Alam ng lahat na nakakadiri ang ihian sa banyo ng lalaki, pero hindi nakamamatay ang pagdila dito.Pero kapag uminom ka ng limang kilong pabango, siguradong mamatay ka!Sobrang yabang nina Jeffrey at Wendy, pero buhay nila ang nakataya dito.Ano naman kung didilaan nila ang mga ihian? Hindi ito mahalaga, pwede nilang hugasan ang kanilang mga bibig at mag-toothbrush nang ilang beses!Dahil pinili nila ang parusang pagdila sa mga ihian, inutos ni Oscar, “Kaladkarin niyo sila papunta sa banyo ng mga lalaki ngayon din!”Kinaladkad ng mga security guard sina Jeffrey at Wendy papunta sa banyo ng lalaki sa pangalawang palapag na tila ba kinakaladkad nila ang dalawang patay na aso. Tinanong ni Oscar si Charlie, “Master Wade, gusto mo bang pamahalaan ito?”Tumango si Charlie. “Syempre! Paano ko mapapalampas ang nakakawiling bagay?”Hinatid ni Oscar si Charlie sa banyo.Tinulak ng mga guwardiya sina Jeffrey at Wendy sa isang ihian at sinabi nang malamig, “Bilis, ano pang hinihintay niyo?
”Ah, hindi mo kaya ito?” Humagikgik si Charlie at sinabi kay Oscar, “Tawagan mo si Albert at ipadala mo ang dalawang ito sa dog-fighting ring. Pagpira-pirasuhin mo sila at ipakain sa mga aso tulad ng ginawa natin kay Mr. Lannerd!”Tumango agad si Oscar. “Opo, Master Wade!”Kamakailan, nahuli ang manlolokong master ng Feng Shui mula sa Hongkong, si Mr. Lannerd, dahil niloko niya si Miss Moore at pinadala sa dog-fighting ring ni Albert.Magaling si Albert sa mga ganitong bagay. Pamilyar na siya dito.Natakot sina Jeffrey at Wendy sa banta ni Charlie. Hindi sila makakalaban, kailangan nilang tanggapin ang kapalaran nila.Sinabi ni Jeffrey para sa kanyang buhay, “Okay, gagawin ko! Gagawin ko!”Pagkatapos, agad siyang sumugod sa ihian.Umiyak si Wendy, tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi na parang ilog.Ito na ang pinaka nakakahiyang bagay na pinagdaanan niya sa buong buhay niya at ito rin ang pinakamalalang paghihirap...Ayaw nang manatili ni Charlie dito at panoorin ang galing
Pumasok si Charlie sa elevator at pumunta sa pinakamataas na palapag, ang 15th floor. Nakita niya si Jasmine at sinabi niya ang kanyang opinyon tungkol sa Feng Shui ng club.Nabigo nang kaunti si Jasmine nang marinig niya na hindi kapansin-pansin at sapat lang ang Feng Shui. Mukhang hindi magaling ang master ng Feng Shui na kinuha niya dati.Tinanong niya nang balisa, “Master Wade, may ideya ka ba kung paano pabutihin ang aura ng club?”Ngumiti nang kaunti si Charlie. “Magpatanim ka ng dalawang pine tree sa unang palapag, ilagay mo sila sa timog-silangan at hilagang-kanluran na magkaharap sa sulok. Pagkatapos, palitan mo ang dalawang batong haligi sa main door ng dalawang batong liyon, hindi isang lalaki at isang babae, at hindi dapat isang babaeng liyon at isang batang liyon. Dapat ay dalawang lalaking liyon, at hindi dapat sila magkahelera. Ang mga mata nila ay dapat 90-degree ang angulo. Magpagawa ka ng dalawang gintong foil at ilagay mo sila sa ilalim ng batong liyon. Kapag gina
Pero nang inisip niya ulit ito, hindi, nakuha niya ang nararapat sa kanya!Si Wendy ay isang babae na may pusong kasing sama ng mga ahas at alakdan! Sobrang daming okasyon na sinulsulan niya ang iba para insulutuhin siya at gusto niya pang tanggalin ang pagkalalaki niya! Kung hindi dahil sa koneksyon niya at abilidad, namatay na siya sa mga plano ni Wendy.Kaya, tinuturuan niya lang siya ng leksyon na hindi niya malilimutan sa buong buhay niya!Sinabi ni Charlie kay Oscar, “Aalis na ako, hinihintay ako ni Miss Moore sa ibaba. Bantayan mo sila nang maigi. Kapag nalaman ko na madali mo silang pinakawalan, ikaw ang hahanapin ko!”Yumuko nang takot si Oscar, “Huwag kang mag-alala, Master Wade, palagi ko silang babantayan! Hindi ko sila pagbibigyan!”“Sige.” Tumango si Charlie at tumalikod.Pagkatapos niyang umalis, binilisan nina Wendy at Jeffrey ang pagdila sa nakakadiring ihian dahil natatakot sila na mapaparusahan sila sa kabagalan nila.Nang matapos nilang dilaan ang lahat ng ih
Sa kanyang Rolls-Royce, hinatid ni Jasmine si Charlie hanggang sa supermarket.Hindi matagal, tumigil ang Rolls-Royce sa harap ng supermarket. Sinabi ni Charlie kay Jasmine habang lumalabas siya ng kotse, “Salamat sa angkas. Bye.”Tumango sa kanya si Jasmine, kumplikado at hindi malinaw ang kanyang hitsura. “Magkaroon ka sana ng magandang araw, Master Wade. Palagi kang tatanggapin sa Glorious Club, sana ay pumunta ka at magsaya sa mga pasilidad nito kapag libre ka, ako mismo ang magsisilbi sa iyo doon.”Ngumiti nang kaunti si Charlie at sumagot, “Okay, bibisita ako kapag libre ako. Bye.”Tumagno si Jasmine. “Sige po, Master Wade, bye.”Nagpaalam siya nang magalang kay Charlie. Habang pinapanood niyang maglaho si Charlie sa mga tao sa supermarket, nagbuntong hininga siya at nalungkot.Naramdaman niya na hindi ito makatarungan at nakakabigo kapag si Charlie, ang totoong dragon na makapangyarihan, ay kailangan magmadali sa supermarket upang bumili ng mga sangkap para makapagluto ng
Pagkatapos niyang makauwi at gumawa ng hapunan, si Jacob, na buong araw nasa labas, ang naunang dumating, pagkatapos ay si Claire na buong araw abala sa kanyang trabaho.Pagkatapos ihanda ang pagkain sa lamesa, nagmamadaling bumalik nang masaya si Elaine at sinabi nang mayabang, “Hoy kayo, nanalo ako sa baraha nang mahigit pitong libo ngayong araw!”Sumagot nang hindi nag-iisip si Jacob, “Wow, mahal, ang galing! Pitong libo araw-araw, dalawang daan at sampung libo kada buwan!”Sumimangot si Claire, hindi nasiyahan, “Ma, ayos lang sa akin na maglaro ka ng baraha paminsan-minsan kapag naglilibang ka at naiintindihan ko rin kapag nanalo ka nang kaunti, pero pitong libo araw-araw? Hindi ba’t sobra ito? Mag-ingat ka at huwag kang ma-adik. Masyado itong mapanganib!”Iwinagayway ni Elaine ang kanyang kamay at sinabi, “Alam ko ang ginagawa ko, huwag mo na akong pagsabihan. Mga baguhan lang ang mga kalaro ko sa baraha, at malayo ang galing namin. Kaya kong manalo kahit nakapikit! Hindi mo b
Sa totoo lang, ayaw pumunta ni Charlie. Sa katunayan, tatanggihan niya pa ang alok ni Claire kung hindi dahil sa pangingialam ni Elaine sa kanila nang gano’n.Ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta ay dahil medyo lumalayo siya kay Loreen ngayon.Simula noong nalaman ni Loreen na siya ang tagapagligtas niya at ang kanyang pinapangarap na kasintahan pagkatapos niyang iligtas siya sa pangalawang beses, ilang beses na siyang nagtapat ng pagmamahal sa kanya.Ngayong inalok niya ang asawa niya na pumunta sa hot springs at pinipilit na imbitahin siya, marahil ay panakip lang ang asawa niya sa intensyon ni Loreen na makita siya.Sobrang hindi siya mapapalagay at hindi masisiyahan kung pupunta siya.Pero, nairita siya at nainis sa mga sinasabi at panunumbat ni Elaine.‘Ayaw mong pumunta ako, huh? ‘Eh di pupunta ako! Subukan mo ako!”Hindi inaasahan ni Elaine na susuwayin siya ni Charlie. Naghihingalo siya sa galit, pero hindi siya makapagsalita sa harap ni Claire.Dahil pumayag na s
Bago sila umalis, nag-alangan at nag-atubili nang akunti si Charlie.Hindi niya alam kung paano makikitungo sa madamdamin at matapang na babae tulad ni Lorren. Ayaw niyang saktan ang damdamin niya at ang mas mahalaga, ay niyang pagtaksilan si Claire.Sobrang namomroblema siya ngayon.Nag-aalala siya na magtatapat ulit sa kanya si Loreen sa hot springs at marahil ay may gawin din siya na mas malala.Sa kabilang dako, dahil nangako na siya sa kanyang asawa, imposibleng bawiin niya ito, kaya kailangan niyang pumunta tulad ng plano.Habang bumababa sila, nakita nila si Loreen na nakalabas ang ulo sa Mercedes-Benz at sinabi, “Charlie, ilagay mo ang mga gamit sa likod ng kotse at umupo ka sa likod. Paupuin mo si Claire sa harap para makapag-usap kami sa daan!”“Okay!” Tumango si Charlie, inilagay ang mga bagahe sa likod ng kotse, at umupo sa likod.Nang umupo siya, humarap si Loreen sa kanya at kumindat nang nahihiya.Nagkunwari si Charlie na hindi niya ito nakita at nag-unat habang
Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla siyang nakatanggap ng online call mula sa British Lord. Nagbago sa sorpresa ang ekspresyon niya, at mabilis niyang sinagot ang tawag, sinabi nang magalang, “Hello, British Lord.”Sa kabilang dulo ng tawag, tinanong nang mahigpit ng malamig na boses, “Mr. Chardon, kailan ka dumating sa Aurous Hill?”Sumagot nang nagmamadali si Mr. Chardon, “British Lord, dumating ako sa Aurous Hill kaninang umaga.”Nagpatuloy ang British Lord, “Gabi na siguro diyan. Mahigit labinlimang oras ka na nasa Aurous Hill, kaya bakit hindi mo pa pinapatay ang mga Acker?”Tumibok nang malakas ang puso ni Mr. Chardon, at sinabi niya, “British Lord, kadarating ko lang sa Aurous Hill ngayong araw at hindi pa ako pamilyar sa kapaligiran…”Idiniin ng British Lord, “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nakatira sa villa ng Willow Manor ang mga Acker? Kailangan mo lang pumunta sa Willow Manor ng gabi at patayin silang lahat para maiwasan ang kahit anong problema sa hinaharap. Simpleng
Hindi katagalan, huminto ang Rolls-Royce na minamaneho ni Madam Marilyn sa loob ng courtyard ng Scarlet Pinnacle Manor.Si Vera na ang nagbukas ng pinto nang hindi hinihintay si Madam Marilyn, lumabas sa kotse, at naglakad papunta sa top-floor na courtyard niya. Nang hindi lumilingon, sinabi niya, “Madam Marilyn, simula ngayong araw, hindi ako aalis sa bahay. Ilagay mo lang ang tatlong pagkain ko sa labas ng pinto ng courtyard, kumatok, at maaari ka nang umalis.”Nasorpresa si Madam Marilyn. Naintindihan niya na ayaw sumali ni Vera sa orientation, pero hindi niya maintindihan kung bakit gustong manatili ni Vera sa loob nang hindi umaalis sa bahay.Bilang isang kasambahay, alam niya na mas mabuting huwag magtanong ng mga hindi kailangan na tanong, kaya sinabi niya nang walang pag-aatubili, “Okay, Miss Lavor, naiintindihan ko! May mga espesyal na hiling ka ba para sa mga pagkain mo?”Sumagot nang kaswal si Vera, “Ayos lang ang kahit ano. Ikaw na ang bahala dito.”Pagkatapos itong sa
Natatakot siya na konektado kay Charlie ang kulog kanina lang, kaya patuloy niyang binulong, “Sagutin mo nang mabilis ang tawag… Sagutin mo nang mabilis ang tawag…”Makalipas ang ilang sandali, kumonekta ang tawag, at narinig ang boses ni Charlie, “Veron, may kailangan ka ba?”Nang marinig ang boses ni Charlie, agad huminga nang maluwag si Vera at sinabi nang nagmamadali, “Charlie, nagpapasalamat ako para sa nangyari dati, kaya gusto kitang tanungin kung kailan ka libre. Gusto kitang imbitahin na kumain.”Humagikgik si Charlie, “Pag-usapan natin ito pagkatapos ng orientation mo. Sa ngayon, manatili ka lang sa school at huwag kang pumunta kahit saan.”Habang nagsasalita siya, may naalala si Charlie at tinanong siya, “Siya nga pala, nasa kalagitnaan ka pa rin dapat ng orientation mo, tama? Paano ka nagkaroon ng oras na tawagan ako?”Sadyang nagsinungaling si Vera, “Biglang kumulog kanina lang, at para bang uulan. Kaya, sinabihan kami ng instructor na magpahinga at suriin ang panahon
Samantala, sa Aurous University, libo-libong freshman mula sa iba’t ibang departamento ang nahati sa iba’t ibang pormasyon sa field para sa 14-day orientation.Ngayong araw pa lang ang simula, at maraming freshmen ang hindi sanay sa mahigpit na quasi-military orientation. Mahirap na nga tiisin ang sobrang init na araw, at dahil sa mahabang manggas na camouflage uniform at tuloy-tuloy na paglalakad, parang pinahihirapan nang sobra ang mga freshmen.Isang nakabibinging tunog ang biglang narinig sa timog-kanluran, nagulat ang lahat ng estudyante. Palihim na nagsasaya ang mga estudyante habang nakatingin sa mga madilim na ulap sa timog-kanluran, umaasa sila na biglang uulan.Karamihan ng mga estudyante ay inisip na kung biglang uulan, marahil ay masusupende ang orientation. Kung gano’n, sa wakas ay makakahinga na nang maluwag ang lahat. Kahit na hindi masuspende ang orientation, mas komportable na magsanay sa ulan kaysa tiisin ang mainit na araw.Kaya, halos lahat ng estudyante ay sa
Hindi lang dinurog ng kidlat ng Thunder Order ang malaking bato, ngunit gumawa rin ito ng isang malaking hukay sa lupa sa ilalim nito. Nanabik nang sobra si Mr. Chardon sa nakakatakot na lakas nito sa punto na halos napasigaw siya sa langit.Hindi siya makapaniwala na ang Thunderstrike wood ay isa palang mahiwagang instrumento na kayang magtawag ng kidlat. Bukod dito, ang lakas ng kidlat na ito ay maikukumpara sa isang heavy artillery shell, na lampas sa kahoy na ispada na binigay sa kanya ng British Lord.Habang puno ng sabik, tumayo si Mr. Chardon sa tabi ng malaking hukay, nakatingin sa buong Thunder Order, at binulong sa sarili niya, “Nakakatakot talaga ang lakas ng kidlat na ito! Gamit ito, kahit na may nakatagpo akong kalaban na mas malakas sa akin, kaya kong lumaban. Mukhang sobrang swerte ko sa pagpunta ko sa Aurous Hill ngayon!”Nang maisip ito, bumuntong hininga si Mr. Chardon, “Pero, malaki ang ginagamit na Reiki ng bagay na ito. Para lang mapagana ito ng isang beses, nau
Habang papunta si Mr. Chardon sa Mount Phoenix, nakatanggap si Charlie ng isang text message mula kay Zachary. Sa mensahe, isang pangungusap lang ang sinulat ni Zachary: ‘Bagong store ang magbubukas sa susunod na buwan.’Nang makita ito, sumagot agad si Charlie ng isang thumbs-up na emoji.Ito ang code na pinagkasunduan nila. ‘Bagong store na magbubukas’ ay isang balbal sa tomb raiding industry na ang ibig sabihin ay may bagong libingan na huhukayin. Ayon sa kasunduan nila, kapag nabenta ang Thunder Order, ipapadala ni Zachary ang code na ito kay Charlie.Ang dahilan sa paggamit ng ganitong code ay bilang isang pag-iingat. Kung makikita ito ng may masamang hangarin, iisipin nila na dalawang tomb robber lang ito na nagpaplano ng bagong operasyon, hindi ito konektado sa ibang bagay.Nang matanggap ang mensahe, alam ni Charlie na nabenta na ang Thunder Oder, kaya tinawagan niya agad si Isaac. Makalipas ang sampung minuto, nagpadala si Isaac ng ilang video clip kay Charlie.Ang mga vi
Nang makita ni Zachary na sobrang ingat ni Mr. Chardon, alam niya na hindi ito mapipilit at hindi dapat ito madaliin. Kaya, tinapik niya ang kanyang dibdib at sinabi, “Okay, Sir, pwede kang pumunta ulit bukas ng umaga at tumingin.”Lumapit si Mr. Chardon at sadyang hininaan ang boses niya, sinasabi, “Boss, paano kung ganito? Babayaran kita ng 200 thousand US dollars nang maaga. Kung may kahit anong bago, itabi mo muna ito para sa akin sa halip na i-display ito para hindi ito makuha ng iba. Mas mabuti kung magugustuhan ko ito pagkatapos ko itong makita, kung hindi, pwede mo na itong ibenta sa iba. Ano sa tingin mo?”Nag-isip saglit si Zachary, pagkatapos ay tumingin at sinabi, “Okay, hindi na ako mag-aalangan dahil direkta ka. Gagawin natin ang sinabi mo.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Nilabas niya ulit ang kanyang cellphone at nagpadala pa ng 200 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Gumastos ng 1.5 million US dollars si Mr. Chardon, pero hindi siya nabalisa. Sa kabaliktara
Sa wakas ay nakuha na ni Mr. Chardon ang ‘tiwala’ ni Zachary pagkatapos ng mahabang proseso ng pagpapaliwanag at pambobola. Nagpadala na rin siya nang direkta ng 800 thousand US dollars sa bank account ni Zachary.Pagkatapos matanggap ni Zachary ang pera, natuwa siya nang sobra at sinabi nang mabilis kay Mr. Chardon, “Oh, tatang, hindi ka pala isang undercover na pulis, ngunit isang Diyos ng Kayamanan!”Tinanong nang naiinip ni Mr. Chardon. “Dahil nagbayad na ako para sa produkto, sa akin na ba ang bagay na ito?”Binigay nang direkta ni Zachary kay Mr. Chardon ang Thunderstrike wood at sinabi, “Kunin mo muna ito. Ipapadala dito ang jade ring maya-maya.”Tuwang-tuwa si Mr. Chardon. Pinaglaruan niya ang Thunderstrike wood sa kamay niya, at hindi maipaliwanag ang kanyang kasiyahan para dito.Wala na siyang galit o sama ng loob kay Zachary sa puntong ito.Gusto niya lang humanap ng lugar na walang tao para masubukan niya ang kapangyarihan ng mahiwagang instrumento na ito na gawa sa T
“Maghintay ka saglit.” Sinabi nang kaswal ni Zachary, “Sinabihan ko ang tauhan ko na hintayin ang businessman mula sa Hong Kong. Maingat ang lahat ng businessman mula sa Hongkong at kahit kailan ay hindi sila tumawa o nagpadala ng kahit anong text message lalo na ang sabihin sa amin kung anong flight ang sinakyan nila papunta sa Aurous Hill. Kailangan nilang makipagkita at hanapin ang sikretong code at tanda bago nila ipapakilala ang sarili nila, kaya pwede itong mangyari sa kahit anong oras. Kailangan manatili doon ng tauhan ko para maghintay.”Hindi nangahas si Zachary na papuntahin si Landon dahil niloko niya rin si Landon. Kung magbubunyag ng kahit anong bakas si Landon pagkatapos niyang pumunta, mababalewala ang mga pagsisikap ni Zachary.Kaya, nag-isip saglit si Zachary at sinabi, “Bakit hindi natin ito gawin? Sasabihan ko siya na kumuha ng utusan sa siyudad para ipadala ang singsing sayo.”Sinabi nang nagmamadali ni Mr. Chardon, “Hindi, hindi iyon pwede. Paano ko hahayaan ang