공유

Kabanata 444

작가: Lord Leaf
Alam ni Jeffrey na kapag patuloy na nag-bid ang mga tao para sa premium na purple ginseng, marahil ay aabot ang presyo ng purple ginseng sa dalawampu o tatlumpung milyong dolyar. Kaya, dinoble niya lang ang presyo ng purple ginseng sa unang bid para takutin niya ang ilang tao. Umaasa rin siya na makukuha niya ang purple ginseng sa mababang presyo!

“Labing-isang milyong dolyar.” Isang di gaano katandang lalaki sa hall ng sumigaw at itinaas ang kanyang placard.

Sumulyap nang mapanghamak si Jeffrey sa lalaki bago niya ulit itinaas ang kanyang placard at sinabi, “Labing-limang milyong dolyar.”

“Labing-anim na milyong dolyar.”

May nagsalita ulit.

“Dalawampu’t limang milyong dolyar,” sumigaw si Jeffrey habang itinaas niya ulit ang kanyang placard.

Sa totoo lang, tinutulungan lang ni Jeffrey si Kenneth na sumali sa auction sa sandaling ito. Si Kenneth ang magbabayad ng presyo ng bid ngayon. Kaya, hindi siya nababalisa.

Maraming tao ang sumuko nang dumating ang presyo sa dalawampu’t lim
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

관련 챕터

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 445

    Maraming tao sa lugar na iyon ang nakakaalam na lumuhod na si Kenneth sa harap ni Charlie at tinawag siyang papa at lolo. Kaya, tumawa sila nang malakas nang marinig nila ang sinabi ni Charlie.Ayaw nang mapahiya lalo ni Kenneth, kaya kinagat niya ang kanyang ngipin at sinabi, “Sige! Matapang ka talaga! Magbabayad ako ng 90 milyong dolyar!”Hinila ni Jeffrey ang manggas ni Kenneth at sinabi, “Chairman Wilson, sobrang mahal ng 90 milyong dolyar para sa purple ginseng! Hindi gano’n kamahal ang bagay na iyon. Huwag kang kumilos nang hindi nag-iisip at maloko ng g*gon iyon!”90 milyong dolyar para lang bumili ng purple ginseng?! Walang ginseng ang may ganitong halaga maliban na lang kung mahigit isang libong taon ang tanda nito!Kahit sobrang yaman ni Kenneth, hindi siya gastador o nagsasayang ng pera. Naramdaman niya na nasunog na ang bulsa niya nang gumastos siya ng labing-limang milyong dolyar para makipagtalik kay Wendy. Talagang nararamdaman na ngayon ni Kenneth na butas na ang wa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 446

    Paano kung aksidente niyang nalagay ang cheque sa washing machine kasama ang mga damit niya?Diyos ko! Nagugulat sila kapag pinag-iisipan ito.Kaunting kumibot ang mukha ni Kenneth sa galit. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit may ganito karaming pera ang basurang ito. Hindi ba’t isa lang siyang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson?Tinanong ni Charlie ang host, “Dahil walang nag-bid nang mas mataas laban sa’kin, at dahil kaya kong magbayad ng isang daang milyong dolyar, sa akin na dapat ang pambihirang purple ginseng, tama?”Bumalik sa diwa ang host at sinabi agad, “Ngayon, sasabihin ko na ang three-hundred-year-old purple ginseng ay mapupunta kay…”Bago pa niya matapos ang sinasabi niya, nagmamadaling sinabi ni Kenneth, “Teka! Tataasan ko na ang bid!”Nagulat ulit ang lahat ng tao na nandoon.Nagsimula ang auction sa limang milyong dolyar, at nasa isang daang milyon na agad na ang bid ngayon.Hindi nga ganito kamahal ang purple ginseng! Baliw ba ang dalawang tao n

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 447

    Tumingin ang lahat kay Kenneth sa sandaling ito.Napahiya nang sobra si Kenneth at nainis, at minura niya nang malakas, “Ikaw ang impotent! Ang buong pamilya mo ay impotent! Magaling pa ako at masigla!”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Alam natin kung sino ang impotent. Ang ibang tao ay hindi kayang magpatigas habang ang iba naman ay matigas lang ang bibig. Ano pang punto nito?”Tumawa nang malakas ang lahat sa sandaling ito.Totoo ba? Nawala ba talaga ang pagkalalaki ng tanyag at kagalang-galang na si Chairman Wilson?Mukhang totoo nga ito. Kung hindi, bakit siya magsisikap na mag-bid para sa premium na purple ginseng? At saka, kasama niya pa ngayon si Jeffrey ng pamilya Weaver.Ang lahat ng tao na nandito ay galing sa larangan ng medisina. Alam nilang lahat na pinag-aaralan ng pamilya Weaver ang bagong gamot na kayang palakasin at pabalikin ang pagkalalaki ng isang tao. Mukhang nandito ngayon sina Kenneth at Jeffrey nang magkasama ay dahil si Kenneth ang gustong mauna

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 448

    “Makikita na ito sa buong mukha mo. Kaya, paanong hindi ko ito malalaman?”Bahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, “Kung may problema ka, huwag kang mag-atubiling humingi sa akin ng tulong. Sabihin mo lang sa akin ito.”Hinawakan ni Aurora nang hindi nag-iisip ang mga pisngi niya, at naramdaman niya na napakainit ng mga pisngi niya.Kahit na sa una ay sobrang tapang niya at astig na tao na may masayahing pagkatao, palagi siyang nahihiya nang sobra sa harap ni Charlie.Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, sinabi niya nang seryoso, “Mr. Wade, mayroon nga akong pinag-iisipan. Kung gustong hingin ang tulong mo.”Tumango si Charlie at sinabi, “Sige, sabihin mo ang tungkol dito.”Ipinaliwanag ni Aurora, “Mr. Wade, mayroon akong napakabuting kaibigan sa kolehiyo. Dati ay masigla siya, ,masayahin, at positibo ang pagkatao niya. Pero, sa tingin ko ay na-brainwash siya ng kanyang boyfriend, at parang grabe na ang mga ginagawa niya ngayon. May isang beses pa ngana sinubukan niyang tumalo

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 449

    Gumawa ng appointment si Charlie na makikipagkita siya kay Aurora sa Aurous University of Finance and Economics kung saan siya nag-aaral, mamayang gabi. Pagkatapos, umuwi siya kasama ang kanyang three-hundred-year-old na purple ginseng.Sa daan pauwi, tinawagan ni Charlie nang magkasunod sina Don Albert at Isaac, at sinabi sa kanila na may gustong umagaw ng medisina sa kamay ni Anthony. Kaya, inutos niya sa kanila na magpadala ng tao para protektahan nang palihim si Anthony at bantayan si Ichiro.Dahil ilang taon nang nasa Aurous Hill si Isaac, mayroon na siyang malaking impluwensya sa siyudad. Sinabi ni Charlie kay Isaac na magtayo siya ng tagong kampo sa airport para bantayan si Ichiro para hindi siya madaling makakaalis sa Aurous Hill.Alam niya na balak kunin ni Ichiro ang mahiwagang gamot ni Anthony at dalhin ito pabalik sa Japan para suriin ito at pag-aralan ang mga sangkap.Kaya, plano ni Charlie na gumawa ng malaking patibong para kay Ichiro.Samantala, walang ideya si Ic

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 450

    Hinatak siya ni Charlie sa pampang habang pinagalitan niya ang babae, “Ang magulang mo ang nagbigay sa’yo ng katawan mo, buhok, at balat! Hindi ba’t binibigo mo ang mga magulang mo kapag sinasaktan mo ang sarili mo nang dahil lang sa isang g*go?Patuloy na umiyak ang babae, “Pakiusap, hayaan mo no lang akong mamatay. Hayaan mo akong mamatay ngayon. Isa lang akong marumi at malaswang tao. Sobrang nahihiya na akong makita ang mga magulang ko ngayon. Pinapahiya ko lang sila kapag patuloy akong nabubuhay. Makakalaya lang ako kapag patay na ako…”Madali siyang hinatak ni Charlie sa pampang bago niya hinagis ang babae sa damo at sinigawan siya nang galit, “Letse! Hindi ka lang dapat nabubuhay para sa sarili mo! Dapat nabubuhay ka rin para sa mga magulang mo! Naghirap sila para alagaan ka at palakihin ka. Pinrotektahan ka nila habang lumalaki ka, at pinag-aral ka nila. Hindi ka dapat magpakamatay sa lawa nang dahil lang sa g*gong tulad niya! Dapat kang maging isang talentadong haligi ng ban

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 451

    Kung sapa ang pagmamanipula ng g*gong iyon, ang hypnosis ni Charlie ay ang buong karagatan!Sa isang iglap, tuluyang natalo ng hypnosis ni Charlie ang mga psychological hints ng g*go na itinatak niya kay Luna.Ang mga sinabi ni Charlie ang parang naging ilaw sa kanyang buhay, at hinding-hindi ito mawawala sa kanyang puso hanggang sa mamatay siya.Biglang napagtanto ni Luna kung gaano siya katanga sa sandaling ito.Nang maisip siya na muntik na siyang magayuma ng g*gong iyon na magpakamatay, natakot siya nang sobra at nagpasalamat siya kay Charlie at agad siyang lumuhod at yumuko sa harap niya bago sinabi, “Salamat sa pagligtas ng buhay ko! Pinapangako ko na mabubuhay ako nang mabuti at hinding-hindi ko bibiguin ang mga magulang ko. Siguradong tutulong ako sa lipunan sa hinaharap!”Tumango nang kontento si Charlie at sinabi, “Dahil bumalik ka na sa diwa mo, sana ay maging maganda at masaya ka sa hinaharap.”Habang nakikipag-usap siya sa kanya, biglang naisip ni Charlie ang tungkol

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 452

    Tuluyang binaba ng babae ang kanyang depensa nang makita niya na mapagbigay si Kian. Kaya, talagang mas nausisa siyang makilala si Kian.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Kian. Tumingin siya sa ID ng tumawag at nalaman niya na si Luna ang tumatawag sa kanya. Hindi niya mapigilang sumimangot agad.Bakit hindi pa patay ang babaeng ito? Nakakainis!Nakita ng magandang babae ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya at tinanong niya nang mausisa, “Tumawag ba ang girlfriend mo?”“Hindi!” Nagmamadaling nagpaliwanag si Kian. “Yung ex ko. Nagloko siya sa akin, pero hindi ko alam kung bakit niya pa rin ako ginugulo.”Pagkatapos, nagbuntong hininga si Kian at sinabi, “Ganda, mangyaring hintayin mo ako. Babalik agad ako pagkatapos kong sagutin ang tawag.”“Sige!”Kinuha ni Kian ang kanyang cellphone at naglakad siya palabas sa bar. Pagkatapos sagutin ang tawag, nagmura agad siya sa sandaling binuksan niya ang bibig niya. “Bakit mo ako tinatawagan? Napakadumi mong babae! Hind

최신 챕터

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5918

    Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5917

    Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5916

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5915

    Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5914

    Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5913

    Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5912

    Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5911

    Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka

  • Ang Maalindog na Charlie Wade   Kabanata 5910

    Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status