Monica
Ilang linggo na rin ang lumipas mula noong pumasok sila Nathan. Tulad ng inaasahan, naging ka-close nga ni Mikael ang iba pa naming kaklase. Si Nathan naman mas gusto mag-isa, madalas ko siyang nakikita na nagpupunta ng library, o 'di kaya naman ay kausap si Sir Levi. Wala naman nagbago kahit mayroong transferee. Maingay pa rin ang klase sa tuwing walang teacher, nagsisigawan, nagko kopyahan ng assignment, normal na mga bagay na ginagawa ng mga Senior High School student.
"Bestie, akin na yung folder mo sa Creative Writing. Ipapasa na iyon mamaya 'di ba? Para isasabay ko na." sabi ni Geca habang nakalahad ang kamay.
"Oo nga pala, ano? Sandali."
Nagsimula na akong maghalungkat sa bag ko. Pinagawa kasi kami ni Sir Raguel ng isang short story. Minimum of five thousand words at handwritten. Isang linggo naman ang palugit niya kaya walang problema.
Halos ibuhos ko na ang laman ng bag ko pero hindi ko mahanap yung folder ko.
"Nakita mo na ba?" tanong ni Geca na lumapit na rin sa tabi ko.
Umiling lang ako bilang sagot at patuloy na kinalkal ang bag ko. Hindi nagtagal ay binuhos ko na ang laman nito sa table ko. Pero wala talaga yung folder.
"Hala, bruha ka. Naiwan mo pa ata!"
Inalala ko maigi ang ginawa ko kagabi.
"Shit. Oo nga. Naiwan ko nga ata. Inayos ko kasi yung bag ko kagabi." At dahil nga naalala ko na naiwan ko ang project ko, ibinalik ko na ang mga gamit ko sa loob ng bag.
"Tawagan mo na si Tita. Para madala niya."
Tinanguan ko naman si Geca bago kunin ang phone ko para i-dial ang number ni mama.
"Oh, bakit?" Pambungad agad ni Mama.
"Ma, naiwan ko kasi yung project ko sa kwarto. Eh, ngayon po ang pasahan."
"Sa study table mo ba?"
"Opo."
"O'sige. Dadalhin ko sa iyo mamayang lunch. Dadalhan ko na rin kayo ni Geca ng pagkain. Nagluto ang papa mo ng Lechon Kawali."
"Opo ma! Thank you. Love you! Ingat papunta rito!"
"Bye na. Love you rin. At saka sila ang mag-ingat sa akin." sabi pa ni mama bago ibaba ang phone. Natatawa na lang at napailing ako ng ulo.
"Okay na. Dadalhin daw ni mama. Magdadala rin daw siya ng lunch natin." sabi ko kay Geca.
"Wow! Nakatipid pa ng lunch!" Tuwang-tuwa na sabi ni Geca "Ice cream tayo mamaya, ha."
"Nakatipid nga tayo sa lunch, babawi ka naman sa uwian. Pero sige, game ako r'yan." Natatawa na lang kami pareho sa inasal namin.
Mabilis na natapos ang morning subjects at lunch na. Sakto naman na paglabas ng teacher namin ang pagtawag ni mama sa phone ko.
"Hello, Ma?"
"Anak, nandito na ako sa school. Papunta na ako ng room, sa second floor kayo 'di ba? " sabi ni mama sa kabilang linya.
"Ay, sige po. Sasalubungin na kita." sabi ko at tumayo na.
"H'wag na. Andito na ako." Pagkasabi noon ni mama ay binaba na niya ang tawag. Napatingin ako sa labas at nakita ang babae na may wavy na buhok na katulad ng akin. Kumaway siya sa akin kaya naman dali-dali akong lumabas. Nagmano ako at yumakap sa kanya.
"Eto yung project mo," inabot niya ang isang paper bag na may folder "at ito naman ang lunch niyo. Dinagdagan iyan ng papa mo para kung sakaling may kasabay kayo mag lunch." At saka niya inabot ang isang bag na may baunan naman na laman.
"Thank you so much Ma. The best ka talaga." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Hindi mo naman na ako kailangan bolahin."
"Hindi kita binobola, ano. Totoo yun. The best na, maganda pa."
Nakita ko na napalingon si mama sa loob ng room namin, may kung anong nag iba sa mga mata niya habang nakatingin sa kung anu o sino sa loob. Bumaling siya sa akin at nagtanong "May bago pa la kayong kaklase?"
"Ah, opo Ma. Hindi ko pa la na kwento noong nakaraan." sagot ko kay Mama sabay napalingon din sa direksyon nila Mikael at Nathan.
"Hmmn..." naging tugon ni Mama sa akin pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kakaiba akong naramdaman sa mga titig ni Mama sa dalawa kong bagong kaklase.
Nagpabalik-balik ang aking tingin sa mga bago kong kaklase at kay Mama, na kasalukuyang titig na titig pa rin sa kanila.
"May problema po ba Ma?" Tanong ko kay Mama sabay tingin sa direskyon niya. Bigla naman na parang nagulat siya sa tanong ko at napatuwid siya ng tayo at tumingin pabalik sa akin.
"Ha? Wala, naku siya sige na, aalis na ako at ang papa mo." Medyo gulat na sagot ni Mama, kahit na ngumiti si Mama sa akin ay ramdam ko na may nag-iba sa kanyang aura na hindi ko mawari kung ano.
Napatango na lang ako sa sagot ni Mama. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Date?"
"Nope. The usual thing." sagot naman ni mama.
"Oh." Ayun na lang ang tangi kong nasabi.
Nakita ko pa ang saglit na pagtingin ulit ni mama sa loob ng classroom. Sinundan ko rin ng tingin kung saan tumutingin si Mama at nakita kong sina Mikael at Nathan pa rin ang tinititigan niya. Napakunot ang aking noo at napaisip nang malalim. Umalis na si mama at nang mawala na siya sa aking paningin ay pumasok na ako sa loob ng classroom.
*****
Third Person
Pagpasok pa lang ni Demenise sa building kung saan naroon ang classroom ni Monica, ay may nararamdaman na siyang kakaiba. Aura iyon ng isang demon. Hindi lang basta-bastang demon. Isa iyong presensya ng isa sa prince of hell. Tila sinasadya nito na magparamdam sa kanya.
Bumalot ang kaba sa kanyang dibdib dahil palakas ng palakas ang aura habang papalapit siya sa classroom ng anak. Ngunit nawala ang kaba na iyon matapos maramdaman ang isa pang aura. Ito ay nanggagaling naman sa isang anghel. Kay St. Michael kung hindi siya nagkakamali.
Tinawagan na niya si Monica upang ipaalam na naroon na siya. Nang nasa tapat na siya ng classroom ni Monica ay nahagip ng mata niya ang isang estudyante na nakaupo sa bintana. Nakangisi ito sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa mata niya ang saglit na pagbabago ng kulay ng mata nito. Mula sa kulay tsokolate, ay naging pula ito ngunit bumalik din naman ito sa dati nitong kulay.
Hindi na lang niya ito pinansin at kinawayan na ang anak na nasa loob. Agad naman itong lumabas upang batiin siya.
Agad niyang binigay ang mga dinala niya para rito at nagpaalam na rin kaagad. Muli siyang tumingin sa loob ng classroom pero wala na ang estudyante roon. Tuluyan na siyang umalis at hindi pa man siya nakakalayo sa building na nilabasan ay naramdaman na niya ang presensya sa likod niya.
Agad siyang tumigil at hinarap ang tao sa likod niya. Mali, ang demon na nasa likod niya. Bagama't nasa human form ito, ay alam niya ang totoo nitong pagkatao.
"Demenise. Ang tagal na rin mula noong huli tayong nagkita." sabi nito at ngumisi pa sa kaniya.
"Satan, matagal na nga. Pero hindi kasi ako natutuwa na nakita kita."
"Hmm, siguro ganun talaga ang pakiramdam pag nagtaksil ka."
"Nah, ganun talaga pag naaalibadbaran ka sa kaharap mo." sagot ni Demenise na hinaluan pa niya ng tono ng pang-aasar. Alam niyang nilalagay niya ang sarili niya sa alanganin dahil anumang oras ay maari siyang tapusin ng kaharap.
At hindi nga siya nagkakamali. Sumugod ito sa kanya ngunit agad niyang sinalag ang atake nito. Mabuti na lang at walang tao sa paligid kung hindi ay paniguradong magkakagulo.
"Kung ibinigay niyo na lang sana sa amin noon ang anak niyo hindi na kayo maghihirap pang magtago. Dahil mahahanap at mahahanap pa rin namin kayo. Kung hindi man namin siya papaslangin, gagawin siyang isang full demon para mapakinabangan ang lakas niya." sabi pa ng kanyang kaharap bago nagpakawala ng isang malakas na suntok na dumapo sa kanyang sikmura. Halos sumuka siya ng dugo pero nagawa pa rin niyang ngumisi.
"Dumadaldal ka na, Satan. Ang dami naman ng effort na ibinigay mo para lang magsabi ng walang kwentang bagay." Nagpakawala si Demenise ng isang malakas na sipa. Tumama naman iyon sa mukha ng kalaban niya. Nakita niya na dumura ito ng dugo. Akmang susugurin pa sana siya ng kalaban ngunit may humarang na sa pagitan nila.
"Raguel!" Sambit ni Demenise nang makita si Raguel na may hawak na kadena. Nakapulupot naman ang kadena sa binatang kalaban niya kanina.
Isa si Raguel sa pitong Archangels kaya hindi maitatanggi ang pambihirang lakas na taglay nito.
"Hi, Mommy Demenise!" Bati nito sa kanya na parang isang pangkaraniwang na bati ng isang guro sa isang magulang ng estudyante.
Bumaling si Raguel sa binata at sumeryoso na ang itsura nito.
"Oras na ng lunch. Bawal ang estudyante na lumabas ng building na walang pahintulot mula sa adviser." sambit nito ngunit hindi pa rin inaalis ang kadena na nakatali rito.
"Ano naman ang karapatan mo na utusan ako?" Mayabang na sagot nito sa guro na kaharap.
"Baka nakakalimutan mo, Satan. Sa mundo o lugar na ito, ikaw si Nathan Sandoval. At alam kong alam mo na kailangan mong makisabay sa pamumuhay ng mga tao na nandito. Sa tingin mo ba, normal ang makita na nakikipaglaban ang isang bagong estudyante sa isang nanay ng kaklase niya?" Sabi ni Raguel bago alisin ang kadena.
Matalim ang tingin na ipinukol ni Nathan kay Raguel maging kay Demenise. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad. Ngunit tumigil ito at bahagyang lumingon sa kanila.
"Pasalamat kayo dahil nawala na ako sa mood." Sa isang iglap lang ay nawala na ito sa kanilang harapan.
Nakahinga naman si Demenise nang maluwag dahil nawala na ang binata.
"Okay ka lang?" Tanong ni Raguel
"Oo. Salamat pala kanina."
"Wala iyon. Maituturing na kasama kayo sa mga dapat protektahan. Oo nga pala, bakit mag-isa ka? Nasaan ang asawa mong si Richard?"
"Nasa bahay. Naiwan kasi ni Monica ang project niya kaya hinatid ko rito. Nagdala na rin ako ng lunch nila. Nagluto kasi si Richard ng Lechon Kawali."
"Ah, ganun ba?"
"Oo. Nga pala, gusto mo bang dumaan mamaya sa bahay? Pasalamat na rin sa pagpigil kanina kay Tandang Satan." Alok ni Demenise.
"Masamang tumanggi sa grasya. Kaya sige. Paano, papasok na ako. Mamaya na lang. Pakisabi nga pala kay Richard na damihan ang isasaing dahil mapapa fight ako. Ang tagal na nung huli kong makakain ng luto niya." Sabi nito at tumalikod.
"Bakit hindi mo na lang sa’kin sabihin at kailangan ipasabi pa sa asawa ko?"
"Wala akong tiwala sa iyo. Baka malason kami kapag luto mo ang kinain namin," tapat na sabi nito kaya naman binato niya ito at agad namang nakaiwas.
"Bastos!"
"Hahaha, nagsasabi lang naman ng totoo. Bye mommy" kumaway pa si Raguel sa kaniya bago pumasok sa loob ng building.
Si Demenise naman ay tuluyan nang umalis at nakauwi na nang payapa.
MonicaPagbalik ko sa loob ng room ay nilapag ko ang baunan na dala ni mama."Salamat po sa pagkain!" sambit namin ni Geca bago buksan ang baunan. Kinuha ko ang dalawang bimpo na nakabukod. Nakabalot doon ang tag-isang set ng kutsara at tinidor.Sa unang layer ng baunan ay yung ulam na pang-tatlo o apat na tao ata. Tapos sa huling layer ay kanin."Wow, mahal na mahal ata tayo ni tito. Halatang ayaw tayo magutom." sabi ni Geca habang nakatingin sa baunan na nasa harap namin."Uy, gusto niyo?" pag-aalok ko sa kaklase namin na nasa second row."Thank you!" nakangiting sabi nito matapos kumuha ng ilang piraso."Ikaw?" pag-aalok ko kay Mikael na nasa likod namin at mag-isang kumakain."Ano iyan?""Lechon Kawali, luto ni papa. Kuha ka lang." sabi ko habang hawak-hawak ang baunan."Mag-isa ka lang maglulunch?" tanong naman ni Geca."Yup. Nakapagluto kasi ako kanina ng pwedeng ibaon kaya nag-
Third PersonNaalerto agad si Geca dahil nararamdaman niya na hindi na natutuwa ang kanyang kaibigan sa mga pinagsasabi ng mga kaklase nila. At tuluyan na ngang tumayo ito dahil sa inis."Ano bang problema mo at pati ang nanay at tatay ko ay idinadamay mo?" Wika ni Monica kaya naman hinawakan na ni Geca ang kaibigan upang pigilan ito at huminahon na ito.Aaminin niya, maski siya ay naiinis na rin pero kailangan niyang manatiling kalmado para sa kanyang bestfriend."Bakit ka nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Yung nanay mo, pokpok. Halata naman sa itsura. Minsan akala mo ay nagmumurang kamatis kung makapag-ayos." Sabi ni Therese at tumayo na rin ito sa upuan na tila ba nakikipag-kompetensya pa kay Monica."Wag ka na magalit, Monica. Totoo naman. Walang kwenta at mukhang pokpok ang nanay mo." Segunda pa ng kaibigan ni Therese na si Tanya.Mas naalarma si Geca dahil tila nag-iba ang aura ng kanyang bestfriend.
MonicaNakauwi na kami nila Mama sa bahay at agad akong pinaderetso sa kwarto ko para makapag bihis na. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako sa dining area at sakto naman na nakahanda na ang lunch namin."Wala ka bang iba pang nararamdaman? Wala bang masakit sa iyo?" tanong ni mama."Wala naman na po Ma. Baka pagod lang po talaga ako. Matutulog na lang po siguro ako pagkatapos natin kumain." pagdadahilan ko."H'wag ka kaya muna pumasok bukas?" suhestiyon ni Papa."Hindi po pwede, Pa. Marami ang agad na kailangan habulin kung sakali na isang araw akong absent. Kaya ko naman na po pumasok bukas. Ako pa!""Naku, Monica Dee. Siguraduhin mo ha?" pagbabanta ni Mama. Natatawa na lang ako dahil nanlalaki talaga ang mga mata niya."Opo!" natatawa kong tugon.Nang matapos kami kumain, ay agad na ako sinabihan ni Mama at Papa na matulog na. Gusto ko pa sana sila tulungan sa pagliligpit, pero hindi na nila ako pinayagan
Monica Malakas ang ulan nang bumangon ako para maghanda sa pagpasok. "Wala pa rin bang announcement sa suspension?" tanong ni mama habang naghahanda ng almusal. "Wala pa rin po, eh." sambit ko habang nagsusuklay ng buhok. "Ihahatid na kita pagpasok." sabi ni papa nang umupo na sya. "Pa, wag na. Kaya ko na." sabi ko bago sumubo ng sabaw ng Batchoy. "Kita mo na nang lakas ng ulan. Ihahatid kita. Para kung sakaling may suspension pagdating mo sa school, hindi ka mahirapan pag-uwi." Tumango na lang ako
Monica Matapos kumain ay bumalik na kami sa kanya-kanyang gawain. Naiwan sila Mikael at Nathan sa kusina dahil sila ang maghuhugas ng mga pinagkainan. "Hindi naman siguro sasabog yung bahay 'no?" sambit ko habang nakatingin sa dalawa na nagtatalo kung sino ba talaga ang maghuhugas at sino ang magwawalis at magpupunas ng lamesa. "Hindi naman siguro." alanganing sabi ni Geca hababg nakatingin din sa dalawa. "Hoy, Nathan Sandoval. Mas matanda ako sa iyo kaya sundin mo ako." narinig naming sabi ni Mikael. "Ah, so inaamin mo na gurang ka?" nang-asar na sabi ni Nathan. "May sinabi ba ako?" "Hindi ako sumusunod sa utos ng mga kagaya mo." "Pustahan tayo bes, isang oras na hindi pa nakakahugas ng plato iyang dalawang iyan." natatawang sabi ni Geca. "Hah, subukan lang nila. Gusto ko na matapos yung research na ito." sabi ko at binuksan na ang laptop ko. Mula sa kinauupuan ko ay sini
AngelicaSandali kong pinagmasdan si Mikael na nakatayo sa gitna ng garden at basang-basa na. Nakatayo lang sya roon at nakayuko.“Oh, nakabalik ka na agad? Bakit nagpaulan ka?” tanong ko sa kaniya.“Ah, nalimutan ko kasi payong ko.” sagot nya at pumasok na.“Ito basahan. Baka magkalat ka pa ng basa rito sa loob." sabi ko bago sya lampasan at itinapat ang basahan sa harapan nya.“Thanks” tipid niyang sabi pero nakayuko pa rin sya.“By the way, I think you really should think twice before doing something. I'm not an idiot.” sabi ko at nagpalabas ng maliit na punyal sa kamay ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kaya naman umaatras na siya at malapit nang makalabas ng bahay.“Wait, what do you mean?”“Don't give that shit. I know that you are a demon.”Mabilis akong sumugod sa kaniya kaya naman gan
Mikael Bumalik ako sandali sa bahay na tinutuluyan ko para kumuha ng ilang gamit. Wala ring kuryente sa bahay kaya naman bahagyang natagalan pa ako sa pag-aayos ng mga gamit na kailangan kong dalahin. Kinuha ko ang isang kuwintas na nakalagay sa drawer ko at inilagay iyon sa bulsa ko. Kailangan ko itong ibigay kay Angelica para na rin pandagdag proteksyon sa kaniya lalo pa at may demonyo na nasa paligid lang. Napagpasyahan ko na maglinis muna saglit ng kwarto at ayusin ang mga papel na nakakalat sa study table ko. Malamang si Raguel ay nasa kabilang bahay para magbantay at ang iba namang kasama kong archangels ay siguradong nakikipaglaban ngayon sa Gate of Heaven. Kung tutuusin, malaking tulong sana kung nandoon din ako pero kinutuban ako na may masamang mangyayari. Lalo pa at nandito lang din sa mundo ng mga tao si Nathan. Matapos maglinis at mag ayos ng mga gamit ay bumuo n
Monica Nagising ako nang may narinig akong tumatawag sa gate namin. Bahagya ko pang kinusot ang mata ko dahil sa antok. Nakita ko sa tabi ko na tulog na tulog pa si Geca. Bumangon na ako para puntahan yung batang nagtitinda ng pandesal sa may gate. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Mikael na galing sa labas at may dala na siyang supot ng pandesal. "Good morning." Malumanay na sabi niya bago isalansan ang pandesal sa isang plato. "Good morning." sagot ko pabalik at dumeretso sa kusina para kumuha ng palaman sa pandesal at ng kape. Saktong-sakto dahil naka-ready na ang coffee maker.Bumalik ako sa dining at maingat na inilapag ang mainit na kape para sa amin ni Mikael pati na rin ang palaman."Thanks.""Welcome. Ang aga mo naman ata nagising?""Yup. Magluluto sana ako ng almusal kaya lang narinig ko naman na may tumatawag na bata. Yung nagtitinda ng pandesal? Tapos sakto
Monica It’s been seven years since I graduated from Senior High school and ever since I became a full angel. It's been seven years but I still can't remember the things that I want to remember. Umabot na lang ako sa point na binalewala ko na iyon at inisip na nago-overthink lang ako. “Hey! Ang aga-aga nakabusangot ka. Baka mamaya magtaka ang students mo.” sabi ni Geca na kasabay ko maglakad sa hallway. “They won’t be. Mas pipiliin nila na lokohin at biruin ako kaysa magtanong kung bakit ako nakasimangot.” “They are from HUMSS after all. Ang batch na hawak mo ngayon ay tinuturing na sa sakit sa ulo sa Junior High Department. Okay naman ang grades pero bagsak daw sa manners.”
Monica Nang idilat ko ang mga mata ko ay madilim ang paligid. Nakita ko si Geca na natutulog sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Nakatingin ako sa digital clock at nakita ko na pasado alas-dyes na ng gabi. Daha-dahan akong bumangon pero mariin akong napa-pikit nang sumakit ang ulo ko. “Bes?” Napamulat si Geca at aad akong inalalayan. “Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa iyo?” Umayos ako ng upo at marahang hinawakan ang ulo. “I’m fine. What happened?” “Sandali, tatawagin ko lang sila Sir Raguel.” Lumabas ng clinic si Geca at ako n
Monica Paglabas ko ng barrier ay ramdam na agad ang malakas na pwersa. Naglakad ako para hanapin sila Mikael at Nathan. Pero dahil sa lakas ng pwersa na pinapakawalan nila at sa bilis ng kilos nila ay nahirapan ako. “Mikael! Nathan!” Sigaw ko pero walang sumasagot. Patuloy ako na naglakad at kung minsan ay matutumba ako dahil biglang yayanig ang lupa. They are taking their fight seriously. Can I really stop those two? As I walk closer to the source of the aura, I can feel my energy being drained. Could it be because of their overwhelming aura?
Nathan Nang kumawala si Monica sa chain para labanan ang demon na naisummon ni Therese ay mabilis kong sinipa si Mikael. I’m pretty sure that Monica will have a good fight with that demon since that one is Dearil. He is the one who killed Demenise. Tulad ng inaasahan, mabilis na nakatayo si Mikael. “What do you think you’re doing?” “Stopping you from doing something that you should not do. Come on, Mikael. Just let her have a fight.” “Let her have a fight so that you can take advantage of the situation once she loses her control? Do you really think I would let that happen?” “Well, that’s why I made sure that you will be somewhere far away. Para hindi
Monica Naka-alalay sa akin si Ms. Yanika habang papunta sa kabilang kwarto kung nasaan si Geca. “Dahan-dahan lang. Huwag kang magmadali dahil hindi naman aalis si Geca sa kwarto.” “Kaya ko naman na po. Promise.” “Ang kulit mo. Mana ka sa nanay mo.” Tinawanan ko lang ang sinabi ni Ms. Yanika. “Marami na nga po ang nakapag sabi.” Pagpasok namin ng kwarto ay sakto lang na kababangon lang ni Geca. Ngumiti sa akin si Kuya Rapahel bago tapikin ang balikat ko. “You managed to come back into your senses when your demon form took over. Demenise would be so proud of you.”
Monica Umupo na si Ms. Yanika sa tabi ko bago itapat ang kamay niya sa mga sugat ko. "I'm still not good at healing, so please bear with the pain. I'll do my best to lessen the pain that you're going to feel." Napatango na lang ako dahil sa sinabi niya. "You must be confused right now." Napatingin ako kay Ms. Yanika nang sabihin niya iyon. Nananatili lang ang atensyon niya sa pagpapagaling ng mga sugat ko. "I was also confused a few days ago just like you." "Ano po ang ibig niyong sabihin?" "Naguluhan din ako.
Monica Mabilis naging pangyayari. Sa isang iglap lang ay hawak hawak na ng demon si Geca. “You ruined my plan. Should I kill you?” Hawak na muli ng demon ang espada niya at itinapat iyon sa leeg ni Geca. Mabilis akong nagsummon ng weapon. Isang crossbow ang naisummmon ko at napangiti ako nag balot iyon ng holy symbols at may lumabas na bolt sa rail nito. Itinapat ko iyon sa direksyon niya bago siya balaan. “Let her go!” Imbis na matakot ay ngumisi lang siya at idiniin ang blade ng espada sa leeg ni Geca. “Are you not afraid that you’ll hit this liar?” “I believe that my mom taught me how to shoot an arrow properly.”
Monica Naka-ngisi siya sa amin at nang-aasar na tumingin “You won’t be able to summon a holy weapon. Your heart is full of hatred.” “Then maybe I’ll just use this to kill you.” Nagawa kong muling masummon ang isang malaking espada. Mas malaki iyon kumpara sa nauna kong naisummon. Mas ramdam din ang kakaibang lakas nito. “Just like what your friend said, it's futile.” Napatingin kami ni Geca sa kinatatayuan namin nang may mabuong demonic pentagram doon. Tila kusang gumalaw ang mga kamay ko at itinulak si Geca palayo. May bumulusok na mga chain at pumulupot sa akin. Sa pagkilos ko ay dumidiin ‘yon at ilang sandali pa ay napasigaw ako nang may lumabas na mga tinik doon at bumaon sa balat ko.
Monica“Ah, this place. It feels so good to be back in this place.”That figure…That face and that voice…I’m sure it was him!Lumuhod naman si Therese sa demon na kaharap niiya.Mahaba ang buhok nito at naka-suot ito ng isang pants. Wala itong pang-itaas kaya naman makikita ang mga sugat niya katawan.Yumuko si si Therese na tila ba sinasamba ang nasa harap niya. “Satan, the prince of wrath.”How pathetic. Iniisip pa rin niya na si Satan ang na-summon