Third Person
Naalerto agad si Geca dahil nararamdaman niya na hindi na natutuwa ang kanyang kaibigan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase nila. At tuluyan na ngang tumayo ito dahil sa inis.
"Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" Wika ni Monica kaya naman hinawakan na ni Geca ang kaibigan upang pigilan ito at huminahon na ito.
Aaminin niya, maski siya ay naiinis na rin pero kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanyang bestfriend.
"Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sabi ni Therese at tumayo na rin ito sa upuan na tila ba nakikipag-kompetensya pa kay Monica.
"Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." Segunda pa ng kaibigan ni Therese na si Tanya.
Mas naalarma si Geca dahil tila nag-iba ang aura ng kanyang bestfriend.
Gayundin sila Mikael at Nathan na napatayo dahil sa isang iglap lang nasa harap na ni Therese si Monica. Halos lahat ng kanilang mga kaklase ay nag silayuan dahil sa nasaksihan.
"Huwag na huwag mo madamay-damay sa usapan na ito ang pamilya ko. Naintindihan mo?" Sabi nito sa kalmado ngunit nakakatakot na tono.
Tila walang epekto naman ito sa kaharap.
"Bakit ka nagagalit? Totoo naman!" sigaw nito at tinulak pa si Monica.
Ngunit hindi natinag ang huli. Sa isang iglap lang ay hawak-hawak na ni Monica si Therese sa leeg nito. Ang mga mata nito na kulay hazelnut ay naging kulay pula na. Bahagya ring humaba ang mga kuko nito na halos bumaon na sa balat ni Therese.
"D-demonyo ka!" Natatakot na wika ng isa sa mga kaibigan ni Therese habang tinuturo si Monica.
Mabilis namang kumilos si Mikael at hinawakan si Monica. Bigla itong nawalan ng malay at natumba ngunit bago pa siya bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ni Mikael.
Habang si Nathan naman ay ipinitik ang kanyang mga daliri at sa isang iglap lang ay nawalan ng malay ang lahat ng nasa loob ng classroom nila.
"Mawawala sa memorya nila ang nangyari kanina." Maikling pakli nito.
"Ha. You must be celebrating deep inside- na ang unang lumabas ay ang demon form ni Monica." sabi ni Mikael at tuluyan nang binuhat ang dalaga.
"Kuya ano na ang gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Geca sa binata.
"Dadalahin muna natin siya ng clinic. H'wag kang mag alala. Hindi rin niya maaalala ang nangyari. Pagkagising ng lahat ang maalala lang nila ay ang pag-uusap tungkol sa activity natin sa P.E." sagot nito.
Ngumiti ng tipid kay Geca ang binata.
"Don't worry. Magiging maayos din ang bestfriend mo. Besides, mayroon na man s’yang guardian angel na bestfriend." Dagdag pa dito bago lumabas ng kanilang classroom para dalhin na ang dalagang buhat sa clinic.
Naiwan sa loob ng classroom si Geca at Nathan. Sinulyapan ni Geca si Nathan at nakita niya na nakatingin ito sa kanya.
"What do you want from me, Satan?" Mataray niyang tanong. Kung tutuusin ay dapat siyang matakot dito dahil isa ito sa Seven Prince of Hell. Hindi rin naman niya alam sa sarili kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para tarayan ito.
"You are her best friend. At the same time, her guardian angel. I wonder what will be her reaction if she finds out your true identity." ngumisi ito sa kanya at bumalik na sa pagkakaupo. Itinaas pa nito ang mga paa sa lamesa at nang-aasar na tumingin sa kanya bago ipitik muli ang mga daliri.
Isa-isang nagkaroon ng malay ang mga kaklase niya. Tulad nga ng sinabi ni Nathan kanina, ay wala itong naalala sa nangyari.
"Ano na nga ba ang pinag-uusapan natin kanina?" Tanong ng isa sa mga kaklase nila.
"Tungkol sa more than one month na mayroon tayo para makapag handa." Sabi ni Geca bago bumalik sa pagkakaupo.
"So ayun na nga guys. Sana pag may practice tayo ay huwag kayong makulit." Sabi ng class president nila bago bumalik sa upan nito.
Sinulyapan niya ang grupo nila Therese at nakita naman niya na naguusap-usap lang ang mga ito na tila walang nangyari kanina.
******
Samantala, nagulat ang school nurse nang makita si Mikael na buhat-buhat si Monica.
"Ano ang nangyari?" Tanong nito matapos ilapag ni Mikael sa kama na nasa loob ng clinic.
"Kanina po habang may pinag-uusapan kami sa classroom ay bigla na lang siyang nahimatay."
"Mabuti siguro kung tawagin mo ang adviser niyo. Para na rin matawagan ang parents niya." suhestiyon ng nurse habang inaasikaso si Monica.
Tumango na lang siya bago umalis. Bago lumabas ng pinto ay saglit pa niyang sinulyapan ang dalaga na nakahiga sa kama. Tila ba walang nangyari rito. Bumalik na rin kasi sa normal ang haba ng kuko nito.
Ilan sandali lang ay dumating naman si Raguel at kasama pa rin nito si Mikael.
"Good afternoon po Sir Raguel." Bati ng nurse.
"Good afternoon din. Kamusta naman ang estudyante ko?" Tanong nito bago lumapit sa school bed kung nasaan naroon si Monica. Wala pa rin itong malay.
"Maayos naman na po ang lagay niya. Sa tingin ko po ay over-fatigue ang nangyari dahil sa rami na rin ng ginagawa nilang mga Grade 12 ngayon. Kung tutuusin po, ay pangalawa na si Monica na nadala ngayong araw. Nakauwi na ang estudyante na nadala rito kanina bago siya madala rito." Paliwanag ng nurse.
"Tinawagan ko na ang parents niya. Panigurado ay maya-maya lang nandito na sila." sabi ni Raguel.
Binalingan naman ni Raguel si Mikael.
"Mikael, pwede ba na makisuyo na dalhin mo na rito ang gamit ni Monica para hindi na iyon kukuhain ng parents niya pagdating nila rito?" Pagtatanong nito sa estudyante.
Tumango naman ang estudyante at lalabas na sana ng pinto nang bumukas ang pinto nito at bumungad sa kanila ang isa pang estudyante. Dala na nito ang gamit ni Monica.
"Sir, nagtext po sa akin sila tita at parating na raw po sila. Kaya dinala ko na po ang mga gamit ni Monica." magalang na sabi ni Geca bago ilapag ang ng kanyang bestfriend sa isang upuan.
"Tamang-tama. Ipapakuha ko pa dapat kay Mikael. Salamat." Ngumiti na lamang si Raguel sa kaniyang estudyante, bago huminginng pabor.
"Tutal ay nandito ka na, maari bang bantayan mo muna saglit si Monica? Kakausapin ko lang saglit si Mikael."
"Opo naman."
Lumabas na ang dalawang lalaki sa clinic at dumeretso sa rooftop ng building. Nilock nila ang pinto upang siguraduhin na walang ibang makakarinig sa kanilang pag-uusap.
"Now tell me what happened." Bungad agad ni Raguel.
"Well, maayos ang pag-uusap kanina sa classroom tungkol sa magiging performance sa PE. Napunta ang usapan sa research hanggang sa napunta ang usapan sa two-member group nila Geca at Monica." Saad ni Mikael at umupo sa railings na nasa rooftop.
"Is that it?" Nagtatakang tanong ni Raguel.
"Hmm, there's this girl in our class, Therese- if I'm not mistaken. Kasama ang mga kaibigan niya kung ano-ano ang pinagsasabi tungkol kila Demenise. Hindi naman pinapansin ni Monica noong umpisa. Pero mukhang tuluyan na siyang naasar. Nagulat na lang kaming lahat nang biglang nasa harapan na ni Therese si Monica."
"And her demon form showed up." Dagdag ni Raguel sa sinabi ng binata.
"No. I don't think it's her demon form. Not yet. Maybe yes, demon side iyon. But we can't conclude that it's her demon form already. I think it's worse than that. Really worse." sabi ni Mikael bago tumingala sa langit.
"Hindi ka ba nahihirapan sa misyon mo ngayon?" tanong ni Raguel bago sumadal sa railings at tumingala sa din sa langit.
"Hmm, mahirap kasi alam kong matagal ito. Mahirap kasi kailangan kong mag-ingat para hindi malaman ni Monica na isa akong Archangel. Pero, at the same time, madali kasi kailangan ko lang din makisabay sa mga tao nakakasalamuha ko sa araw-araw."
Sandali na nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
"Eh, ikaw ba? Nahihirapan ka ba ngayon na bantayan siya?" dagdag pa ni Mikael sa sinabi.
Napabuntong hininga ang kanyang katabi. Kahit hindi nito sabihin ang pangalan ay alam niya kung sino ang tinutukoy nito.
"Mahirap kasi kailangan kong pigilan ang sarili ko na yakapin siya sa tuwing makikita ko siya." Malungkot na wika ni Raguel.
"Hindi naman kita masisisi. Afterall, mahal niyo ang isa't isa. Simula pa lang." bumaba na si Mikael sa kinauupuan at nagpagpag ng pantalon.
"Sa tingin ko kailangan na natin bumalik sa clinic. Naramdaman ko ang presensya ni Demenise. And I can tell that she is seriously mad right now." sabi nito bago tuluyang naglakad palayo.
Napabuntong hininga muli si Raguel bago sundan ang binata.
Saktong pagdating nila sa clinic ay nandoon na sila Demenise. Ngunit wala pa ring malay si Monica.
"Ah, Nurse Anne, maari bang maka-usap ko muna ang parents ni Monica?" tanong nito.
"Sure po sir." Saad nito bago lumabas.
Wala pang ilang segundo na nakalabas ang nurse ay nag-iba na agad ang atmosphere sa loob ng clinic.
"T-tita," takot na saad ni Geca "Tita, I can explain."
"No need to explain, anak. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon." Nagtitimping sabi ni Demenise. Maski ang asawa nito na si Richard ay hawak-hawak ang asawa.
"Mga inggitera yang classmates niyo! Che! Ano? Inggit ba sila kasi ang mama ni Monica ay kasing ganda ko? Baby face? Ha! Palibhasa kasi, yung iba sa kanila, trying hard para mag-itsurang bata. Ako? No need. Nasa dugo ko na ang pagiging maganda." Mayabang na sabi ni Demenise at naghairflip pa.
Lahat sila ay natahimik. Hindi nila inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ni Demenise.
"Po?" Hindi makapaniwalang saad ni Geca.
"Anyways, we all know that we need to be aware. Nakaya ni Monica na palabasin ang kakayahan niya bilang demon. We're not even sure kung ilang porsyento ba ng kakayahan niya ang nailabas at naipakita niya kanina."
"That's why you really need to train her. Let her use her ability. Para rin naman sa kanya ito. Hindi sa lahat ng oras ay mapoprotektahan niyo siya." Saad ni Mikael na nakasandal sa pintuan.
"Let us think about it first. Hindi rin pwede na biglain siya dahil baka hindi kayanin ng katawan niya. Nakaseal ang kakayahan niya sa loob ng labing-walong taon." sagot naman ni Richard.
"We'll wait for your decisions, then." malumanay na sagot naman ni Raguel.
"Malamang ay nagdiriwang ngayon sila Satan." Bakas sa pananalita ni Demenise ang inis na nararamdaman niya.
"Pero hindi naman namin hahayaang tumagal iyon hindi ba?" Determinadong tanong ni Geca.
"Of course. But right now, kailangan niyo muna maiuwi si Monica. Huwag kayong mag-alala dahil wala siyang maalala sa mga nangyari kanina." paninigurado naman na sabi ni Mikael.
Binalingan ni Demenise ang anak na nakahiga sa kama. Nilapitan niya ito at marahang tinapik.
"Anak? Anak." Pagtawag nito rito.
Dahan-dahan namang iminulat ni Monica ang kanyang mga mata at bumangon. Ngunit napatigil siya dahil biglang gumapang ang sakit sa kanyang ulo.
"Ayos ka lang ba? Uuwi na tayo." nag-alalang tanong ni Demenise sa anak.
"Ma? Bakit kayo andito? At saka, ano ang nangyari? Bakit ako nandito sa clinic?" tanong ni Monica nang nakaupo na siya nang maayos.
"Nahimatay ka kanina sa classroom. Si Mikael ang nagdala sa iyo rito." Paliwanag ni Geca.
"Nahimatay ako?" Tila hindi makapaniwala na tanong ni Monica.
Tanging tango naman ang isinagot sa kanya ni Geca.
"Kaya mo na ba tumayo?" tanong ni Richard.
"Opo." Sambit ng dalaga bago ibinaba ang paa sa gilid ng kama na kinahihigaan.
"Naka-ayos na ang gamit mo. Sigurado ka ba na kaya mo na?" tanong ni Mikael.
"Oo naman. Ako pa ba? At saka bakit, kung hindi ba, willing kang buhatin ako papunta sa sasakyan?" Biro pa ng dalaga sa kanya.
Natawa na lang siya ng bahagya dahil sa inasal nito.
"Oo nga pala, Mikael." sambit ni Monica kaya tinignan niya ito. "Maraming salamat sa pagdadala sa akin dito."
"Wala iyon. Ang mahalaga ay maging maayos na ang pakiramdam mo."
Ilan sandali lang ay nakita na lang niya na umalis na ang sasakyan nila Monica na umalis ng kanilang paaralan.
"Nagsisimula pa lang ang lahat. Paniguradong marami pa ang darating." sambit ni Mikael habang nakatingin sa papalayong sasakyan nila Monica.
MonicaNakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin."Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama."Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko."H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa."Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!""Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya."Opo!" natatawa kong tugon.Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan
Monica Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok. "Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal. "Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. "Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya. "Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy. "Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi." Tumango na lang ako
Monica Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan. "Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa. "Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa. "Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael. "Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan. "May sinabi ba ako?" "Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo." "Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca. "Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko. Mula sa kinauupuan ko ay sini
AngelicaSandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.“Wait, what do you mean?”“Don't give that shit. I know that you are a demon.”Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman gan
Mikael Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang. Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven. Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan. Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo n
Monica Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca. Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker.Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto
Mikael Umandar na paalis ang sasakyan na minamaneho ni Kiel at ako naman ay napahalukipkip. "Oh? Problemado ka ata?""May problema kasi.""Ano na naman? Tungkol ba kay Satan at sa ibang prince of hell?""No. It's about Monica." Saglit syang sumlyap sa akin at napakunot pa ang noo. "What is it?" Napabuntong hinga ako at umayos ng pagkakaupo. "She found the book.""Well, you mean the 'Angels and Demons'?""Yup.""Eh di ba may seal naman yun? Hindi niya pa rin naman malalaman ang laman ng libro pag nagkataon. Ni hindi nga lilitaw ang title ng libro na iyon." Muntik na ako sumubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kiel. Kung wala akong seatbelt malamang ay tumama na ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan nya. Hindi sya makapaniwala na napatingin sa akin. "Wait, don't tell me that she already broke the seal?"
Monica Lumipas ang buong araw at parang aso't pusa si Geca at Kiel. Panay ang asar ni Kiel kay Geca at pikon na pikon naman si Geca. Pauwi na kami at inabot na kami ng hapon dahil nag-ayos na kami ng parterings para sa performance sa PE. "Bakit ba kasi napaka malas ko at siya panaging partner ko." inis na sabi ni Geca at sinipa ang maliit na bato na nadaanan namin. "Alam mo bes, kumalma ka lang. Wala ka naman na magagawa." Sinulyapan ko siya at nakita na aasar na asar pa rin siya. "Saka 'di ba, ilang minutes lang kayong magka-partner. Wala pa nga atang one and half minute dahil sa rotations." "Kahit na. Naiinis pa rin ako." "Bakit ka ba naiinis sa kaniya? Ano mo ba siya at gaano mo na siya katagal kakilala?" Napatigil siya at napatigil din ako. "Well, I think I met him several years ago, I guess we were in Grade 10 that time. Remember the time that Kuya and I went to Baguio for a c
Monica It’s been seven years since I graduated from Senior High school and ever since I became a full angel. It's been seven years but I still can't remember the things that I want to remember. Umabot na lang ako sa point na binalewala ko na iyon at inisip na nago-overthink lang ako. “Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka. Baka mamaya magtaka ang students mo.” sabi ni Geca na kasabay ko maglakad sa hallway. “They won’t be. Mas pipiliin nila na lokohin at biruin ako kaysa magtanong kung bakit ako nakasimangot.” “They are from HUMSS after all. Ang batch na hawak mo ngayon ay tinuturing na sa sakit sa ulo sa Junior High Department. Okay naman ang grades pero bagsak daw sa manners.”
Monica Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim ang paligid. Nakita ko si Geca na natutulog sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nakatingin ako sa digital clock at nakita ko na pasado alas-dyes na ng gabi. Daha-dahan akong bumangon pero mariin akong napa-pikit nang sumakit ang ulo ko. “Bes?” Napamulat si Geca at aad akong inalalayan. “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” Umayos ako ng upo at marahang hinawakan ang ulo. “I’m fine. What happened?” “Sandali, tatawagin ko lang sila Sir Raguel.” Lumabas ng clinic si Geca at ako n
Monica Paglabas ko ng barrier ay ramdam na agad ang malakas na pwersa. Naglakad ako para hanapin sila Mikael at Nathan. Pero dahil sa lakas ng pwersa na pinapakawalan nila at sa bilis ng kilos nila ay nahirapan ako. “Mikael! Nathan!” Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy ako na naglakad at kung minsan ay matutumba ako dahil biglang yayanig ang lupa. They are taking their fight seriously. Can I really stop those two? As I walk closer to the source of the aura, I can feel my energy being drained. Could it be because of their overwhelming aura?
Nathan Nang kumawala si Monica sa chain para labanan ang demon na naisummon ni Therese ay mabilis kong sinipa si Mikael. I’m pretty sure that Monica will have a good fight with that demon since that one is Dearil. He is the one who killed Demenise. Tulad ng inaasahan, mabilis na nakatayo si Mikael. “What do you think you’re doing?” “Stopping you from doing something that you should not do. Come on, Mikael. Just let her have a fight.” “Let her have a fight so that you can take advantage of the situation once she loses her control? Do you really think I would let that happen?” “Well, that’s why I made sure that you will be somewhere far away. Para hindi
Monica Naka-alalay sa akin si Ms. Yanika habang papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Geca. “Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali dahil hindi naman aalis si Geca sa kwarto.” “Kaya ko naman na po. Promise.” “Ang kulit mo. Mana ka sa nanay mo.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Ms. Yanika. “Marami na nga po ang nakapag sabi.” Pagpasok namin ng kwarto ay sakto lang na kababangon lang ni Geca. Ngumiti sa akin si Kuya Rapahel bago tapikin ang balikat ko. “You managed to come back into your senses when your demon form took over. Demenise would be so proud of you.”
Monica Umupo na si Ms. Yanika sa tabi ko bago itapat ang kamay niya sa mga sugat ko. "I'm still not good at healing, so please bear with the pain. I'll do my best to lessen the pain that you're going to feel." Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. "You must be confused right now." Napatingin ako kay Ms. Yanika nang sabihin niya iyon. Nananatili lang ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga sugat ko. "I was also confused a few days ago just like you." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Naguluhan din ako.
Monica Mabilis naging pangyayari. Sa isang iglap lang ay hawak hawak na ng demon si Geca. “You ruined my plan. Should I kill you?” Hawak na muli ng demon ang espada niya at itinapat iyon sa leeg ni Geca. Mabilis akong nagsummon ng weapon. Isang crossbow ang naisummmon ko at napangiti ako nag balot iyon ng holy symbols at may lumabas na bolt sa rail nito. Itinapat ko iyon sa direksyon niya bago siya balaan. “Let her go!” Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at idiniin ang blade ng espada sa leeg ni Geca. “Are you not afraid that you’ll hit this liar?” “I believe that my mom taught me how to shoot an arrow properly.”
Monica Naka-ngisi siya sa amin at nang-aasar na tumingin “You won’t be able to summon a holy weapon. Your heart is full of hatred.” “Then maybe I’ll just use this to kill you.” Nagawa kong muling masummon ang isang malaking espada. Mas malaki iyon kumpara sa nauna kong naisummon. Mas ramdam din ang kakaibang lakas nito. “Just like what your friend said, it's futile.” Napatingin kami ni Geca sa kinatatayuan namin nang may mabuong demonic pentagram doon. Tila kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Geca palayo. May bumulusok na mga chain at pumulupot sa akin. Sa pagkilos ko ay dumidiin ‘yon at ilang sandali pa ay napasigaw ako nang may lumabas na mga tinik doon at bumaon sa balat ko.
Monica“Ah, this place. It feels so good to be back in this place.”That figure…That face and that voice…I’m sure it was him!Lumuhod naman si Therese sa demon na kaharap niiya.Mahaba ang buhok nito at naka-suot ito ng isang pants. Wala itong pang-itaas kaya naman makikita ang mga sugat niya katawan.Yumuko si si Therese na tila ba sinasamba ang nasa harap niya. “Satan, the prince of wrath.”How pathetic. Iniisip pa rin niya na si Satan ang na-summon