Home / All / The Demon-Angel / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Mirayyy_13
last update Last Updated: 2021-06-30 08:00:00

Monica

Pagbalik ko sa loob ng room ay nilapag ko ang baunan na dala ni mama.

"Salamat po sa pagkain!" sambit namin ni Geca bago buksan ang baunan. Kinuha ko ang dalawang bimpo na nakabukod. Nakabalot doon ang tag-isang set ng kutsara at tinidor.

Sa unang layer ng baunan ay yung ulam na pang-tatlo o apat na tao ata. Tapos sa huling layer ay kanin.

"Wow, mahal na mahal ata tayo ni tito. Halatang ayaw tayo magutom." sabi ni Geca habang nakatingin sa baunan na nasa harap namin.

"Uy, gusto niyo?" pag-aalok ko sa kaklase namin na nasa second row.

"Thank you!" nakangiting sabi nito matapos kumuha ng ilang piraso.

"Ikaw?" pag-aalok ko kay Mikael na nasa likod namin at mag-isang kumakain.

"Ano iyan?" 

"Lechon Kawali, luto ni papa. Kuha ka lang." sabi ko habang hawak-hawak ang baunan.

"Mag-isa ka lang maglulunch?" tanong naman ni Geca.

"Yup. Nakapagluto kasi ako kanina ng pwedeng ibaon kaya nag-baon na ako. Para iwas gastos na rin." paliwanag niya.

Nagkatinginan kami ni Geca at sabay na napatango.

Sabay namin inikot at idinikit ang table namin sa table nila Mikael at Nathan. Gayundin ang upuan namin. Naging parang malaking table na ang table namin dahil apat ito na pinagdikit-dikit.

Nagtataka naman na napatingin sa amin si Mikael.

"Wag ka na magtaka. Nasanay na kami na ganito. Hindi pwedeng may mag-isang naglulunch. Malungkot masyado." sabi ko.

Iginitna ko ang ulam at inilabas ko rin sa bag na dala ni mama ang isang litrong jug ng tubig.

"Wow! Kumpleto ang padala ni tito, ah." masiglang ni Geca habang nakatingin sa nilabas kong jug.

"Juice pa ata iyan." sabi ni Mikael.

"For sure!" sabi naman ni Geca. Akmang bubuksan na sana ni Geca ang jug nang hawakan ko ang kamay niya. Nagtataka naman na napatingin sa akin ang dalawa.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Geca.

"Hindi nagpapadala si papa ng juice kung Lechon Kawali ang ulam. Mas gugustuhin niya na malamig na tubig ang inumin." sagot ko.

"Baka naman nagbago ng isip ang papa mo." sabi naman ni Mikael.

"Kilala ko si papa. Hinding-hindi talaga siya magpapadala ng juice. Ayaw niya na umiinom kami ng juice pag masyadong mamantika o marami ang seasoning ang niluto niyang ulam." sabi ko.

"Eh, bakit may juice?" tanong ni Geca.

"Baka si mama ang nagtimpla. Kung si papa ay ayaw ng juice pag ganito ang ulam, si mama naman ay baliktad. Gusto niya ang juice o kaya naman ay softdrinks." sambit ko kaya naman biglang inalis ni Geca ang hawak niya sa jug.

"No thank you na lang." nag-aalangan na wika ni Geca at para bang gusto pa na itapon ang laman ng jug.

"Bakit? Ano ang mayroon?" tanong ni Mikael.

"Basta!" sabay pa naming sabi ni Geca. Itinabi ko na lang muna ang jug sa tabi para makapag simula na kami kumain.

"Kain na tayo."

*****

Kinabukasan ay maaga pa lang ay nagkakagulo ang ilan naming kaklase.

"Anong mayroon?" tanong ko kay Mikael.

Inilapag na namin ni Geca ang bag namin sa upuan namin at umupo na rin.

"Yung iba ay wala pang assignment sa PE. Kaya ayan. Nagkakagulo sila."

"Buti na lang ginawa ko na yung akin kahapon." 

"Sigurado ka bang nasa bag mo na? Baka nalimutan mo na naman ha?" sambit ni Geca.

"Alam mo, kung hindi lang kita bestfriend malamang nabatukan na kita." naasar kong sabi.

"Kalma lang. Nagsabi lang naman ako." 

"Monica! May assignment ka na sa PE?" tanong ng isa kong kaklase.

"Yup." 

"Pakopya!" sabi nito. Halata na gustong-gusto na nito na kumopya ng assignment.

Napa-iling na lang ako bago kunin ang notebook ko at ibinigay ito sa kanya.

"Yun! Salamat!" sabi nito bago bumalik sa table nya.

"Hay nako, ang HUMSS 12-A talaga hindi na nagbago." napapa-iling na sabi ni Geca habang nakatingin sa mga kaklase naming nagkakagulo.

Maya-maya lang ay pumasok na si Sir Raguel kaya naman bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga upuan at umayos na ng upo.

"Okay class, since alam nyo naman na nasa kalagitnaan na tayo ng semester, alam nyo na rin siguro na puro observations ang ginagawa ng head teachers. Pati na rin ng mismong principal." Sabi ni Sir Raguel.

"Uh-oh." Sambit ng iba naming kaklase.

"Alam ko naman na alam niyo na. Just like the usual, my observation will happen here, in your class. It will be tomorrow. So please, wala sanang mala-late. Maliwanag ba?" Tanong nito sa amin.

"Yes Sir !" Sabay-sabay na sagot namin.

Mabilis na lumipas ang oras at sumapit na ang oras para sa PE subject namin. Mabuti na lang at tungkol sa sayaw ang HOPE 3 kaya naman walang problema sa PE Uniform.

"Guys! Lipat daw sa gym sabi ni Sir Levi!" anunsyo ng class president namin.

Kanya-kanya naman kami sa pagdadala ng mga notebook namin at ballpen. Habang ang room naman ay sinarado na.

Pagdating sa gym ay may mga nakalatag na mats at nasa harap si Sir Levi.

"Good morning class, kindly pass your notebooks here." Seryosong sambit nito kaya naman kanya-kanya na kaming lagay ng aming notebook sa harap. Matapos nito ay kanya-kanya na kaming upo sa mat.

"Okay, since malapit na ang second quarterly examinations niyo, may dalawa akong balita sa inyo." sabi ni Sir kaya napuno ang gym ng bulungan.

"Wala pa akong sinasabing mag-ingay kayo." Bakas ang inis sa tono ng pananalita ni Sir kaya naman napa tahimik ang lahat.

"Mukhang na badtrip si Sir sa mga naunang section." bulong ni Geca.

"Baka nga." 

"Tulad nga ng sinasabi ko, may dalawa akong balita. Isang good news at isang bad news. Uunahin ko na sabihin ang good news."

Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin.

"Wala na kayong exam sa akin." At dahil doon ay napalitan ang katahimikan ng ingay.

"Shhh. Guys! May bad news pa! H'wag masyadong masaya!" sabi ng isa sa amin kaya natahimik ulit kami.

"The bad news is, you need to perform in your acquaintance party. There will be a cotillion. Each section of Grade 12 will perform in the event. Ang napunta sa HUMSS ay Waltz. Sa STEM ay Ballroom, sa ABM naman ay Tango at sa GAS ay Foxtrot." Pagpapaliwanag ni Sir.

"Sir, paano po pala ang yung Arts and Design?" Tanong ng isa sa amin.

"Sila ang inacharge sa musical performance. Since ako ang magdedesisyon kung ano ang music na tutugtog habang nagpeperform kayo. Mamayang hapon, ay pupunta ang mga mayor ng bawat klase sa akin para kuhain kung ano ba ang kanta na maassign sa inyo."

Napatango naman ang lahat dahil sa sinabi ni Sir.

"Now, I want you to go back to your room para asikasuhin ang magiging performance niyo. Tandaan niyo, ito na ang katumbas ng magiging exam nyo for this quarter. Kaya dapat ay pagbutihin niyo." Sabi ni Sir kaya naman nagsitayuan na ang lahat.

Ang iba ang excited at ang iba naman ay hindi.

"Paano ‘yan, parehong kaliwa ang paa ko." Sambit ng isa.

"Hindi naman tayo lahat makakapag perform. Hindi ba kailangan ay pairings pag waltz?" Sabi naman ng isa.

"Oo nga ano? Twenty nine lang tayo sa klase."

Pagbalik sa room ay tumayo na agad ang class president sa harap.

"HUMSS 12-A, paano ang gusto niyong gawain natin sa Waltz? Kanya-kanyang hanap ba ng partner? O bunutan?" Tanong niya.

Umingay ang room at sari-sari ang reaksyon ng iba.

"Huwag kayong maingay! Baka mapagalitan tayo." paninita niya sa amin.

"I think mas maganda na kanya-kanyang hanap na lang ng partner. Kasi pag ikaw ang pumili ng partner mo tapos close kayo, hindi na magka kailangan." Sabi ni Mae

"Pero maganda naman sa bunutan, magiging fair sa lahat. Saka ayun naman goal natin. Ang hindi mag kailangan. Last year na natin ito, kaya sana makapagtapos tayo na walang nagkakailangan dito." Sabi ni Geca

"Sige, para hindi na tayo mag talo, botohan na lang." sabi ng president namin.

"Taas kamay ang pumapayag na kanya-kanya ang pagpili ng partner."

Nagtaas ng kamay ang ilan kong kaklase at binilang naman iyon ng class president namin.

"Thirteen votes. Ang natitira na hindi bumuto ay sixteen. Understood naman na siguro na ang panalo ay yung bunutan, hindi ba?" Tanong nito

Nagsulat siya sa blackboard para i-take note na ang mangyayari sa pairings ay bunutan.

"Now, since ay boys lang natin ay siyam ay nine pairs lang ang mangyayari. May matitirang eleven na walang partner."

"Yup. But don't worry. Hindi tayo magpapair ng babae sa babae. Ang pangit naman tignan kung pareho kayong nakaballgown tapos nagsasayaw kayo na magkapareho. At saka baka magka-apakan pa ng gown. Bali ang gagawin natin, ay magrorotation tayo. Then may parang mga nag su-sway-sway muna sa gilid habang wala pa silang partner. Then after a few turns, ay magkakarotation, it means mapapalitan ang partner nyo." Paliwanag niya.

Pumayag naman ang lahat dahil dito.

"Ngayon, ang gagawain ay magsusulat ng pangalan ang mga girls sa isang papel. Ang unang siyam na mabubunot ng boys ay ang magiging partner nila. Then yung eleven ay saka na natin aayusin once na makapag prepare at makapag simula na tayo ng practice. But anyways, bukas na natin gawin."

"Kailan ba ang performance?" Tanong ng isa.

"October 22 at 23 kasi ang final exam. Tapos syempre sa 24, checking of papers. Sa 25 naman panigurado preparations, so baka sa October 26. Halos may isa at kalahating buwan pa tayo." sabi nito.

"Uh, but don't forget na marami pa rin ang kailangang tapusin. Hindi ko sinasabing yung research yun ha. Pero parang ganun na nga." sabi naman ng isa kaya napuno na ng tawanan ang classroom.

"Speaking of research, sino pala kagrupo niyo?" tanong ni Mae kila Mikael at Nathan.

"Sila Geca. Dahil sa pagkakaalam namin, mahigpit ang research dito sa school. Lima lang dapat bawat grupo." Sabi ni Mikael.

Well, hindi naman sa pag-aano pero nung nagkapilian na kasi ng group ay sari-sarili. Kaya naiwan kami ni Geca. Hindi naman sa ayaw nila sa amin. Sadyang mas gusto siguro ng iba sa kagrupo nila na magbebenefit sila. Wala naman kaso sa amin ni Geca na dalawa lang kami. Mas mabuti nga iyon dahil ano pa ang saysay ng malaking grupo kung nag aasahan lang.

"Uy, edi apat na pala kayo?" Tanong ng isa.

"Oo." Sagot naman ni Geca.

"Willing naman kasi kami na magre-group noon eh. Bakit nga ba hindi kayo pumayag noon?"

Sasagot pa lang sana kami ni Geca nang may nauna na.

"Baka ganun talaga pag feeling special." sambit ni Therese.

Oh, kung may hindi pala kami nagkakasundo rito sa room ay si Therese iyon. Isama na ang circle of friends niya. Good thing sila-sila ang magka kagrupo sa research.

"Hayaan mo na Therese. Alam mo naman, medyo walang class." biglang singit pa ni Eliane na kagrupo ni Therese.

Hindi ko na lang sila pinakinggan dahil ayoko ng gulo. Si Geca naman ay mahigpit na ang hawak sa akin.

"Hayaan mo na sila. Alam mo naman na hindi totoo iyon." sabi ni Geca.

"I know." 

Sandaling nanahimik ang buong klase. Akala ko naman ay titigil na sila, pero nagkamali ako.

"Ano pa ba kasi aasahan mo sa 'di ba? Ang tatay ay office worker lang. Ang nanay naman housewife lang din." Nang-aasar na sabi ni Eliza.

"May problema ba sa pagiging office worker at housewife?" tanong ni Mae na halatang naaasar na rin.

"Well, siguro kung magandang company ang pinagtatrabahuhan. Eh, hindi naman. Napaka-cheap. Tapos sa housewife? Hmmm, buti sana kung nakapagtapos ng college, hindi rin naman. Pero kung iisipin nga naman, pareho silang cheap. Bagay sila,  infairness." segunda ni Cyrine.

Naiyukom ko ang kamao ko dahil sa inis. Nagtitimpi lang ako pero aaminin ko, malapit na ako mapuno sa kanila.

"Pwede ba, tigilan niyo na si Monica? Hindi naman kayo pinapakialaman ng tao." pagtatanggol sa akin ng isa naming kaklase.

"Totoo naman ang sinasabi namin. Kaya wala siyang karapatan magalit. Hindi ba, Monica?" Nang-aasar pang sabi ni Tanya.

"Wala naman mali sa sinasabi namin. Buti nga hindi namin sinabi na pokpok ang nanay niya eh. Oh, sorry. Slip of tongue." mapang asar na sambit ni Therese na may kasamang hagikhik.

Padabog akong tumayo at dahil doon ay halos matumba ang table ko.

"Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" naasar na tanong ko. Si Geca naman ay inaawat na ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinihila na ako nang bahagya.

"Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sagot ni Therese na tumayo na rin sa upuan.

Well, sorry to tell her. Dahil kahit anong sabihin niya, likas na kay mama ang pagiging maganda at mukhang bata. It's one of her abilities as a demon.

"Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." dagdag pa ni Tanya.

Tuluyan nang napatid ang pasensya ko na kanina ko pa tinitipid. 

Related chapters

  • The Demon-Angel   Chapter Four

    Third PersonNaalerto agad si Geca dahil nararamdaman niya na hindi na natutuwa ang kanyang kaibigan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase nila. At tuluyan na ngang tumayo ito dahil sa inis."Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" Wika ni Monica kaya naman hinawakan na ni Geca ang kaibigan upang pigilan ito at huminahon na ito.Aaminin niya, maski siya ay naiinis na rin pero kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanyang bestfriend."Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sabi ni Therese at tumayo na rin ito sa upuan na tila ba nakikipag-kompetensya pa kay Monica."Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." Segunda pa ng kaibigan ni Therese na si Tanya.Mas naalarma si Geca dahil tila nag-iba ang aura ng kanyang bestfriend.

    Last Updated : 2021-07-01
  • The Demon-Angel   Chapter Five

    MonicaNakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin."Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama."Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko."H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa."Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!""Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya."Opo!" natatawa kong tugon.Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan

    Last Updated : 2021-07-02
  • The Demon-Angel   Chapter Six

    Monica Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok. "Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal. "Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. "Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya. "Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy. "Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi." Tumango na lang ako

    Last Updated : 2021-07-04
  • The Demon-Angel   Chapter Seven

    Monica Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan. "Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa. "Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa. "Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael. "Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan. "May sinabi ba ako?" "Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo." "Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca. "Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko. Mula sa kinauupuan ko ay sini

    Last Updated : 2021-07-06
  • The Demon-Angel   Chapter Eight

    AngelicaSandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.“Wait, what do you mean?”“Don't give that shit. I know that you are a demon.”Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman gan

    Last Updated : 2021-07-08
  • The Demon-Angel   Chapter Nine

    Mikael Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang. Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven. Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan. Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo n

    Last Updated : 2021-07-09
  • The Demon-Angel   Chapter Ten

    Monica Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca. Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker.Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto

    Last Updated : 2021-08-31
  • The Demon-Angel   Chapter Eleven

    Mikael Umandar na paalis ang sasakyan na minamaneho ni Kiel at ako naman ay napahalukipkip. "Oh? Problemado ka ata?""May problema kasi.""Ano na naman? Tungkol ba kay Satan at sa ibang prince of hell?""No. It's about Monica." Saglit syang sumlyap sa akin at napakunot pa ang noo. "What is it?" Napabuntong hinga ako at umayos ng pagkakaupo. "She found the book.""Well, you mean the 'Angels and Demons'?""Yup.""Eh di ba may seal naman yun? Hindi niya pa rin naman malalaman ang laman ng libro pag nagkataon. Ni hindi nga lilitaw ang title ng libro na iyon." Muntik na ako sumubsob dahil sa biglang pagpreno ni Kiel. Kung wala akong seatbelt malamang ay tumama na ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan nya. Hindi sya makapaniwala na napatingin sa akin. "Wait, don't tell me that she already broke the seal?"

    Last Updated : 2021-09-14

Latest chapter

  • The Demon-Angel   Chapter Forty

    Monica It’s been seven years since I graduated from Senior High school and ever since I became a full angel. It's been seven years but I still can't remember the things that I want to remember. Umabot na lang ako sa point na binalewala ko na iyon at inisip na nago-overthink lang ako. “Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka. Baka mamaya magtaka ang students mo.” sabi ni Geca na kasabay ko maglakad sa hallway. “They won’t be. Mas pipiliin nila na lokohin at biruin ako kaysa magtanong kung bakit ako nakasimangot.” “They are from HUMSS after all. Ang batch na hawak mo ngayon ay tinuturing na sa sakit sa ulo sa Junior High Department. Okay naman ang grades pero bagsak daw sa manners.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Nine

    Monica Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim ang paligid. Nakita ko si Geca na natutulog sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nakatingin ako sa digital clock at nakita ko na pasado alas-dyes na ng gabi. Daha-dahan akong bumangon pero mariin akong napa-pikit nang sumakit ang ulo ko. “Bes?” Napamulat si Geca at aad akong inalalayan. “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” Umayos ako ng upo at marahang hinawakan ang ulo. “I’m fine. What happened?” “Sandali, tatawagin ko lang sila Sir Raguel.” Lumabas ng clinic si Geca at ako n

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Eight

    Monica Paglabas ko ng barrier ay ramdam na agad ang malakas na pwersa. Naglakad ako para hanapin sila Mikael at Nathan. Pero dahil sa lakas ng pwersa na pinapakawalan nila at sa bilis ng kilos nila ay nahirapan ako. “Mikael! Nathan!” Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy ako na naglakad at kung minsan ay matutumba ako dahil biglang yayanig ang lupa. They are taking their fight seriously. Can I really stop those two? As I walk closer to the source of the aura, I can feel my energy being drained. Could it be because of their overwhelming aura?

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Seven

    Nathan Nang kumawala si Monica sa chain para labanan ang demon na naisummon ni Therese ay mabilis kong sinipa si Mikael. I’m pretty sure that Monica will have a good fight with that demon since that one is Dearil. He is the one who killed Demenise. Tulad ng inaasahan, mabilis na nakatayo si Mikael. “What do you think you’re doing?” “Stopping you from doing something that you should not do. Come on, Mikael. Just let her have a fight.” “Let her have a fight so that you can take advantage of the situation once she loses her control? Do you really think I would let that happen?” “Well, that’s why I made sure that you will be somewhere far away. Para hindi

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Six

    Monica Naka-alalay sa akin si Ms. Yanika habang papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Geca. “Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali dahil hindi naman aalis si Geca sa kwarto.” “Kaya ko naman na po. Promise.” “Ang kulit mo. Mana ka sa nanay mo.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Ms. Yanika. “Marami na nga po ang nakapag sabi.” Pagpasok namin ng kwarto ay sakto lang na kababangon lang ni Geca. Ngumiti sa akin si Kuya Rapahel bago tapikin ang balikat ko. “You managed to come back into your senses when your demon form took over. Demenise would be so proud of you.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Five

    Monica Umupo na si Ms. Yanika sa tabi ko bago itapat ang kamay niya sa mga sugat ko. "I'm still not good at healing, so please bear with the pain. I'll do my best to lessen the pain that you're going to feel." Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. "You must be confused right now." Napatingin ako kay Ms. Yanika nang sabihin niya iyon. Nananatili lang ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga sugat ko. "I was also confused a few days ago just like you." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Naguluhan din ako.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Four

    Monica Mabilis naging pangyayari. Sa isang iglap lang ay hawak hawak na ng demon si Geca. “You ruined my plan. Should I kill you?” Hawak na muli ng demon ang espada niya at itinapat iyon sa leeg ni Geca. Mabilis akong nagsummon ng weapon. Isang crossbow ang naisummmon ko at napangiti ako nag balot iyon ng holy symbols at may lumabas na bolt sa rail nito. Itinapat ko iyon sa direksyon niya bago siya balaan. “Let her go!” Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at idiniin ang blade ng espada sa leeg ni Geca. “Are you not afraid that you’ll hit this liar?” “I believe that my mom taught me how to shoot an arrow properly.”

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty-Three

    Monica Naka-ngisi siya sa amin at nang-aasar na tumingin “You won’t be able to summon a holy weapon. Your heart is full of hatred.” “Then maybe I’ll just use this to kill you.” Nagawa kong muling masummon ang isang malaking espada. Mas malaki iyon kumpara sa nauna kong naisummon. Mas ramdam din ang kakaibang lakas nito. “Just like what your friend said, it's futile.” Napatingin kami ni Geca sa kinatatayuan namin nang may mabuong demonic pentagram doon. Tila kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Geca palayo. May bumulusok na mga chain at pumulupot sa akin. Sa pagkilos ko ay dumidiin ‘yon at ilang sandali pa ay napasigaw ako nang may lumabas na mga tinik doon at bumaon sa balat ko.

  • The Demon-Angel   Chapter Thirty- Two

    Monica“Ah, this place. It feels so good to be back in this place.”That figure…That face and that voice…I’m sure it was him!Lumuhod naman si Therese sa demon na kaharap niiya.Mahaba ang buhok nito at naka-suot ito ng isang pants. Wala itong pang-itaas kaya naman makikita ang mga sugat niya katawan.Yumuko si si Therese na tila ba sinasamba ang nasa harap niya. “Satan, the prince of wrath.”How pathetic. Iniisip pa rin niya na si Satan ang na-summon

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status