Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Kabanata 431 - Kabanata 440

Lahat ng Kabanata ng Ang Maalindog na Charlie Wade: Kabanata 431 - Kabanata 440

5605 Kabanata

Kabanata 431

Habang sila Charlie, Claire, at Loreen ay naliligo sa hot spring pool, si Marcus, na may nakaukit na ‘mahinang ul*l’ sa kanyang noo at ang plastik na girlfriend niya na tabingi ang ilong ay umangkas sa isang lumang van pabalik sa siyudad.Sa sandaling ito, si Marcus, na nakaupo sa van, ay tinatakpan ang kanyang noo dahil natatakot siya na makikita ng driver ang mga salitang nakaukit sa kanyang noo.Pinatigil nilang dalawa ang van palabas ng Champs Elys Spa Resort. Nakipagkasundo sila sa driver ng van na ihahatid sila ng driver sa kanilang tahanan sa halagang dalawang daang dolyar. Sa ngayon, ang gusto lang ni Marcus ay makauwi sa lalong madaling panahon. Ayaw na niya ng gulo!Gayunpaman, nakikita ng driver ng van sa kanyang rearview mirror na tumutulo ang dugo ni Marcus sa kanyang noo.Pagkatapos siyang obserbahan nang matagal, hindi niya mapigilang itanong sa sorpresa, “Binata, nasugatan ka ba?”Sumagot nang galit si Marcus, “Wala itong kinalaman sa’yo! Magmaneho ka lang nang mai
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 432

Sumagot nang malamig ang pulis, “Sige. Iniinsulto mo ang isang tagapagpatupad ng batas ngayon! Malinaw na nilalabanan mo ang batas! Huwag mo kaming sisihin sa pag-aksyon labang sa’yo!”Sa sandaling natapos siyang magsalita, nilabas ng pulis ang kanyang pepper spray at itinutok ito sa mukha ni Marcus bago niya ito winisik sa mukha niya.Naramdaman ni Marcus ang mahapding sakit sa mga mata niya sa sandaling ito, at hindi niya sinasadyang gamitin ang mga kamay niya para kuskusin ang mga mata niya, talagang nakalimutan niya na sa sandaling tinanggal niya ang mga kamay niya, malalantad agad ang mga madugong salita na nakaukit sa kanyang noo.“Ah, Diyos ko…” Sinabi ng isa sa mga pulis. “Tingnan niyo siya! May mga nakaukit na salita sa noo niya!”“Anong klaseng tattoo ‘yan? Sobrang bangis nito!”“Hahaha! Kaya pala mahilig ang batang ‘to tawagin ang iba na mahinang ul*l. Mayroon kasi siyang ‘mahinang ul*’l’ na nakaukit sa noo niya!”Nang marinig ito ni Marcus, nagmamadali niyang tinaas a
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 433

Unti-unting naubusan ng pasensya si Harold.Ano ito?Nakita niya si Marcus na pinosasan ng mga pulis sa gilid ng kalsada. Iyon ang dahilan kung bakit siya pumunta para kamustahin siya. Pero, hindi niya inaasahan na mumurahin siya ng lalaking ito at duduraan siya sa mukha. Nakakadiri ito nang sobra!Sinabi niya nang galit, “Mr. Lloyd, sumosobra ka na! Pumunta lang ako para tanungin ang sitwasyon mo dahil sa pag-aalala kasi magkaibigan gayo. Kaya, paano mo ako tinrato nang ganito?!”Sumigaw agad si Marcus, “Sino ka ba sa tingin? Sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat ang isang mahirap na tulad mo na maging kaibigan ko?! Isa ka lang mahinang ul*l sa mga mata ko! Gusto mo bang sumipsip sa akin para mapalapit ka sa akin? Umalis ka na!”“Ako…” Talagang pakiramdam ni Harold na hindi ito makatarungan.Pero, hindi siya nangahas na lumaban kay Marcus. Dahil, alam ni Harold na maraming beses na mas malakas at makapangyarihan ang pamilya Lloyd kaysa sa pamilya Wilson, na malapit nang ma-ban
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 434

Sa sandaling ito, biglang tinanong ni Claire, “Hindi mo ba kailangang bumalik sa trabaho?”Nilabas ni Loreen ang kanyang dila at sinabi, “Ang trabaho talaga ay maglibot sa labas. At saka, hindi ko pa nakikilala ang chairman ng Emgrand Group simula pa noong nagtrabaho ako doon. Kaya, wala siyang paraan para kontrolin ako. Kung titingnan, isa akong empleyadong walang bantay. Kaya, sa tingin ko ay ayos lang na hindi magtrabaho paminsan-minsan.”Pagkatapos, nagsalita ulit si Loreen. “Dahil may gagawin kayong dalawa, ihahatid ko muna kayo pauwi.”Nang dumating sila sa paradahan, napagtanto ni Charlie na nakatayo si Don Albert sa tabi ng kotse ni Loreen. Bukod dito, naayos na rin ang malaking gasgas sa kotse ni Loreen kahapon.Nang makita ni Albert na naglalakad sila papunta sa kotse, agad niyang binati nang magalang si Charlie, “Mr. Wade, nagsaya ka ba?”“Hindi masama.” Tumingin nang ilang sandali si Charlie sa likod ng kotse, at nang napagtanto niya na para itong bago, alam niya na pi
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 435

Hindi nagtagal, ang matalik na magkaibigan, sina Caire at Loreen, ay nagkasundo na tumira nang magkasama sa villa sa Thompson First sa hinaharap.Sobrang saya ng dalawang babae sa sandaling ito, pero malungkot nang kaunti si Charlie.Sobrang inosente talaga ni Claire. Hindi niya man lang napagtanto na gustong mapalapit ni Loreen sa kanyang asawa!Inimbita pa ni Claire si Loreen na tumira sa villa kasama nila. Ang makulit niyang asawa! Iniimbita niya at pinapangunahan ang isang lobo sa kanilang kwarto!Gayunpaman, hindi pwedeng tanggihan nang direkta ni Charlie ang ganitong bagay. At saka, wala siyang matibay na dahilan para tumanggi.Kaya, kahit na hindi siya masaya, tinago niya na lang muna ang nararamdaman niya.Sa kabilang dako, sobrang saya ni Loreen.Kung titira talaga siya sa villa kasama nila, araw-araw niyang makakasama si Charlie! Kung gano’n, mas lalaki ang pagkakataon na maging sila ni Charlie!Pagkatapos ng maikling panahon, dumating na sila sa harap ng bahay nina C
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 436

Kinabukasan ng umaga, pumunta si Anthony upang sunduin si Charlie para makapunta sila sa Chinese Medicine Expo.Hindi inaasahan ni Charlie na gaganapin ang Chinese Medicine Expo sa Aurous Hill Exhibition and Convention Center na pagmamay-ari ng pamilya Grant.Noong pumunta siya doon dati, naging sobrang yabang ni Jason sa harap niya. Pero, sa puntong ito, naging abo na si Jason at ang kanyang ama, si Justin, at wala nang bakas na natira sa kanila sa mundong ito.Katulad nito ng kasabihan ‘Ang mukha niya ay wala na, pumunta sa hindi alam, ngunit; patuloy pa ring dumadaloy ang mga peach blossom sa hangin ng tagsibol’.Sa sandaling pumasok si Charlie sa exhibition and convention center, tumingin siya sa paligid ng building at napagtanto niya na may mga missing poster nina Jason at Justin sa mga pader.Tinaasan na ng pamilya Grant ang pabuya sa tatlumpung milyong dolyar, pero wala pa rin silang balita kung nasaan ang mag-ama.Kahit ano pa, walang saysay ang pagsisikap nila.Nang pum
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 437

Sa sandaling ito, biglang nakarinig si Charlie ng ilang pamilyar na boses sa likod niya.Sinabi bigla ng isang lalaki, “Chairman Wilson, huwag kang mag-alala. Basta’t makuha natin ang three-hundred-year-old na purple ginseng, makukumpleto na ang lahat ng kailangan namin na halamang gamot para sa bagong reseta namin! Sa sandaling iyon, siguradong magagamot namin ang sakit mo! Ang lahat ay magiging parang bago na ulit sa oras na iyon!”Ang lalaking nagsalita ay walang iba kundi si Jeffrey mula sa pamilya Weaver.Siya rin ang lalaking pinwersa na dilaan ang ihian ilang araw lang ang nakalipas.Sa sandaling ito, sinabi ni Kenneth na galing sa pamilya Wilson sa Eastcliff, “Ah, talagang nagpapasalamat ako nang maaga, Brother Jeffrey! Kapag gumaling na ang sakit ko, siguradong titibayan ko ang kolaborasyon sa pamilya Weaver! Kapag nangyari iyon, siguradong magbibigay ako at ang pamilya ko ng mga materyales na kailangan ng pamilya Weaver sa hinaharap. Sinisiguro ko sa’yo na habang buhay an
last updateHuling Na-update : 2021-08-15
Magbasa pa

Kabanata 438

Galit na kinagat ni Kenneth ang kanyang ngipin nang marinig niya ang sinabi ni Charlie na kaya niya lang baluktutin pero hindi niya kayang pahabain!“Huwag kang masyadong mayabang!” Minura ni Kenneth si Charlie. “Siguradong maibabalik ko ang pagkalalaki ko! Kapag dumating ang oras na iyon, hindi kita pagbibigyan!”Pinagalitan ni Anthony si Kenneth sa sandaling ito, “Kenneth! Maraming beses na kitang binalaan na huwag kang bastos kay Mr. Wade! Hindi mo dapat ginagalit si Mr. Wade! Kung lalabanan mo ulit si Mr. Wade, huwag mo akong sisihin na talikuran ka sa hinaharap!”Mas lalong nainis at nagalit si Kenneth nang makita niya na pinagtatanggol ni Anthony si Charlie.Sa totoo lang, pinipilit siya ng ina niya na makipag-ayos kay Anthony sa lalong madaling panahon. Bukod dito, gusto niya rin na imbitahin ni Kenneth si Anthony sa 84th birthday niya sa Eastcliff.Pero, talagang sobrang tigas ng ulo ni Anthony!Hindi naiintindihan ni Kenneth kung bakit umaali-aligid si Anthony sa basura
last updateHuling Na-update : 2021-08-16
Magbasa pa

Kabanata 439

Bumagsak si Liam sa sahig sa sandaling sinipa siya ni Jeffrey sa tiyan. Hinawakan niya na lang ang kanyang tiyan habang namula sa sakit ang mukha niya.Pero, hindi na siya nangahas na magsalita. Tumayo lang nang tahimik si Liam bago siya tumayo ulit sa likod ni Jeffrey nang hindi na nagsasalita.Sa sandaling ito, sumulyap ulit si Charlie kay Liam.Naramdaman ni Charlie na para bang nakikita niya ang sarili niya dati kay Liam.Kinamumuhian siya, minamaliit, at pinapahiya pa ng iba, pero tiniis niya lang ito at hinintay ang pagkakataon na makabangon siya.Sa sandaling iyon, siniko ni Wendy si Jeffrey at sinabi, “Mahal, huwag kang magalit dahil sa isang basura at isang walang kwentang anak sa labas. Pumasok na tayo at tumingin sa expo.”Tumango agad si Jeffrey.Si Charlie ay isang basura lang sa kanya, at si Liam ay isa lang anak sa labas sa mga mata niya. Kahit na malaki ang nagdusa siya nang dahil kay Charlie, hindi niya talaga inisip na magaling o pambihirang tao siya.Pero, na
last updateHuling Na-update : 2021-08-16
Magbasa pa

Kabanata 440

Maraming uri ng ginseng sa mundong ito. Common ginseng, American ginseng, red ginseng, purple ginseng, at wild ginseng. Sa kanila, ang pinakabihira at pinakamahal ay walang iba kundi ang purple ginseng.Bukod dito, may haba ng buhay ang ginseng, at halos lahat ng ginseng ay hindi kayang mabuhay nang higit pa sa isang daang taon. Kaya, kung hindi ito inani, madali itong magiging isang ginseng na may edad na isang siglo o ilang daang taong ginseng. Pagkatapos, mawawala na ito.Ang kahit anong ginseng na kayang mabuhay ng dalawa o tatlong daang taon ay ang pinakamagandang uri ng ginseng. Bukod dito, ang kahit anong ginseng na kayang mabuhay nang higit pa sa limang daang taon ay sobrang bihiira at napakahalaga. Marahil ay hindi makakakita nito ang ilang taong nangongolekta ng ginseng sa buong buhay nila.Para naman sa ginseng na higit pa sa tatlong daang taon ang edad, mas mahalaga ito kahit sa kahit ano. Halos makikita lang ito sa alamat, at bihira talagang ilabas ito ng isang tao.K
last updateHuling Na-update : 2021-08-16
Magbasa pa
PREV
1
...
4243444546
...
561
DMCA.com Protection Status