Home / Urban / Ang Maalindog na Charlie Wade / Chapter 401 - Chapter 410

All Chapters of Ang Maalindog na Charlie Wade: Chapter 401 - Chapter 410

5605 Chapters

Kabanata 401

Mayroong labing-limang palapag ang Glorious Club.Maliban sa lobby sa unang palapag, ang labing-apat na palapag ay ginagamit bilang entertainment venue.May mga pribadong kwarto na may iba’t ibang laki at istilo sa pangalawa hanggang sa ikasampung palapag. Kahit ang mga pribadong kwarto ng ordinaryong Classic member ay sobrang marangya, lalo na ang mga pribadong kwarto para sa mga VIP Gold member. Ang mga pribadong kwarto na iyon ay nararapat para sa isang hari!Para naman sa ikalabing-isa hanggang sa ikalabing-apat na palapag, may mga swimming pool, isang sky garden, pati na rin ang mga fitness at entertainment facility para sa mga miyembro.Sa mga palapag na iyon, ang ikalabing-limang palapag ang pinaka marangya.Nang dumating sila sa ikalabing-limang palapag, naramdaman ni Charlie ang marangyang kapaligiran sa sandaling lumabas siya ng elevator.Kamangha-mangha talaga ang dekorasyon at disenyo sa palapag na ito at ang bawat sulok ng palapag ay sobrang marangya at elegante. Wal
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 402

Maganda nga ang Feng Shui sa Glorious Club sa isang tiyak na antas. Pero, sa tingin ni Charlie, walang pambihira tungkol dito.Sa totoo lang, marahil ay maganda para sa ordinaryong tao ang Feng Shui dito, pero para kay Charlie, parang isang simpleng tubig lang ang Feng Shui sa pangalawang palapag. Walang kalamangan o pinsala dito, pero wala rin itong lasa at simple lang.Dahil nangako na si Charlie kay Jasmine, ayos lang kay Charlie na pataasin ang Feng Shui sa Glorious Club.Sa sandaling ito, nag-isip si Charlie habang pinagsasama niya ang mga sikretong Feng Shui na pinag-aralan niya sa Apocalyptic Book bago siya nakaisip ng maraming ideya kung paano palalakasin ang Feng Shui sa lugar na ito.Sa sandaling iyon, biglang narinig ang isang boses ng babae sa likod niya.“Charlie, ikaw basura! Anong ginagawa mo dito?”Sa sandaling narinig niya ito, kumunot ang noo ni Charlie bago siya tumalikod. Sa oras na iyon, nakita niya si Wendy at ang isang lalaking may suot na puting Zegna suit
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 403

Tumawa nang malakas si Charlie sa sinabi ni Jeffrey. Hindi siya nainis, sa halip, tumingin siya kay Jeffrey na may kalmadong ngiti at tinanong, “Ah, sabihin mo, bakit hindi ako nararapat dito?”Tumingin nang masama sa kanya si Jeffrey na may mapagmataas na ekspresyon at suminghal, “Hah, kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Syempre hindi ka nararapat dito! Tingnan mo ang magulo mong damit—p*ta, mas masahol ka pa sa mga tagaparada ng kotse!”Humagikgik si Charlie. “Pinili ko ang sinuot ko. May dress code ba ang Glorious Club na dapat sundin?”Umirap si Jeffrey. “Syempre hindi. Pwede mong isuot ang gusto mo, pero ito ay isang club ng mga miyembro lamang! Hindi pwede ang hindi miyembro!” Sumulyap siya kay Charlie nang masungit. “Classic member ka ba dito?”Umiling nang kaunti si Charlie. “Hindi.”“Silver member ka?”“Hindi.”Isang mapanghamak na kutya ang narinig. “Huwag mong sabihin na isa kang Gold member!”Kaswal na sumagot si Charlie. “Hindi.”Tumawa si Jeffrey. “Hahaha! Diyos
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 404

Kinuha ni Jeffrey ang card at agad sumimangot nang tingnan niya ito.Una, sobrang galing ng pagkakagawa ng card na ito! Mas maganda pa ito sa Classic membership card!Pero hindi niya pa narinig ang tungkol sa Supreme Member level ng Glorious Club! Halatang apat lang ang antas ng membership dito!May sagot si Jeffrey sa kanyang isipan—ginawa ni Charlie nang ilegal ang card!Letse, ang tapang ng mabahong talunan na ito! Gaano siya kangahas na gumawa ng iligal na membership card ng pamilya Moore! Parang gumagawa na rin siya ng iligal na cheque!Kaya, humalukipkip ang mga braso niya at suminghal nang mayabang, “Pare, mabuti pang humingi ka na ng tawad sa akin ngayon din at umalis ka na dito! Huwag mong hintayin na tawagan ko pa si Tito Osca, ang mayordomo ng pamilya Moore. Alam mo ba ang relasyon namin ni Tito Oscar? Magkumpare sila ng ama ko!”Sa totoo lang, walang kinalaman ang ama ni Jeffrey kay Tito Oscar. Nanggaling lang sila sa parehong bayan, at kaunting mas matagal na magkaki
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 405

Habang umaalingawngaw ang malakas na sigaw ni Oscar sa hall, naglabas ng masamang ngiti si Jeffrey sa kanyang mukha. Tumingin siya kay Charlie at kinutya, “Uh oh, nandito na si Tito Oscar. Patay ka na, talunan! Kahit ang mga diyos ay hindi ka kayang maligtas”Pagkatapos, lumingon si Jeffrey kay Oscar, tinuro si Charlie, at nagreklamo, “Tito Oscar, may talunan dito na hindi lamang nagpapanggap ng miyembro ng club, ngunit wala rin siyang galang kay Miss Moore. Dapat mo siyang turuan ng leksyon!”Sumimangot si Oscar sa direksyon kung saan tumuro si Jeffrey, pero hindi na masyadong malinaw ang mga matandang mata niya, kaya hindi niya nakilala si Charlie sa malayo. Pero nakikita niya si Jeffrey, dahil nakatayo siya malapit sa kanya.Dahil si Jeffrey ay anak ng matanda niyang kakilala, mas pamilyar siya sa kanya at nagtiwala siya sa mga sinabi niya, kaya inutos niya nang mahigpit, “Sino ito? Security, patumbahin niyo siya!”Ilang matipunong security guards ang mabangis na sumugod sa kani
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Kabanata 406

Nang walang sinasabi, lumuhod si Oscar sa harap ni Charlie at sinabi habang nanginginig at parang nananampalatayang boses, “Master Wade, patawarn mo sana ako sa mga nagawa kong mali. Pakisabi ang mga pagkakamali ko at itatama ko agad ang mga ito!”Tumango si Charlie. Tumingin siya nang mababa kay Oscar, tinuro ang nagulantang Jeffrey, at tinanong, “Sinabi ng lalaking iyon na magkumpare kayo ng ama niya, totoo ba ito?”Sumulyap si Oscar kay Jeffrey at mabilis na sinabi, “Galing kami ng ama niya sa iisang bayan. Magkakilala kami nang kaunti, pero siguradong hindi kami magkumpare.”“Okay.” Tumango ulit si Charlie at tinanong, “Ginagamit ng lalaking iyon at ang p*kpok niya ang pangalan mo para insultuhin ako, pagbantaan, at gusto pa akong patayin. Anong tingin mo dito?”Naintindihan agad ni Oscar. Ang sama ng loob ni Charlie sa kanya ay talagang nanggaling kay Jeffrey ang hayop na iyon. Sinigaw niya nang galit kay Jeffrey, “G*go! Pumunta ka dito at humingi ka ng tawad kay Master Wade p
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Kabanata 407

Natakot nang sobra si Jeffrey sa nakamamatay na tingin ni Oscar at nanginig siya sa takot, pero nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabi, “Tito Oscar, walang sinabing Supreme VIP member sa information board sa looby sa unang palapag. Gawa-gawa niya lang ito! Huwag kang magpaloko sa kanya!”“Tama!” Umirap din si Wendy, hindi alam na nasa gitna na siya ng gulo. “Wala pa akong nakikitang tao na napaka walang hiya at mayabang sa buong buhay ko! Nagkunwari siyang miyembro, pineke ang antas ng membership, at gumawa pa ng iligal na membership card! Wala siyang respeto sa pamilya Moore!”Gusto na talaga ni Wendy na mawala sa mundong ito si Charlie at dinugtong niya ang ginawa ni Charlie sa pagpapahiya sa pamilya Moore para hindi makalimutan ng pamilya Moore ang mga maling ginawa ni Charlie.Pero talagang hindi niya pinansin ang relasyon ni Charlie sa pamilya Moore.Hindi siya naniniwala na may koneksyon at kakilala si Charlie sa sirkulo ng mga makapangyarihang tao tulad ng sinabi niya
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Kabanata 408

Sinabi nang malamig ni Oscar, “Sige. Kung ayaw mong gawin ito, magpapadala ako sa mga tauhan ko ng 10 kilong purong pabango mula sa bodega—tig-limang kilo kayo. Hindi kayo makakaalis hangga’t hindi niyo ito nauubos!”Mayroong labing-limang palapag ang Glorious Club at malawak ang bawat palapag nito. Ang bawat palapag ay puno ng marangya at mahal na bango. Kaya, sobrang daming pabango ang nakatago sa kanilang bodega.Nanginig sa takot si Jeffrey, naging berde ang mukha niya nang marinig niya na limang kilong pabango ang kailangan niyang inumin.Sa limang kilong purong pabango, kalahati nito ay alcohol at iba’t ibang chemical additive, mush additive, at antiseptic additive. Kung iinumin niya talaga ang limang kilong pabango, kahit si Hades ay hindi siya mapipigilang mamatay!Nainis si Oscar sa pag-aalangan ni Jeffrey at sumigaw sa mga guwardiya, “Kung ayaw nilang gawin ito, bugbugin niyo muna sila sa simula!”“Masusunod, boss!”Sa utos niya, sumugod ang mga matipunong guwardiya at
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Kabanata 409

Alam ng lahat na nakakadiri ang ihian sa banyo ng lalaki, pero hindi nakamamatay ang pagdila dito.Pero kapag uminom ka ng limang kilong pabango, siguradong mamatay ka!Sobrang yabang nina Jeffrey at Wendy, pero buhay nila ang nakataya dito.Ano naman kung didilaan nila ang mga ihian? Hindi ito mahalaga, pwede nilang hugasan ang kanilang mga bibig at mag-toothbrush nang ilang beses!Dahil pinili nila ang parusang pagdila sa mga ihian, inutos ni Oscar, “Kaladkarin niyo sila papunta sa banyo ng mga lalaki ngayon din!”Kinaladkad ng mga security guard sina Jeffrey at Wendy papunta sa banyo ng lalaki sa pangalawang palapag na tila ba kinakaladkad nila ang dalawang patay na aso. Tinanong ni Oscar si Charlie, “Master Wade, gusto mo bang pamahalaan ito?”Tumango si Charlie. “Syempre! Paano ko mapapalampas ang nakakawiling bagay?”Hinatid ni Oscar si Charlie sa banyo.Tinulak ng mga guwardiya sina Jeffrey at Wendy sa isang ihian at sinabi nang malamig, “Bilis, ano pang hinihintay niyo?
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Kabanata 410

”Ah, hindi mo kaya ito?” Humagikgik si Charlie at sinabi kay Oscar, “Tawagan mo si Albert at ipadala mo ang dalawang ito sa dog-fighting ring. Pagpira-pirasuhin mo sila at ipakain sa mga aso tulad ng ginawa natin kay Mr. Lannerd!”Tumango agad si Oscar. “Opo, Master Wade!”Kamakailan, nahuli ang manlolokong master ng Feng Shui mula sa Hongkong, si Mr. Lannerd, dahil niloko niya si Miss Moore at pinadala sa dog-fighting ring ni Albert.Magaling si Albert sa mga ganitong bagay. Pamilyar na siya dito.Natakot sina Jeffrey at Wendy sa banta ni Charlie. Hindi sila makakalaban, kailangan nilang tanggapin ang kapalaran nila.Sinabi ni Jeffrey para sa kanyang buhay, “Okay, gagawin ko! Gagawin ko!”Pagkatapos, agad siyang sumugod sa ihian.Umiyak si Wendy, tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi na parang ilog.Ito na ang pinaka nakakahiyang bagay na pinagdaanan niya sa buong buhay niya at ito rin ang pinakamalalang paghihirap...Ayaw nang manatili ni Charlie dito at panoorin ang galing
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more
PREV
1
...
3940414243
...
561
DMCA.com Protection Status