-ayos na kami ng parterings para sa performance sa PE. "Bakit ba kasi napaka malas ko at siya panaging partner ko." inis na sabi ni Geca at sinipa ang maliit na bato na nadaanan namin. "Alam mo bes, kumalma ka lang. Wala ka naman na magagawa." Sinulyapan ko siya at nakita na aasar na asar pa rin siya. "Saka 'di ba, ilang minutes lang kayong magka-partner. Wala pa nga atang one and half minute dahil sa rotations." "Kahit na. Naiinis pa rin ako." "Bakit ka ba naiinis sa kaniya? Ano mo ba siya at gaano mo na siya katagal kakilala?" Napatigil siya at napatigil din ako. "Well, I think I met him several years ago, I guess we were in Grade 10 that time. Remember the time that Kuya and I went to Baguio for a c

    Last Updated : 2021-10-01
  • The Demon-Angel   Chapter Thirteen

    Angelica Napatingin ako kay Monica nang marinig ko ang sigaw niya. Nakaupo na siya sa lupa at may bakas ng apoy sa paligid. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang abo ng ilang goblin na sumabay sa ihip ng hangin. Binaril ko ang malapit sa akin na goblin at nagtangka na lapitan si Monica pero bigla akong napatigil nang may mapansin na kakaiba. Katulad iyon ng naramdaman ko ng araw na biglang lumabas ang demon side niya. “Bes?” Tahimik lang siya at hindi umiimik. Natili lang sya na naka-upo at takip-takip ang kanyang tainga habang nakatulala. Hinawakan ko ang balikat niya ngunit mukhang maling desisyon iyon dahil muli siyang sumigaw. At sa pagkakataong ito, mas malakas ang pwersa na kumawala sa kaniya. Mahahaba ang kuko niya at wala ring makikitang emosyon sa mga mata niya. May namuong itim na mist sa kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita na isang

    Last Updated : 2021-10-02
  • The Demon-Angel   Chapter Fourteen

    Monica Ilang sandali lang ay bumaba na si Kuya Azrael at may kasama na siyang matangkad na lalaki. Naka itim na slacks ito at long sleeves na polo. “Monica, this is one of the seven archangels, Raphael. He will be treating your wounds as well as Geca’s. May aasikasuhin lang ako saglit at iiwanan ko muna siya kasama niyo.” “Nice to meet you po.” “Nice too meet you rin!” nakangiti niyang bati. “Hello, Kuya! Long time no see!” “Geca! Parang ang liit mo pa rin ata?” “Kuya naman, grabe ka. Height ko pa rin ba pinapansin mo?” “Just kidding. “ natatawang sabi nito. “Aalis na ako. Wag kayong mag-alala, mukha lang patpatin yan pero malakas naman yan. “ Umalis na si Kuya Azrael at naiwan kami. “Tch, nagsalita ang hindi patpatin.” bulong ni Kuya Raphael at umirap pa. Woah, maski pala archangel ay nakikipag-asaran din. “No

    Last Updated : 2021-10-03
  • The Demon-Angel   Chapter Fifteen Part 1

    Monica Mabilis na lumipas ang linggo at Friday na agad. Wala pa rin sila mama pero ang sabi ni Kuya Azrael ay mamaya na ang balik nila. Sa kabutihang palad ay walang sumugod na demon nitong nakalipas na araw. Tahimik lang ang naging buhay ko at sana ay magtuloy-tuloy iyon. Sa ngayon ay nasa school kami at magulo ang classroom dahil wala kaming klase sa PE, wala kasi si Sir Levi, sa totoo lang ay maraming teacher ang wala ngayong araw. Ilan lang sa mga teacher namin na wala ngayon ay si Sir Raguel at Ms. Yanika dahil kasama sila sa mga nag aayos ng accreditation. Magulo at maingay ang classroom, may mga nagkakantahan, may mga nagtatali ng buhok, may mga gumagamit ng cellphone, at may iba rin na gumagawa ng research. Si Geca ay nakayuko lang sa table niya at mukhang tulog. Simula noong nangyari noong Monday ay parang mabilis siyang mapagod kaya pag vacant namin ay mas madalas siyang tulog lalo

    Last Updated : 2021-10-04
  • The Demon-Angel   Chapter Fifteen Part 2

    Monica “What should I do?” naiiyak kong sabi dahil nararamdaman ko na humihina na ang pulso ni Geca. “She’s related to Azrael, right? I’ll try to summon him here.” Nagkaroon ng isang pentagram at lumabas doon si Kuya Azrael. “What the?” halatang gulat na gulat sya nang bigla siyang mapunta sa harap namin. Napatingin siya kay Geca at nag-aalalang lumapit sa amin. “What happened?” “Mamaya na ang kuwentuhan, bangkay. Iuwi mo na sya at tawagin mo na si Raphael!” sabi ni Grandma Zephyra. “Zephyra?!” “Mamaya na ako magpapaliwanag! Iligtas mo muna yang kapatid mo.” Binuhat naman ni Kuya Azrael si Geca at may lumabas ulit na pentagram sa harap namin. “Susunod na lang kami ni Monica. Sisiguraduhin muna namin na ligtas na ang iba.” Hinid na ako makapag-salita dahl sa pag-aalala. Si Grandma Zephyra lang ang kausap ni Kuy

    Last Updated : 2021-10-05
  • The Demon-Angel   Chapter Sixteen

    MonicaMaaga akong ginising ni papa para mag-jogging. Pagbaba ko ng sala ay nakaready na sila ni Mama at ako na lang ang hinihintay.“Bilisan mo na Anak. Para maaga ka rin makapagsimula ng combat training mo.” sabi ni Mama habang nag-i-i-stretching.“You mean tuturuan nyo na po ako mag-summon ng weapons?”“Nope. But we will teach you how to use different types of weapons. Mamaya ay long range weapons tayo. Naturuan na kita humawak ng baril noon, hind iba?”“Opo.”“Good. Madalali na lang ang lesson natin mamaya.”Nag jogging kami around the village at inabot kami ng isang oras. Kumain lang kami ng lugaw sa kaninan bago umuwi.“After fifteen minutes ay magsisimula na tayo.” Sabi ni Papa“Bawal tumawad, Pa? Kahit thirty minutes, please?”“G

    Last Updated : 2021-10-06

Latest chapter

  • The Demon-Angel   Chapter Forty

    Monica It’s been seven years since I graduated from Senior High school and ever since I became a full angel. It's been seven years but I still can't remember the things that I want to remember. Umabot na lang ako sa point na binalewala ko na iyon at inisip na nago-overthink lang ako. “Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka. Baka mamaya magtaka ang students mo.” sabi ni Geca na kasabay ko maglakad sa hallway. “They won’t be. Mas pipiliin nila na lokohin at biruin ako kaysa magtanong kung bakit ako nakasimangot.” “They are from HUMSS after all. Ang batch na hawak mo ngayon ay tinuturing na sa sakit sa ulo sa Junior High Department. Okay naman ang grades pero bagsak daw sa manners.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Nine

    Monica Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim ang paligid. Nakita ko si Geca na natutulog sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nakatingin ako sa digital clock at nakita ko na pasado alas-dyes na ng gabi. Daha-dahan akong bumangon pero mariin akong napa-pikit nang sumakit ang ulo ko. “Bes?” Napamulat si Geca at aad akong inalalayan. “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” Umayos ako ng upo at marahang hinawakan ang ulo. “I’m fine. What happened?” “Sandali, tatawagin ko lang sila Sir Raguel.” Lumabas ng clinic si Geca at ako n

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Eight

    Monica Paglabas ko ng barrier ay ramdam na agad ang malakas na pwersa. Naglakad ako para hanapin sila Mikael at Nathan. Pero dahil sa lakas ng pwersa na pinapakawalan nila at sa bilis ng kilos nila ay nahirapan ako. “Mikael! Nathan!” Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy ako na naglakad at kung minsan ay matutumba ako dahil biglang yayanig ang lupa. They are taking their fight seriously. Can I really stop those two? As I walk closer to the source of the aura, I can feel my energy being drained. Could it be because of their overwhelming aura?

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Seven

    Nathan Nang kumawala si Monica sa chain para labanan ang demon na naisummon ni Therese ay mabilis kong sinipa si Mikael. I’m pretty sure that Monica will have a good fight with that demon since that one is Dearil. He is the one who killed Demenise. Tulad ng inaasahan, mabilis na nakatayo si Mikael. “What do you think you’re doing?” “Stopping you from doing something that you should not do. Come on, Mikael. Just let her have a fight.” “Let her have a fight so that you can take advantage of the situation once she loses her control? Do you really think I would let that happen?” “Well, that’s why I made sure that you will be somewhere far away. Para hindi

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Six

    Monica Naka-alalay sa akin si Ms. Yanika habang papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Geca. “Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali dahil hindi naman aalis si Geca sa kwarto.” “Kaya ko naman na po. Promise.” “Ang kulit mo. Mana ka sa nanay mo.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Ms. Yanika. “Marami na nga po ang nakapag sabi.” Pagpasok namin ng kwarto ay sakto lang na kababangon lang ni Geca. Ngumiti sa akin si Kuya Rapahel bago tapikin ang balikat ko. “You managed to come back into your senses when your demon form took over. Demenise would be so proud of you.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Five

    Monica Umupo na si Ms. Yanika sa tabi ko bago itapat ang kamay niya sa mga sugat ko. "I'm still not good at healing, so please bear with the pain. I'll do my best to lessen the pain that you're going to feel." Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. "You must be confused right now." Napatingin ako kay Ms. Yanika nang sabihin niya iyon. Nananatili lang ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga sugat ko. "I was also confused a few days ago just like you." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Naguluhan din ako.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Four

    Monica Mabilis naging pangyayari. Sa isang iglap lang ay hawak hawak na ng demon si Geca. “You ruined my plan. Should I kill you?” Hawak na muli ng demon ang espada niya at itinapat iyon sa leeg ni Geca. Mabilis akong nagsummon ng weapon. Isang crossbow ang naisummmon ko at napangiti ako nag balot iyon ng holy symbols at may lumabas na bolt sa rail nito. Itinapat ko iyon sa direksyon niya bago siya balaan. “Let her go!” Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at idiniin ang blade ng espada sa leeg ni Geca. “Are you not afraid that you’ll hit this liar?” “I believe that my mom taught me how to shoot an arrow properly.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty-Three

    Monica Naka-ngisi siya sa amin at nang-aasar na tumingin “You won’t be able to summon a holy weapon. Your heart is full of hatred.” “Then maybe I’ll just use this to kill you.” Nagawa kong muling masummon ang isang malaking espada. Mas malaki iyon kumpara sa nauna kong naisummon. Mas ramdam din ang kakaibang lakas nito. “Just like what your friend said, it's futile.” Napatingin kami ni Geca sa kinatatayuan namin nang may mabuong demonic pentagram doon. Tila kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Geca palayo. May bumulusok na mga chain at pumulupot sa akin. Sa pagkilos ko ay dumidiin ‘yon at ilang sandali pa ay napasigaw ako nang may lumabas na mga tinik doon at bumaon sa balat ko.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Two

    Monica“Ah, this place. It feels so good to be back in this place.”That figure…That face and that voice…I’m sure it was him!Lumuhod naman si Therese sa demon na kaharap niiya.Mahaba ang buhok nito at naka-suot ito ng isang pants. Wala itong pang-itaas kaya naman makikita ang mga sugat niya katawan.Yumuko si si Therese na tila ba sinasamba ang nasa harap niya. “Satan, the prince of wrath.”How pathetic. Iniisip pa rin niya na si Satan ang na-summon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status