Sa kanyang Rolls-Royce, hinatid ni Jasmine si Charlie hanggang sa supermarket.Hindi matagal, tumigil ang Rolls-Royce sa harap ng supermarket. Sinabi ni Charlie kay Jasmine habang lumalabas siya ng kotse, “Salamat sa angkas. Bye.”Tumango sa kanya si Jasmine, kumplikado at hindi malinaw ang kanyang hitsura. “Magkaroon ka sana ng magandang araw, Master Wade. Palagi kang tatanggapin sa Glorious Club, sana ay pumunta ka at magsaya sa mga pasilidad nito kapag libre ka, ako mismo ang magsisilbi sa iyo doon.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sumagot, “Okay, bibisita ako kapag libre ako. Bye.”Tumagno si Jasmine. “Sige po, Master Wade, bye.”Nagpaalam siya nang magalang kay Charlie. Habang pinapanood niyang maglaho si Charlie sa mga tao sa supermarket, nagbuntong hininga siya at nalungkot.Naramdaman niya na hindi ito makatarungan at nakakabigo kapag si Charlie, ang totoong dragon na makapangyarihan, ay kailangan magmadali sa supermarket upang bumili ng mga sangkap para makapagluto ng
Pagkatapos niyang makauwi at gumawa ng hapunan, si Jacob, na buong araw nasa labas, ang naunang dumating, pagkatapos ay si Claire na buong araw abala sa kanyang trabaho.Pagkatapos ihanda ang pagkain sa lamesa, nagmamadaling bumalik nang masaya si Elaine at sinabi nang mayabang, “Hoy kayo, nanalo ako sa baraha nang mahigit pitong libo ngayong araw!”Sumagot nang hindi nag-iisip si Jacob, “Wow, mahal, ang galing! Pitong libo araw-araw, dalawang daan at sampung libo kada buwan!”Sumimangot si Claire, hindi nasiyahan, “Ma, ayos lang sa akin na maglaro ka ng baraha paminsan-minsan kapag naglilibang ka at naiintindihan ko rin kapag nanalo ka nang kaunti, pero pitong libo araw-araw? Hindi ba’t sobra ito? Mag-ingat ka at huwag kang ma-adik. Masyado itong mapanganib!”Iwinagayway ni Elaine ang kanyang kamay at sinabi, “Alam ko ang ginagawa ko, huwag mo na akong pagsabihan. Mga baguhan lang ang mga kalaro ko sa baraha, at malayo ang galing namin. Kaya kong manalo kahit nakapikit! Hindi mo b
Sa totoo lang, ayaw pumunta ni Charlie. Sa katunayan, tatanggihan niya pa ang alok ni Claire kung hindi dahil sa pangingialam ni Elaine sa kanila nang gano’n.Ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta ay dahil medyo lumalayo siya kay Loreen ngayon.Simula noong nalaman ni Loreen na siya ang tagapagligtas niya at ang kanyang pinapangarap na kasintahan pagkatapos niyang iligtas siya sa pangalawang beses, ilang beses na siyang nagtapat ng pagmamahal sa kanya.Ngayong inalok niya ang asawa niya na pumunta sa hot springs at pinipilit na imbitahin siya, marahil ay panakip lang ang asawa niya sa intensyon ni Loreen na makita siya.Sobrang hindi siya mapapalagay at hindi masisiyahan kung pupunta siya.Pero, nairita siya at nainis sa mga sinasabi at panunumbat ni Elaine.‘Ayaw mong pumunta ako, huh? ‘Eh di pupunta ako! Subukan mo ako!”Hindi inaasahan ni Elaine na susuwayin siya ni Charlie. Naghihingalo siya sa galit, pero hindi siya makapagsalita sa harap ni Claire.Dahil pumayag na s
Bago sila umalis, nag-alangan at nag-atubili nang akunti si Charlie.Hindi niya alam kung paano makikitungo sa madamdamin at matapang na babae tulad ni Lorren. Ayaw niyang saktan ang damdamin niya at ang mas mahalaga, ay niyang pagtaksilan si Claire.Sobrang namomroblema siya ngayon.Nag-aalala siya na magtatapat ulit sa kanya si Loreen sa hot springs at marahil ay may gawin din siya na mas malala.Sa kabilang dako, dahil nangako na siya sa kanyang asawa, imposibleng bawiin niya ito, kaya kailangan niyang pumunta tulad ng plano.Habang bumababa sila, nakita nila si Loreen na nakalabas ang ulo sa Mercedes-Benz at sinabi, “Charlie, ilagay mo ang mga gamit sa likod ng kotse at umupo ka sa likod. Paupuin mo si Claire sa harap para makapag-usap kami sa daan!”“Okay!” Tumango si Charlie, inilagay ang mga bagahe sa likod ng kotse, at umupo sa likod.Nang umupo siya, humarap si Loreen sa kanya at kumindat nang nahihiya.Nagkunwari si Charlie na hindi niya ito nakita at nag-unat habang
Sobrang sama ng loob at naiinis din si Loreen. Siya ang anak ng pamilya Thomas at hinding hindi niya kukunin ang sisi nang inosente, kaya tinulak niya ang pinto, lumabas agad ng kotse, at sumigaw, “Hoy, manahimik ka! Ikaw ang may kasalanan! Hindi mo ba nakikita na naka-reverse ako sa bakante? Bulag ka ba? Ang lakas ng loob mong pagalitan ako!”Hindi inaasahan ng binata na sasagutin siya ni Loreen. Sumigaw siya, “Diyos ko, isa nanamang bobong babaeng nagmamaneho! Siyam sa sampung pinakabobong nagmamaneho sa kalsada ay mga babae! Kaya mo bang magmaneho? Kung hindi, bumalik ka sa sinapupunan ng ina mo at mag-aral ka magmaneho bago ka ulit lumabas, huwag mong ipahiya ang sarili mo nang ganito!”Pagkatapos, dinagdag niya, “Kabibili ko lang ng kotseng ito sa halagang siyam na raang libo at ginasgas mo ito, letse! Magkano ang ibabayad mo?”Sumimangot si Loreen at sumagot, “Hoy, nauna ako! Nakita ko ang bakante at ipaparada ko na ang kotse ko nang bigla kang lumitaw at sinubukan mong agawin
Humarap ulit ang binata kay Charlie na may mabangis na hitsura at minura, “Hoy, bata, bayaran mo na kami habang mabait pa ako! Gusto naming pumunta ng girlfriend ko sa hot springs, kaya maging masunuring aso ka at umalis ka na dito!Sinabi nang malamig ni Charlie, “Paano naman kung ayaw ko?”Umirap ang binata. “Mga mahirap at mapagpanggap na ungas. Maghintay ka dito, ipapaalam ko sa iyo ang mangyayari kung hindi ka magbabayad.”Pagkatapos, nilabas niya ang kanyang selpon at tinawagan ang isang tao. “Hey, Mr. Hicks, pumunta ako sa resort mo at may mga tanga na gumasgas sa kotse ko sa parking lot. Ayaw nila akong bayaran at ginugulo ako ngayon. Magdala ka ng mga tauhan dito ngayon din!”Pagkababa niya ng tawag, ngumisi ang binata at sinabi, “Talunan, bibigyan kita ng isa pang pagkakataon na bayaran ang pinsala at humingi ng tawad sa akin ngayon din. Kapag dumating dito si Mr. Hicks mamaya, patay ka na!”Natatakot si Loreen na masasaktan si Charlie kaya sinabi niya nang mabilis, “Oka
Nagalit ang binata nang biglang pinigilan ni Charlie si Loreen at sobrang direkta sa kanya. Sinabi niya nang galit, “Sige, mahinang ul*l, kung gusto mong mamatay, pagbibigyan kita! Tatanggalin ko ang apelyido ko kung hindi kita mabubugbog mamaya!”Sinabi nang payak ni Charlie, “Dahil mahilig kang magpasikat, may ipapalit na akong apelyido para sa’yo—pasikat.”“Put*ng ina!” Nagalit nang sobra ang binata at malapit na niyang suntukin si Charlie.Sa sandaling ito, isang mataba na di gaano katandang lalaki ang nagmadali papunta sa kanila kasama ang ilang matipunong guwardiya.Ngumiti ang binata sa sandaling nakita niya ang matabang lalaki. “Hey, Mr. Hicks, ilang araw na kitang hindi nakikita, mas lumalaki ka na. Mukhang maganda ang buhay mo, huh!”Humagikgik si Mr. Hicks at sinabi, “Mr. Lloyd, paano maikukumpara ang buhay ko sa iyo? Isa lang akong mababang tauhan sa ilalim ni Mr. Cameron, hindi tulad mo na may malaki at sari-saring negosyo ng pamilya.”Pagkatapos, mabilis niyang tina
”Hoy, anong nangyayari? Bakit ang ingay?”Nanginig sa gulat si Mr. Hicks nang marinig niya ang boses. Tumalikod siya at sinabi nang magalang, “Don Albert, tapos ka na po sa iyong hot springs? Kamusta ito?”“Mabuti,” sumagot nang walang pakialam si Albert at tinanong, “Anong ginagawa mo dito?”Sinabi ito ni Albert habang naglalakad papunta sa parking lot kasama ang mga tauhan niya.“Ah, isang kupal lang na sinaktan si Mr. Lloyd. Paghihiganti ko na sana siya. Hindi masyadong magaling ang bata pero malikot siya.”Hawak-hawak ang kanyang tiyan, bumati si Marcus, “Hi, Tito Rhodes, ang tagal nating hindi nagkita.”Tumingin sa kanya si Albert at tumawa, “Ah, ikaw pala, Marcus! Hoy, anong nangyari sa karisma mo? Paano ka natalo sa Aurous Hill? Pinapahiya mo ang reputasyon ng ama mo!”Medyo malapit si Albert sa ama ni Marcus, kaya maituturing na pamangkin niya si Marcus. Direkta siya magsalita at sa matandang paraan.Hindi nangahas si Marcus na sagutin si Albert, kaya sinabi niya nang n
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang