Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 451 - Chapter 460

All Chapters of Sir Ares, Goodnight!: Chapter 451 - Chapter 460

848 Chapters

Kabanata 451

“Naghapunan ka na ba?” Mahinang tanong ni Jay.Umiling si Rose. Sa katunayan, sa sobrang gutom niya ay nagwawala ang kaniyang tiyan. Sinadya niyang umuwi nang maaga para makapaghapunan siya kasama si Jay ngayong gabi.Hindi niya inaasahan na ito ang mauuwian niyang eksena.“Gagawa na ako ng hapunan.” Bumangon si Rose ng kama at tumakbo palayo.Ang manatili kasama si Jay sa loob lamang ng isa pang segundo ay sobrang sinasaktan ang kaniyang puso sa puntong hindi siya makahinga.Ang sulok ng kumot ay bumagsak sa lupa. Lumapit si Jay at hinila niya ito. Inayos niya ang kumot para kay Rose at noong inaayos niya ang mga unan, hindi niya sinasadyang mahawakan ang bahagi ng unan na basa ng luha.Nanigas si Jay nang mahabang sandali.Umiyak ba ang tusong babae na ‘to?Ang yelo sa malamig niyang puso ay biglang nawasak at sa halip ay napuno ng malalim na pagsisi sa sarili.Ang pamamaraan niya ng pagsubok kay Rose ay masyadong malupit.Dali-daling bumaba si Jay at tumayo sa labas ng kusina. Ang k
Read more

Kabanata 452

Hapunan.Nagluto si Rose ng noodles.Habang siya ay nagluluto, malungkot na paalala sa kaniya ni Jay. “Ako rin, hindi pa ako naghahapunan.”Tumingin sa kaniya si Rose. “Sino’ng niloloko mo?”“Tinapon ko ‘yong karne sa basurahan.”Ang mga mata ni Rose ay napatingin sa basurahan at noong makita niya ang lahat ng kagamitan mula sa kainan kanina ni Jay, namula ang mukha niya.Sumobra ba ang reaksyon niya kanina?Binigay ni Rose ang mangkok ng noodles sa kamay ni Jay. “Pwede kang maunang kumain. Magluluto ako ng isa pa.”Sinabi ni Jay, “Hindi ko kaya ‘tong ubusin. Bakit hindi na lang tayo kumain nang sabay?”Nabigla, tumango si Rose.Isang mangkok ng noodles at dalawang pares ng chopsticks.Nang ganito lang, ang dalawa ay magkasunod na sumubo ng pagkain.Pagsubo ni Rose ay nalaman niya na nakalimutan niyang maglagay ng panlasa sa noodles.Kasing tabang ito ng tubig at para bang sila ay ngumunguya ng wax.Patago siyang tumingin kay Jay, iniisip na hindi niya ito magugustuhan, ngunit hindi ni
Read more

Kabanata 453

Naglakad si Jay papasok ng Rose Manor nang may seryosong ekspresyon at ang maingay na manor ay biglang natahimik sa kaniyang pagdating.Ang matalas niyang mga mata ay tumingin sa lahat ng naroon. Ang tatlong mga asawa at kanilang mga anak ay narito. Halos lahat ng mga Ares ay narito.Tumingin si James kay Jay nang may malamig na ekspresyon. “Jay, ito ang problema ng pamilya ko. Wala itong kinalaman sa ‘yo.”Noong si Jay ay 28 taong gulang pa lamang, naramdaman ni Grand Old Master Ares na ang kaniyang katawan ay humihina na, kaya ang pangangalaga ng problema ng Pamilya Ares ay binigay niya kay Jay.Ang desisyon na ‘to ay nagsanhi ng matitinding reklamo mula sa kaniyang mga tito noon. Sila ang nakakatanda, eh, pero sila ang makokontrol ng mas nakababatang si Jay.Gayunpaman, mabilis silang nahawakan ni Jay sa braso at pinakalma sila. Sa nakalipas na ilang taon, ang Pamilya Ares ay kumalma na.Nitong mga nakaraang taon lamang noong ang mga bata mula sa iba’t ibang mga pamilya ay unti-unti
Read more

Kabanata 454

Hindi na magawa pa ni Rose na makinig. Nakikita niya na kahit gaano karaming mga bagay ang gawin ni James upang biguin ang third lady, ang third lady ay hinding-hindi siya iiwan.“Isa na namang ‘di masayang magkasintahan!” Sabi ni Rose.Ninais niyang lumapit upang pakalmahin ang third wife, ngunit biglang hinawakan ni Josephine ang kaniyang kamay at kumurap sa kaniya.Agad na nagising si Rose. Gusto ni Josephine na kuhain niya ang pagkakataon na umalis dito at pumunta sa Fragrant Vessel Court upang mahanap ang sagot na gusto niya.Kaya, ang dalawa ay patagong umalis.Ang mga mata ni Jay ay nahuli ang likod ng dalawang babae na naglalakad palayo. Ang kaniyang mga mata ay nagdilim.“Ate Angeline, ganap na pinagtaksilan ko ang kuya ko para sa ‘yo.” Si Josephine ay bahagyang nalungkot noong sabihin niya ito.Ayaw ni Rose na makonsensya siya at inangat ang kaniyang mga kamay. “Josephine, hindi naman ayaw sa ‘yo ng kuya mo, eh. Hindi mo na ako kailangang samahan sa mga ganito. Bakit hindi ka
Read more

Kabanata 455

“Sundan niyo ako.” Sabi ni Jay.Sina Rose at Josephine ay parang dalawang inosenteng mga bata, naglalakad sa likod ni Jay nang nakayuko at mababang mga balikat.Pumunta si Jay sa harap na pinto at inabot ang payat niyang daliri upang buksan ang fingerprint lock. Pagkatapos pumindot sa ilang pindutan, tumalikod siya at kinuha ang kamay ni Rose, pinipindot ang kaniyang daliri sa fingerprint lock. “Mula ngayon, gamitin mo na ang pinto na ‘to,” seryoso at malamig na sabi ni Jay.“Sige.” Si Rose ay nagulat dahil talagang ni-register ni Jay ang kaniyang fingerprint sa kandado. Hindi ba ito natatakot na babalik siya rito upang imbestigahan ang mga sikreto niya anumang araw at oras?Hindi hanggang sa bumukas ang mga ilaw at noong umupo si Jay sa sofa ay napagtanto ni Rose na mayroong mga maliliit na tusok sa likod ng kaliwang kamay ni Jay. Ito ay isang nakabibiglang tanawin.Kung ito ay isang pares ng matitigas na kamay, marahil ay hindi makokonsensya si Rose, pero ang mga kamay ni Jay ay lub
Read more

Kabanata 456

“Aalis na ‘ko.” Tumayo si Josephine at kinindatan si Rose nang may tinatagong layunin. “Hipag, tawagan mo ako kapag may nangyari!”Tumango sa kaniya si Rose.Tumingala si Jay at tumitig kay Josephine nang malamig. “Hindi namin kailangan ng tulong mo rito.”Kumaway si Josephine.Pagkatapos niyang umalis, nagsimula si Rose ng usapan, “Oo nga pala, kumusta ang nangyayari sa pamilya?”Sinabi ni Jay, “Mga sira-ulo lang naman sila.”Nang marinig ang sagot ni Jay, si Rose ay bahagyang nabigla. Naalala niya ang umiyak ng third lady at ang nalulungkot na mga mata ng mga dalaga na nawalan ng kaniyang anak.Hindi niya mapigilan na bumuntong-hininga sa kawawa nilang kapalaran.“Ah!”Umabot si Jay at inangat ang kaniyang baba, pinipilit siya na tumingin sa kaniya.“‘Wag kang mag-alala, hinding-hindi ko magagawa sa ‘yo ang mga ganitong gulo,” nagsalita si Jay nang may lubos na pagka-seryoso, na para bang ito ay isang pangako.Nabigla nang sandali si Rose at tumango.“Sige.” Hindi niya alam kung ano
Read more

Kabanata 457

Sa Rose Manor.Hinagis ni Jean ang mga babae sa mundo kung saan wala silang dangal gamit ang malupit na mga pamamaraan. Siniklaban nito ang pinakamatinding away sa pagitan ng mag-ama, sina James at Jean Ares.“Jean, ang lakas naman ng loob mong labanan ako?” Sa sobrang galit ni James at kinuha niya ang baso ng wine at binato ito kay Jean.Tulalang tumayo roon si Jean, hinahayaan ang kaniyang ama na maglabas ng galit.Nang makita na ang baso ay tatama na sa katawan ni Jean, ang third lady, na mahal na mahal ang kaniyang anak, ay mabilis na lumapit. Ang baso ay tumama sa kaniyang noo at sa isang iglap, tumulo ang dugo rito.Walang awa si James. Pagalit siyang sumigaw sa mag-ina, “Lumayos kayo rito!”Hinawakan ni Jean ang kamay ng kaniyang ina at tumitig sa kaniyang ama nang may mapulang mga mata. Sa huli, nanggigil siya at mapait na sinabi, “Ina, narinig mo ba ‘yon? Inuutusan ba tayo ni Ama na umalis?”Ang third lady ay hawak-hawak ang kaniyang noo. Ang sakit ng sugat ay hindi kayang tap
Read more

Kabanata 458

Kung ayaw ni James ng divorce, hindi makikipaghiwalay sa kaniya ang third lady.Dati pa man ay kinamumuhian na ni James si Jay sa laging paninira ng kaniyang reputasyon, at ang matagal na niyang galit sa wakas ay sumabog na. “Jay Ares, sasabihin ko ‘to ulit. Problema ‘to ng pamilya ko. Wala kang kinalaman dito.”Nanliit ang matalas na mga mata ni Jay. Noong una pa lamang ay hindi na siya isang mapagpasensyang tao, at ang paulit-ulit na pangalagaan ang problema ni James at ng kaniyang mga pamilya ay nagsanhi sa kaniya na mainip. Ang mga salita ni James ay parang apoy, agad na sinisiklaban ang kaniyang inis.Ang mag-tito ay tumingin sa isa’t isa nang may ‘di pagkatuwa sa kanilang mga mata. Si James, ang tahimik na tupa, sa wakas ay nagrebelyo na. Si Jay, sa kabilang banda, ay inapakpakan ang etiketa at pamamaliit sa pagitan ng isang mag-tito.Ang dalawang pares ng mga mata ay tumitig sa isa’t isa, isang barilan nang walang bala ang nagsimula.“Ayaw mo akong makialam sa mga problema mo?“
Read more

Kabanata 459

Sa sandaling ‘yon.Sina Rose at Josephine ay nagbihis at bumalik sa likod-hardin ng Fragrant Vessel Court.Nagpanggap si Rose bilang si Jay habang nagpanggap naman si Josephine bilang si Rose. Silang dalawa ay lubos na natuwa sa pagpapanggap bilang mag-asawa.“Hipag, hindi ko inasahan na magiging kamukhang-kamukha mo ang kuya ko! Lalo na ‘yong tindig mo, parang kuhang-kuha mo,” sabi ni Josephine.Sinabi ni Rose, “Ang kuya mo ay mayroong isang poker face na hindi nagbabago kahit isang libong taon pa ang lumipas. Kailangan ko lang panatilihing ganito ang mukha ko.”Sinundan ni Rose ang daan base sa kaniyang alaala at naglakad patungo sa dulo ng bluestone na daanan. Sa harap nito ay isang maputik na daan, at maraming mga baging pati palumpong ang bumabalot sa bawat gilid ng daan. Umihip ang malamig na hangin, nagsasanhi sa mga anino ng mga puno na sumayaw.Biglang hinawakan nang mahigpit ni Josephine ang kamay ni Rose. Nanginginig niyang sinabi, “Ang creepy naman dito.”“Shh!” Hininaan ni
Read more

Kabanata 460

“Ginoong Ares, sino sa tingin mo ang kamukha ko?” Kalmado siyang inasar ni Rose.Si Jay ay hindi alam kung matatawa o maiiyak. “Ako ba?”Nagpanggap si Rose na nairita at sinabi, “Ginoong Ares, malinaw naman na nagpapanggap ako bilang ang ikalawang lalaking bida sa drama ng The Moonlit Sky.Napakunot ang kilay ni Jay. “Tinutukoy mo ba ‘yong kalaban na mabait sa labas ngunit sa loob ay masama talaga?”Paulit-ulit na tumango si Rose.Nang makita ang padilim na padilim na mukha ni Jay, mukhang natuliro rin si Rose.Si Rose ay nagagalit sa kaniyang puso, ngunit kailangan pa rin niyang isipin ang sitwasyon kung gusto niyang maglabas ng galit.Kung kikilos siya nang gano’n sa harap ng tigre, parang gusto na rin niyang mamatay!“Rose, tatlong araw kang hindi nakatanggap ng disiplina at ngayon ay gusto mo nang umakyat ng mga bubong, ‘yon ba ‘yon?” Ang lakas naman ng loob ni Rose na asarin siya?Napalunok si Rose. “‘Wag ka nang magalit, Ginoong Ares. Palagi lang kasi nakikitang may matigas na mu
Read more
PREV
1
...
4445464748
...
85
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status