Mayroong kalmadong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha kaharap ang biglang pagtatapat ni Loreen. Sumagot lang siya, “Nakasalubong lang natin ang ilang siraulo, kaya ko sila tinuruan ng leksyon. Huwag mo itong damdamin.”Sumagot nang seryoso si Loreen, “Kahit ano pa, gusto talaga kitang pasalamatan!”Pagkatapos, umupo si Loreen sa tabi ni Charlie at mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay habang niyakap niya si Charlie.Kaunti lang ang suot nilang dalawa, at naramdaman agad ni Charlie na kumuskos sa kanya ang makinis at malambot ni Loreen.Agad humigpit ang katawan ni Charlie at sinabi niya nang mabilis, “Loreen, ‘wag mong gawin ito. Ayokong makita tayo ni Claire nang ganito.”Humagikgik si Loreen bago niya tinanong, “Ang ibig sabihin ba ay pwede kitang yakapin at gawin ko ang gusto ko kapag hindi tayo nakikita ni Claire?”“Hindi iyon ang sinasabi ko…” Sumagot nang walang magawa si Charlie.Hinigpitan nang kaunti ni Loreen ang kanyang yakap bago niya sinabi nang makulit, “Gus
Talagang walang masabi si Charlie sa sandaling ito. Anong ibig sabihin ni Loreen? Handa siyang maging kabit niya at maging palihim na kalaguyo dahil lang sa kanya?Pero, paano pa rin siya papayag sa ganitong hiling?Una sa lahat, totoo ang nararamdaman niya kay Claire, at tapat siya kay Clare. Kahit na nayamoy sa una si Claire sa ginawa ng lolo niya, sumang-ayon siya sa huli na pakasalan si Charlie kahit na pinagtawanan at nilait ng buong pamilya niya ang kanyang desisyon. Syempre, kailanman ay hindi siya minaliit ni Claire.Bukod dito, nang magkasakit ang nag-alaga sa kanya sa bahay-ampunan, si Claire ang nagpahiram sa kanya ng pera para bayaran ang mga bayarin niya sa hospital. Hinding-hindi malilimutan ni Charlie ang kabaitan ni Claire.Kaya, paano siya papayag na maging kasintahan niya si Loreen?Sa sandaling ito, si Claire, na mahimbing na natutulog, ay biglang gumalaw nang kaunti.Nagulat si Charlie at mabilis niyang tinulak si Loreen palayo.Sumulyap si Loreen kay Claire,
Habang sila Charlie, Claire, at Loreen ay naliligo sa hot spring pool, si Marcus, na may nakaukit na ‘mahinang ul*l’ sa kanyang noo at ang plastik na girlfriend niya na tabingi ang ilong ay umangkas sa isang lumang van pabalik sa siyudad.Sa sandaling ito, si Marcus, na nakaupo sa van, ay tinatakpan ang kanyang noo dahil natatakot siya na makikita ng driver ang mga salitang nakaukit sa kanyang noo.Pinatigil nilang dalawa ang van palabas ng Champs Elys Spa Resort. Nakipagkasundo sila sa driver ng van na ihahatid sila ng driver sa kanilang tahanan sa halagang dalawang daang dolyar. Sa ngayon, ang gusto lang ni Marcus ay makauwi sa lalong madaling panahon. Ayaw na niya ng gulo!Gayunpaman, nakikita ng driver ng van sa kanyang rearview mirror na tumutulo ang dugo ni Marcus sa kanyang noo.Pagkatapos siyang obserbahan nang matagal, hindi niya mapigilang itanong sa sorpresa, “Binata, nasugatan ka ba?”Sumagot nang galit si Marcus, “Wala itong kinalaman sa’yo! Magmaneho ka lang nang mai
Sumagot nang malamig ang pulis, “Sige. Iniinsulto mo ang isang tagapagpatupad ng batas ngayon! Malinaw na nilalabanan mo ang batas! Huwag mo kaming sisihin sa pag-aksyon labang sa’yo!”Sa sandaling natapos siyang magsalita, nilabas ng pulis ang kanyang pepper spray at itinutok ito sa mukha ni Marcus bago niya ito winisik sa mukha niya.Naramdaman ni Marcus ang mahapding sakit sa mga mata niya sa sandaling ito, at hindi niya sinasadyang gamitin ang mga kamay niya para kuskusin ang mga mata niya, talagang nakalimutan niya na sa sandaling tinanggal niya ang mga kamay niya, malalantad agad ang mga madugong salita na nakaukit sa kanyang noo.“Ah, Diyos ko…” Sinabi ng isa sa mga pulis. “Tingnan niyo siya! May mga nakaukit na salita sa noo niya!”“Anong klaseng tattoo ‘yan? Sobrang bangis nito!”“Hahaha! Kaya pala mahilig ang batang ‘to tawagin ang iba na mahinang ul*l. Mayroon kasi siyang ‘mahinang ul*’l’ na nakaukit sa noo niya!”Nang marinig ito ni Marcus, nagmamadali niyang tinaas a
Unti-unting naubusan ng pasensya si Harold.Ano ito?Nakita niya si Marcus na pinosasan ng mga pulis sa gilid ng kalsada. Iyon ang dahilan kung bakit siya pumunta para kamustahin siya. Pero, hindi niya inaasahan na mumurahin siya ng lalaking ito at duduraan siya sa mukha. Nakakadiri ito nang sobra!Sinabi niya nang galit, “Mr. Lloyd, sumosobra ka na! Pumunta lang ako para tanungin ang sitwasyon mo dahil sa pag-aalala kasi magkaibigan gayo. Kaya, paano mo ako tinrato nang ganito?!”Sumigaw agad si Marcus, “Sino ka ba sa tingin? Sa tingin mo ba talaga ay karapat-dapat ang isang mahirap na tulad mo na maging kaibigan ko?! Isa ka lang mahinang ul*l sa mga mata ko! Gusto mo bang sumipsip sa akin para mapalapit ka sa akin? Umalis ka na!”“Ako…” Talagang pakiramdam ni Harold na hindi ito makatarungan.Pero, hindi siya nangahas na lumaban kay Marcus. Dahil, alam ni Harold na maraming beses na mas malakas at makapangyarihan ang pamilya Lloyd kaysa sa pamilya Wilson, na malapit nang ma-ban
Sa sandaling ito, biglang tinanong ni Claire, “Hindi mo ba kailangang bumalik sa trabaho?”Nilabas ni Loreen ang kanyang dila at sinabi, “Ang trabaho talaga ay maglibot sa labas. At saka, hindi ko pa nakikilala ang chairman ng Emgrand Group simula pa noong nagtrabaho ako doon. Kaya, wala siyang paraan para kontrolin ako. Kung titingnan, isa akong empleyadong walang bantay. Kaya, sa tingin ko ay ayos lang na hindi magtrabaho paminsan-minsan.”Pagkatapos, nagsalita ulit si Loreen. “Dahil may gagawin kayong dalawa, ihahatid ko muna kayo pauwi.”Nang dumating sila sa paradahan, napagtanto ni Charlie na nakatayo si Don Albert sa tabi ng kotse ni Loreen. Bukod dito, naayos na rin ang malaking gasgas sa kotse ni Loreen kahapon.Nang makita ni Albert na naglalakad sila papunta sa kotse, agad niyang binati nang magalang si Charlie, “Mr. Wade, nagsaya ka ba?”“Hindi masama.” Tumingin nang ilang sandali si Charlie sa likod ng kotse, at nang napagtanto niya na para itong bago, alam niya na pi
Hindi nagtagal, ang matalik na magkaibigan, sina Caire at Loreen, ay nagkasundo na tumira nang magkasama sa villa sa Thompson First sa hinaharap.Sobrang saya ng dalawang babae sa sandaling ito, pero malungkot nang kaunti si Charlie.Sobrang inosente talaga ni Claire. Hindi niya man lang napagtanto na gustong mapalapit ni Loreen sa kanyang asawa!Inimbita pa ni Claire si Loreen na tumira sa villa kasama nila. Ang makulit niyang asawa! Iniimbita niya at pinapangunahan ang isang lobo sa kanilang kwarto!Gayunpaman, hindi pwedeng tanggihan nang direkta ni Charlie ang ganitong bagay. At saka, wala siyang matibay na dahilan para tumanggi.Kaya, kahit na hindi siya masaya, tinago niya na lang muna ang nararamdaman niya.Sa kabilang dako, sobrang saya ni Loreen.Kung titira talaga siya sa villa kasama nila, araw-araw niyang makakasama si Charlie! Kung gano’n, mas lalaki ang pagkakataon na maging sila ni Charlie!Pagkatapos ng maikling panahon, dumating na sila sa harap ng bahay nina C
Kinabukasan ng umaga, pumunta si Anthony upang sunduin si Charlie para makapunta sila sa Chinese Medicine Expo.Hindi inaasahan ni Charlie na gaganapin ang Chinese Medicine Expo sa Aurous Hill Exhibition and Convention Center na pagmamay-ari ng pamilya Grant.Noong pumunta siya doon dati, naging sobrang yabang ni Jason sa harap niya. Pero, sa puntong ito, naging abo na si Jason at ang kanyang ama, si Justin, at wala nang bakas na natira sa kanila sa mundong ito.Katulad nito ng kasabihan ‘Ang mukha niya ay wala na, pumunta sa hindi alam, ngunit; patuloy pa ring dumadaloy ang mga peach blossom sa hangin ng tagsibol’.Sa sandaling pumasok si Charlie sa exhibition and convention center, tumingin siya sa paligid ng building at napagtanto niya na may mga missing poster nina Jason at Justin sa mga pader.Tinaasan na ng pamilya Grant ang pabuya sa tatlumpung milyong dolyar, pero wala pa rin silang balita kung nasaan ang mag-ama.Kahit ano pa, walang saysay ang pagsisikap nila.Nang pum
Gumaan ang puso ni Charlie nang marinig ito. Sinabi niya kay Isaac, "Mr. Cameron, pansamantalang aalis si Mr. Thompson sa mga Wade. Sa panahong ito, mawawalan ng chief butler ang mga Wade. Gusto kong pansamantalang kunin mo ang posisyon ni Mr. Thompson. Umaasa akong babalik siya, at kung sakali, maibabalik mo sa kanya ang pwesto bilang kanyang deputy. Kung hindi siya babalik, ikaw na ang magpapatuloy sa posisyon."Nagulat si Isaac at agad na nagsabi, "Young Master, ang trabaho ko ay palaging limitado lang sa probinsyang ito, at kakasimula ko pa lang maintindihan ang mga gawain ko. Ngayon, pinapalit mo ako kay Mr. Thompson. Paano... Paano ako magiging karapat-dapat doon?!"Tinanong ni Charlie, "Hindi ba't unti-unting umangat si Mr. Thompson?"Hirap na sinabi ni Isaac, "Ah, inabot ng sampu hanggang dalawampung taon bago umabot sa posisyong iyon si Mr. Thompson. Mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa kanya, at baka hindi ko makumbinsi ang iba sa aking mga kwalipikasyon."Iwinasiwas ni C
Sa hapon, si Keith, kasama ang panganay niyang anak na si Christian, at pangalawang anak na si Kaeden, ay palihim na pumunta sa Eastcliff kasama si Emmett.Sa halip na agad na umuwi sa kanyang tahanan sa Thompson First, pumunta muna si Charlie sa katabing villa, tinawag si Caden na nagtuturo ng martial arts doon, at sinabihan siya na ipaalam kina Isaac at Albert na makipagkita sa kanya.Noong una, medyo nag-alala pa si Charlie na baka bigla na lang mawala si Isaac nang walang dahilan. Bilang tagapagsalita ng Wades sa Aurous Hill at direktang tauhan ni Stephen, posible na may naglagay talaga kay Isaac sa posisyong ito.Buti na lang nandoon pa rin si Isaac sa Champs Elys Resort.Nang makita ni Charlie si Isaac, medyo gumaan ang kanyang pakiramdam. Sa totoo lang, nakakalungkot para sa kanya na may iba palang pinaglilingkuran si Stephen. Sa isang banda, si Stephen ang pinakatapat na tauhan ng kanyang ama, at kahit hindi niya maasahan ang lubos na katapatan ni Stephen sa mga Wade, nakak
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Wala akong nakitang kongkretong bakas, at napilitan akong bumalik nang nasa kalahati na ako ng daan.”Nagulat na nagtanong si Keith, “Napilitan? Sino ang pumilit sayo na bumalik?”Sumagot si Charlie, “Lolo, mahaba ang kwento. Pumasok muna tayo at dahan-dahan natin itong pag-usapan.”Agad na pumayag si Keith. “Sige, pumasok na tayo at mag-usap.”Pumasok sina Charlie at ang mga miyembro ng pamilya Acker sa villa at nagkumpulan sa dining room. Dahil walang ibang tao, tapat na isinalaysay ni Charlie ang kanyang paglalakbay sa Mount Tason at ibinunyag ang kalagayan ni Stephen.Nang marinig na pinabalik si Charlie ng isang pekeng madre mula sa Quiant Monastery, lubos na nagulat ang lahat. Hindi sila makpaniwala na may taong may alam ng kanyang mga hakbang at naghintay sa kanya habang paakyat siya sa Mount Tason. Lalo silang nabigla nang malamang si Stephen, ang tahimik na nagbantay kay Charlie sa halos dalawampung taon, ay may iba palang pinagl
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi