/ Fantasy / Aliara: Ang Kaharian / 챕터 11 - 챕터 20

Aliara: Ang Kaharian의 모든 챕터: 챕터 11 - 챕터 20

83 챕터

Kabanata 11

"BAKIT ang tahimik mo? Hindi ka naman ganyan noong una tayong nagkita. Kanina pa kita kinausap ngunit hindi ka sumasagot," aniyang muli. Luminga-linga siya sa paligid dahil nagsisimula nang maglabasan ang mga alitaptap. Nagtago ako sa puno upang hindi ako mahagip ng kaniyang paningin sa hindi ko malamang dahilan. "Kung nandito siya ay nakikita na sana niya ang ganda ng mga alitaptap na ito. Gustong-gusto kong makita ang maganda niyang ngiti, ang kumikislap niyang mga mata at ang mamula-mula niyang pisngi," may bakas ng katuwaan ang kaniyang tinig. Natulala ako dahil sa narinig, napahawak ako sa aking dibdib dahil tila nagustuhan iyon ng puso ko. Bakit ba ganito ang aking nararamdaman? Tama bang maramdaman ko ito? "Gustong-gusto ko talaga siya, Ibon. Siya lamang ang tanging binibini na hinangaan ko ng ganito, hindi na siya mawala pa sa aking isipan." Kinagat ko ang ibabang labi ko at dahan-dahang sumilip sa kaniya. Nakatingin lamang siya sa kaw
last update최신 업데이트 : 2021-05-21
더 보기

Kabanata 12

TUMINGIN muna sa akin si Adrina bago muling nagsalita. "Bakit nais mong malaman? Sino ka ba, Ginoo?" aniya. Gusto ko siyang pagalitan dahil sa kaniyang asal ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kung siguro ay ibang kawal ang kausap niya ay kanina pa siya dinala at pinarusahan. "Hangal. Hindi mo dapat kinakausap ng ganyan ang--" "Favier," pigil ni Sevasti sa pagsasalita ng kaniyang kasamang ginoo. Nang magtama ang paningin nila ay agad silang nagkaintindihan, yumuko ng bahagya si Favier bilang paumanhin sa kaniyang pagsagot. "Adrina," agaw ko sa atensyon niya. "Igalang mo siya, isa siyang kawal ng Farianio," wika ko. Hindi nagbago ang bugnot niyang ekspresyon ngunit marahan siyang tumango sa akin, napipilitan. "Isa kang kawal, Ginoo?" wika ng binibini na siyang nakaagaw ng atensyon ko. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ni Sevasti na siya ko ring ginawa ng hindi ko namamalayan. Hindi iyon marangya katulad ng mga nauna niyang suot ngunit hindi
last update최신 업데이트 : 2021-05-22
더 보기

Kabanata 13

SIYA na rin ang kusang humiwalay sa halik na iyon. Pareho kaming naghahabol ng hininga habang magkadikit ang aming noo. Matunog akong tumawa, kagat ang pang-ibabang labi habang pinagmamasdan ang kaniyang labi. "Muntik na akong maniwala nang hanapin niya ang kaniyang ama." "Muntik ko na ring saktan ang babaeng iyon nang muli ka niyang hawakan." Humiwalay siya sa akin, hawak pa rin ang baywang ko, nakataas ang dalawang kilay at may maliit na ngisi sa labi. "Selosa," nanunudyong aniya. Tumalim ang tingin ko sa kaniya. "May dapat ba akong pagselosan, Ginoo?" "Wala," mabilis niyang sagot, lalong lumaki ang pagkakangiti. "Akin ka na nga talaga, Binibini." "Paano mong nasabi?" nakataas ang kilay kong wika. Inalis ang dalawang kamay sa batok niya. Agad na kumunot ang noo niya at mas hinigpitan ang hawak sa akin na tila anumang oras ay tatakasan ko siyang muli. "Hindi ba?" "Hmm," tila nag-iisip, nakangisi lang ako sa kan
last update최신 업데이트 : 2021-05-24
더 보기

Kabanata 14

"ANONG ginagawa ninyo dito, mga verdantes?" tanong ko. Patungo ako sa talon kung saan naroon ang mga Sirena upang maligo ngunit namataan ko sila dito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Tatlo lamang sila at hindi kabilang ang kanilang pinuno na si Dardo. Mayabang na humarap sa akin ang nasa gitna kaya tinaasan ko siya ng kilay at dinala ang aking kamay sa espada ko, handa silang kalabanin kung gagawa sila ng maling kilos. "Namamasyal lamang kami, Binibini," aniya. Bahagya siyang umatras nang makitang hinawakan ko ang aking espada. "Namamasyal?" sarkastiko akong ngumiti. "At saan naman kayo papasyal dito sa Kozania, Verdantes? Kabisado ba ninyo ang lugar na ito?" at masamang tumingin sa kanila. "Paumanhin, Binibini. Aalis na kami," wika nang isa sa kanila, isinenyas ang kamay sa mga kasama upang yayain paalis. "Tama, umalis na kayo kung ayaw ninyong putulin ko ang inyong mga sungay," tiim bagang kong wika. Agad silang nag-atrasan nang uma
last update최신 업데이트 : 2021-05-25
더 보기

Kabanata 15

PINAGMASDAN ko ang munting bahay sa aking harapan, maliit at gawa sa bato, halatang abandonado na. Ilang araw din ang inabot bago namin natagpuan ang lugar na ito. "Ito ang tinuluyan nila bago sila paslangin," wika ni Matias sa aking tabi. "Paslangin. Paslangin," wika ni Vivi na nakadapo sa balikat ko. Binuksan ni Matias ang pinto at pinauna akong pumasok sa loob, agad kaming nagkaintindihan nang magtama ang aming mga mata, tumango ako at pumasok na. Tumambad sa amin ang magulong kagamitan sa paligid, mayroong isang silid ang bahay at agad na pumasok si Matias doon. Hinintay ko lamang siyang lumabas habang nagmamasid sa paligid. Halata ang pagmamadali ng mga nilalang na nanggaling dito, tila may hinahanap. Ilang sandali lamang ay lumabas si Matias hawak ang isang kulay rosas na tela. Tinitigan ko ito nang inabot niya sa akin, hindi na ako nagulat nang makita ang nakaburdang pangalan dito. "Siya nga," wika ko, sigurado. "Ngayon
last update최신 업데이트 : 2021-06-17
더 보기

Kabanata 16

"NINAKAWAN mo rin ba siya ng halik kaya ngayon ay sinisingil ka niya?" muli niyang wika na agad nagpakunot ng noo ko. "Hindi ko siya ninakawan ng halik. Siya nga ang gustong magnakaw sa akin ng halik!" giit ko. Akala niya ba ay kung sino-sinong ginoo ang ninanakawan ko ng halik? Hangal. Siya lang naman ang nag-iisang nilalang na ninakawan ko ng halik, ngunit hinding-hindi ko sasabihin sa kaniya iyon. Nanlaki ang mata ko nang salubungin niya agad ng halik ang labi ko. Napahawak ako sa matipuno niyang dibdib upang itulak sana siya palayo ngunit sadyang taksil ang katawan ko dahil gusto nito ang halik na iginagawad sa akin ng ginoong ito. Matagal, sabik at magpahanap ang kaniyang halik, halos habulin ko pa ang kaniyang labi nang bumitaw siya. Nanatiling magkadikit ang aming noo, ilang beses akong suminghap ng hangin habang nakatingin sa nang-aakit niyang labi. Parang noong nakaraang araw lang ay nag-aalinlangan kang tanggapin ang pag-ibig niya dahil isa
last update최신 업데이트 : 2021-06-18
더 보기

Kabanata 17

"SINO iyon?" Hinihingal na tanong ni Matias nang makalapit sa akin. "Anong nangyari?" "Isa na namang bisita ngayong gabi," tiim bagang kong wika. "Bisita?" Sa kaniya ko ibinaling ang matalim kong tingin. "Simula ngayon ay may magbabantay na tuwing gabi sa ating kuta. Siguraduhin mong hindi na mauulit ang biglaang pagdating ng ating mga bisita," wika ko bago siya talikuran. Kung kanina pa sana siya nagising ay nahuli namin ang nilalang na iyon. Kung kailan'g hindi na siya kailangan ay ngayon pa siya dumating. "Hindi lang ba ang nilalang na iyon ang nakalaban mo? Sino ang nagpadala sa kanila?" tanong niya habang nakasunod sa akin. Inis ko siyang nilingon. "Sino nga ba ang pakay nila, Matias? Hindi naman ito nangyayari noon dahil takot ang mga nilalang na pumunta sa ating kuta. Sino ang maglalakas loob na magpadala ng tauhan dito?" sarkastiko kong tanong. Napahinto naman siya at agad napagtanto ang mga pangyayari. "Ang mag
last update최신 업데이트 : 2021-06-19
더 보기

Kabanata 18

NAPAHINTO ako sa pagsalok ng tubig sa batis at napatingin sa mapunong parte ng lugar nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang hawak na tapayan at naglakad patungo roon. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang pamilyar na kabayo. Isang hakbang pa ang ginawa ko bago tuluyang makita ang nilalang na hindi ko inaasahang darating, hawak pa niya ang tali ng kabayo. Nakataas ang isang sulok ng labi niya habang ako ay gulat na nakatingin sa kaniya. Sinipat ko ang kabuuan niya upang makasiguradong siya nga ang kaharap ko. Hindi ko maiwasang humanga sa angkin niyang kaguwapuhan sa pwesto at tindig niya. Agad akong lumapit sa kaniya nang makabawi at bahagyang hinampas ang dibdib niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Kabado kong inilibot ang paningin ko at agad na nakahinga ng maluwag nang wala akong nakitang ibang nilalang. "Gusto lamang kitang makita. Hindi ka sumipot sa ating tagpuan kahapon," wika niya. Hinawakan niya ang lik
last update최신 업데이트 : 2021-06-22
더 보기

Kabanata 19

HUMINTO ako sa labas ng palasyo nang makita ko siyang palabas sa matayog na tarangkahan nito. Agad na dumapo ang paningin niya sa akin kaya matamis na ngiti ang ibinati ko sa kaniya. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako, marahil ay dahil iba ang ayos ko ngayon, mas maganda sa normal kong ayos. Umikot ako upang ipakita ang kabuuan ko. Wala akong suot na balabal at inayos ko rin ang aking buhok, may maliliit na bulaklak ang nakaipit sa likod nito. Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, mabilis niyang idinampi ang kaniyang labi sa akin. Tila nag-init ang aking pisngi sa ginawa niya sa harap ng mga nilalang na dumadaan sa paligid. "Napakaganda mo, paumanhin dahil hindi ko mapigilan ang aking sariling halikan ka." Nilapit niya ang mukha sa akin kaya bahagya akong napaatras. "Sevasti!" suway ko sa kaniya. Ngunit hindi siya tumigil sa paglapit kaya pinanliitan ko siya ng mata bilang pagbabanta. "Nais ko lamang ipa
last update최신 업데이트 : 2021-06-24
더 보기

Kabanata 20

HINDI maalis ang ngiti sa aking labi hanggang sa makabalik ako sa aming kuta. Hindi nagsasawa ang mga mata ko sa panay na pagtingin sa singsing na ibinigay ni Sevasti, napakagandang tingnan niyon sa aking daliri. "Matias," gulat kong wika nang bigla siyang sumulpot sa harapan ko. Sinundan niya ng tingin ang kamay ko kaya pasimple ko iyong itinago sa likuran ko, madilim na rin ang paligid kaya sigurado akong hindi niya nakita ang bagay na hindi maalis sa mata ko. "Anong kailangan mo?" tipid ang ngiti kong tanong. Matagal siyang tumitig sa akin bago nagsalita. "Bakit nagbago ang iyong plano tungkol sa mga armas?" seryoso niyang tanong. Nabaling ang tingin ko kay Vivi na nakadapo sa malapit na puno, bago ako makipagkita kay Sevasti kanina ay nagbigay ako ng mensahe kay Vivi para sa kaniya tungkol doon. "Naisip ko lamang na baka hindi tayo bigyan ni Dardo ng mga armas kapag nalaman niyang ako ang nais bumili ng mga iyon. Alam mong kalaban natin si
last update최신 업데이트 : 2021-06-25
더 보기
이전
123456
...
9
DMCA.com Protection Status