Home / Fantasy / Aliara: Ang Kaharian / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of Aliara: Ang Kaharian: Chapter 41 - Chapter 50

83 Chapters

Kabanata 41

KASALUKUYAN kaming naglilibot sa pamilihan upang hanapin si Mikhel. Alam kong hindi pa nakakalayo iyon. Naagaw ni Vivi ang atensyon ko nang bumalik siya matapos ang ilang sandali, lumipad patungo sa amin. "Nakita ko na ang traydor. Nakita ko na ang traydor," aniya habang lumilipad paikot sa itaas namin. Matapos niyon ay agad din siyang lumipad pataas upang ipirating na sundan namin siya. Nagkatingin kaming tatlo at agad na tumakbo patungo sa direskyon nililiparan ni Vivi. Sinundan namin siya hanggang sa makalayo kami sa pamilihan at mapunta sa kagubatang puro puno ng kawayan ang mga nakatayo. "Ayun siya!" wika ni Gudan. At mula sa malayo ay nakita kong mabilis na tumatakbo si Mikhel. Walang dumaraang nilalang kaya nangingibabaw ang ingay ng mga yabag namin at ang langitngit ng mga kawayang tinatangay ng hangin. Patuloy lamang sa pagtakbo ang ginoo at hindi lumilingon pabalik. 'Takbo pa, Mikhel. Siguraduhin mong hindi kita maaabutan. Al
last updateLast Updated : 2021-08-06
Read more

Kabanata 42

"SANA ay hindi ka na lamang muling nagpakita sa akin kung mayroon ka ng bagong minamahal!" wika kong muli. Bakit ba tila gustong-gusto mo na nasasaktan ako ng dahil sa iyo? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? "Hindi, Aliara. Walang namamagitan sa amin," umiiling niyang wika. "Hindi ko siya kasintahan at lalong hindi ko siya mahal." Akmang hahawakan niya ako ngunit agad akong umiwas. "Maniwala ka, ikaw lang ang mahal ko." Mapait akong ngumiti, walang pinaniniwalaan sa mga sinasabi niya. "Paano akong makakasiguro na tama ang sinasabi mong iyan gayong nagsinungaling ka na. Hindi maaalis sa akin na isiping kasinungalingan din ang salitang mahal mo ako." Agad kong siyang tinalikuran. Nais kang paniwalaan ng puso ko ngunit ayaw pumayag ng aking isip. "Kung ano talaga ang puno ay siyang bunga," mariin kong wika. Pinipilit ang sariling panatilihin ang aking galit upang matakpan ang sakit na nararamdaman ko. Lumapit ako kay Gudan at kinuha sa ka
last updateLast Updated : 2021-08-08
Read more

Kabanata 43

"MASARAP nga," namamanghang wika ng ginoo matapos iyong inumin. "Sinabi ko naman sa iyo!" Tumawa ako at bahagyang hinampas ang dibdib niya. Napahawak pa siya roon na tila nabighani sa aking ginawa. Hangal. "Maaari ko ba ulit tikman? Kakaunti lamang ang ibinigay mo sa akin," aniya pa. Akmang kukuha ulit sa banga ngunit agad kong tinapik ang kamay niya palayo roon. "Hindi maaari, Ginoo. Bilhin mo na ang isang banga kung kulang pa sa iyo. Kung gusto mo ay damihan mo na para may mapagsaluhan kayo ng mga kasama mo sa loob." Tinuro ko ang tarangkahan at sinilip ang awang dito ngunit agad niyang hinarang ang sarili sa akin. Muli akong ngumiti nang bahagyang kumunot ang noo niya. "Magkano ba ang isang banga?" tanong niya, muling naging alerto sa aming presensya. Masyado siyang maingat sa mga ibang nilalang na napadpad dito, halatang may itinatago sa loob. "Dalawang baryang pilak lamang, Ginoo!" Itinaas ko pa ang dalawang daliri na ginaya ni Gu
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 44

WALANG kurap kong itinarak ang talim ng aking espada sa kalaban ko nang makakuha ako ng pagkakataon, idiniin ko pa iyon kaya mas nagkalapit kami. Nabitawan niya ang hawak niyang armas at gulat na tumingin sa espada kong nakatarak sa kaniyang dibdib habang ako ay nakangisi lamang. Kaya kong maging malupit ng ganito sa mga nilalang na sagad ang kalupitan katulad niya. Marahan niyang inilapat ang paningin sa akin, tinangkang magsalita ngunit dugo lamang ang lumabas sa kaniyang bibig. "Paalam, Ginoo," mahina kong wika. Hinugot ko ang espada pabalik sa akin dahilan upang tumalsik ang kaunti niyang dugo sa akin. "Sinabi ko naman sa iyo na malas ka ngayon," wika ko habang pinapahid ang dugo niya na napunta sa pisngi ko. Walang buhay siyang bumagsak sa lupa, ang lugar kung saan niya pinagmalupitan ang mga nilalang na ito sa paligid ko. Sino ang mag-aakala na sa lugar kung saan niya unti-unting pinapatay ang mga nilalang na mas mahihina sa kaniya ay si
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more

Kabanata 45

DINAMA ng paa ko ang malamig na tubig ng dagat, itinuloy ko ang paglalakad hanggang sa makatapak akong muli sa lupain ng Kozania, dumikit ang mga buhangin sa basa kong paa at sa laylayan ng mahaba kong saya. Hindi ko na pinansin iyon, tumalikod ako at humarap sa karagatan kung saan paalis na ang bangkang sinakyan ko, nilakad ko ng kaunti ang tubig dahil hindi maaaring sumayad ang bangkang iyon sa dalampasigan. May kalahikan iyon at dalawang nilalang lamang ang sakay kasama ang maraming produktong ikakalakal nila sa Farianio. "Maligayang pagbabalik, Binibini. Maligayang pagbabalik, Binibini," wika ni Vivi sa aking balikat. Bumuntong hininga lamang ako, hindi inaalis ang tingin sa bangka hanggang sa lumiit iyon sa paningin ko. Sa pag-alis ko sa kaharian ng Widolla ay iniwan ko ang mga naging alaala ko roon, simula sa muling pagkikita namin ni Sevasti hanggang sa pagkamatay ni Mikhel. Wala na akong dapat pang balikan sa mga iyon, ang dapat kong gawin ay muling ipagpatul
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more

Kabanata 46

NAPATINGIN ako sa daliri ko nang isuot niya roon ang singsing na sobrang pamilyar sa akin. Umawang ang labi ko at lumingon kay Sevasti. Nakipagkita ako sa kaniya upang sabihin ang gagawin naming pagsugod sa Subastahan dahil nais kong hingin ang tulong niya ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ay ipinadausdos na niya ang singsing sa hintuturo ko kung saan ito dating nakasuot. "Paano mong natagpuan ang singsing na ito?" mahina at mabagal kong tanong, hindi sigurado sa aking sinasabi. Ito ang ibinigay niya noon na itinapon ko sa gitna ng kagubatan noong nakita ko silang magkasama ni Elana. Kaya hindi ko alam kung paano niya itong nahanap. Hindi siya sumagot, kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang labi. Nakatingin sa akin habang hinahalikan iyon. Tila nakalimutan ko na ang tanong dahil sa ginawa niya, tuluyang nalunod sa kaniyang nangungusap na mga mata. "Hangga't nakikita ko ang singsing na ito sa kamay mo ay alam kong ako lamang ang laman ng iyong puso."
last updateLast Updated : 2021-08-22
Read more

Kabanata 47

HINIHINGAL kong iwinasiwas sa ere ang aking espada upang mapaslang ang huling kalabang sumugod sa akin, pagod man ay nagpakawala ako ng isang tagumpay na ngiti nang ilibot ko ang paningin sa paligid. Patuloy pa rin ang laban ngunit kitang-kita na kami ang mananalo. Halos paubos na ang pwersa ng kalaban kaya kaunting sandali na lamang ay magagapi na sila. Itinaas ko ang braso sa ere nang lumapit si Vivi. "Narito na ang ginoo. Narito na ang ginoo," aniya kaya muli akong napangiti. Lumipad siyang muli paalis kaya ginamit ko ang bilis ko upang makarating sa likurang bahagi ng lugar. Doon ay natagpuan ko si Sevasti na naghihintay sa pagdating ko, sa lupa ay nakaluhod si Idaho habang sa kamay niya ay ang kadenang pumipigil sa paggamit niya ng kapangyarihan. Nakapiring din siya at nakabusal ang bibig upang hindi makapagsalita, pilit nagkukumawala sa kadena ngunit mas matibay pa iyon sa bato. Agad na lumapit sa akin ang ginoo at hinawakan ang magkabilang bali
last updateLast Updated : 2021-08-25
Read more

Kabanata 48

MALAPIT nang sumikat ang araw. Mula sa mahaba naming paglalakbay pabalik sa aming kuta ay inabot na kami ng unti-unting pagliwanag ng paligid. Pagod man ang ilan sa amin mula sa naging laban kagabi ay wala namang nagrereklamo, at iyon ang gusto ko sa kanila. Lima ang dala naming kabayo at ang tatlo ay hatak ang tatlong karitela, ang dalawa ay sakay ang mga batang kasama namin habang ang isa ay ang aming mga armas. Nakasakay ako sa isang kabayo habang ang isa ay hatak ni Matias, sa likod namin ay nakasunod ang mga kasamahan kong naglalakad. Tumingin ako sa kalangitan na ilang sandali na lamang ang sasakupin na ng liwanag. Naririnig ko ang tawanan ng mga bata sa likod, ang ilan ay kalaro si Vivi. Marahil ay natutuwa sila sa paraan nito ng pagsasalita, matinis at paulit-ulit. Pinahinto ko ang kabayo nang mapansin ang maitim na usok na nagmumula sa lugar kung nasaan ang palasyo na siyang aming kuta, ako ang nauuna sa amin kaya napahinto rin sila. Malapit na kami roon kay
last updateLast Updated : 2021-09-01
Read more

Kabanata 49

IBINABA ko ang talukbong ng balabal ko nang malapit na ako sa malaking pamilihan ng Farianio. Pinapunta kong muli si Vivi sa kaniya upang ipaalam na nandito na ako kaya aabangan ko siya sa labas ng palasyo. Kahit nagapi na namin ang mga kalaban kagabi ay maingat pa rin akong nagmamatyag sa paligid dahil hindi ko alam kung sino ang kalaban at kakampi sa kahariang ito. Isa pa ay ito pa rin ang teritoryo ni Henicio na siyang unti-unti nang nakakapansin sa presensya ko. Hindi magtatagal ay sigurado akong maiisip na naman niyang ipapatay ako sa tapat niyang tauhang si Favier katulad noong una. Nang makita ko na siya ay napangiti ako, nasa labas na siya ng palasyo at mukhang hinihintay ako. Napatitig ako sa kabuuan niya dahil kay kisig niyang tingnan sa maayos niyang tindig at lutang ang kaniyang kaguwapuhan sa magara niyang kasuotan.
last updateLast Updated : 2021-11-27
Read more

Kabanata 50

KASABAY nang pagbagsak niya sa lupa ay ang pag-alingawngaw ng mga yabag ng mga dumarating na nilalang, pinalibutan nila kami. Kunot-noo kong inilibot ang tingin sa paligid, nakasuot sila ng mga itim na kasuotan at mukhang bihasa rin sa pakikipaglaban, doble ang bilang nila sa amin kaya nakaramdam ako ng kaunting pangamba at panganib. Sa uri pa lamang ng tingin nila sa amin ay alam kong mga kalaban sila. Mariin kong tinikom ang bibig ko nang marinig ko ang mahinang halakhak ni Dardo habang pilit tinutulungan ang sariling makatayo. Muli ko na lamang pinagtuunan ang mga bagong kalaban na mukhang hindi naman nagmula sa kanilang hari, katulad ito noong mga tauhan ni Idaho sa Subastahan. Lalong kumunot ang noo ko sa pag-iisip. Patay na si Idaho at ang halos lahat ng mga tauhan niya ay napaslang sa nagdaang gabi kaya hindi ko alam kung saan
last updateLast Updated : 2021-12-02
Read more
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status