Nagulantang si Albert nang marinig niya ang utos ni Charlie. Pinulot niya agad ang patalim at inutusan ang mga kasamahan niya, “Pumunta kayo dito at hawakan niyo ang ulo niya para sa akin.”Natakot nang sobra si Marcus sa sandaling ito at nagpumiglas siya, desperadong umiling dahil ayaw niyang iukit ang salitang ‘mahinang ul*l’ sa kanyang noo. Ito ang salitang ginagamit niya palagi kapag pinapagalitan at nilalait ang iba!Sa mga nakaraang taon, kumita ng ilang pera ang pamilya ni Marcus, at simula noong naging mas mayaman siya nang kaunti, mas lalo siyang naging malupit.Sa tuwing lalabas siya at makakakita ng mga nangongolekta ng basura, tatawagin niya silang mahinang ul*l.Kapag pumupunta siya sa kalye at nakakakita ng mga sasakyan na mas mababa sa kanya, tatawagin niya ang mga tao na mahinang ul*l.Kailan lang, isang high school student ang aksidenteng nakatapon ng isang basong milk tea sa kanyang Dior jacket. Pagkatapos, dahil sa galit, binugbog ni Marcus ang estudyante hangga
Kaya, inukit nang malalim ni Albert ang mga salita hangga’t kaya niya!Sinakop ng salitang ‘mahinang’ ang kalahati ng noo ni Marcus.Bukod dito, pangit ang pagkakasulat ni Albert sa mga salita! Sobrang pangit!Ang paraan pa kung paano niya sinulat ang salitang ‘mahinang’ ay hindi matatanggap kahit sa pamantayan ng isang estudyante sa elementarya!Nang tiningnan ni Albert ang salitang inukit niya sa noo ni Marcus, tumawa siya at sinabi, “Pasensya na, Mr. Wade. Hindi talaga ako sanay na mag-ukit ng mga salita gamit ang kutsilyo. Ang pangit talaga nito…”Humagikgik si Charlie at tinanong, “Sabihin mo ang totoo, Albert. Ilang taon kang nag-aral dati?”Tumawa ulit si Albert bago siya sumagot, “Maraming taon akong nag-aral, Mr. Wade. Nagtapos pa ako sa elementarya! Pero, aaminin ko na hindi ako nagsikap mag-aral sa anim na taon ko sa elementarya…”Tumango si Charlie at sumagot, “Ayos lang. Kung masyado mong ginandahan ang inukit mong salita, madali mo siyang pinagbigyan.”Tila ba hin
Sa sandaling ito, desperado at nag-aalala na si Marcus at ang babaeng plastik ang mukha sa kanilang mga hinaharap.Naging kuntento na si Charlie pagkatapos niya silang parusahan. Pagkatapos, sinabi niya kay Don Albert.“Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito. Paalisin mo na sila.”Mabilis na tumango si Albert bago niya sinipa si Marcus at sinabi, “Hindi ka pa ba tatayo at aalis?”Tumayo nang mabilis si Marcus at hindi niya pinansin ang dumi sa katawan niya dahil nagmamadali siyang tumakas kasama ang babaeng plastik ang mukha.Sinipa ulit siya nang marahas ni Albert sa pwetan at bumagsak ulit si Marcus sa sahig. Pagkatapos, sinabi ni Albert, “Makinig kayong dalawa. Gusto kong pumunta kayo sa mansyon ko pagkatapos ng isang linggo para magpakita sa akin! Kung hindi kayo magpapakita, sisiguraduhin ko na makakatay kayo!”“Don Albert, huwag ka pong mag-alala. Siguradong pupunta kami…”Mabilis na sumang-ayon ang dalawa bago sila tumakas nang nagpa-panic, hindi man lang nag-iwan ng bakas.
Mabilis na binigay ni Mr. Hicks ang kanyang cellphone kay Albert at sinabi, “Don Albert, gusto kang kausapin ni Chairman Cameron.”Sa sandaling kinuha ni Albert ang cellphone, pinagalitan agad siya ni Isaac, “Don Albert, anong problema mo? Sinong nagbigay sa’yo ng karapatan na gumawa ng gulo sa teritoryo ko? Kinakalaban mo na ba ako? Hindi ba’t masyadong abusado ka?!”Sa sandaling ito, sumagot nang tapat si Albert, “Chairman Cameron, hindi ako ang gumawa ng gulo dito. Sa totoo lang, si Marcus ang kumalaban kay Mr. Wade, at ang manager mo, si Mr. Hicks, ang gustong tumulong kay Marcus na saktan si Mr. Wade! Kaya, ano sa tingin mo ang problema?”Sinabi agad ni Isaac, “Mr. Wade? Si Mr. Charlie Wade ba ang sinasabi mo?”“Syempre siya ang tinutukoy ko. Sino pang ibang Mr. Wade ang sinasabi ko?” Tinanong ni Albert habang tumatawa.Nagulat si Isaac!Sa hindi inaasahan, kinagat ng aso na hawak niya ang kanyang may-ari!Letse!Kaya, mabilis na sinabi ni Isaac, “Albert, ilagay mo sa spea
Nang makita ni Albert na nawawalan na ng pasensya si Charlie, nagmamadali siyang sumenyas at inutusan ang mga tauhan niya, “Bugbugin niyo na siya!”Agad sumugod ang isang grupo ng mga malalakas bago nila pinaligiran si Mr. Hicks, pagkatapos, sinuntok nila at sinipa siya. Tumigil lang sila nang mamatay-matay na si Mr. Hicks.Nakahandusay si Mr. Hicks sa sahig habang umiiyak siya sa sakit. Pero, hindi pa ito ang katapusan. Sa sandaling ito, biglang sinabi nang malamig ni Don Albert, “Bibigyan kita ng kalahating araw para umalis sa Aurous Hill. Kapag nakita pa kitang gumagala sa Aurous Hill bukas, papatayin kita gamit ang sarili kong mga kamay!”Umubo nang mahina ang mamatay-matay na si Mr. Hicks at sinabi, “Don Albert, mangyaring maawa ka sa akin at bigyan ako ng dalawang araw sa pinakamababa. Hayaan mo sanang pagaligin ko muna ang mga sugat ko bago ako umalis…”“Pwede kang magpagamot sa ibang probinsya!” Sumagot nang malamig si Albert. “Tawagan mo ang pamilya mo at sabihin mo sa kan
Nang makita ni Charlie ang nangyari, alam niya na ang dalawang babae lang ang pwedeng tumingin sa isa’t isa. Naramdaman niya na wala na siyang pag-asa.Kaya, pumunta si Charlie sa kabilang kwarto at nagpalit sa shorts na dinala niya ngayong araw.Dahil mabilis nakapagpalit ng short si Charlie, hindi pa nakakalabas ng kwarto ang dalawang babae pagkatapos niyang lumabas.Pagkatapos ay nauna siya sa courtyard bago siya mabagal na pumasok sa malaking hot spring pool.Hindi mapigilang huminga nang malalim si Charlie habang unti-unting binabalot ng tubig ang kanyang katawan.Pagkatapos nang ilang sandali, narinig niya ang mga hakbang na lumalapit sa kanya. Nagpalit na sa swimsuit sina Claire at Loreen at naglalakad na sila sa courtyard sa sandaling ito.Tumingala si Charlie upang tumingin sa kanila at agad kuminang ang mga mata niya.Ang suot na swimsuit ni Claire ay bahagyang tinatago ang kanyang kutis, pero ipinapakita rin nito ang perpekto niyang katawan, ang maputing balat, at ang
Mayroong kalmadong ekspresyon si Charlie sa kanyang mukha kaharap ang biglang pagtatapat ni Loreen. Sumagot lang siya, “Nakasalubong lang natin ang ilang siraulo, kaya ko sila tinuruan ng leksyon. Huwag mo itong damdamin.”Sumagot nang seryoso si Loreen, “Kahit ano pa, gusto talaga kitang pasalamatan!”Pagkatapos, umupo si Loreen sa tabi ni Charlie at mabilis niyang itinaas ang kanyang kamay habang niyakap niya si Charlie.Kaunti lang ang suot nilang dalawa, at naramdaman agad ni Charlie na kumuskos sa kanya ang makinis at malambot ni Loreen.Agad humigpit ang katawan ni Charlie at sinabi niya nang mabilis, “Loreen, ‘wag mong gawin ito. Ayokong makita tayo ni Claire nang ganito.”Humagikgik si Loreen bago niya tinanong, “Ang ibig sabihin ba ay pwede kitang yakapin at gawin ko ang gusto ko kapag hindi tayo nakikita ni Claire?”“Hindi iyon ang sinasabi ko…” Sumagot nang walang magawa si Charlie.Hinigpitan nang kaunti ni Loreen ang kanyang yakap bago niya sinabi nang makulit, “Gus
Talagang walang masabi si Charlie sa sandaling ito. Anong ibig sabihin ni Loreen? Handa siyang maging kabit niya at maging palihim na kalaguyo dahil lang sa kanya?Pero, paano pa rin siya papayag sa ganitong hiling?Una sa lahat, totoo ang nararamdaman niya kay Claire, at tapat siya kay Clare. Kahit na nayamoy sa una si Claire sa ginawa ng lolo niya, sumang-ayon siya sa huli na pakasalan si Charlie kahit na pinagtawanan at nilait ng buong pamilya niya ang kanyang desisyon. Syempre, kailanman ay hindi siya minaliit ni Claire.Bukod dito, nang magkasakit ang nag-alaga sa kanya sa bahay-ampunan, si Claire ang nagpahiram sa kanya ng pera para bayaran ang mga bayarin niya sa hospital. Hinding-hindi malilimutan ni Charlie ang kabaitan ni Claire.Kaya, paano siya papayag na maging kasintahan niya si Loreen?Sa sandaling ito, si Claire, na mahimbing na natutulog, ay biglang gumalaw nang kaunti.Nagulat si Charlie at mabilis niyang tinulak si Loreen palayo.Sumulyap si Loreen kay Claire,
Napakunot-noo si Charlie at sinabi, “Halos isang daan kayo, tapos hahayaan niyo lang na magyabang ang limang hinayupak na ito dito sa Oskiatown?”Nahihiyang sagot ni Daves, “Mr. Wade, may suporta po kasi ang limang yan mula sa Burning Angels, at ang Burning Angels naman ay sinusuportahan ng mga Italian. Sila ang may hawak ng maraming gang dito sa New York, libo-libo ang mga tao nila. Wala kaming laban sa kanila...”Malamig na sinabi ni Charlie, “Kahit pa libo sila, ano naman? Hindi ko pa narinig na may gang fight dito sa United States na libo-libo ang kasangkot. Sa tingin mo ba, kaya nilang dalhin ang libo-libong tao sa Oskiatown?”Nahihiyang paliwanag ni Daves, “Mr. Wade, hindi niyo lang po siguro alam, pero napakabagsik ng mga taong ito. Ilang beses na silang pumatay ng mga importante naming miyembro, harap-harapan o palihim. Natakot ang mga tauhan ko, kaya isa-isa silang umatras.”Tinanong ni Charlie, “Ilan na sa mga tao mo ang pinatay ng Burning Angels?”Mabilis na sagot ni D
Pagkarinig ni Angus sa utos ni Janus, agad siyang tumakbo palabas. Kahit komplikado ang komunidad ng Oskiatown, maliit na lugar lang ito. Kaya halos magkakakilala na ang lahat ng tao dito sa tagal ng pagsasama nila.Tulad ng pangalan nito, isa lang itong kalye, pero isang kalye na puno ng mga Oskian. Parang magkakapitbahay ang relasyon ng lahat dito.Kahit may mga kapitbahay pa ring tuso at makapal ang mukha, karamihan sa kanila ay nagtutulungan at sinusuportahan ang isa’t isa.Sa mga naunang taon, ang mga Oskian na bagong dating sa United States ay dumanas ng matinding diskriminasyon. Napilitan silang magsama-sama para mabuhay, at dito na rin unti-unting nabuo ang Oskian gang.Sa una, para maprotektahan ang sarili nila, nagsama-sama ang mga batang malalakas na Oskian para labanan ang mga umaapi sa kanila. Habang lumilipas ang panahon at lumalago ang lipunan, nagkaroon ng kanya-kanyang papel ang bawat isa. Yung dati ay nagtatanggol lang paminsan-minsan, ginawa na nilang trabaho ito
Sinabi ni Angus, “Ang pangatlong beses ay dalawang noong nakaraang gabi. Nakaupo siya sa isang Cadillac na nakaparada sa kanto ng kalsada. Kakagaling lang ni Clinston ng Oskian gang mula sa nightclub nang hilahin siya ng nakababatang kapatid na lalaki niya papasok sa kotse. Pagkatapos, nakarinig ako ng putok ng baril at nakita ko ang pagsabog ng dugo sa likurang pinto ng kotse. Tinulak palabas ang katawan ni Clinston, tapos umalis na ang Cadillac…”Tumango si Charlie at tinanong, “Madalas bang inaapi ni Clinston ang mga tao dito sa Oskiatown?”Umiling si Angus at sinabi, “Medyo maayos naman dito sa Oskiantown ang Oskian gang. Oo, naniningil din sila ng protection fee, pero tinutulungan naman talaga nila kami lalo na kaming mga ilegal dito. Laging may mga nang-aapi sa amin, pero sila ang tumutulong sa amin. Tsaka makatuwiran ang singil nila. Sa totoo lang, kahit hindi kami nagbabayad ng tax dito sa America, hindi talaga pwedeng walang protection fee. Kaya kung tutuusin, mas disente an
Isang kakaiba at nakakamanghang eksena ang nangyayari sa isang simpleng roast goose shop sa Oskiatown.Limang miyembro ng gang, na dati’y kinatatakutan sa Oskiatown dahil sa pagiging mabangis at mayabang, ay nakaluhod ngayon sa sahig, pilit na isinusubo ang mga gintong bala sa kanilang mga bibig.Makakapal at matataba ang 9mm na bala ng pistol, at mas masakit itong lunukin kumpara sa pinakamalalaking gamot.Wala pa silang baso ng tubig para inumin ang mga bala, kaya ang nagagawa lang nila ay kagatin ang kanilang mga ngipin at pilit na lunukin nang hilaw ang mga iyon.Pinakamalala ang sinapit ni Will.Dahil kapatid niya ang isa sa mga kabit ng boss ng Burning Angels, at dahil likas ang kanyang pagiging malupit, naging isa siyang mid-level manager ng Burning Angels. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang pamamahala ng Oskiatown.Siya ang kinatawan ng Burning Angels sa buong Oskiatown.Pero sa oras na ito, sobrang kaawa-awa ang kalagayan ng leader na ito.Ang apat niyang kasamahan ay
Natulala ang ilan at hindi napigilang matakot. Kung kaya ni Charlie na alisin ang ulo ng bala gamit lang ang mga daliri niya, paano pa kaya kung buong lakas niyang suntukin ang mukha ng tao? Baka madurog pati ang utak nila!Pero hindi nila maintindihan kung bakit biglang inalis ni Charlie ang ulo ng bala, at lalong hindi nila maintindihan kung anong koneksyon nito sa kapatawarang sinabi niya kanina.Tiningnan ni Charlie ang lalaki, tinaas ang bala na napaghiwalay na niya, bahagyang ngumiti, at sinabi, “Hindi ba gusto mong mapatawad? Eto ang kapatawaran ko. Mahirap lunukin ang buong bala, kaya hinati ko na para mas madali mong malunok.”Parang nahulog sa impyerno ang lalaki habang nakatitig kay Charlie sa takot. Hindi siya makapaniwala na manggagaling ang ganitong klaseng salita sa gwapong binatang kaharap niya.Paalala pa ni Charlie, “Ah, oo nga pala. Huwag mong kalimutan pasalamatan ang mabait mong tauhan. Siya ang tumulong sayo para makuha mo ang magandang pagkakataon ng kapatawa
Agad siyang napuno ng matinding takot nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Charlie at ang halatang intensyon nitong pumatay.Sa oras na iyon, hindi na siya nagduda sa babala ni Charlie. Kapag hindi niya sinunod ang utos na lunukin ang mga bala, siguradong papatayin siya.Pero ang ideya na lulunukin niya ang mga bala ay labis na nakakatakot para sa kanya. Marahil ay madali lang lunukin ang mga ito, pero siguradong hindi simple ang paglabas nito.Sandaling pumasok sa isip niya kung gagamitin ba niya ulit ang pangalan ng Burning Angels para takutin si Charlie, o kung makikipag-ayos na lang siya gaya ng madalas gawin sa underworld, para makita kung kahit papaano ay magpapakita ng respeto si Charlie. Kapag kuntento ang dalawa, baka nga maging magkaibigan pa sila sa inuman.Hindi lang sa Oskia uso ang ganitong sitwasyon, kundi pati na rin sa buong America. Ang mahalaga, alam mo kung paano kunin ang kiliti ng kabila.Pero pagdating sa paghingi ng kapayapaan, hindi siya makalakas-
Halos patay na ang leader, at nawala na ang lahat ng yabang niya. Kita sa mukha niya ang matinding takot at kaba.Tinitigan siya ni Charlie at sinampal siya nang malakas sa mukha.Umalingawngaw sa buong roast goose shop ang tunog ng sampal.Nang makita niyang mabilis na namaga ang pisngi ng lalaki, ngumiti si Charlie at sinabi, “Mga siga ba talaga kayo? Burning Angel daw? Sinong nagbigay sa inyo ng pangalan na yan? Tingnan mo ang namumula at namamagang mukha mo. May kinalaman ba yan sa pagiging anghel?”Sobrang sakit ng pisngi ng lalaki pagkatapos siyang sampalin, pero wala siyang magawa kundi umiyak at sabihin, “Pasensya na po, patawad talaga! Hindi ko alam na marunong pala kayo sa martial arts. Patawarin niyo kami, hindi na po kami babalik dito!”Napakunot-noo si Charlie at muling sinampal siya nang malakas.Sa lakas ng sampal, parang nasaktan pati pandinig ng apat na kasamahan niya.Pagkatapos ng pangalawang sampal, nakangiti siyang tinanong Charlie, “Hindi ba ang tapang mo k
Wala ni isa ang naglakas-loob na kumontra nang tanungin ni Charlie ang ama, lolo, at maging ang lolo sa tuhod ni Homer kung kumbinsido silang siya nga ang pumatay kay Homer.Ngayon naman, ilang miyembro ng gang na walang alam ang naglakas-loob na takutin si Charlie gamit ang baril. Hindi basta-basta palalampasin ni Charlie ang mga iyon.Tinitigan ng leader si Charlie, pero hindi man lang natakot si Charlie. Sa halip, tumingin si Charlie kay Angus at sinabi, “Kunan mo ako ulit ng kanin. Sayang ang pagkain dahil sa basurang ito. Pero paluluhurin ko siya at ipapaligpit ko lahat ng butil ng kanin sa sahig gamit ang dila niya na parang aso.”Halos mabaliw na ang lalaki. Pinaputok na niya ang baril pero hindi pa rin natakot si Charlie. Kaya mas lalong nainis siya.Ibinuka niya nang malaki ang bibig niya, pinagtampal ang makakapal niyang labi, at galit na sinabi, “Oskian! Dahil gustong-gusto mong mamatay, ako na mismo ang maghahatid sayo sa Diyos!”Pagkasabi noon, madiin niyang hinila an
“Letse!” Galit na galit ang lalaki nang makita niyang hindi man lang natakot si Charlie, at tinutukso pa siya.Ginamit niya ang ilalim ng baril para itulak sa sahig ang lahat ng bote at garapon sa mesa, pagkatapos ay tumayo at itinutok ang dulo ng baril sa ulo ni Charlie habang galit na galit na sumigaw, “Oskian! Nasa America ka! Kapag nagwala ka dito, walang magpapauwi sayo sa Oskia at babarilin ka nila direkta sa ulo!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Sobrang yabang mo talaga.”Pagkasabi noon, nawala ang ngiti niya at may pangungutya niyang sinabi, “Ang malas mo lang, hindi ako natatakot kahit kaunti.”Nagngalit ang lalaki at sinabi, “Letse! Sawa ka na siguro mabuhay!”Kalmado lang na iniunat ni Charlie ang mga kamay niya at sinabi, “Nandito ako ngayon, kaya kahit nasusunog na anghel ka pa o ligaw na aso mula sa crematorium, kapag naglakas-loob kang harapin ako, kailangan mo muna akong aliwin. Kung maaaliw ako, baka pagbigyan ko ang buhay mo. Pero kung mabwisit ako sa'yo, pupuguta