MARAHAN akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng palasyo, suot ang purong itim na kasuotan sa tuwing mayroon kaming lulusubin o kakalabanin. Hindi ko na inabala pang takpan ang mukha ko dahil makikilala rin naman ako ng mga nilalang na sadya ko sa lugar na ito. At hindi matatapos ang gabing ito na hindi ko sila napapaslang.
Malapit na akong makarating sa silid ni Henicio nang makita ko ang dalawang kawal kaya agad akong nagtago sa madilim na bahagi at pirming lumapat sa pader. Mahinang nakahinga ng maluwag nang lampasan lamang nila ako.
Muli akong naglakad at napahinto nang makasalubong ang isang grupo ng mga kawal. Inis ako bumuga ng hangin dahil nakita na nila ako. Bakit ba napakarami pa ring kawal dito kahit malalim na ang gabi?! Hindi ba natutulog ang mga ito?!
"May nakapasok!"
"Habulin ninyo!"
"Wag hayaang makatakas!"
"Kamalasan!" mahina kong asik. Tumakbo ako palayo at lumiko sa isa pang pasilyo, at hangga't may nakikita akong pasilyo a
NGINITIAN ko lamang siya at mabilis na gumalaw upang makipaglaban sa kaniyang mga kawal. Nang matalo ko ang ilan ay tumakbo ako patungo sa malapit na pader at tumapak dito upang makatalon ng mataas, sa muli kong pagsugod ay nakatutok ang talim ng aking espada sa mga ito. Saktong tumarak sa dibdib nang isa, agad ko itong binawi dahilan upang bahagyang kumalat ang kaniyang dugo. Ngumisi ako at muling humarap sa iba pa na determinadong mapaslang ako, nakikitaan man ng pag-aalinlangan ay walang habas na hinahampas sa akin ang kanilang mga espada na siya ko namang nasasangga. Ginagantihan ko sila ng pagsugod sa tuwing magkakaroon ako ng pagkakataon, iikot kapag iiwas, ginagamit ko rin ang siko, paa at ang malaya kong kamao sa pakikipaglaban sa kanila para mas madali silang matalo. Sa bawat paghampas ko ng espada sa iba't-ibang direksyon ay nag-iiwan ito ng sugat sa mga kalaban. At sa ilang sandaling lumipas ay kalahati na ng bilang nila ang napatumba ko. Saglit akong humi
"ANONG i-ibig mong sabihin?" Halos manginig ang labi niya. "Puro kasinungalingan ang lumalabas sa iyong bibig!" giit pa niya.Umismid ako. "Alam mo ang sinasabi ko, Henicio."Hindi nawala ang pagkagulat niya, sa halip ay tila lalo lamang itong nadagdagan dahil sa kupirmasyon ko. Sino nga ba naman ang makakatanggap ng sinasabi ko ngayon gayong mainit ang dugo namin sa isa't-isa. Siguradong itinatanggi na niya sa kaniyang sarili ang nalaman. Kung pwede nga lang na hindi pakinggan ang sinabi ko ay hindi na niya iyon pinakinggan.At sa nakikita ko sa kaniya ay hindi ko alam kung matatanggap niya nga ba ang bunga nga kaniyang anak sa akin.Gayunpaman ay wala na akong pakialam doon dahil hindi naman totoo ang sinasabi ko, na buntis ako. Kailanman ay walang nangyaring higit pa sa pagitan namin ni Sevasti dahil sa tuwing aabot kami roon ay siya na mismo ang unang nagpipigil.Gusto ko lamang linlangin ang hangal na Heniciong ito nang sa ganoon ay magdalawan
HINDI nagtagal ay nakarating na rin ako sa aming kuta dahil sa taglay kong bilis, tama nga ako na nandoon pa rin ang mga kawal. Halos lahat sila ay nasa unahang bahagi ng aming kuta kaya muli kong ginamit ang taglay kong bilis at nagtungo sa likod na bahagi ng lugar ng hindi nila napapansin. Nagmamadali ngunit maingat kong kinuha ang maraming palaso at isang pana sa lagayan ng mga armas. Halos wala akong naririnig na ingay sa paligid, hindi gumagawa ng anumang kilos ang mga kasamahan ko dahil alam nilang mas lamang ang mga kawal dahil sa bilang nila. At isa pa ay malalim na ang gabi kaya siguradong hindi sila handa sa pagsalakay ng mga ito. Napatingin ako sa gilid nang biglang sumulpot ang isa kong dalagitang kasamahan, si Layla, mukhang nagtatago rin siya at nais kumuha ng armas. Umiling lamang ako upang iparating na huwag siyang gagawa ng anumang ikapapahamak niya. Iminuwestra ko sa kaniya ang hawak upang ipakita ang nais kong gawin sa mga kalaban at itinap
NANG sandaling sumikat ang araw ay tinipon ko ang mga kasamahan ko sa harap ng aming kuta. Kumpleto na ang lahat, ang iba'y nakaupo sa lupa at nagkekwentuhan, habang ang iba ay kuryosong nakatingin sa akin.Umiwas ako ng tingin, kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking troso kaharap nila, nakapatong ang mga siko ko sa hita ko at pinagmamasdan ko lamang ang magkahawak kong kamay. Malalim akong nag-iisip, paulit-ulit na tinatanong sa aking sarili kung tama ba ang lahat ng ito. Tama ba na magdesisyon ako ng ganito?Ngunit sa huli ay napabuntong hininga ako at muling ibinaling ang paningin sa kanila. Para sa kapakanan din naman nila ito kaya hindi na ako mag-aalinlangan pa. Tumayo ako dahilan upang maagaw ko ang kanilang atensyon.Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob bago ako nagsalita, "Pinapalaya ko na kayo," sa pinakamatatag kong boses. Ang totoo ay sumasakit ang damdamin ko sa sinabi ngunit hindi ko na ito babawiin pa. Totoong gusto ko na silang palayain sa b
WALANG hirap kong binubuhat ang isang malaking sako ng prutas patungo sa pamilihan ng Ohayas, ang bayan kung saan ako kasalukuyang naninirahan. Galing ako sa taniman ng prutas kung saan ako nagtatrabaho, ako ang nagdadala ng mga prutas sa pamilihan. Ito rin ang pinili kong trabaho dahil sa kapangyarihan ko, ang kakaibang taglay na lakas.Nakalimutan ko ang isang sakong ito na ilagay sa karitela na dinala ko kaninang umaga sa pamilihan kaya ngayon ay binuhat ko na lamang, nakapatong sa aking balikat. Sa dami ng makakalimutan ay itong pinakamalaking sako pa talaga! Inis akong umismid, nakatingin sa daan. Hindi ko naman talaga ito nakalimutan, alam kong kompleto ang lahat ng dala ko kanina. Ipinahabol lamang ito ni Frida upang pahirapan ako. Siya ang binibining anak ng may-ari ng taniman kung saan galing ang sako at hindi ko alam kung bakit mainit ang kaniyang dugo sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko nga siya pinapansin minsan dahil naman kailangan.
"MINAMALIIT mo ba ako? Minamaliit mo ba ako?" paulit-ulit na wika ni Vivi. Nakadapo siya sa dulong bahagi ng lagayan ng mga prutas habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. "Vivi," suway ko rito. Bumaling ako sa kaniya at matalim siyang tiningnan. Minsan talaga ay mapang-asar ang ibong ito. Hindi makalimutan ang sinabi ng hangal na si Casias kanina. Nang tumigil siya ay saglit akong tumingin kay Rowan bago ipinagpatuloy ang ginagawa ko, ang pagpupulot ng mga prutas at kagamitan dahil sa nangyaring gulo kanina. Napansin ko kasi na tila naiirita na siya sa sinasabi ng ibon. Bumuntong hininga ako nang mailagay ang huling piraso ng mansanas sa lagayan nito, mabuti na lamang ay hindi ito masyadong nabugbog sa pagkalaglag nito kanina. Naagaw ng mga nanginginig niyang kamay ang atensyon ko. Marahil ay takot pa rin hanggang ngayon. "Ayos ka lamang ba talaga, Rowan?" Ilang beses ko na iyong natanong ngunit iisa lamang ang sagot niya. "Oo naman, Aliara. Huw
MABILIS niyang hinawakan ang aking damit sa bandang balikat at gigil na inilapit ang kaniyang mukha sa akin. Hindi ako pumalag, blanko lamang ang tingin sa kaniya."Iyon lamang naman ang ginawa mo ngunit kung makapagyabang ka ay parang kaya mo akong talunin ngayon.""Iyon lamang?" sarkastiko kong wika. Mas lumapit pa sa kaniya upang ipakitang hindi ako nasisindak, sa halip ay naghahamon pa. "Minamaliit mo ang ginawa kong iyon gayong nag-iwan iyon ng marka sa iyong mukha. Bakit? May iba pa bang binibini ang nakagawa niyon sa iyo bukod sa akin?" Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at pabalang iyong inalis sa akin. "At oo, kayang-kaya kitang talunin kahit pa paulit-ulit tayong maglaban."Mabilis kong sinipa ang hawak na punyal ng isa niyang kasama nang sumugod ito sa akin. Lumipad ito sa ere na siya kong sinalo at umikot ako palayo sa kanila. Muli akong bumaling kay Casias, napahinto siya sa akmang pagsugod sa akin nang ihagis ko sa kaniya ang punyal.Nap
NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg
Sevasti's Point of ViewPINAGMAMASDAN ko siya mula rito sa gitna ng kagubatan ng Kozania. Nakaupo siya sa harap ng malinaw na tubig ng sapa, ang sapang nasa pagitan namin. May kalayuan ako sa kaniya kaya hindi niya ako napapansin. Tila malalim din ang kaniyang iniisip upang mapansin pa ang presensya ko.Kanina pa siya rito at ngayon ay malapit nang sumapit ang dilim ngunit hindi nagbago ang pwesto niya.Pinagsawa ko ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniyang kagandahan, sa buhok niyang umaalon tuwing iihip ang hangin. Mas maganda ang kasuotan niya ngayon kumpara noon dahil siya na ang reyna ngayon ng Kozania. Nakamit na niya ang pangarap niyang maitayong muli ang kaniyang kaharian, at masaya ako para sa kaniya. Kahit ang naging kapalit man nito ay ang pagkamatay ng aking ama at pagkawala sa amin ng trono ng Farianio. Una pa lang ay hindi naman talaga ito sa akin kaya tama lamang na maibalik ito sa totoong nagmamay-ari nito.Ito lang ang malaya kong oras na titigan siya, dahil sa oras na m
"MAHAL na mahal kita, Aliara! At oo, mali ka kung iyan ang iniisip mo tungkol sa akin. Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, ang babaeng patuloy kong minamahal at mamahalin pa hanggang sa huling hininga ako," aniya, tila pilit ipinapaintindi sa akin ang sinasabi. Mas tumindi ang pagbigat ng hininga niya. Tumingin siya sa ibaba at nang muling magsalita ay mahinahon na, "Patawad at wala ako sa lahat ng paghihirap mo, wala ako kapag kailangan mo ako, wala ako kapag hinahanap mo ako. Pero, Aliara, gustong-gusto kitang puntahan sa mga oras na hinihiling mong nandoon ako. Gusto kitang iligtas at protektahan ngunit palagi akong hinahadlangan ng aking ama. Ginagawa niya ang lahat para lamang hindi kita makita." Tumiim ang bagang niya at muling tumingin sa akin, puno ng galit, pangungulila at kalungkutan ang kaniyang mga mata. "Totoong mahal kita, Aliara. Hindi iyon magbabago kailanman. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng pagkukulang ko. At pakiusap, huwag mong alisi
SA MULI naming pagkikita ni Adrina ay binigyan niya akong muli ng pag-asa upang ituloy ang sinimulan ko, ang paghihiganti kay Henicio. Ilang beses niya akong kinausap tungkol doon ngunit kapag tinatanong ko siya kung bakit niya ako hinihikayat ay hindi siya sumasagot at iniiba ang usapan. Ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kagubatan habang nakatingin sa buwan. Napagtanto ko kung bakit nais niyang patayin ko si Henicio. Dahil kay Matias, nais niya itong ipaghiganti. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na iniibig niya ang ginoo at hindi ko man nakita ang paghihinagpis niya sa pagkamatay nito ay alam ko kung gaano niyang dinamdam iyon. Marahil ay hindi pa siya nakakalimot. Hindi pa nawawala ang galit niya para sa mga nilalang na naging ugat ng pagkamatay nito. Lalo na kay Henicio. Siya ang pinakautak ng lahat kaya siya ang dapat paghihigantihan. Napalingon ako kay Zalina na nasa gilid ko, siya ang ina ni Adrina ngunit tila kaunti lamang ang tanda niya sa akin kung
MALIWANAG na ang paligid nang makarating kami sa sentro ng Farianio. Kusang humahawi ang mga nilalang upang bigyan kami ng daan, bakas sa mga mata nila ang kuryosidad habang nakatingin sa amin. Nasa unahan at gilid namin ang mga kawal, mahigpit kaming binabantayan na tila ba makakatakas pa kami sa ganitong kundisyon. Bukod sa nakakadena ang aming mga kamay ay pagod at nanghihina na kami mula sa mahabang paglalakbay, halos lahat pa kami ay sugatan.Hindi ko na maayos pa ang palalakad ko dahil sa nanginginig kong binti, ang kumikirot na sugat ko sa hita ay tila kumakalat sa buong katawan ko. Tagaktak na rin ang pawis ko, nanunuyot na ang lalamunan at siguradong namumutla na rin ako dahil sa dugong nawala sa akin.Ang mga hangal na kawal na ito ay hindi man lang kami binibigyan kahit patak ng tubig."Aliara," tawag sa akin ni Casias na katabi ko lamang. Nakagapos din ang mga kamay at walang magawa kung hindi magpatianod sa mga kawal na ito. Ilang beses na niya akon
"ISA kang prinsesa, Aliara?" muling wika ni Rowan ngunit hindi ko pinansin.At dahil hindi rin ikinagulat ni Casias iyon ay katunayan lamang ito na totoo ang sinasabi ni Favier, na may kaugnayan siya sa palasyo.Matunog akong ngumisi kalaunan, sarkastiko. Maraming tanong sa isip ko ngunit unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari ngayon. Matagal na silang magkakilala, bago pa man ako dumating dito sa Ohayas. Malinaw na malinaw na tinraydor ako ni Casias, nagpanggap siyang walang alam tungkol sa akin, na hindi niya ako kilala. Marahil ay pinababantayan ako ng hangal na si Henicio. At ito na ang tamang pagkakataon upang mapaslang ako.Mabilis ba akong magtiwala kaya lagi akong tinatraydor ng mga nilalang sa paligid ko?Gusto kong tawanan ang sarili ko sa tanong na iyon.Ngunit kahit na tinraydor niya ako ngayon ay hindi ko siya balak kwestyunin. Wala na rin namang halaga kung tatanungin ko siya kung bakit niya ito ginawa sa akin. Lahat naman sil
MABILIS akong lumapit sa kaniya at hinampas ang dibdib niya, hindi mahina ngunit hindi rin naman malakas. Paulit-ulit kong ginawa iyon ngunit hindi siya gumawa ng anumang kilos, nanatili siyang nakatayo at hinahayaan lamang ako ilabas ang galit ko. Hindi nagbago ang reaksyon niya, lalo nga lamang yata iyong lumambot habang mas tumatagal ang pagtitig niya sa akin.Nang manghina ang kamay ko ay roon niya lamang ako pinigilan, marahang hinawakan ang mga braso ko. Tuluyan akong nawalan ng lakas dahil doon, tila bulang nawala ang galit na binubuo ko.Pumatak ang luha sa mga mata ko dahil sa maraming dahilan at emosyong nararamdaman. Ayaw ko mang maging masaya sa sandaling ito ngunit kusa iyong nararamdaman ng puso ko. Masaya ako na nandito siya, sa presensya niya, sa hitsura niya at sa buong pagkatao niya.Tila tuluyang napanatag ang damdamin ko dahil sa kaniya. Nawala ang lahat ng gumugulo sa isipan ko."Bakit ngayon ka lang?" mahina kong tanong. Nakatitig ak
NILAMPASAN ko si Casias nang magkasalubong kami sa pamilihan, inirapan ko pa siya upang ipakitang naiirita ako sa presensya niya."Magandang umaga, Aliara!" nakangiti niyang bati ngunit hindi ko na pinansin. Palagi namang walang maganda sa umaga kapag siya ang nakikita ko.Itinabi ko ang tinutulak na karitela nang makarating sa tindahan ni Rowan. Abala ito sa maraming mamimili sa umagang ito kaya kahit ang pagbati ay hindi niya nagawa sa akin."Tulungan na kita!" muling wika ni Casias na nasa harapan ko na. Hindi ko napansin ang pagsunod niya sa akin. Nasa likod niya rin ang dalawang kasama."Huwag na, ipagpatuloy mo na lamang ang ginagawa mo." Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, binuhat ko ang isang sako na nasa karitela.Alam kong naniningil siya ngayon sa mga manininda rito sa pamilihan kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang ginugulo niya ngayon."Wala na akong ginagawa kaya tutulungan na lamang kita!" masigla niyang wika. Binuhat
HUMINTO ako sa paglalakad habang hinihintay ang sagot niya. Matagal bago siya nagsalita."Palagi rin akong nagtutungo roon kapag nais kong magpahangin at makapag-isip," aniya, nakatingin sa kawalan. "Noong unang beses kitang nakita roon ay noong araw rin nang makilala kita. Simula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang malungkot mong mga mata." Bumuntong hininga siya. "Palagi kong ipinagtataka kung bakit ganoon na lamang ang kalungkutan sa iyong mga mata noong gabing iyon. At maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko. Ano ang sanhi ng kaniyang kalungkutan? Anong nangyari? Ngunit bakit sa tuwing nakikita ko naman siya sa pamilihan ay walang bahid ng lungkot doon, walang kahit na anong emosyon."Marahan siyang bumaling sa akin matapos sabihin ang mga iyon. Ako naman ngayon ang umiwas, hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya. O kailangan ko nga ba siyang sagutin?Nakakahiya lamang na nakita niya ako sa ganoong ayos. Sa lahat ng nilalang ay siya pa talaga an
NAPAIRAP ako nang makita ko na naman si Casias sa malayong banda ng pamilihan, maangas na naglalakad kasama ang dalawa niyang alagad. Mukhang maniningil na naman ng upa sa mga manininda rito sa pamilihan.Kasalukuyan kong inaayos ang mga prutas sa harapan ko, ako ang nagbebenta nito ngayon dahil wala si Rowan. Namamasyal kasama ang kaniyang kasintahan. Oo, mayroon na siyang kasintahan ngayon na isa ring manininda rito sa pamilihan. Matagal na iyong may gusto sa kaniya ngunit hindi niya napapansin noon dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa akin nang makilala niya ako.Naalala ko pa noong una kaming magkita, natulala siya sa angkin kong kagandahan at halos tumulo pa ang laway. Ngunit ngayon ay patay na patay na siya kay Mila. Ang binibining ito ay hayagang ipinapakita ang pagkagusto niya sa ginoo ngunit hindi siya nito pinapansin.At noong mapagtanto ni Rowan na hindi niya talaga makukuha ang puso ko ay sinimulan niyang ibaling ang atensyon sa binibini hangg