Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 441 - Chapter 450

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 441 - Chapter 450

5605 Chapters

Kabanata 441

Nang marinig ni Anthony pagtanggi ni Ichiro, sumagot siya nang malamig, “Naalala ko na may tatlong uri kayo ng medisina na ibinebenta sa buong mundo, ito ay ang stomach powder, clear throat powder, at isang eczema lotion. Ang lahat ng tatlong medisina na ito ay nagmula sa Chinese medication. Ang isa ay mula sa isang Chinese physician, ang ‘Treatise on Febrile ang Miscellaneous Diseases’ ni Zhang Zhongjing, ang isa ay mula sa ‘The Han Dynasty’s Medicinal Report’, at ang huli ay galing sa ‘Compendium of Materia Medical’. Tama ba ako?”Medyo pangit ang ekspresyon ni Ichiro sa kanyang mukha, pero patuloy pa rin siyang tumanggi sa sandaling ito. “Dr. Simmons, nagbibiro ka ba? Ang mga sinaunang Chinese pharmacopoeias na iyon na isa o dalawang libong taon na ay basura na walang aplikasyon sa klinikal at batayan sa siyensya. Bakit gagamitin ng isang malaking pharmaceutical company tulad ng Kobayashi Pharma ang ganitong uri ng paurong na pharmacopoeias na isa o dalawang libong taon na? Talagan
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 442

Pagkatapos niyang magsalita, tumalikod si Ichiro at umalis agad.Sa sandaling ito, sinabi ni Charlie kay Anthony, “Mukhang medyo tuso ang Japanese na ito. Kung iniisip niya talaga na may reseta ka para sa high-level paraplegia, dapat kang maging mas maingat. Dahil, kapag nakagawa siya ng marami nito, talagang magiging lubos ang kayamanan niya sa mundong ito.”Mayroong pelikula na tinatawag na ‘Hindi ako ang Diyos ng Medicina’ kailan lang, at tungkol ito sa isang Chinese na pasyenteng may leukemia. Dahil hindi niya kayang bilhin ang mga mahal na gamot na ginawa ng mga Western culture, maaari na lang siyang pumunta sa India upang bumili ng ilang medisina. Sa pelikulang ito, makikita mo kung gaano kaitim ang mga puso ng malalaking pharmaceutical group dahil lamang gusto nilang kumita ng pera. Kapag lumabas ang bagong medisina, kailangan munang gumastos ng pasyente ng dalawampu o tatlumpung libong dolyar kada buwan para makabili ng gamot. Ano pang magagawa ng pasyente?Gusto ring maku
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 443

Bukod dito, hindi mahirap gawin ang Terminal Lucidity Pill.Ang kailangan lang ay ilang karaniwang materyales ng medisina.Dahil hindi pa nagsisimula ang auction ng purple ginseng, ginamit ni Charlie ang pagkakataon na ito na hanapin si Graham bago at ibinigay ang listahan ng isang dosenang halamang gamot at mga materyales na kailangan.Nagmamadaling nilikom ni Graham ang lahat ng mga halamang gamot at materyales para sa kanya.Pagkatapos, pumunta si Charlie sa pahingahan na nirentahan ni Graham bago niya ginawa ang apat na Terminal Lucidity Pill.Ang Chinese medicine ay palaging gawa sa iba’t ibang halamang gamot at materyales. Kaya, pagkatapos pakuluan ang mga halamang gamot, kahit para saan pa ang medisina at kahit gaano ito kaiba, ang kulay ng medisina ay dark brown pa rin.Gayundin ang mga tableta.Ang kulay ng Terminal Lucidity Pull ay halos kapareho ng ginawa niyang medisina bago ito. Bukod dito, sinadya ni Charlie na itulad ang laki ng Terminal Lucidity Pill sa laki ng m
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 444

Alam ni Jeffrey na kapag patuloy na nag-bid ang mga tao para sa premium na purple ginseng, marahil ay aabot ang presyo ng purple ginseng sa dalawampu o tatlumpung milyong dolyar. Kaya, dinoble niya lang ang presyo ng purple ginseng sa unang bid para takutin niya ang ilang tao. Umaasa rin siya na makukuha niya ang purple ginseng sa mababang presyo!“Labing-isang milyong dolyar.” Isang di gaano katandang lalaki sa hall ng sumigaw at itinaas ang kanyang placard.Sumulyap nang mapanghamak si Jeffrey sa lalaki bago niya ulit itinaas ang kanyang placard at sinabi, “Labing-limang milyong dolyar.”“Labing-anim na milyong dolyar.”May nagsalita ulit.“Dalawampu’t limang milyong dolyar,” sumigaw si Jeffrey habang itinaas niya ulit ang kanyang placard.Sa totoo lang, tinutulungan lang ni Jeffrey si Kenneth na sumali sa auction sa sandaling ito. Si Kenneth ang magbabayad ng presyo ng bid ngayon. Kaya, hindi siya nababalisa.Maraming tao ang sumuko nang dumating ang presyo sa dalawampu’t lim
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 445

Maraming tao sa lugar na iyon ang nakakaalam na lumuhod na si Kenneth sa harap ni Charlie at tinawag siyang papa at lolo. Kaya, tumawa sila nang malakas nang marinig nila ang sinabi ni Charlie.Ayaw nang mapahiya lalo ni Kenneth, kaya kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi, “Sige! Matapang ka talaga! Magbabayad ako ng 90 milyong dolyar!”Hinila ni Jeffrey ang manggas ni Kenneth at sinabi, “Chairman Wilson, sobrang mahal ng 90 milyong dolyar para sa purple ginseng! Hindi gano’n kamahal ang bagay na iyon. Huwag kang kumilos nang hindi nag-iisip at maloko ng g*gon iyon!”90 milyong dolyar para lang bumili ng purple ginseng?! Walang ginseng ang may ganitong halaga maliban na lang kung mahigit isang libong taon ang tanda nito!Kahit sobrang yaman ni Kenneth, hindi siya gastador o nagsasayang ng pera. Naramdaman niya na nasunog na ang bulsa niya nang gumastos siya ng labing-limang milyong dolyar para makipagtalik kay Wendy. Talagang nararamdaman na ngayon ni Kenneth na butas na ang wa
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 446

Paano kung aksidente niyang nalagay ang cheque sa washing machine kasama ang mga damit niya?Diyos ko! Nagugulat sila kapag pinag-iisipan ito.Kaunting kumibot ang mukha ni Kenneth sa galit. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit may ganito karaming pera ang basurang ito. Hindi ba’t isa lang siyang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson?Tinanong ni Charlie ang host, “Dahil walang nag-bid nang mas mataas laban sa’kin, at dahil kaya kong magbayad ng isang daang milyong dolyar, sa akin na dapat ang pambihirang purple ginseng, tama?”Bumalik sa diwa ang host at sinabi agad, “Ngayon, sasabihin ko na ang three-hundred-year-old purple ginseng ay mapupunta kay…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, nagmamadaling sinabi ni Kenneth, “Teka! Tataasan ko na ang bid!”Nagulat ulit ang lahat ng tao na nandoon.Nagsimula ang auction sa limang milyong dolyar, at nasa isang daang milyon na agad na ang bid ngayon.Hindi nga ganito kamahal ang purple ginseng! Baliw ba ang dalawang tao n
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more

Kabanata 447

Tumingin ang lahat kay Kenneth sa sandaling ito.Napahiya nang sobra si Kenneth at nainis, at minura niya nang malakas, “Ikaw ang impotent! Ang buong pamilya mo ay impotent! Magaling pa ako at masigla!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Alam natin kung sino ang impotent. Ang ibang tao ay hindi kayang magpatigas habang ang iba naman ay matigas lang ang bibig. Ano pang punto nito?”Tumawa nang malakas ang lahat sa sandaling ito.Totoo ba? Nawala ba talaga ang pagkalalaki ng tanyag at kagalang-galang na si Chairman Wilson?Mukhang totoo nga ito. Kung hindi, bakit siya magsisikap na mag-bid para sa premium na purple ginseng? At saka, kasama niya pa ngayon si Jeffrey ng pamilya Weaver.Ang lahat ng tao na nandito ay galing sa larangan ng medisina. Alam nilang lahat na pinag-aaralan ng pamilya Weaver ang bagong gamot na kayang palakasin at pabalikin ang pagkalalaki ng isang tao. Mukhang nandito ngayon sina Kenneth at Jeffrey nang magkasama ay dahil si Kenneth ang gustong mauna
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more

Kabanata 448

“Makikita na ito sa buong mukha mo. Kaya, paanong hindi ko ito malalaman?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung may problema ka, huwag kang mag-atubiling humingi sa akin ng tulong. Sabihin mo lang sa akin ito.”Hinawakan ni Aurora nang hindi nag-iisip ang mga pisngi niya, at naramdaman niya na napakainit ng mga pisngi niya.Kahit na sa una ay sobrang tapang niya at astig na tao na may masayahing pagkatao, palagi siyang nahihiya nang sobra sa harap ni Charlie.Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, sinabi niya nang seryoso, “Mr. Wade, mayroon nga akong pinag-iisipan. Kung gustong hingin ang tulong mo.”Tumango si Charlie at sinabi, “Sige, sabihin mo ang tungkol dito.”Ipinaliwanag ni Aurora, “Mr. Wade, mayroon akong napakabuting kaibigan sa kolehiyo. Dati ay masigla siya, ,masayahin, at positibo ang pagkatao niya. Pero, sa tingin ko ay na-brainwash siya ng kanyang boyfriend, at parang grabe na ang mga ginagawa niya ngayon. May isang beses pa ngana sinubukan niyang tumalo
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more

Kabanata 449

Gumawa ng appointment si Charlie na makikipagkita siya kay Aurora sa Aurous University of Finance and Economics kung saan siya nag-aaral, mamayang gabi. Pagkatapos, umuwi siya kasama ang kanyang three-hundred-year-old na purple ginseng.Sa daan pauwi, tinawagan ni Charlie nang magkasunod sina Don Albert at Isaac, at sinabi sa kanila na may gustong umagaw ng medisina sa kamay ni Anthony. Kaya, inutos niya sa kanila na magpadala ng tao para protektahan nang palihim si Anthony at bantayan si Ichiro.Dahil ilang taon nang nasa Aurous Hill si Isaac, mayroon na siyang malaking impluwensya sa siyudad. Sinabi ni Charlie kay Isaac na magtayo siya ng tagong kampo sa airport para bantayan si Ichiro para hindi siya madaling makakaalis sa Aurous Hill.Alam niya na balak kunin ni Ichiro ang mahiwagang gamot ni Anthony at dalhin ito pabalik sa Japan para suriin ito at pag-aralan ang mga sangkap.Kaya, plano ni Charlie na gumawa ng malaking patibong para kay Ichiro.Samantala, walang ideya si Ic
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more

Kabanata 450

Hinatak siya ni Charlie sa pampang habang pinagalitan niya ang babae, “Ang magulang mo ang nagbigay sa’yo ng katawan mo, buhok, at balat! Hindi ba’t binibigo mo ang mga magulang mo kapag sinasaktan mo ang sarili mo nang dahil lang sa isang g*go?Patuloy na umiyak ang babae, “Pakiusap, hayaan mo no lang akong mamatay. Hayaan mo akong mamatay ngayon. Isa lang akong marumi at malaswang tao. Sobrang nahihiya na akong makita ang mga magulang ko ngayon. Pinapahiya ko lang sila kapag patuloy akong nabubuhay. Makakalaya lang ako kapag patay na ako…”Madali siyang hinatak ni Charlie sa pampang bago niya hinagis ang babae sa damo at sinigawan siya nang galit, “Letse! Hindi ka lang dapat nabubuhay para sa sarili mo! Dapat nabubuhay ka rin para sa mga magulang mo! Naghirap sila para alagaan ka at palakihin ka. Pinrotektahan ka nila habang lumalaki ka, at pinag-aral ka nila. Hindi ka dapat magpakamatay sa lawa nang dahil lang sa g*gong tulad niya! Dapat kang maging isang talentadong haligi ng ban
last updateLast Updated : 2021-08-17
Read more
PREV
1
...
4344454647
...
561
DMCA.com Protection Status