Home / All / The Demon-Angel / Chapter Five

Share

Chapter Five

Author: Mirayyy_13
last update Last Updated: 2021-07-02 08:00:00

Monica

Nakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin.

"Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama.

"Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko.

"H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa.

"Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!"

"Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya.

"Opo!" natatawa kong tugon.

Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan. Wala naman na akong nagawa, kung hindi ang sumunod.

Pagkadating ko sa kwarto ko ay agad na akong humiga at niyakap ang malambot kong unan. Namalayan ko na lang na bumigat na talaga nang tuluyan ang mga talukap ko at nakatulog na.

Ilan sandali lang ay napadilat ako dahil may ilang ingay ako na naririnig. Nagtaka ako dahil pagmulat ko ng mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Sa pagkakatanda ko, natulog ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang suot kong damit, at iyon nga ang suot ko bago ako matulog.

Pero, nasaan ako? Hindi pa ako nakapunta sa lugar na ito.

Para akong nasa isang mahabang kalsada. Ang pinagkaiba nga lang, ay walang buildings sa paligid. Parang nasa gitna ako ng kawalan sa ngayon. Maski puno ay wala akong makita. Tila takipsilim na rin dahil bahagyang madilim na ang paligid.

Nagsimula ako maglakad ngunit patuloy akong lumilingon sa paligid ko at umaasa na may kasama ako.

"Mama? Papa?" pagtawag ko.

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa malamig na hangin na tila humahampas sa akin.

Ilang minuto na akong naglalakad at naramdaman ko na ang pamamanhid ng mga paa ko. Ngunit wala pa ring pinagbago ang paligid. Madilim, tahimik, at nakakatakot.

Napatigil na ako sa paglalakad at sumalampak na lang sa kalsada. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko dahil tila nawawalan na ako ng pag-asa.

Hindi ko na alam kung nasaan ako.

Hindi ko ko alam kung bakit ako nandito.

Hindi ko alam kung makaka-alis pa ba ako rito.

Niyakap ko ang mga tuhod ko at saka isinubsob ang mukha ko. Patuloy akong umiiyak at ang tanging naririnig ko lang sa lugar na ito ay ang mga hikbi ko.

"Monica." 

Napatigil ako nang bahagya dahil may narinig ako na tumatawag sa akin.

"Monica." 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at luminga-linga sa paligid. Ngunit, wala pa rin akong nakita. Ako pa rin mag-isa.

"Monica." 

Sa ikatlong pagkakataon ay may tumawag sa akin. Pagharap ko ay may nakita akong lalaki sa harapan ko. May suot siyang itim na hoodie at hindi ko makita ang mukha niya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tila inaalok ako na hawakan iyon. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba iyon. Pero sa huli, napagpasyahan kong tanggapin iyon.

Akmang hahawakan ko na ang kamay niya ay muli akong nakarinig ng boses. Umiiyak ito habang tinatawag ako.

"Monica, anak, please! Gumising ka!"

Bigla na lang nasira ang nasa paligid at ang lalaki kanina ay nawala na. Tuluyan na nagdilim ang paligid at pagmulat ko ng aking mga mata ay nasa kwarto na ulit ako.

Pag tingin ko sa gilid ko, ay naroon si Mama at umiiyak. Katabi niya si Papa na tila pinapakalma siya.

Umupo ako at agad naman akong niyakap ni Mama at Papa.

Hindi ko alam kung bakit umiiyak sila mama. At hindi ko rin maintindihan kung bakit kusang tumulo ang mga luha ko nang yakapin nila ako.

Matapos ang ilang saglit, ay humiwalay na sa akin sila mama. Bakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Wala pang kalahating oras mula nung umakyat ka. Mabuti na lang ay naisipan ko na puntahan ka rito sa kwarto mo. Nakita na lang kita na umiiyak. Napakaputla mo na rin." sambit ni Papa.

"Ano ba ang nangyari sa iyo, anak?" tanong ni Mama.

"Hindi ko rin po alam, Ma. Ang alam ko lang ay natulog na agad ako, pero mukhang masama ang naging panaginip ko.

"Para akong nasa kawalan. Nasa gitna ako ng kalsada. Mag-isa lang ako. Kahit anong tawag ko sa inyo, ay walang sumasagot. Kahit gaano ako katagal maglakad ay walang nagbago sa paligid. Doon na ako natakot. Natakot ako na baka wala na kayo. Natakot ako na baka kung ano na ang nangyari sa inyo dahil sa akin.” pagkukwento ko sa kanila Mama at Papa na bakas pa rin sa mukha ang labis na pag-alala sa kung anu ang nangyari sa akin.

“O, Monica, anak.” ang tanging naging tugon ni Mama sa akin, samantalang si Papa ay tahimik na nakikinig.

Napasinghap na lang si Mama at hinawakan ako sa aking kamay. Ramdam ko ang kakaibang aura na namumuo sa paligid kasabay nang di maipaliwanag na tibok ng aking puso, para akong kinakabahan na hindi ko maintindihan. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila Mama at Papa at patuloy sa pagkukwento.

"Tapos biglang may tumawag sa akin. May lalaki na nakasuot ng itim na hoodie. Inaabot niya yung kamay ko na parang gusto niya akong tulungan. Nag alinlangan ako pero noong aabutin ko na sana, narinig ko yung boses niyo. Doon na nasira yung paligid. Nawala na rin yung lalaki. Tapos pagdilat ko, nandito na ulit ako." pagpapatuloy ko.

Nagkatinginan sila Mama at Papa matapos ko sabihin iyon. Nakita ko ang takot sa mata ni Mama.Pero napalitan iyon ng galit. Binitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. Naikuyom niya ang kamao niya at nakita ko rin na humahaba na ang mga kuko niya.

"Mama." pagtawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Gayundin si Papa na niyakap siya.

"Dear, kumalma ka." mahinahon na sabi ni papa.

Bumuntong hininga si Mama at niyakap pabalik si Papa. Bumalik na sa normal ang kuko niya at huminahon na siya.

"Gusto mo bang matulog ulit o sa garden ka muna?" tanong ni Mama.

"Hmm, sa garden na lang po muna. Mauna na po kayo ni papa roon. Susunod na lang po ako."

"Sigurado ka?" paninigurado pa ni Papa.

Nginitian ko sila bago tumango. Wala naman na silang nagawa kaya naman lumabas na sila sa kwarto ko.

Ako naman ay tumayo na mula sa kama ko at sinuklay ang mahaba kong buhok. Itinali ko iyon bago tuluyang lumabas ng kwarto para pumunta sa garden.

Humampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin at tila bumalik sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina.

Bumuntong hininga na lang ako at itinuon na lang ang pansin sa mga tanim na bulaklak ni Mama.

*****

Nathan

Nasipa ko ang upuan na nasa harapan ko dahil sa inis.

"Damn!"

"Hoy! Ano bang problema mo?" tanong ni Leviathan na ngayon ay busy sa pag checheck ng mga papel ng estudyante.

"I almost had her! Fuck!" gigil ko pa ring sabi.

Inirapan niya ako bago bumuntong hininga.

"Eh, kung ipaliwanag mo kaya?" tila naasar niyang sabi.

"You see, I used a little bit of my ability to track down that little bitch. What I mean is, that half-breed demon. I tried to bring her soul to hell. But, damn!" nanggigigil na saabi ko bago sipain muli ang upuan.

"Can you fucking calm down? How did that happen? Don't tell me you are becoming weak now?"

"Me? Weak? Ha, fuck yourself Leviathan. That thing will never happen- if only I used a stronger spell. I didn't expect that she could destroy that place just because she heard the traitor's voice." sabi ko bago sumandal sa pader.

"Well, in the first place, hindi naman talaga natin alam ang kaya niyang gawain. Hindi natin alam ang limitation ng kakayahan niya. But one thing's for sure. She will be powerful." sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagche-check ng mga papel.

Palabas na sana ako nang may lumabas na itim na pentagram sa pagitan namin ni Leviathan. Napangisi pa ako dahil alam kong hindi basta-bastang demon ang lalabas mula sa pentagram.

"Welcome to Earth, mother-fucker." Bati ko sa bagong dating.

Tulad ni Leviathan, nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Maayos ang buhok nito gayundin ang postura. Kung ako ay nagpapanggap na estudyante sa mundong ito, si Leviathan naman ay nagpapanggap bilang isang guro.

"Wow, coming from you huh?" sabi nito bago pagpagan ng bahagya ang suot na suit.

"Are you here for a vacation or to redeem some stupid souls?" Wika ni Leviathan pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa ginagawa.

"Both? But, things might change sooner or later, you know? Anyways, I need to go somewhere. Goodbye, idiots." sabi nito bago balutan ng itim na usok at nang humupa na iyon, ay wala na rin ang lalaking nakatayo roon kanina.

Napangisi na lang ako bago tuluyang lumabas ng pinto. Lumawak lalo ang ngisi na nakapaskil sa labi ko nang makita na makakasalubong ko ang mortal kong kaaway.

May kausap siya sa telepono at paniguradong sila Demenise iyon.

"Having a little problem?" Sabi ko nang mapadaan siya sa gilid ko.

Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad.

"You really think so? Do you think that a stupid dream will make us worried?" sabi nito.

Humarap ako sa kanya at gayun din siya sa akin.

"I don't think so." dagdag pa niya.

"Really? Then what's with the hurry? Mind if we have a game?"

"I have no time for your stupid games, Satan. And another thing, you play dirty." sagot nito.

"I'm a demon. What do you expect?" 

Tumalikod na siya at muling naglakad papalayo.

"Guess the only game we can play is a race. The first one who gets her, wins." sabi ko.

Napatigil siya saglit ngunit naglakad na lang muli at hindi na ako pinansin.

Let’s see who will win this game.

Related chapters

  • The Demon-Angel   Chapter Six

    Monica Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok. "Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal. "Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. "Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya. "Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy. "Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi." Tumango na lang ako

    Last Updated : 2021-07-04
  • The Demon-Angel   Chapter Seven

    Monica Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan. "Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa. "Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa. "Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael. "Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan. "May sinabi ba ako?" "Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo." "Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca. "Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko. Mula sa kinauupuan ko ay sini

    Last Updated : 2021-07-06
  • The Demon-Angel   Chapter Eight

    AngelicaSandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.“Wait, what do you mean?”“Don't give that shit. I know that you are a demon.”Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman gan

    Last Updated : 2021-07-08
  • The Demon-Angel   Chapter Nine

    Mikael Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang. Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven. Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan. Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo n

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Demon-Angel   Chapter Ten

    Monica Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca. Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker.Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Demon-Angel   Chapter Eleven

    Mikael Umandar na paalis ang sasakyan na minamaneho ni Kiel at ako naman ay napahalukipkip. "Oh? Problemado ka ata?""May problema kasi.""Ano na naman? Tungkol ba kay Satan at sa ibang prince of hell?""No. It's about Monica." Saglit syang sumlyap sa akin at napakunot pa ang noo. "What is it?" Napabuntong hinga ako at umayos ng pagkakaupo. "She found the book.""Well, you mean the 'Angels and Demons'?""Yup.""Eh di ba may seal naman yun? Hindi niya pa rin naman malalaman ang laman ng libro pag nagkataon. Ni hindi nga lilitaw ang title ng libro na iyon." Muntik na ako sumubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kiel. Kung wala akong seatbelt malamang ay tumama na ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan nya. Hindi sya makapaniwala na napatingin sa akin. "Wait, don't tell me that she already broke the seal?"

    Last Updated : 2021-09-14
  • The Demon-Angel   Chapter Twelve

    Monica Lumipas ang buong araw at parang aso't pusa si Geca at Kiel. Panay ang asar ni Kiel kay Geca at pikon na pikon naman si Geca. Pauwi na kami at inabot na kami ng hapon dahil nag-ayos na kami ng parterings para sa performance sa PE. "Bakit ba kasi napaka malas ko at siya panaging partner ko." inis na sabi ni Geca at sinipa ang maliit na bato na nadaanan namin. "Alam mo bes, kumalma ka lang. Wala ka naman na magagawa." Sinulyapan ko siya at nakita na aasar na asar pa rin siya. "Saka 'di ba, ilang minutes lang kayong magka-partner. Wala pa nga atang one and half minute dahil sa rotations." "Kahit na. Naiinis pa rin ako." "Bakit ka ba naiinis sa kaniya? Ano mo ba siya at gaano mo na siya katagal kakilala?" Napatigil siya at napatigil din ako. "Well, I think I met him several years ago, I guess we were in Grade 10 that time. Remember the time that Kuya and I went to Baguio for a c

    Last Updated : 2021-10-01
  • The Demon-Angel   Chapter Thirteen

    Angelica Napatingin ako kay Monica nang marinig ko ang sigaw niya. Nakaupo na siya sa lupa at may bakas ng apoy sa paligid. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang abo ng ilang goblin na sumabay sa ihip ng hangin. Binaril ko ang malapit sa akin na goblin at nagtangka na lapitan si Monica pero bigla akong napatigil nang may mapansin na kakaiba. Katulad iyon ng naramdaman ko ng araw na biglang lumabas ang demon side niya. “Bes?” Tahimik lang siya at hindi umiimik. Natili lang sya na naka-upo at takip-takip ang kanyang tainga habang nakatulala. Hinawakan ko ang balikat niya ngunit mukhang maling desisyon iyon dahil muli siyang sumigaw. At sa pagkakataong ito, mas malakas ang pwersa na kumawala sa kaniya. Mahahaba ang kuko niya at wala ring makikitang emosyon sa mga mata niya. May namuong itim na mist sa kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita na isang

    Last Updated : 2021-10-02

Latest chapter

  • The Demon-Angel   Chapter Forty

    Monica It’s been seven years since I graduated from Senior High school and ever since I became a full angel. It's been seven years but I still can't remember the things that I want to remember. Umabot na lang ako sa point na binalewala ko na iyon at inisip na nago-overthink lang ako. “Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka. Baka mamaya magtaka ang students mo.” sabi ni Geca na kasabay ko maglakad sa hallway. “They won’t be. Mas pipiliin nila na lokohin at biruin ako kaysa magtanong kung bakit ako nakasimangot.” “They are from HUMSS after all. Ang batch na hawak mo ngayon ay tinuturing na sa sakit sa ulo sa Junior High Department. Okay naman ang grades pero bagsak daw sa manners.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Nine

    Monica Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim ang paligid. Nakita ko si Geca na natutulog sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nakatingin ako sa digital clock at nakita ko na pasado alas-dyes na ng gabi. Daha-dahan akong bumangon pero mariin akong napa-pikit nang sumakit ang ulo ko. “Bes?” Napamulat si Geca at aad akong inalalayan. “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” Umayos ako ng upo at marahang hinawakan ang ulo. “I’m fine. What happened?” “Sandali, tatawagin ko lang sila Sir Raguel.” Lumabas ng clinic si Geca at ako n

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Eight

    Monica Paglabas ko ng barrier ay ramdam na agad ang malakas na pwersa. Naglakad ako para hanapin sila Mikael at Nathan. Pero dahil sa lakas ng pwersa na pinapakawalan nila at sa bilis ng kilos nila ay nahirapan ako. “Mikael! Nathan!” Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy ako na naglakad at kung minsan ay matutumba ako dahil biglang yayanig ang lupa. They are taking their fight seriously. Can I really stop those two? As I walk closer to the source of the aura, I can feel my energy being drained. Could it be because of their overwhelming aura?

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Seven

    Nathan Nang kumawala si Monica sa chain para labanan ang demon na naisummon ni Therese ay mabilis kong sinipa si Mikael. I’m pretty sure that Monica will have a good fight with that demon since that one is Dearil. He is the one who killed Demenise. Tulad ng inaasahan, mabilis na nakatayo si Mikael. “What do you think you’re doing?” “Stopping you from doing something that you should not do. Come on, Mikael. Just let her have a fight.” “Let her have a fight so that you can take advantage of the situation once she loses her control? Do you really think I would let that happen?” “Well, that’s why I made sure that you will be somewhere far away. Para hindi

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Six

    Monica Naka-alalay sa akin si Ms. Yanika habang papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Geca. “Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali dahil hindi naman aalis si Geca sa kwarto.” “Kaya ko naman na po. Promise.” “Ang kulit mo. Mana ka sa nanay mo.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Ms. Yanika. “Marami na nga po ang nakapag sabi.” Pagpasok namin ng kwarto ay sakto lang na kababangon lang ni Geca. Ngumiti sa akin si Kuya Rapahel bago tapikin ang balikat ko. “You managed to come back into your senses when your demon form took over. Demenise would be so proud of you.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Five

    Monica Umupo na si Ms. Yanika sa tabi ko bago itapat ang kamay niya sa mga sugat ko. "I'm still not good at healing, so please bear with the pain. I'll do my best to lessen the pain that you're going to feel." Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. "You must be confused right now." Napatingin ako kay Ms. Yanika nang sabihin niya iyon. Nananatili lang ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga sugat ko. "I was also confused a few days ago just like you." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Naguluhan din ako.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Four

    Monica Mabilis naging pangyayari. Sa isang iglap lang ay hawak hawak na ng demon si Geca. “You ruined my plan. Should I kill you?” Hawak na muli ng demon ang espada niya at itinapat iyon sa leeg ni Geca. Mabilis akong nagsummon ng weapon. Isang crossbow ang naisummmon ko at napangiti ako nag balot iyon ng holy symbols at may lumabas na bolt sa rail nito. Itinapat ko iyon sa direksyon niya bago siya balaan. “Let her go!” Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at idiniin ang blade ng espada sa leeg ni Geca. “Are you not afraid that you’ll hit this liar?” “I believe that my mom taught me how to shoot an arrow properly.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty-Three

    Monica Naka-ngisi siya sa amin at nang-aasar na tumingin “You won’t be able to summon a holy weapon. Your heart is full of hatred.” “Then maybe I’ll just use this to kill you.” Nagawa kong muling masummon ang isang malaking espada. Mas malaki iyon kumpara sa nauna kong naisummon. Mas ramdam din ang kakaibang lakas nito. “Just like what your friend said, it's futile.” Napatingin kami ni Geca sa kinatatayuan namin nang may mabuong demonic pentagram doon. Tila kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Geca palayo. May bumulusok na mga chain at pumulupot sa akin. Sa pagkilos ko ay dumidiin ‘yon at ilang sandali pa ay napasigaw ako nang may lumabas na mga tinik doon at bumaon sa balat ko.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Two

    Monica“Ah, this place. It feels so good to be back in this place.”That figure…That face and that voice…I’m sure it was him!Lumuhod naman si Therese sa demon na kaharap niiya.Mahaba ang buhok nito at naka-suot ito ng isang pants. Wala itong pang-itaas kaya naman makikita ang mga sugat niya katawan.Yumuko si si Therese na tila ba sinasamba ang nasa harap niya. “Satan, the prince of wrath.”How pathetic. Iniisip pa rin niya na si Satan ang na-summon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status