Home / Fantasy / Aliara: Ang Kaharian / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Aliara: Ang Kaharian: Chapter 51 - Chapter 60

83 Chapters

Kabanata 51

"KUNG iyon ang gusto mo, mahal kong binibini," halos pabulong niyang wika.Namungay ang mga mata ko nang marinig ang mga salitang iyon, tila hinehele ang puso ko."Mahal kong ginoo." Inilapit ko ang mukha ko upang mahalikan siya at ipinikit ang mga mata nang tuluyang maglapat ang aming mga labi.Magaan lamang ang halik na iyon ngunit ramdam ko ang bigat ng damdaming nakapaloob doon. Matagal bago ko iminulat ang mata ko nang humiwalay siya, tutok ang namumungay niyang mata sa akin at matamis ang kaniyang ngiti. Kay sarap pagmasdan ng imahe niyang ito, ang mga ganitong sandali ang lubos na tumatatak sa puso ko na siyang paulit-ulit kong minamahal.Muli kong isinandal ang ulo sa balikat niya, pinagmasdan ang lawang may repleksyon ng buwan at mga bituin. Mahihinang huni lamang ng ibon ang naririnig ko sa paligid at ang kalmadong tibok ng puso ko. Naging musika ang lahat ng ito sa aking pandinig."Ano ang plano mo kapag natapos ang lahat ng ito?" basag
last updateLast Updated : 2021-12-04
Read more

Kabanata 52

BINILISAN ko ang paglalakad hanggang sa makaalis ako sa pamilihan, agad akong nagtago sa isang malaking puno habang tahimik na kinukuha sa kaha ang aking espada. Mabilis ko itong hinarang sa nilalang na kanina pa sumusunod sa akin bago pa siya makalampas sa punong pinagtataguan ko at sa isang iglap ay nasa harapan na niya ako. Hawak ko sa kwelyo ang kaniyang kasuotan para hindi siya makatakas mula sa akin.Dahil sa gulat ay hindi agad siya nakagalaw, tila pinoproseso pa sa kaniyang utak ang bilis ng naging galaw ko."Anong kailangan mo? At sino ang nagpadala sa iyo?" tiim bagang kong tanong habang matalim ang tinging ipinupukol sa kaniya.Unti-unting napalitan ng seryosong eksresyon ang gulat niya ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang bahid ng takot at pangamba roon. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at napagtantong hindi siya basta bayarang mandirigma lamang base sa tindig at tila lawing mga mata niya, ngunit ang suot niya ay naghuhumiyaw ng pagiging ordinary
last updateLast Updated : 2021-12-08
Read more

Kabanata 53

"SA tingin mo ba ay sasagutin ka ng Verdantes na iyon?" tanong niya. At may punto nga siya dahil kasalukuyan namin iyong kaaway.Sino ba naman ang nilalang na basta na lamang sasagutin ang tanong ng kaniyang kaaway gayong wala naman itong mapapala?Ngunit mas nagalit lamang ako sa isiping iyon."Kung hindi niya sasabihin ay dadaanin ko siya sa dahas, Matias," mariin kong wika. Iniisip ko na na nakatutok ang talim ng aking espada sa leeg ni Dardo.Sarkastiko siyang ngumisi at nagsalita, "At sa tingin mo ay hindi ka mapapahamak kung susugod kang mag-isa sa kanilang teritoryo? Dito ka na lamang muna ay mag-isip tayo ng plano kung paanong makikilala ang panibago nating kalaban."Umismid ako at hinawi ang braso niya ngunit agad iyong bumalik sa akin, mas mahigpit. Alam niyang hindi ko susundin ang sinasabi niya kaya ayaw niya akong paalisin.Mas tumalim ang tingin ko sa kaniya ngunit nilabanan niya iyon ng parehong intensidad kaya kalaunan ay nap
last updateLast Updated : 2021-12-11
Read more

Kabanata 54

"Hindi ko alam, Binibini," mahina at nauutal niyang wika.Lalo akong nagngitngit sa galit dahilan upang mabilis kong hinawakan ang leeg niya, tila nananakal. Inilapit ko rin ang mukha ko rito upang pumirmi sa akin ang malikot niyang mga mata. Talagang ginagalit ako ng Verdantes na ito!"Hindi mo nanaising ulitin ko ang tanong ko sa ikatlong pagkakataon, Dardo," halos pabulong ko nang wika, punong-puno ng pagbabanta.Mas nagulat siya at takot na ibinaling sa akin ang mata, tama, ito ang Dardo na kilala ko. Iyong laging takot kapag nagagalit na ako ngunit nitong lumipas na mga taon matapos naming matalo sa Subastahan ay tila unti-unting nabawasan ang takot na iyon.Kaya dapat ay makilala niyang muli kung sino ba talaga ang binabangga niya dahil hindi siya nadadala hangga't hindi natitikman ang kalupitan ko."Hindi ko talaga alam. Totoong hindi ko alam, Prinsesa," mas nautal siya. Kumunot ang noo ko dahil sa nakikita ko sa mga mga niya, takot at panga
last updateLast Updated : 2021-12-15
Read more

Kabanata 55

PINAGMASDAN ko ang bilog na buwan mula rito sa Peredes, ang tawag sa bundok kung nasaan kami ngayon ni Sevasti. Sakop ito ng Farianio ngunit malapit din ito sa lupain ng Kozania. Nasa ilalim kami ng mayabong at mataas na puno, nakaupo siya habang nakasandal dito habang ako ay nahiga at nakaunan ang hita niya sa akin.Naalala ko tuloy ang pamamasyal namin noon sa Widolla, ganito rin iyon, ang kaibahan nga lang ay gabi ngayon dahil ito lamang ang malayang oras upang magkita kami.Tumakas lamang ako sa palasyo, may ilang nagbabantay na mga kasamahan ko upang masigurong ligtas ang lahat at kung may kalaban mang darating ay mabilis kaming maaalerto, ngunit nakatakas pa rin ako sa kanila dahil ginamit ko ang taglay kong bilis. Mamaya lamang ay babalik na rin ako bago pa tuluyang lumalim ang gabi upang sumama sa pagbabantay, hindi pa kami gaanong kampante ngayon dahil sa mga bagong kalaban."Kay ganda ng kalangitan," aniya. Napangiti ako, tama siya, kaya kay gandang pa
last updateLast Updated : 2021-12-17
Read more

Kabanata 56

"Hangal." Masama akong tumingin sa kaniya at sinalag ang pagsugod niya. Sinipa ko siya sa tiyan upang mapalayo siya sa akin, sa muli niyang pagsugod ay nilampasan ko siya at habang nakatalikod ito ay agad kong itinarak ang espada sa kaniya.Nang lumingon ako kay Leep ay hawak na siya sa leeg ng kalaban at idinadarang siya sa malaking apoy. Mabilis kong binitawan ang espada kasabay ng pagbagsak ng walang buhay naa kalaban."Leep!" tumakbo ako palapit sa kanila ngunit huli na ang lahat."Prinsesa!" aniya pa bago tuluyan humagis sa nagliliyab na bahagi ng palasyo. Halos mahawakan ko na ang kamay niya ngunit hindi ako umabot.Nanlaki ang mata ko, akmang susundan pa siya sa apoy ngunit may matipunong braso ang pumigil sa akin, si Matias.Ilang beses akong suminghap ng hangin dahil hindi makapaniwala sa nakita. Sobrang lapit ko na ngunit hindi ko pa rin siya nagawang iligtas, halos gahibla na lamang ng buhok iyon ngunit nahuli pa ako. Nahuli ako. Wala na
last updateLast Updated : 2021-12-19
Read more

Kabanata 57

PINUNASAN ko ang tumakas na luha sa aking mata habang nakatingin sa apoy na mula sa mga mamamayan kong nasawi, pito sila, tatlo ay mga binatilyo. Nagsisisi ako na nahuli ako sa pagdating upang tumulong, kung nandoon lamang ako simula umpisa ay makakaisip agad ako ng magandang estratehiya upang mabilis na magapi ang mga kalaban.Ngunit wala na akong magagawa dahil nangyari na iyon at hindi na maibabalik ng pagsisisi ko ang buhay na nawala sa amin. Kailangan ko na lamang tanggapin ito, mabigat man sa aking kalooban.Lumingon ako kay Matias na kanina pa nakatingin sa akin. Sa lahat ng nilalang dito ay siya ang higit na nakakakilala sa akin kaya alam niya nararamdaman ko ngayon."Kailangan nating lumipat muli ng bagong kuta," mahina kong wika na siya lamang ang nakakarinig.Marahan siyang tumango. "Ganoon na nga. Para sa kaligtasan natin."Muli akong bumaling sa apoy na may lungkot ang mga mata."Umaasa akong hindi na natin pa iiwan ang palasyon
last updateLast Updated : 2021-12-20
Read more

Kabanata 58

SANDALI akong huminto nang matalo ko ang dalawa, bumaling kay Elana na nanonood sa gilid. Matalim ang tingin niya sa akin kaya nginitian ko siya para mas mainis siya bago ako muling nakipaglaban sa mga alagad niya.Salitan sila sa pagsugod sa akin, mahusay ang iba sa kanila na siyang hindi ko agad napapatumba kaya pinili ko ang mga mahihina upang mabawasan sila. Lumiyad ako nang akmang tataman ng latigo ng isa sa kanila, sa muli nitong paghampas niyon ay hinuli ko ito at malakas na hinatak.Gulat siyang napalapit sa akin, ngumisi ako at ginamit ang buong lakas ko upang sipain siya dahilan upang humagis ito at tumama sa malaking puno, sa lakas ng pagkakasalpok niya dito ay agad siyang nawalan ng malay. Sunod-sunod silang sumugod matapos niyon kaya ihinanda ko ang espada sa ere at mabilis na umikot upang sabay-sabay silang masugatan. Ngumiti ako nang lumayo ang tatlo upang indahin ang natamong sugat. Suminghap ako ng hangin at ako naman ang naunang sumugod.
last updateLast Updated : 2021-12-24
Read more

Kabanata 59

NAKATINGIN lamang ako sa kaniya habang patuloy siyang nagsasagwan, sakay kami ng maliit na bangka mula sa isang maliit na isla malapit sa kaharian ng Farianio. Ipinasyal niya ako dahil sa magandang tanawin doon, sobra akong naaliw kaya malapit ng dumilim nang makasakay kami sa bangka. At ngayon ay gabi na dahil mabagal ang pagsasagwa niya, ayos lang naman sa akin iyon dahil mas matagal ang oras naming magkasama. Tanghali na noong umalis ako sa aming kuta ngunit alam naman nila na naglilibot lamang ako sa iba't-ibang bayan upang magnakaw kaya hindi nila ako basta hahanapin kung gabihin man ako. Kaya hindi ako nag-aalala habang kasama ko ang ginoong ito. Tumingin siya sa karagatang tila walang hangganan kaya malaya ko siyang pinagmasdan, habang tumatagal ay mas gumagwapo siya sa paningin ko. Sa bahagyang pagkunot ng noo niya ay napangiti ako, kahit anong ipakita niyang reaksyon ay hindi nababawasan ang kakisigan niya. Lalo pa nga yata iyong nadagdagdagan. Nakat
last updateLast Updated : 2021-12-30
Read more

Kabanata 60

TUTOK ang paningin ko sa mga sugat ni Adrina, at hindi ko gusto ang nakikita kong iyon. Habang tumatagal ay namumuo ang galit ko at iniisip na kung paano akong gaganti sa hangal na babaeng iyon.Hindi ako papayag na sa ganito lamang ito matatapos. Hindi ako papayag na magagawa niya kung anong gusto niya sa amin nang hindi kami pumapalag. Hindi basta nagpapaapi ang isang mandirigma.Siya ang naunang sumugod sa akin kaya nararapat lamang sa kaniya iyon. Wala siyang karapatang gumanti.Bago pa man matapos si Dana sa paglalapat ng mga halamang gamot sa sugat ni Adrina ay lumabas na ako sa silid. Hindi ako napansing umalis ni Adrina dahil nakapakit ito at tila ilang sandali na lamang ay mawawalan na ng malay."Aliara," tawag ni Matias, sumunod sa akin. "Saan ka pupunta?" nagtataka niyang tanong nang makitang hindi ang daan patungo sa aking silid ang tinatahak ko.Huminto ako at blangkong bumaling sa kaniya. "Bakit mo ako sinundan? Magpahinga ka rin sa i
last updateLast Updated : 2022-01-04
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status