Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 421 - Kabanata 430

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 421 - Kabanata 430

5605 Kabanata

Kabanata 421

Nagulantang talaga si Mr. Hicks, ang manager ng Champs Elys Resort, sa eksenang ito.Hindi niya maintindihan ang nangyayari, pati na rin ang mga guwardiya niya. Wala sa kanila ang nangahas na gumalaw.Umiyak nang malakas si Marcus, “Tito Rhodes, tigilan mo na po! Anong nangyayari?”Tinapakan ni Albert ang mukha ni Marcus habang sinabi nang galit, “Marcus Lloyd, sobrang lakas at maharlika kang kumilos dahil tinrato kitang pamangkin ko, hindi ba? Huh! Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na maging mayabang sa labas?!”Umiyak si Marcus, natatakot, “Tito Rhodes, bakit nainis ka nang sobra? Sabihin mo sa akin at aayusin ko ito!”Sinipa siya ni Albert habang nagmumura, “Si Master Wade ang tagapagligtas ko, ang bayani ko, pero ikaw, g*go, ininsulto mo siya! Mamatay ka na!”Napagtanto ni Marcus na maling tao ang kinalaban niya. Umiyak siya at nagmakaawa, “Patawarin mo ako, Tito Rhodes, Patawarin mo ako! Hihingi ako ng tawad kay Master Wade. Pakiusap, patawarin mo ako! Ako ang may kasalanan
last updateHuling Na-update : 2021-08-13
Magbasa pa

Kabanata 422

Sa ganitong paraan, hindi niya ito matatanggal kahit na gusto niya.Sunod, walang tigil na umalingawngaw ang kaluskos at pagbasag ng kotse. Mabilis na naging isang basura ang bagong Maserati.Nanginig si Marcus. Alam niya na malaking pagkakamali ang nagawa niya ngayon, kaya niyakap niya ang binti ni Albert at nagmakaawa, “Tito Rhodes, patawarin mo ako, sana ay mapatawad mo ako, pakiusap!”“Patawarin mo ang ulo mo!” Sinipa siya nang malakas ni Albert sa dibdib. Humarap siya kay Charlie at tinanong, “Master Wade, anong gusto mong gawin ko sa kanila?”Sumulyap si Charlie kay Marcus, nawalan ng gana, at ngumisi, “Ah, nakakaaliw ang batang ito. Mahilig siyang magmura at magsabi ng basura gamit ang mabahong bibig niya. Ah oo nga pala, narinig ko na may mga taong kinaladkad sa banyo para dilaan ang mga ihian noong nakaraang araw sa parehong dahilan. Alam mo ba ito?”Syempre!Nangyari ito sa Glorious Club. Nagdala si Jeffrey Weaver ng babae at ginalit si Master Wade. Pagkatapos, walong i
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 423

Nagulantang si Albert nang marinig niya ang utos ni Charlie. Pinulot niya agad ang patalim at inutusan ang mga kasamahan niya, “Pumunta kayo dito at hawakan niyo ang ulo niya para sa akin.”Natakot nang sobra si Marcus sa sandaling ito at nagpumiglas siya, desperadong umiling dahil ayaw niyang iukit ang salitang ‘mahinang ul*l’ sa kanyang noo. Ito ang salitang ginagamit niya palagi kapag pinapagalitan at nilalait ang iba!Sa mga nakaraang taon, kumita ng ilang pera ang pamilya ni Marcus, at simula noong naging mas mayaman siya nang kaunti, mas lalo siyang naging malupit.Sa tuwing lalabas siya at makakakita ng mga nangongolekta ng basura, tatawagin niya silang mahinang ul*l.Kapag pumupunta siya sa kalye at nakakakita ng mga sasakyan na mas mababa sa kanya, tatawagin niya ang mga tao na mahinang ul*l.Kailan lang, isang high school student ang aksidenteng nakatapon ng isang basong milk tea sa kanyang Dior jacket. Pagkatapos, dahil sa galit, binugbog ni Marcus ang estudyante hangga
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 424

Kaya, inukit nang malalim ni Albert ang mga salita hangga’t kaya niya!Sinakop ng salitang ‘mahinang’ ang kalahati ng noo ni Marcus.Bukod dito, pangit ang pagkakasulat ni Albert sa mga salita! Sobrang pangit!Ang paraan pa kung paano niya sinulat ang salitang ‘mahinang’ ay hindi matatanggap kahit sa pamantayan ng isang estudyante sa elementarya!Nang tiningnan ni Albert ang salitang inukit niya sa noo ni Marcus, tumawa siya at sinabi, “Pasensya na, Mr. Wade. Hindi talaga ako sanay na mag-ukit ng mga salita gamit ang kutsilyo. Ang pangit talaga nito…”Humagikgik si Charlie at tinanong, “Sabihin mo ang totoo, Albert. Ilang taon kang nag-aral dati?”Tumawa ulit si Albert bago siya sumagot, “Maraming taon akong nag-aral, Mr. Wade. Nagtapos pa ako sa elementarya! Pero, aaminin ko na hindi ako nagsikap mag-aral sa anim na taon ko sa elementarya…”Tumango si Charlie at sumagot, “Ayos lang. Kung masyado mong ginandahan ang inukit mong salita, madali mo siyang pinagbigyan.”Tila ba hin
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 425

Sa sandaling ito, desperado at nag-aalala na si Marcus at ang babaeng plastik ang mukha sa kanilang mga hinaharap.Naging kuntento na si Charlie pagkatapos niya silang parusahan. Pagkatapos, sinabi niya kay Don Albert.“Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito. Paalisin mo na sila.”Mabilis na tumango si Albert bago niya sinipa si Marcus at sinabi, “Hindi ka pa ba tatayo at aalis?”Tumayo nang mabilis si Marcus at hindi niya pinansin ang dumi sa katawan niya dahil nagmamadali siyang tumakas kasama ang babaeng plastik ang mukha.Sinipa ulit siya nang marahas ni Albert sa pwetan at bumagsak ulit si Marcus sa sahig. Pagkatapos, sinabi ni Albert, “Makinig kayong dalawa. Gusto kong pumunta kayo sa mansyon ko pagkatapos ng isang linggo para magpakita sa akin! Kung hindi kayo magpapakita, sisiguraduhin ko na makakatay kayo!”“Don Albert, huwag ka pong mag-alala. Siguradong pupunta kami…”Mabilis na sumang-ayon ang dalawa bago sila tumakas nang nagpa-panic, hindi man lang nag-iwan ng bakas.
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 426

Mabilis na binigay ni Mr. Hicks ang kanyang cellphone kay Albert at sinabi, “Don Albert, gusto kang kausapin ni Chairman Cameron.”Sa sandaling kinuha ni Albert ang cellphone, pinagalitan agad siya ni Isaac, “Don Albert, anong problema mo? Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na gumawa ng gulo sa teritoryo ko? Kinakalaban mo na ba ako? Hindi ba’t masyadong abusado ka?!”Sa sandaling ito, sumagot nang tapat si Albert, “Chairman Cameron, hindi ako ang gumawa ng gulo dito. Sa totoo lang, si Marcus ang kumalaban kay Mr. Wade, at ang manager mo, si Mr. Hicks, ang gustong tumulong kay Marcus na saktan si Mr. Wade! Kaya, ano sa tingin mo ang problema?”Sinabi agad ni Isaac, “Mr. Wade? Si Mr. Charlie Wade ba ang sinasabi mo?”“Syempre siya ang tinutukoy ko. Sino pang ibang Mr. Wade ang sinasabi ko?” Tinanong ni Albert habang tumatawa.Nagulat si Isaac!Sa hindi inaasahan, kinagat ng aso na hawak niya ang kanyang may-ari!Letse!Kaya, mabilis na sinabi ni Isaac, “Albert, ilagay mo sa spea
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 427

Nang makita ni Albert na nawawalan na ng pasensya si Charlie, nagmamadali siyang sumenyas at inutusan ang mga tauhan niya, “Bugbugin niyo na siya!”Agad sumugod ang isang grupo ng mga malalakas bago nila pinaligiran si Mr. Hicks, pagkatapos, sinuntok nila at sinipa siya. Tumigil lang sila nang mamatay-matay na si Mr. Hicks.Nakahandusay si Mr. Hicks sa sahig habang umiiyak siya sa sakit. Pero, hindi pa ito ang katapusan. Sa sandaling ito, biglang sinabi nang malamig ni Don Albert, “Bibigyan kita ng kalahating araw para umalis sa Aurous Hill. Kapag nakita pa kitang gumagala sa Aurous Hill bukas, papatayin kita gamit ang sarili kong mga kamay!”Umubo nang mahina ang mamatay-matay na si Mr. Hicks at sinabi, “Don Albert, mangyaring maawa ka sa akin at bigyan ako ng dalawang araw sa pinakamababa. Hayaan mo sanang pagaligin ko muna ang mga sugat ko bago ako umalis…”“Pwede kang magpagamot sa ibang probinsya!” Sumagot nang malamig si Albert. “Tawagan mo ang pamilya mo at sabihin mo sa kan
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 428

Nang makita ni Charlie ang nangyari, alam niya na ang dalawang babae lang ang pwedeng tumingin sa isa’t isa. Naramdaman niya na wala na siyang pag-asa.Kaya, pumunta si Charlie sa kabilang kwarto at nagpalit sa shorts na dinala niya ngayong araw.Dahil mabilis nakapagpalit ng short si Charlie, hindi pa nakakalabas ng kwarto ang dalawang babae pagkatapos niyang lumabas.Pagkatapos ay nauna siya sa courtyard bago siya mabagal na pumasok sa malaking hot spring pool.Hindi mapigilang huminga nang malalim si Charlie habang unti-unting binabalot ng tubig ang kanyang katawan.Pagkatapos nang ilang sandali, narinig niya ang mga hakbang na lumalapit sa kanya. Nagpalit na sa swimsuit sina Claire at Loreen at naglalakad na sila sa courtyard sa sandaling ito.Tumingala si Charlie upang tumingin sa kanila at agad kuminang ang mga mata niya.Ang suot na swimsuit ni Claire ay bahagyang tinatago ang kanyang kutis, pero ipinapakita rin nito ang perpekto niyang katawan, ang maputing balat, at ang
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 429

Mayroong kalmadong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha kaharap ang biglang pagtatapat ni Loreen. Sumagot lang siya, “Nakasalubong lang natin ang ilang siraulo, kaya ko sila tinuruan ng leksyon. Huwag mo itong damdamin.”Sumagot nang seryoso si Loreen, “Kahit ano pa, gusto talaga kitang pasalamatan!”Pagkatapos, umupo si Loreen sa tabi ni Charlie at mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay habang niyakap niya si Charlie.Kaunti lang ang suot nilang dalawa, at naramdaman agad ni Charlie na kumuskos sa kanya ang makinis at malambot ni Loreen.Agad humigpit ang katawan ni Charlie at sinabi niya nang mabilis, “Loreen, ‘wag mong gawin ito. Ayokong makita tayo ni Claire nang ganito.”Humagikgik si Loreen bago niya tinanong, “Ang ibig sabihin ba ay pwede kitang yakapin at gawin ko ang gusto ko kapag hindi tayo nakikita ni Claire?”“Hindi iyon ang sinasabi ko…” Sumagot nang walang magawa si Charlie.Hinigpitan nang kaunti ni Loreen ang kanyang yakap bago niya sinabi nang makulit, “Gus
last updateHuling Na-update : 2021-08-14
Magbasa pa

Kabanata 430

Talagang walang masabi si Charlie sa sandaling ito. Anong ibig sabihin ni Loreen? Handa siyang maging kabit niya at maging palihim na kalaguyo dahil lang sa kanya?Pero, paano pa rin siya papayag sa ganitong hiling?Una sa lahat, totoo ang nararamdaman niya kay Claire, at tapat siya kay Clare. Kahit na nayamoy sa una si Claire sa ginawa ng lolo niya, sumang-ayon siya sa huli na pakasalan si Charlie kahit na pinagtawanan at nilait ng buong pamilya niya ang kanyang desisyon. Syempre, kailanman ay hindi siya minaliit ni Claire.Bukod dito, nang magkasakit ang nag-alaga sa kanya sa bahay-ampunan, si Claire ang nagpahiram sa kanya ng pera para bayaran ang mga bayarin niya sa hospital. Hinding-hindi malilimutan ni Charlie ang kabaitan ni Claire.Kaya, paano siya papayag na maging kasintahan niya si Loreen?Sa sandaling ito, si Claire, na mahimbing na natutulog, ay biglang gumalaw nang kaunti.Nagulat si Charlie at mabilis niyang tinulak si Loreen palayo.Sumulyap si Loreen kay Claire,
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa
PREV
1
...
4142434445
...
561
DMCA.com Protection Status