Nang walang sinasabi, lumuhod si Oscar sa harap ni Charlie at sinabi habang nanginginig at parang nananampalatayang boses, “Master Wade, patawarn mo sana ako sa mga nagawa kong mali. Pakisabi ang mga pagkakamali ko at itatama ko agad ang mga ito!”Tumango si Charlie. Tumingin siya nang mababa kay Oscar, tinuro ang nagulantang Jeffrey, at tinanong, “Sinabi ng lalaking iyon na magkumpare kayo ng ama niya, totoo ba ito?”Sumulyap si Oscar kay Jeffrey at mabilis na sinabi, “Galing kami ng ama niya sa iisang bayan. Magkakilala kami nang kaunti, pero siguradong hindi kami magkumpare.”“Okay.” Tumango ulit si Charlie at tinanong, “Ginagamit ng lalaking iyon at ang p*kpok niya ang pangalan mo para insultuhin ako, pagbantaan, at gusto pa akong patayin. Anong tingin mo dito?”Naintindihan agad ni Oscar. Ang sama ng loob ni Charlie sa kanya ay talagang nanggaling kay Jeffrey ang hayop na iyon. Sinigaw niya nang galit kay Jeffrey, “G*go! Pumunta ka dito at humingi ka ng tawad kay Master Wade p
Natakot nang sobra si Jeffrey sa nakamamatay na tingin ni Oscar at nanginig siya sa takot, pero nilinis niya ang kanyang lalamunan at sinabi, “Tito Oscar, walang sinabing Supreme VIP member sa information board sa looby sa unang palapag. Gawa-gawa niya lang ito! Huwag kang magpaloko sa kanya!”“Tama!” Umirap din si Wendy, hindi alam na nasa gitna na siya ng gulo. “Wala pa akong nakikitang tao na napaka walang hiya at mayabang sa buong buhay ko! Nagkunwari siyang miyembro, pineke ang antas ng membership, at gumawa pa ng iligal na membership card! Wala siyang respeto sa pamilya Moore!”Gusto na talaga ni Wendy na mawala sa mundong ito si Charlie at dinugtong niya ang ginawa ni Charlie sa pagpapahiya sa pamilya Moore para hindi makalimutan ng pamilya Moore ang mga maling ginawa ni Charlie.Pero talagang hindi niya pinansin ang relasyon ni Charlie sa pamilya Moore.Hindi siya naniniwala na may koneksyon at kakilala si Charlie sa sirkulo ng mga makapangyarihang tao tulad ng sinabi niya
Sinabi nang malamig ni Oscar, “Sige. Kung ayaw mong gawin ito, magpapadala ako sa mga tauhan ko ng 10 kilong purong pabango mula sa bodega—tig-limang kilo kayo. Hindi kayo makakaalis hangga’t hindi niyo ito nauubos!”Mayroong labing-limang palapag ang Glorious Club at malawak ang bawat palapag nito. Ang bawat palapag ay puno ng marangya at mahal na bango. Kaya, sobrang daming pabango ang nakatago sa kanilang bodega.Nanginig sa takot si Jeffrey, naging berde ang mukha niya nang marinig niya na limang kilong pabango ang kailangan niyang inumin.Sa limang kilong purong pabango, kalahati nito ay alcohol at iba’t ibang chemical additive, mush additive, at antiseptic additive. Kung iinumin niya talaga ang limang kilong pabango, kahit si Hades ay hindi siya mapipigilang mamatay!Nainis si Oscar sa pag-aalangan ni Jeffrey at sumigaw sa mga guwardiya, “Kung ayaw nilang gawin ito, bugbugin niyo muna sila sa simula!”“Masusunod, boss!”Sa utos niya, sumugod ang mga matipunong guwardiya at
Alam ng lahat na nakakadiri ang ihian sa banyo ng lalaki, pero hindi nakamamatay ang pagdila dito.Pero kapag uminom ka ng limang kilong pabango, siguradong mamatay ka!Sobrang yabang nina Jeffrey at Wendy, pero buhay nila ang nakataya dito.Ano naman kung didilaan nila ang mga ihian? Hindi ito mahalaga, pwede nilang hugasan ang kanilang mga bibig at mag-toothbrush nang ilang beses!Dahil pinili nila ang parusang pagdila sa mga ihian, inutos ni Oscar, “Kaladkarin niyo sila papunta sa banyo ng mga lalaki ngayon din!”Kinaladkad ng mga security guard sina Jeffrey at Wendy papunta sa banyo ng lalaki sa pangalawang palapag na tila ba kinakaladkad nila ang dalawang patay na aso. Tinanong ni Oscar si Charlie, “Master Wade, gusto mo bang pamahalaan ito?”Tumango si Charlie. “Syempre! Paano ko mapapalampas ang nakakawiling bagay?”Hinatid ni Oscar si Charlie sa banyo.Tinulak ng mga guwardiya sina Jeffrey at Wendy sa isang ihian at sinabi nang malamig, “Bilis, ano pang hinihintay niyo?
”Ah, hindi mo kaya ito?” Humagikgik si Charlie at sinabi kay Oscar, “Tawagan mo si Albert at ipadala mo ang dalawang ito sa dog-fighting ring. Pagpira-pirasuhin mo sila at ipakain sa mga aso tulad ng ginawa natin kay Mr. Lannerd!”Tumango agad si Oscar. “Opo, Master Wade!”Kamakailan, nahuli ang manlolokong master ng Feng Shui mula sa Hongkong, si Mr. Lannerd, dahil niloko niya si Miss Moore at pinadala sa dog-fighting ring ni Albert.Magaling si Albert sa mga ganitong bagay. Pamilyar na siya dito.Natakot sina Jeffrey at Wendy sa banta ni Charlie. Hindi sila makakalaban, kailangan nilang tanggapin ang kapalaran nila.Sinabi ni Jeffrey para sa kanyang buhay, “Okay, gagawin ko! Gagawin ko!”Pagkatapos, agad siyang sumugod sa ihian.Umiyak si Wendy, tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi na parang ilog.Ito na ang pinaka nakakahiyang bagay na pinagdaanan niya sa buong buhay niya at ito rin ang pinakamalalang paghihirap...Ayaw nang manatili ni Charlie dito at panoorin ang galing
Pumasok si Charlie sa elevator at pumunta sa pinakamataas na palapag, ang 15th floor. Nakita niya si Jasmine at sinabi niya ang kanyang opinyon tungkol sa Feng Shui ng club.Nabigo nang kaunti si Jasmine nang marinig niya na hindi kapansin-pansin at sapat lang ang Feng Shui. Mukhang hindi magaling ang master ng Feng Shui na kinuha niya dati.Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, may ideya ka ba kung paano pabutihin ang aura ng club?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Magpatanim ka ng dalawang pine tree sa unang palapag, ilagay mo sila sa timog-silangan at hilagang-kanluran na magkaharap sa sulok. Pagkatapos, palitan mo ang dalawang batong haligi sa main door ng dalawang batong liyon, hindi isang lalaki at isang babae, at hindi dapat isang babaeng liyon at isang batang liyon. Dapat ay dalawang lalaking liyon, at hindi dapat sila magkahelera. Ang mga mata nila ay dapat 90-degree ang angulo. Magpagawa ka ng dalawang gintong foil at ilagay mo sila sa ilalim ng batong liyon. Kapag gina
Pero nang inisip niya ulit ito, hindi, nakuha niya ang nararapat sa kanya!Si Wendy ay isang babae na may pusong kasing sama ng mga ahas at alakdan! Sobrang daming okasyon na sinulsulan niya ang iba para insulutuhin siya at gusto niya pang tanggalin ang pagkalalaki niya! Kung hindi dahil sa koneksyon niya at abilidad, namatay na siya sa mga plano ni Wendy.Kaya, tinuturuan niya lang siya ng leksyon na hindi niya malilimutan sa buong buhay niya!Sinabi ni Charlie kay Oscar, “Aalis na ako, hinihintay ako ni Miss Moore sa ibaba. Bantayan mo sila nang maigi. Kapag nalaman ko na madali mo silang pinakawalan, ikaw ang hahanapin ko!”Yumuko nang takot si Oscar, “Huwag kang mag-alala, Master Wade, palagi ko silang babantayan! Hindi ko sila pagbibigyan!”“Sige.” Tumango si Charlie at tumalikod.Pagkatapos niyang umalis, binilisan nina Wendy at Jeffrey ang pagdila sa nakakadiring ihian dahil natatakot sila na mapaparusahan sila sa kabagalan nila.Nang matapos nilang dilaan ang lahat ng ih
Sa kanyang Rolls-Royce, hinatid ni Jasmine si Charlie hanggang sa supermarket.Hindi matagal, tumigil ang Rolls-Royce sa harap ng supermarket. Sinabi ni Charlie kay Jasmine habang lumalabas siya ng kotse, “Salamat sa angkas. Bye.”Tumango sa kanya si Jasmine, kumplikado at hindi malinaw ang kanyang hitsura. “Magkaroon ka sana ng magandang araw, Master Wade. Palagi kang tatanggapin sa Glorious Club, sana ay pumunta ka at magsaya sa mga pasilidad nito kapag libre ka, ako mismo ang magsisilbi sa iyo doon.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sumagot, “Okay, bibisita ako kapag libre ako. Bye.”Tumagno si Jasmine. “Sige po, Master Wade, bye.”Nagpaalam siya nang magalang kay Charlie. Habang pinapanood niyang maglaho si Charlie sa mga tao sa supermarket, nagbuntong hininga siya at nalungkot.Naramdaman niya na hindi ito makatarungan at nakakabigo kapag si Charlie, ang totoong dragon na makapangyarihan, ay kailangan magmadali sa supermarket upang bumili ng mga sangkap para makapagluto ng
Alam ni Charlie na may pambihirang impluwensya si Emmett sa Eastcliff. Kaya sa tulong niya, siguradong magiging matagumpay ang mungkahi ni Vera. Bukod pa roon, mataas din ang posibilidad na maisakatuparan ang plano ni Vera. Basta’t suportado ito ng mga nasa kapangyarihan at ipakita lang nila na seryoso sila sa mga Acker, magiging ligtas na ang mga Acker sa Oskia.Kahit gaano pa katapang at kapusok si Fleur, hindi niya kakayaning labanan nang lantaran ang isang bansa, maliban na lang kung sawa na talaga siyang mabuhay, dahil apat na raang taon na siyang nabubuhay.Ngunit ayon sa pagkakaintindi ni Charlie, habang tumatagal ang buhay ng isang tao, lalo niyang pinapahalagahan ang buhay niya at mas natatakot sa kamatayan. At si Fleur, na apat na raang taon nang nabubuhay, ay siguradong takot na takot mamatay. Kung hindi, hindi sana siya tumakas mula sa bundok sa ganoong kahabag-habag na kalagayan.Nang makita ni Vera na wala namang tutol si Charlie sa mungkahi niya, agad niyang tinawagan
Inutusan ni Charlie si Shawn sa tawag na ayusin ang isang private plane para sunduin si Janus papuntang Aurous Hill ngayong alas-nuwebe ng gabi at humiling ng convoy mula sa bahay ni Janus papuntang airport. Kahit na hindi natuwa si Shawn dito, hindi siya naglakas-loob na kumontra at napilitan na lang siyang sumang-ayon habang pilit na nakangiti.Pagkatapos, nagpaalam sina Charlie at Vera sa lolo ni Charlie na si Jeremiah.Sa eroplano, tinanong ni Vera si Charlie, “Young Master, hindi ba masyadong minamadali kung pupunta ka ng New York ngayong gabi? Magkakaroon ka lang ng nasa mahigit sa sampung oras sa Aurous Hill.”Umiling si Charlie at sinabi, “Bukod sa pagpunta ko sa lolo at lola ko at pagbibigay ng balita sa mga nangyari kailan lang, gusto ko ring alamin kung may maiisip silang anumang mahalagang impormasyon. At saka gusto ko ring bumisita sa mga biyenan ko bago umalis.”Tumango si Vera at sinabi nang malambot, “Muntik ko nang makalimutan na nasa United States din ang asawa mo.
Ipinadala ni Charlie ang litrato kay Janus sa WhatsApp at nagpadala ng isang voice message: ‘Uncle Janus, pwedeng mo ba akong tulungan at tingnan kung kilala mo ang taong ito sa tabi ng aking ama?’Mabilis na sumagot si Janus gamit ang voice message: ‘Young Master, nakita ko na ang taong ito sa litrato. Ang pangalan niya ay Biden Cole, pero hindi ako masyadong pamilyar sa kanya. Ang alam ko lang ay isa siyang Oskian na antique dealer na may malapit na ugnayan sa iyong tatay.’Nang marinig ni Charlie na kilala ni Janus ang taong ito, agad niyang tinawagan si Janus. Pagkakonekta ng tawag, sabik niyang tinanong, “Uncle Janus, pwedeng mo bang sabihin sa akin ang tungkol kay Biden Cole nang detalyado?”Sinabi ni Janus, “Ang pamilya ni Biden ay matagal nang nakikibahagi sa negosyo ng mga antiques sa ibang bansa, karamihan ay nakatutok sa Europe at America. Bukod sa United States, may negosyo rin sila sa England at France. May reputasyon ang pamilya niya sa industriya ng mga antique sa Euro
Pagkatapos niyang magsalita, tahimik niyang tinanong si Charlie, “Charlie, bakit ka tinatawag ni Miss Lavor na ‘Young Master’?”Nag-isip sandali si Charlie, saka ngumiti at sinabi, “Mahilig siya sa ancient culture. Huwag ka nang magulat kung tawagin pa niya ang sarili niya bilang 'ang aba'.”Umiling si Jeremiah at ngumiti habang sinasabi, “Matanda na ako, hindi ko na talaga maintindihan ang hilig ng mga kabataan ngayon.”Pagkatapos ay hininaan niya ulit ang boses niya at sinabi kay Charlie, “Pero may tindig talaga si Miss Lavor na parang isang maharlikang babae. Medyo bata lang siya. Kung hindi, bagay sana siya sayo.”“Oo nga, bata pa talaga siya…” Tumango si Charlie habang nakangiti, pero sa isip niya, ‘Kung alam mo lang na mahigit tatlong daan taon na si Vera, baka magulat ka nang sobra.’Pagkatapos nito, sabay na silang pumunta ni Jeremiah sa dining room.Binubuksan ni Vera ang mga biniling almusal nang inabot ni Charlie ang photo album kay Jeremiah at tinanong siya, “Lolo, naa
Hatinggabi na nang lumayag ang isang cargo ship mula sa Blue Bay, sakay si Stephen papuntang Tahiti sa South Pacific.Nakatayo si Stephen sa hulihan ng barko at nilamon ng emosyon habang pinapanood ang lungsod na unti-unting nawawala sa dilim ng gabi. Dati siyang pinagkakatiwalaang tauhan ni Curtis, ang ama ni Charlie. Dalawampung taon na ang nakalipas nang ibigay sa kanya ni Curtis ang dalawang misyon: una, protektahan ang kaligtasan ni Charlie pagkatapos ng mangyayari sa kanya, at pangalawa, sundin ang lahat ng utos ni Ashley. Sa paglipas ng mga taon, kahit nanatili siyang butler ng pamilya Wade, ang lahat ng ginawa niya ay ayon talaga sa mga utos ni Ashley.Sa mahigit sampung taon, kahit si Jeremiah ay walang alam kung buhay pa ba o patay na si Charlie. Dahil hindi inatasan ni Curtis si Stephen na ipaalam ang sitwasyon ni Charlie kay Jeremiah. Si Ashley pa rin ang may hawak ng lahat sa likod ng mga pangyayari.Nang maramdaman lang ni Ashley na dumating na ang tamang panahon, saka
Napabuntong-hininga si Charlie at sinabi, “Posible nga. Sa biglaan niyang pag-alis, parang pakiramdam ko na mahihirapan na akong makita siya ulit. Matalinong tao siya, at alam niyang hindi siya pwedeng magtago habambuhay. Kaya hindi niya gagawin na patayin lang ang cellphone niya ngayong gabi tapos babalik lang bukas sa Wade Mansion na parang walang nangyari, maliban na lang kung disidido na siyang hindi na muling magpakita pagkatapos niyang umalis.”Nagulat si Vera at nagtanong, “Sa puntong ito, ano pa bang itinatago ni Mr. Thompson sa iyo? Hindi ba’t matagal na niyang tinutupad ang mga utos ng iyong ama? Bakit bigla na lang siyang aalis ngayon? Alam ba niyang tatanungin mo siya tungkol sa mga larawan na ito?”Umiling si Charlie at sinabi, “Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero base sa pagkakakilala ko sa kanya, tapat siya sa pamilya Wade. Baka may sarili siyang dahilan kung bakit siya umalis nang hindi nagpapaalam, o baka ito rin ay bahagi ng mga plano ng aking ama.”Sinabi
Alam ni Charlie na si Stephen ang dating pinaka-pinagkakatiwalaang tauhan ng kanyang ama, at sigurado siyang maraming masusing plano ang iniwan ng ama niya noon. Kahit matagal nang nagsisilbi si Stephen sa pamilya Wade, ang totoo, halos lahat ng oras at lakas niya ay nakatuon sa pagtupad ng mga misyon na binigay sa kanya ng kanyang ama.Nang maalala ni Charlie na bahagi rin si Raymond ng plano ng kanyang ama, naisip niyang malamang ay may alam din si Stephen tungkol sa kanya. Kaya sinabi niya kay Vera, “Hindi ko pa masyadong natanong si Mr. Thompson ng mga detalye dati, pero mukhang kailangan ko na talagang kausapin siya ngayon at hingan siya ng malinaw na sagot.”Sa sandaling iyon, nakatuon ang isip ni Charlie sa pagbubunyag ng lahat ng nangyari noon at ng mga planong iniwan ng kanyang ama. Kahit pa kailangan niyang gumamit ng psychological hints kay Stephen, determinado siyang makuha ang lahat ng impormasyon na alam ni Stephen.Dahil doon, sinabi niya kay Vera, “Hahanapin ko na si
Sinabi ni Charlie, “Makakauwi rin ako agad, siguro mga isa o dalawang araw pa.”Sagot ni Jacob, “Ayos! Pagbalik mo, maghanap tayo ng lugar na pwedeng mag-barbecue at mag-beer!”“Sige.”Pagkatapos pumayag sa hiling ni Jacob, nagpaalam si Charlie sa kanya sa tawag. Pagkababa niya ng tawag, tinanong niya si Vera na nasa harapan niya, “Miss Lavor, ano sa tingin mo?”Sagot ni Vera, “Sa tingin ko, hindi nagsinungaling ang biyenan na lalaki mo, at tugma ang kwento niya sa hinala ko.”Nagpatuloy si Vera, “Naniniwala ako na posibleng matagal nang pinaghandaan ng ama mo, halos dalawampung taon na, ang pagkuha mo sa Apocalyptic Book. Base sa kwento ng biyenan na lalaki mo, kusa talagang nabasag ang vase, at yung vibration na binanggit niya, baka galing talaga iyon sa mismong Apocalyptic Book.”“Kaya ang hinala ko, hindi lang kung sino-sino ang pwedeng makakuha ng Apocalyptic Book sa pamamagitan ng vase. Dapat ang tao ay pasok sa mga requirements ng libro at karapat-dapat para mabuksan ito. S
Sinabi ni Jacob nang hindi nasisiyahan, “Syempre hindi ako malamya. Alam mo naman ang kalagayan ko sa pera. Si Elaine ang humahawak ng lahat ng pera sa bahay, at halos wala akong naitatabi, baka ilang libo lang. Kaya kahit anong antique ang tinitingnan ko, doble-ingat ako palagi. Baka mabitawan ko, mahawakan nang mali, o mapagbintangan pa akong may ginagawang kalokohan…”Sa puntong ito, nagpatuloy si Jacob nang naiinis, “Sa araw na iyon, parang may sumpa rin yung jade vase na iyon. Pagkahawak ko, parang may langis, at dumulas agad ito mula sa kamay ko. Nahulog ito sa sahig at nabasag. Baka sinadya talaga ni Mr. Cole na pagbintangan ako.”Napaisip si Charlie, “Pa, noong nabasag yung jade vase, ako ang nag-ayos noon gamit ang egg whites. Hindi ko naman maalalang parang may langis iyon. Ang pagkakaalala ko, medyo magaspang ang vase dahil galing pa iyon sa Tang Dynasty. Hindi makinis ang glaze, parang may buhangin pa nga ang pakiramdam kapag hinawakan. Paano ito dumulas sa kamay mo?”“Eh