Paano kung aksidente niyang nalagay ang cheque sa washing machine kasama ang mga damit niya?Diyos ko! Nagugulat sila kapag pinag-iisipan ito.Kaunting kumibot ang mukha ni Kenneth sa galit. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit may ganito karaming pera ang basurang ito. Hindi baât isa lang siyang walang kwentang manugang ng pamilya Wilson?Tinanong ni Charlie ang host, âDahil walang nag-bid nang mas mataas laban saâkin, at dahil kaya kong magbayad ng isang daang milyong dolyar, sa akin na dapat ang pambihirang purple ginseng, tama?âBumalik sa diwa ang host at sinabi agad, âNgayon, sasabihin ko na ang three-hundred-year-old purple ginseng ay mapupunta kayâŠâBago pa niya matapos ang sinasabi niya, nagmamadaling sinabi ni Kenneth, âTeka! Tataasan ko na ang bid!âNagulat ulit ang lahat ng tao na nandoon.Nagsimula ang auction sa limang milyong dolyar, at nasa isang daang milyon na agad na ang bid ngayon.Hindi nga ganito kamahal ang purple ginseng! Baliw ba ang dalawang tao n
Tumingin ang lahat kay Kenneth sa sandaling ito.Napahiya nang sobra si Kenneth at nainis, at minura niya nang malakas, âIkaw ang impotent! Ang buong pamilya mo ay impotent! Magaling pa ako at masigla!âNgumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, âAlam natin kung sino ang impotent. Ang ibang tao ay hindi kayang magpatigas habang ang iba naman ay matigas lang ang bibig. Ano pang punto nito?âTumawa nang malakas ang lahat sa sandaling ito.Totoo ba? Nawala ba talaga ang pagkalalaki ng tanyag at kagalang-galang na si Chairman Wilson?Mukhang totoo nga ito. Kung hindi, bakit siya magsisikap na mag-bid para sa premium na purple ginseng? At saka, kasama niya pa ngayon si Jeffrey ng pamilya Weaver.Ang lahat ng tao na nandito ay galing sa larangan ng medisina. Alam nilang lahat na pinag-aaralan ng pamilya Weaver ang bagong gamot na kayang palakasin at pabalikin ang pagkalalaki ng isang tao. Mukhang nandito ngayon sina Kenneth at Jeffrey nang magkasama ay dahil si Kenneth ang gustong mauna
âMakikita na ito sa buong mukha mo. Kaya, paanong hindi ko ito malalaman?âBahagyang ngumiti si Charlie at sinabi, âKung may problema ka, huwag kang mag-atubiling humingi sa akin ng tulong. Sabihin mo lang sa akin ito.âHinawakan ni Aurora nang hindi nag-iisip ang mga pisngi niya, at naramdaman niya na napakainit ng mga pisngi niya.Kahit na sa una ay sobrang tapang niya at astig na tao na may masayahing pagkatao, palagi siyang nahihiya nang sobra sa harap ni Charlie.Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, sinabi niya nang seryoso, âMr. Wade, mayroon nga akong pinag-iisipan. Kung gustong hingin ang tulong mo.âTumango si Charlie at sinabi, âSige, sabihin mo ang tungkol dito.âIpinaliwanag ni Aurora, âMr. Wade, mayroon akong napakabuting kaibigan sa kolehiyo. Dati ay masigla siya, ,masayahin, at positibo ang pagkatao niya. Pero, sa tingin ko ay na-brainwash siya ng kanyang boyfriend, at parang grabe na ang mga ginagawa niya ngayon. May isang beses pa ngana sinubukan niyang tumalo
Gumawa ng appointment si Charlie na makikipagkita siya kay Aurora sa Aurous University of Finance and Economics kung saan siya nag-aaral, mamayang gabi. Pagkatapos, umuwi siya kasama ang kanyang three-hundred-year-old na purple ginseng.Sa daan pauwi, tinawagan ni Charlie nang magkasunod sina Don Albert at Isaac, at sinabi sa kanila na may gustong umagaw ng medisina sa kamay ni Anthony. Kaya, inutos niya sa kanila na magpadala ng tao para protektahan nang palihim si Anthony at bantayan si Ichiro.Dahil ilang taon nang nasa Aurous Hill si Isaac, mayroon na siyang malaking impluwensya sa siyudad. Sinabi ni Charlie kay Isaac na magtayo siya ng tagong kampo sa airport para bantayan si Ichiro para hindi siya madaling makakaalis sa Aurous Hill.Alam niya na balak kunin ni Ichiro ang mahiwagang gamot ni Anthony at dalhin ito pabalik sa Japan para suriin ito at pag-aralan ang mga sangkap.Kaya, plano ni Charlie na gumawa ng malaking patibong para kay Ichiro.Samantala, walang ideya si Ic
Hinatak siya ni Charlie sa pampang habang pinagalitan niya ang babae, âAng magulang mo ang nagbigay saâyo ng katawan mo, buhok, at balat! Hindi baât binibigo mo ang mga magulang mo kapag sinasaktan mo ang sarili mo nang dahil lang sa isang g*go?Patuloy na umiyak ang babae, âPakiusap, hayaan mo no lang akong mamatay. Hayaan mo akong mamatay ngayon. Isa lang akong marumi at malaswang tao. Sobrang nahihiya na akong makita ang mga magulang ko ngayon. Pinapahiya ko lang sila kapag patuloy akong nabubuhay. Makakalaya lang ako kapag patay na akoâŠâMadali siyang hinatak ni Charlie sa pampang bago niya hinagis ang babae sa damo at sinigawan siya nang galit, âLetse! Hindi ka lang dapat nabubuhay para sa sarili mo! Dapat nabubuhay ka rin para sa mga magulang mo! Naghirap sila para alagaan ka at palakihin ka. Pinrotektahan ka nila habang lumalaki ka, at pinag-aral ka nila. Hindi ka dapat magpakamatay sa lawa nang dahil lang sa g*gong tulad niya! Dapat kang maging isang talentadong haligi ng ban
Kung sapa ang pagmamanipula ng g*gong iyon, ang hypnosis ni Charlie ay ang buong karagatan!Sa isang iglap, tuluyang natalo ng hypnosis ni Charlie ang mga psychological hints ng g*go na itinatak niya kay Luna.Ang mga sinabi ni Charlie ang parang naging ilaw sa kanyang buhay, at hinding-hindi ito mawawala sa kanyang puso hanggang sa mamatay siya.Biglang napagtanto ni Luna kung gaano siya katanga sa sandaling ito.Nang maisip siya na muntik na siyang magayuma ng g*gong iyon na magpakamatay, natakot siya nang sobra at nagpasalamat siya kay Charlie at agad siyang lumuhod at yumuko sa harap niya bago sinabi, âSalamat sa pagligtas ng buhay ko! Pinapangako ko na mabubuhay ako nang mabuti at hinding-hindi ko bibiguin ang mga magulang ko. Siguradong tutulong ako sa lipunan sa hinaharap!âTumango nang kontento si Charlie at sinabi, âDahil bumalik ka na sa diwa mo, sana ay maging maganda at masaya ka sa hinaharap.âHabang nakikipag-usap siya sa kanya, biglang naisip ni Charlie ang tungkol
Tuluyang binaba ng babae ang kanyang depensa nang makita niya na mapagbigay si Kian. Kaya, talagang mas nausisa siyang makilala si Kian.Sa sandaling iyon, biglang tumunog ang cellphone ni Kian. Tumingin siya sa ID ng tumawag at nalaman niya na si Luna ang tumatawag sa kanya. Hindi niya mapigilang sumimangot agad.Bakit hindi pa patay ang babaeng ito? Nakakainis!Nakita ng magandang babae ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya at tinanong niya nang mausisa, âTumawag ba ang girlfriend mo?ââHindi!â Nagmamadaling nagpaliwanag si Kian. âYung ex ko. Nagloko siya sa akin, pero hindi ko alam kung bakit niya pa rin ako ginugulo.âPagkatapos, nagbuntong hininga si Kian at sinabi, âGanda, mangyaring hintayin mo ako. Babalik agad ako pagkatapos kong sagutin ang tawag.ââSige!âKinuha ni Kian ang kanyang cellphone at naglakad siya palabas sa bar. Pagkatapos sagutin ang tawag, nagmura agad siya sa sandaling binuksan niya ang bibig niya. âBakit mo ako tinatawagan? Napakadumi mong babae! Hind
Dahil naramdaman niya na baka mawala ang kontrol niya kay Luna, nagmadaling bumalik si Kian sa school nang nagpa-panic, hindi na niya pinansin ang maganda niyang biktima na naghihintay sa loob ng bar.Tumakbo agad si Kian papunta sa artipisyal na lawa sa sandaling dumating siya sa campus at nakita niya si Luna. Lumapit siya sa kanya at tinanong, âLuna, anong regalo ang gusto mong ibigay sa akin?âLumitaw si Charlie at sinabi nang nakangiti, âWala siyang regalo saâyo, pero meron ako!ââSino ka?â Tumingin nang alerto si Kian kay Charlie at bumalik ang tingin niya kay Luna. âSino siya? Kilala mo ba siya?âSumagot si Charlie, âHindi, hindi kami magkakilala.ââKung ganoân, sino ka?ââAko ang taong nagpapatupad ng hustisya sa ngalan ng Diyos!âPagkatapos, tinapik ni Charlie si Luna sa likod at sinabi, âLuna, pumunta ka kay Aurora at sa mga kaibigan mo. Bumalik ka sa dorm mo at magbihis ka na, tapos na ang trabaho mo dito.âTumango si Luna at yumuko nang nagpapasalamat. Buo ang tiwala
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, âSino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!âSa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, âMahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!âAgad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, âElaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?âMapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, âAnong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?âNapahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, âMahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?âNakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, âMa, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.âTumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, âWala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.âNagulat na nagtanong si Keith, âNapilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?âSumagot si Charlie, âLolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.âAgad na pumayag si Keith. âSige, pumasok na tayo at mag-usap.âPumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Bastaât suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, âYoung Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.âUmiling si Charlie at sinabi, âBukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.âTumango si Vera at sinabi nang malambot, âMuntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: âUncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?âMabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: âYoung Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.âNang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, âUncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?âSinabi ni Janus, âAng pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro