Home / Fantasy / Aliara: Ang Kaharian / Kabanata 61 - Kabanata 70

Lahat ng Kabanata ng Aliara: Ang Kaharian: Kabanata 61 - Kabanata 70

83 Kabanata

Kabanata 61

WALANG imik akong naglakad palayo nang makababa mula sa sinakyang kabayo, hinayaan ko na si Matias na ipasok iyon sa kulungan at painumin ng tubig. Tahimik lamang kami buong byahe pag-uwi rito, hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano. Marahil ay naramdaman niyang wala ako sa ayos ngayon.Hindi ko alam kung anong iniisip niya nang makita kaming magkasama ni Sevasti at mukhang nagtatalo. Ayokong isipin niya na may kinalaman si Sevasti sa nangyari kay Adrina ngunit ayoko rin namang magsalita tungkol doon.Sana lamang ay hindi na siya magtanong pa tungkol doon bukas. Dahil hindi ko alam kung paanong sasagot.Sa halip na dumiretso sa aking silid ay nagtungo ako sa silid ng magkapatid. Umupo ako sa higaan ni Kera at pinagmasdan si Adrina. Mahimbing ang tulog niya kaya hindi ako gumagawa ng anumang ingay.Mahina akong bumuntong hininga at ibinaling na lamang ang paningin sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Hanggang ngayon ay tila nararamdaman ko pa rin ang init
last updateHuling Na-update : 2022-01-09
Magbasa pa

Kabanata 62

HUMINTO ako mula sa pagtakbo at nagtago sa likod ng malaking puno nang makita ang tatlong nilalang dito sa gitna ng kagubatan, sa itsura ng mga ito ay alam kong kami ang pakay.Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila sumusukong paslangin kami. Mga hangal talaga."Narito na naman sa Kozania ang hangal na ito," inis kong bulong.Wala akong panahon para sa kanila ngayon kaya hinintay kong makalampas sila bago ako muling tumakbo patungo kay Matias.Bumagsak ako sa lupa nang makaramdam ng kirot sa aking kanang binti, naitukod ko ang kanang braso na siyang sumalo ng bigat ko dahilan upang magkasugat ito at tila napilayan pa.Napapikit ako sa sakit kasabay nang mahina kong pagdaing. Sa pagdilat ay tiningnan ko ang nangyari sa binti ko. Isang palaso lamang naman ang nakatarak sa binti ko!Muli akong dumaing sa sakit, nag-aalab ang mga mata sa galit."Sino ang hangal na gumawa nito?!" galit kong wika. Nilingon ang banda kung saan narinig ko ang y
last updateHuling Na-update : 2022-01-12
Magbasa pa

Kabanata 63

PASINGHAP akong bumangon, bumagsak ang isang basang tela mula sa noo ko. Pinunasan ko ang nararamdamang pawis sa pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit hinahahabol ko ang hininga ko, tila pagod ang katawan ko kahit galing naman ako sa pagtulog.'Pananginip lamang ba ang nangyari sa akin sa kagubatan? At ang pagkakahuli kay Matias?' tanong ng isip ko.Bahagya akong gumalaw at nang maramdaman ang pagkirot sa binti ko napagtanto kong hindi panaginip iyon, sa halip na dumaing sa sakit ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat.Hinuli ng mga kawal si Matias dahil sa bintang na siya ang pumatay kay Elana!"Magpahinga ka muna, Aliara. Hindi pa ayos ang kalagayan mo," seryosong wika ng tinig sa tabi ko, si Adrina. Agad akong napatingon sa kaniya na nakaupo sa kaharap kong higaan. Ngayon ko lamang napansin kung nasaan ako, sa silid ng magkapatid. "Hindi pa tuluyang gumagaling ang mga sugat mo dahil hindi kita mapagaling ng maayos sa kalagayan ko ngayon."Madilim na
last updateHuling Na-update : 2022-01-13
Magbasa pa

Kabanata 64

NAKATITIG ako sa malaking palasyo ng Farianio, maliwanag sa loob nito at buhay na buhay. Ang sinag ng bilog na buwan ay nagdedepina ng kalakihan at karangyaan nito. Hindi maipagkakaila na maunlad ang kahariang ito.Ibinaling ko ang paningin sa bilog na buwan dahil sumasakit ang mata ko sa palasyong ito. Sa tuwing makikita ko ang bawat bahagi nito ay hindi maiwasang hindi ko maisip ang hangal na si Henicio, kung paano niyang inagaw ang kaharian ko at ginamit para lamang mapunta sa kaniya ang kapangyarihang tinatamasa ngayon. Matapos niyang magtagumpay na maagaw ang trono ng Farianio ay pinabagsak niya ang Kozania.Maraming buhay ang kinuha niya para lamang makuha ang bagay na hindi naman para sa  kaniya. Pinagtaksilan niya ang kaniyang kaharian ngunit ngayon ay masagana siyang nabubuhay. Hindi iniisip ang mga naging kabayaran ng lahat, ang paghihirap naming mga Kozanian.Marahil ay nakalimutan na iyon ng lahat ngunit ako hinding-hindi makakalimot. Nakatatak
last updateHuling Na-update : 2022-01-15
Magbasa pa

Kabanata 65

"BINIBINI! Binibini!"Agad akong napadilat dahil sa boses na iyon, nabitawan ko rin ang hawak na espada dahil sa pagkagulat. Nakaupo ako ngayon sa isang malaking bato sa harap ng aming kuta, nakatulugan ang pagbabantay.Tumingin ako sa langit kung saan nasa ere pa rin si Vivi, napatakip ang isa kong kamay sa mata nang masilaw ako sa liwanag. Nang pumikit ako kanina ay madilim pa, mukhang napatagal ang pagpikit ko."Ano iyon, Vivi?" kunot-noo kong tanong. Kay aga ngunit nambubulabog siya. Maging ang kasama kong nagbabantay na si Suri ay nagtatakang nakatingin dito."Si Matias! Si Matias!" aniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko. Napatayo ako at saglit na napatingin kay Suri, pareho rin ang reaksyon.Mas mataas na lumipad si Vivi, umikot-ikot muna sa ere bago tinahak ang daan paalis.Muli akong tumingin kay Suri at nagsalita, "Gisingin mo ang iba nating kasamahan at sabihin na sundan ako patungo sa Farianio.""Masusunod, Binibini."
last updateHuling Na-update : 2022-01-16
Magbasa pa

Kabanata 66

MARAHAN kong idinilat ang mga mata ko. Sumalubong sa akin ang maliwanag na paligid, ang mga nagsasayawang dahon sa ilalim ng puno kung nasaan ako. Naramdaman kong nakahiga ako sa madamong lupa. Mukhang nasa gitna ako ng kagubatan, sakto ang lugar na ito kung nais mong magpahinga. At sa itsura ng kalangitan ay nalaman kong hapon na.Ngunit agad akong napabangon nang maalala ang huling nangyari bago ako napunta sa lugar na ito. Dinala ako ng mga sanga ng puno rito, at dalawang lahi lamang ang kilalang may ganoong kapangyarihan. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagdala sa akin dito, maging ang intensyon niya kung bakit niya ito ginawa.Marahil ay para iligtas ako? Ilayo sa kapahamakang nais kong gawin? Hindi ko alam.Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako o magagalit.Mabilis akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Walang kahit na isang nilalang akong nakikita, ako lamang mag-isa rito. Sa masaganang puno at mga buhay na buhay na halamang nakikita ko
last updateHuling Na-update : 2022-01-17
Magbasa pa

Kabanata 67

MARAHAN akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo, suot ang purong itim na kasuotan sa tuwing mayroon kaming lulusubin o kakalabanin. Hindi ko na inabala pang takpan ang mukha ko dahil makikilala rin naman ako ng mga nilalang na sadya ko sa lugar na ito. At hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko sila napapaslang.Malapit na akong makarating sa silid ni Henicio nang makita ko ang dalawang kawal kaya agad akong nagtago sa madilim na bahagi at pirming lumapat sa pader. Mahinang nakahinga ng maluwag nang lampasan lamang nila ako.Muli akong naglakad at napahinto nang makasalubong ang isang grupo ng mga kawal. Inis ako bumuga ng hangin dahil nakita na nila ako. Bakit ba napakarami pa ring kawal dito kahit malalim na ang gabi?! Hindi ba natutulog ang mga ito?!"May nakapasok!""Habulin ninyo!""Wag hayaang makatakas!""Kamalasan!" mahina kong asik. Tumakbo ako palayo at lumiko sa isa pang pasilyo, at hangga't may nakikita akong pasilyo a
last updateHuling Na-update : 2022-01-18
Magbasa pa

Kabanata 68

NGINITIAN ko lamang siya at mabilis na gumalaw upang makipaglaban sa kaniyang mga kawal. Nang matalo ko ang ilan ay tumakbo ako patungo sa malapit na pader at tumapak dito upang makatalon ng mataas, sa muli kong pagsugod ay nakatutok ang talim ng aking espada sa mga ito. Saktong tumarak sa dibdib nang isa, agad ko itong binawi dahilan upang bahagyang kumalat ang kaniyang dugo. Ngumisi ako at muling humarap sa iba pa na determinadong mapaslang ako, nakikitaan man ng pag-aalinlangan ay walang habas na hinahampas sa akin ang kanilang mga espada na siya ko namang nasasangga. Ginagantihan ko sila ng pagsugod sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon, iikot kapag iiwas, ginagamit ko rin ang siko, paa at ang malaya kong kamao sa pakikipaglaban sa kanila para mas madali silang matalo. Sa bawat paghampas ko ng espada sa iba't-ibang direksyon ay nag-iiwan ito ng sugat sa mga kalaban. At sa ilang sandaling lumipas ay kalahati na ng bilang nila ang napatumba ko. Saglit akong humi
last updateHuling Na-update : 2022-01-19
Magbasa pa

Kabanata 69

"ANONG i-ibig mong sabihin?" Halos manginig ang labi niya. "Puro kasinungalingan ang lumalabas sa iyong bibig!" giit pa niya.Umismid ako. "Alam mo ang sinasabi ko, Henicio."Hindi nawala ang pagkagulat niya, sa halip ay tila lalo lamang itong nadagdagan dahil sa kupirmasyon ko. Sino nga ba naman ang makakatanggap ng sinasabi ko ngayon gayong mainit ang dugo namin sa isa't-isa. Siguradong itinatanggi na niya sa kaniyang sarili ang nalaman. Kung pwede nga lang na hindi pakinggan ang sinabi ko ay hindi na niya iyon pinakinggan.At sa nakikita ko sa kaniya ay hindi ko alam kung matatanggap niya nga ba ang bunga nga kaniyang anak sa akin.Gayunpaman ay wala na akong pakialam doon dahil hindi naman totoo ang sinasabi ko, na buntis ako. Kailanman ay walang nangyaring higit pa sa pagitan namin ni Sevasti dahil sa tuwing aabot kami roon ay siya na mismo ang unang nagpipigil.Gusto ko lamang linlangin ang hangal na Heniciong ito nang sa ganoon ay magdalawan
last updateHuling Na-update : 2022-01-21
Magbasa pa

Kabanata 70

HINDI nagtagal ay nakarating na rin ako sa aming kuta dahil sa taglay kong bilis, tama nga ako na nandoon pa rin ang mga kawal. Halos lahat sila ay nasa unahang bahagi ng aming kuta kaya muli kong ginamit ang taglay kong bilis at nagtungo sa likod na bahagi ng lugar ng hindi nila napapansin. Nagmamadali ngunit maingat kong kinuha ang maraming palaso at isang pana sa lagayan ng mga armas. Halos wala akong naririnig na ingay sa paligid, hindi gumagawa ng anumang kilos ang mga kasamahan ko dahil alam nilang mas lamang ang mga kawal dahil sa bilang nila. At isa pa ay malalim na ang gabi kaya siguradong hindi sila handa sa pagsalakay ng mga ito. Napatingin ako sa gilid nang biglang sumulpot ang isa kong dalagitang kasamahan, si Layla, mukhang nagtatago rin siya at nais kumuha ng armas. Umiling lamang ako upang iparating na huwag siyang gagawa ng anumang ikapapahamak niya. Iminuwestra ko sa kaniya ang hawak upang ipakita ang nais kong gawin sa mga kalaban at itinap
last updateHuling Na-update : 2022-01-22
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status