Dahil naramdaman niya na baka mawala ang kontrol niya kay Luna, nagmadaling bumalik si Kian sa school nang nagpa-panic, hindi na niya pinansin ang maganda niyang biktima na naghihintay sa loob ng bar.Tumakbo agad si Kian papunta sa artipisyal na lawa sa sandaling dumating siya sa campus at nakita niya si Luna. Lumapit siya sa kanya at tinanong, “Luna, anong regalo ang gusto mong ibigay sa akin?”Lumitaw si Charlie at sinabi nang nakangiti, “Wala siyang regalo sa’yo, pero meron ako!”“Sino ka?” Tumingin nang alerto si Kian kay Charlie at bumalik ang tingin niya kay Luna. “Sino siya? Kilala mo ba siya?”Sumagot si Charlie, “Hindi, hindi kami magkakilala.”“Kung gano’n, sino ka?”“Ako ang taong nagpapatupad ng hustisya sa ngalan ng Diyos!”Pagkatapos, tinapik ni Charlie si Luna sa likod at sinabi, “Luna, pumunta ka kay Aurora at sa mga kaibigan mo. Bumalik ka sa dorm mo at magbihis ka na, tapos na ang trabaho mo dito.”Tumango si Luna at yumuko nang nagpapasalamat. Buo ang tiwala
Itinaas ni Charlie ang kanyang kamay at sinampal si Kian, pagkatapos ay nawalan ng balanse si Kian at bumagsak sa lupa.Sobrang lambing ng kinalakihan ni Kian, at hindi pa siya pinapagalitan dati, lalo na ang masampal. Tumayo siya at sumigaw nang galit, “Put*ngina! Papatayin kita!”“Papatayin ako?” Tinanong ni Charlie sa malamig na boses. “Makinig ka nang mabuti, kupal. Ako si Charlie Wade! Ako ang young master ng pamilya Wade sa Eastcliff, ang chairman ng Emgrand Group! Ngayon, bibigyan kita ng isang minuto para mag-isip, sa tingin mo ba ay pwede kang maghari-harian at magyabang sa harap ko?”Nagulantang si Kian!Ang pamilya Wade sa Eastcliff?!Iyon ang pinakamalakas na pamilya sa bansa!Kahit na medyo mas angat ang pamilya Webb sa pamilya Moore, hindi pa ito one-tenth ng pamilya Wade!Nagduda siya kung nagsisinungaling ba si Charlie, pero nang pinag-isipan niya ito, mukha hindi kinabahan o natakot si Charlie nang sinabi niya ang kanyang pangalan, at nangahas pa siyang sampalin
Nagulantang na tumingin si Kian kay Charlie na tila ba sinasabi sa kanya ni Charlie ang pinaka kakaibang bagay.Ngumiti nang masama si Charlie at nagpatuloy, “At saka, pagkatapos ng hypnosis, kung sinuman ang pipigil sa’yo na kumain ng tae, gagawin mo ang lahat, kahit patayin ang sarili mo, hanggang sa makakain ka ng tae. Kung makakakita ka ng tae sa kalsada, kailangan mo itong kainin, kung hindi, mararamdaman mo na parang mamamatay ka kung hindi. Susubukan mong patayin ang sarili mo kapag may sumubok na pigilan ka. Mangyayari ito nang paulit-ulit sa buong buhay mo!”“Mula ngayon, ito na ang hinaharap mo. Wala kang hahabulin na iba maliban sa pagkain ng tae. Wala kang interes sa pera, kasarapan, o babae. Ang gusto mo lang gawin sa buong buhay mo ay kumain ng tae!”Medyo nainis si Kian sa sinabi ni Charlie at sinabi, “Hey, Mr. Wade, sa tingin mo ba ay tanga ako? Sa tingin mo ba talaga ay mahuhulog ako sa ganito? Hindi ganito ang paggamit ng psychological manipulation! Hindi ka propes
Galit na sinunggaban ni Kian ang kwelyo ng doktor. “Kung alam ko lang kung bakit, pupunta pa rin ba ako sa’yo?! Linisin mo na ang tiyan ko!”Nainis ang doktor sa ugali ni Kian, pero bilang isang propesyonal na doktor, inayos niya ang sarili niya at inutusan ang nurse, “Ihanda mo na ang mga gastric lavage tools!”Tumango nang nagmamadali ang mga nurse at sinimulan ang proseso.Sa sandaling ito, nakaramdam si Kian ng isang matinding sakit ng ulo na parang isang bugso ng kuryente na dumadaloy sa kanyang utak. Pagkatapos, nawalan siya ng katuturan at ang naisip niya na lang ay—gusto niyang kumain ng tao ngayon mismo!Sinabi niya nang hindi nag-iisip, “Nasaan ang banyo? Nasaan ang banyo?!”Tumuro ang doktor sa kanan at sinabi, “Lumiko ka sa kanan at pumunta ka sa dulo.”Nagmamadaling lumabas si Kian sa ward at tumakbo papunta sa banyo.Sinundan agad siya ng warden at ng mga kaibigan niya.Nang sumugod si Kian sa banyo, tinulak niya pabukas ang unang kuwadra. Pero imbis na gamitin it
Halos mabaliw na ang warden at ang mga kaibigan ni Kian dahil sa kanya. Kinaladkad nila si Kian pabalik sa kwarto ng doktor, pinipigilan nila ang kagustuhan nilang sumuka.Umiyak nang inosente ang matandang lalaking tinapon ni Kian sa sahig, “Huwag niyo siyang palabasin kugn may mali sa ulo niya! Ano ba! Bakit pati tae sinunggaban niya para makain!”Nilabas ng school warden ang kanyang wallet, talagang nahihiya ang hitsura, at binigyan ang matandang lalaki ng isang daang dolyar. “Heto ,sir. Ito ang kabayaran para sa nangyari kanina, patawarin mo sana kami…”Naing malugod ang matandang lalaki nang makita niya ang pera, at nawala agad ang inis at irita niya. Tinanggap niya nang mabilis ang pera at tinanong, “Ah, kailangan niyo ba ng serbisyo ko sa susunod?”Muntik nang masuka ang warden sa pandidiri at sinabi, “Hindi na, sir, wala nang susunod. Mangyaring mauna ka na kung tapos ka na…”Pagkatapos, sinabi niya sa mga estudyante, “Bilis, dalhin niyo si Kian sa doktor!”Nang makita ng
Nahilo nang kaunti ang warden na nagmamaneho at ang tatlong kaibigan niya dahil sa napakabahong amoy. Mabilis na ibinaba ng warden ang mga bintana para tanggalin ang napakasamang amoy.Hindi na nakontrol ni Kian ang kanyang emosyon. Humarap siya sa kanan niya at sinabi nang galit, “Ikaw, Jack, sabihin mo sa akin kung anong nangyari o sisirain kita! Bayaran mo ang dalawang libong pinautang ko sa’yo noong isang araw!”Tumili sa gulat si Jack at sinabi, “Sige boss, sasabihin ko ang lahat! Kanina, nabaliw ka ulit at gusto mong kainin ang bagay na iyon. Sinubukan ka naming pigilan, pero sobrang lakas mo. Pagkatapos mong kumawala sa amin, tumakbo ka sa banyo ng hospital, sumugod sa kuwadra, hinili palabas ang matandang lalaki, at…”Mas dumilim ang mukha ni Kian habang nakikinig siya. Sinabi niya, “Kin… kinain ko ba ito?”Tumango nang maingat si Jack. “O… oo...”“Bleargh…”Sumuka si Kian. Ang bagay na kinain niya nang dalawang beses ay nasa upuan na ng kotse...Sa isang iglap, naging s
Samantala, nasa main gate ng Aurous University of Finance and Economics si Charlie habang nakakapit si Aurora nang malambing sa mga braso niya.“Master Wade, ang galing mo! Ilang buwan na naming kinakausap si Luna at hindi ito gumana, pero ilang salita mo lang at nagbago ang isip niya!”Sinabi nang payak ni Charlie, “Baka nang tumalon siya, napagtanto niya kung gaano kahalaga ang buhay at bigla siyang nagpapasalamat na mabuhay. Makikita lang ng ilang tao ang mga problema nila kapag nasa desperadong sitwasyon sila.”Tumango si Aurora at nagpasalamat, “Master Wade, maraming-maraming salamat! Kung hindi dahil sa’yo, marahil ay patay na si Luna…”“Huwag kang mag-alala. Magiging sobrang positibo at optimista na ng kaibigan simula ngayon.”Pagkatapos, pinaalalahanan siya ni Charlie, “Dapat mag-ingat ka rin. Kapag naghahanap ka ng boyfriend sa hinaharap, huwag kang magpaloko sa mga ganitong g*go!”Humagikgik nang nahihiya si Aurora. “Hindi ako magpapaloko! Matalino ako, okay…”Pagkatap
Ang biyahe papuntang hospital ay nasa 15 miles. Ang amoy sa kotse ay maikukumpara sa isang septic tank, parang impyerno para sa mga tao sa loob ng kotse.Nang dumating sila sa hospital, tinulungan nila si Kian na bumaba sa kotse at mabagal na naglakad papunta sa hospital. Biglaan, unti-unti nanamang lumitaw ang kakaibang pakiramdam na iyon sa isipan ni Kian...Una, nahilo siya at sumakit ang ulo niya, pagkatapos, tumingin siya nang desperado sa mga taong nasa paligid niya at iniyak, “Letse… nandito nanaman ang pakiramdam… Kung mawawala ulit ako sa pag-iisip, tandan niyo, dapat niyo akong pigilan!”Nagulat sila, at tumango sila nang hindi nag-iisip, pero sa loob nila, iniisip nila, ‘Susubukan ka talaga naming pigilan gamit ang buong lakas namin, pero kung mapipigilan ka namin o hindi, ibang bagay na iyon…’Pagkatapos, tila ba biglang nagbago ang mukha ni Kian sa kanyang baliw na hitsura, at sumigaw siya nang balisa, “Nasaan ang banyo?! Nasaan ang banyo?!”Tumingin nang kabado ang l
Biglang namula si Jacob sa sinabi ni Elaine, at nahihirapan magsalita habanag sinusubukan niyang ipagtanggol ang sarili niya, “Sino ang nagsabing humihingi ako ng pera sa mahal kong manugang? Sinabi ko ba iyon?! May iba akong dahilan kung bakit kinausap ko siya. Huwag mo akong akusahan nang walang basehan!”Sa halip na makipagtalo kay Jacob, tumingin si Elaine kay Charlie at sinabi, “Mahal kong manugang, narinig mo ang sinabi niya. Kahit ano pa ang plano niya, huwag mo siyang bigyan ng kahit isang sentimo!”Agad nagalit si Jacob at sinabi nang galit, “Elaine, bakit ka ganyan? Bakit puro pera lang ang bukambibig mo?”Mapaglarong umiling si Elaine at ngumisi habang sinabi, “Anong problema? Hindi ka naman humihingi ng pera sa mahal kong manugang, bakit ka naabala kung sinabihan ko siyang huwag kang bigyan?”Napahinto sa pagsasalita si Jacob. Sa lakas ng depensa ni Elaine, napigilan ang plano niya. Dahil sa mga sinabi ni Elaine, hindi na siya makahingi ng pera kay Charlie. Paano siya h
Nakaramdam si Jacob ng inggit at selos nang marinig niya na bibigyan ni Charlie si Elaine ng isang milyong dolyar. May kita siya sa Calligraphy and Painting Association, pero hindi iyon sapat para sa mga gastusin niya.Bilang Vice President ng association, madalas siyang mag-aliw ng mga bisita, at malaking gastos ang madalas niyang byahe gamit ang mamahaling kotse. Hindi siya kasing-walang hiya ni Elaine, at pakiramdam niya na may utang na loob siya kay Charlie dahil sa mga tagumpay at sa pagkakataon na magmaneho ng luxury car at manirahan sa Thompson First. Kaya hindi siya komportable na humingi ng pera kay Charlie.Pero nang makita niyang makakatanggap lang si Elaine ng isang milyong dolyar dahil lang sa paghingi, nainis siya. Naisip pa niyang humingi ng tulong kay Charlie, pero nang maalala niya kung paano niya ininsulto si Elaine kanina, nahiya siyang manghingi ng pera kay Charlie.Samantala, hindi nag-aksaya ng oras si Charlie at agad niyang ipinadala ang isang milyong dolyar s
Pagkalabas niya sa Champs Elys hot spring villa, agad na nagmadali si Charlie pabalik sa Thompson First. Plano niyang madalian niyang ilagay sa maleta ang kanyang mga gamit at ipagbigay-alam kina Jacob, ang biyenang lalaki niya, at kay Elaine, ang biyenang babae niya, na aalis siya ngayong gabi papunta sa ibang lungsod para suriin ang Feng Shui ng isa pang kliyente.Sanay na ang mag-asawa sa palagiang paglalakbay ni Charlie, kaya hindi sila nagulat nang marinig ang balita.Ang talagang nagpaulat kay Charlie ay biglang nagpakita si Elaine ng pag-aalala sa kanya. Sinabi niya nang may nag-aalalang ekspresyon, “Mahal kong manugang, palagi kang nasa biyahe buong araw nang walang pahinga. Paano kung mapagod ka?”Nakaramdam si Charlie ng bihirang pakiramdam ng bait dahil sa hindi inaasahang pag-aalala ng kanyang biyenang babae. Ngumiti siya at sinabi, “Ma, hindi mo kailangang mag-alala. Kahit abala ako araw-araw sa labas, hindi naman talaga ako napapagod.”Tumayo sa gilid si Jacob at ngum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro