Home / Fantasy / Aliara: Ang Kaharian / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Aliara: Ang Kaharian: Chapter 31 - Chapter 40

83 Chapters

Kabanata 31

NAKANGITI kong nilagpasan ang huling maharlikang ninakawan ko, hindi ko na tiningnan pa ang supot dahil alam ko na ang laman nito, basta ko na lang ito nilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. Lumapit ako sa tindahan ng mga kasuotan para bumili, hinawakan ko ang mga malalambot na tela nito at pumili nang madilim na kulay na siyang paborito ko. Babayaran ko sa sana iyon ngunit inilibot ko muna ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nakadapo si Vivi ngunit nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na ginoo. Binitawan ko ang hawak na kasuotan at pinagmasdan siya, ditretso lamang ang paningin niya. Mag-isa siyang naglalakad, nasa likod ang dalawang kamay at suot ang isang marangyang kasuotan. Wala talagang pinagbago, napakaguwapo niya pa rin. Tila kumikinang siya sa parteng iyon ng lugar na lahat ng binibining dumadaan ay napapalingon sa kaniya. Bumuntong hininga ako, hindi ko dapat hayaang magtagpo ang aming landas. Aalis na sana a
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

Kabanata 32

SA pagdaong ng bangkang sinasaksayan ko ay agad lumipad paalis si Vivi sa balikat ko upang maglibot sa paligid, pinagmasdan ko lamang siyang malayang lumilipad sa himpapawid. Maganda ang panahon at asul na asul ang kalangitan, ganoon din ang dagat. Napangisi ako nang itapak ang mga paa sa lupain ng Widolla. Hindi lang naman pagnanakaw ang pakay ko sa kahariang ito, nalaman ko na rito ko matatagpuan ang isa sa nilalang na matagal ko nang hinahanap. "Talim ng aking espada ang isasalubong ko sa iyo sa muli nating pagkikita," tiim bagang kong bulong sa hangin. Tahimik kong nilagpasan ang mga abalang nilalang na nakikipagkalakalan sa paligid, dito unang nagaganap ang pakikipagkalakalan dahil sa pagdaong ng mga produkto mula sa ibang kaharian. At habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mga kamay ko na lumikot upang magnakaw sa mga maharlikang nakakasalubong ko. "Paumanhin ngunit kailangan ko ring mabuhay," nakangisi kong wika nang makakuha ng isang supot ng salapi. Agad ko itong iti
last updateLast Updated : 2021-07-24
Read more

Kabanata 33

IBINALIK ko ang punyal sa kaha nito at inilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. "Ano pa ang hinihintay mo? Ituro mo na ang daan upang makarating na tayo sa iyong tahanan, Ginoo," kalmado kong wika. Hilaw siyang ngumiti at naglakad ngunit nakaharap sa akin na tila binabantayan ang galaw ko sa pag-aakalang sasaktan ko siya, muntik pa siyang matumba dahil hindi nakatingin sa daan. Tutulungan ko sana siya ngunit mabilis siyang lumayo sa akin, nag-iingat. "Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan," wika ko. "Talaga?" paninigurado niya, tumingin sa kamay ko. "Pero bakit nakahawak ka sa espada mo?" kabadong aniya. Napatingin din ako sa kamay ko at agad itong inalis sa nakahawak na espada sa baywang ko. Itinaas ko pa ang dalawang kamay ere upang ipakita sa kaniya. "Ayos na ba?" tanong ko. Humakbang ako palapit sa kaniya ngunit muli siyang umatras. "Oo, ayos na!" Tumawa siya upang alisin ang kabang nararamdaman. "Halika na, bago p
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Kabanata 34

AGAD akong napatingin kay Mikhel nang tumakbo siya upang makatakas. Matalim ang tinging ipinukol ko kay Sevasti bago habulin ang nakatakas kong biktima. Ngunit muli akong nagulat nang pigilian ako ni Sevasti, hinawakan niya ang braso ko na lagi niyang ginagawa kapag ginagamit ko ang taglay kong bilis. Oo nga pala, naririnig niya ang mga galaw ko sa hangin. Galit kong hinawi ang kamay niyang nakahawak sa akin. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Prinsipe?" tiim bagang kong wika. "Bakit mo ako pinipigilan sa nais kong gawin?" Itinulak ko siya. "Wala kang karapatang pigilan ako!" Nilampasan ko siya at hinanap ng paningin ko si Mikhel, ngunit muli na naman niya akong hinarangan. Ano ba ang kailangan ng hangal na ito? Nais niya talagang ipagyabang sa akin na mas malakas ang kapangyarihan niya. "Hindi mo gugustuhing masaksihan ng mga nilalang na ito ang gagawin mo sa ginoong iyon," seryosong aniya. Tinutukoy ang mga nilalang sa paligid. "Kapag gumawa ka ng k
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Kabanata 35

DAHIL sa pagmamadali kong maglakad ay nabangga ko ang isang ginoo, nalaglag ang hawak niyang supot ng salapi, bukas iyon kaya tumapon ang ilang tanso at pilak na barya mula roon. "Paumanhin, Ginoo," wika ko. Inunahan ko siya sa pagpulot ng mga iyon, tinulungan niya rin naman ako kaya mabilis naming nakuha ang mga iyon. Nang makatayo kaming pareho ay nakangiti kong binigay sa kaniya ang mga salapi, bahagya pa siyang natulala nang tumama ang mga mata sa akin. "Aliara," pirming wika ng nilalang sa tabi ko, si Sevasti. Ngunit hindi ko siya pinansin. Ako na ang naglagay ng hawak kong salapi sa supot na hawak ng ginoo dahilan upang bahagyang maglapat ang balat namin. Gusto kong matawa nang makita ang panginginig ng kamay niya sa nangyar
last updateLast Updated : 2021-07-30
Read more

Kabanata 36

MAAGA akong gumising upang simulan na ang paghahanap kay Mikhel. Mukhang pareho pang tulog ang dalawa kaya hindi ako gumagawa ng ingay upang hindi sila maistorbo, magkasamang natutulog si Sevasti at Gudan sa kabilang silid. Itinitirintas ko ang buhok habang naglalakad palabas ng tahanan ni Gudan. Agad lumipad si Vivi palapit sa akin, babatiin ko sana siya ngunit nilampasan niya ako. Napalingon ako sa likod ko habang hawak pa rin ang buhok kong nasa likod. "Magandang umaga, Vivi," nakangiting bati ni Sevasti rito na ngayon ay nakadapo na sa braso niya. "Magandang umaga! Magandang umaga!" sagot naman nito kaya napairap ako. "Hindi mo ba ako babatiin, Vivi? Ako ang amo mo ngunit tila mas gusto mo pa ang ginoong iyan." Lumingon ito sa akin. "Magandang umaga, Binibini. Magandang umaga, Binibini," wika niya bago lumipad paalis. Muli akong umirap at tumingin kay Sevasti na nakangiting sinusundan ng tingin ang ibon. "Ang tagal ka niyang hindi
last updateLast Updated : 2021-08-01
Read more

Kabanata 37

HUMINTO kami sa makipot na daan sa pagitan ng dalawang tindahan, pumasok kami roon at nadatnan ang isang babaeng nakasandal sa haligi ng tindahan. May hawak pa siyang palito na isinusuksok niya sa ngipin niya at tila walang pakialam sa makakakita. "Estra!" tawag ni Gudan dito dahilan upang mapalingon ito sa amin at inayos ang tindig niya. Tinapon niya ang hawak na palito at nakangiting lumapit sa amin. "Gudan, mabuti naman ay dumating ka na. Kanina ko pa kayo hinihintay," aniya. Pinagmasdan ko siya, maganda naman siya ngunit marungis siyang tingnan na hindi kaaya-aya para sa isang binibini at ang kilos niya ay tila lalaki. Nakapusod ang lahat ng buhok niya sa isang piraso ng tela. "Paumanhin, natagalan lamang kami dahil sa ipinaguhit na larawan," wika ni Gudan. Tumango ang tinawag niyang Estra at tumitig sa aming dalawa ni Sevasti. "Uh, ito nga pala si Aliara at Sevasti, sila ang nais maghanap sa hinahanap nilang ginoo," wikang muli ni Gudan.
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more

Kabanata 38

LUMIPAS ang mga sandali na hindi ko namalayang sumapit na pala ang hapon, nasa isang burol kami ni Sevasti, hindi ganoon kalayo mula sa bahay ni Gudan. Mula rito ay kitang-kita ang mga berdeng bundok at ang bayan sa ibaba. Kami lamang ang nilalang na nandito, nakaupo ako sa madamong lupa at nakasandal sa haligi ng malaking punong nagbibigay lilim sa amin. Si Sevasti naman ay nakahiga, ginawang unan ang hita ko. Nakatingin ako sa kamay kong pinaglalaruan niya, pinagmamasdan ang bawat guhit sa aking palad. "Binibilang mo ba ang kalyo sa aking palad?" biro ko. Wala namang kalyo iyon ngunit may kagaspangan dahil sa lagi kong paghawak ng espada at mga armas, hindi kasing perpekto ng palad ng ibang prinsesa. Marahan siyang umiling, tumingin siya akin at inilapit sa labi niya ang palad ko, sunod ay ang likod niyon. Napatitig ako sa kaniya dahil sa ginawa niya, naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin, tila nahawakan niyon ang puso ko na siya lamang ang
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

Kabanata 39

SAKAY ng kabayo ay inumpisahan namin ang paglalakbay patungo sa Prahara, umupa kami ng dalawang kabayo mula sa kakilala ni Gudan. Solo siyang nakasakay sa isang kabayo habang kami ni Sevasti ay magkasama sa isa, nasa likod ko siya at siya ang may hawak ng tali na nagmamando sa kabayo. Binagalan namin ang takbo nito nang mapadaan kami sa isang bayan dito sa kaharian ng Widolla. Doon ay lumapit sa amin si Vivi at dumapo sa balikat ni Gudan, napagod na yata kalilipad. Simple lamang ang lugar na ito, mas marami ang mga punong nakikita ko sa paligid. Ang mga dumaraang nilalang ay napapalingon sa amin. Iniyakap ni Sevasti ang isang kamay sa tiyan ko na tila may aagaw sa akin, ngumiti lamang ako ay bahagyang sumandal sa kaniyang dibdib. Tiningnan ko muna ang malapit nang magdilim na kalangitan bago bumaling kay Gudan. Mabuti ay agad kaming nakarating dito, ito na ang ikalawang bayan na dinadaanan namin, mabilis ang pagpapatakbo namin sa kabayo kanina at sigu
last updateLast Updated : 2021-08-04
Read more

Kabanata 40

"HALIKA, Vivi. Tayo muna ang mag-usap," wika ni Sevasti. Kinuha si Vivi sa aking balikat at bahagyang lumayo sa amin. "Maaari ko bang malaman kung saan namin matatagpuan ang ginoong iyon, Binibini?" tanong ni Gudan, inaagaw ang atensyon nito. Muling ngumiti ang manininda at agad na tumango. "Mamaya lamang ay makikita ninyo si Mikal dahil magdadala siya ng mga bagong pinatuyong balat ng hayop." Tumingin pa siya sa paligid na tila may hinahanap. "Ngayon na nga yata iyon," aniya pa kaya agad kong inilibot ang paningin sa paligid, ginagaya siya. Tumango ako kay Gudan at iniwan siya roon. Lumapit ako kay Sevasti upang makalayo kami sa tindahang iyon. Hinawakan ko ang braso niya kung saan nakadapo si Vivi at inilapit sa akin. "Mukhang narito ngayon si Mikhel, Vivi. Madali ka at tulungan mo kaming hanapin siya," utos ko rito. "Masusunod, Binibini. Masusunod, Binibini," aniya at agad siyang lumipad pataas. Pinanood ko lamang siyang umikot-ikot sa pami
last updateLast Updated : 2021-08-05
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status