Sa Rose Manor.Hinagis ni Jean ang mga babae sa mundo kung saan wala silang dangal gamit ang malupit na mga pamamaraan. Siniklaban nito ang pinakamatinding away sa pagitan ng mag-ama, sina James at Jean Ares.“Jean, ang lakas naman ng loob mong labanan ako?” Sa sobrang galit ni James at kinuha niya ang baso ng wine at binato ito kay Jean.Tulalang tumayo roon si Jean, hinahayaan ang kaniyang ama na maglabas ng galit.Nang makita na ang baso ay tatama na sa katawan ni Jean, ang third lady, na mahal na mahal ang kaniyang anak, ay mabilis na lumapit. Ang baso ay tumama sa kaniyang noo at sa isang iglap, tumulo ang dugo rito.Walang awa si James. Pagalit siyang sumigaw sa mag-ina, “Lumayos kayo rito!”Hinawakan ni Jean ang kamay ng kaniyang ina at tumitig sa kaniyang ama nang may mapulang mga mata. Sa huli, nanggigil siya at mapait na sinabi, “Ina, narinig mo ba ‘yon? Inuutusan ba tayo ni Ama na umalis?”Ang third lady ay hawak-hawak ang kaniyang noo. Ang sakit ng sugat ay hindi kayang tap
Kung ayaw ni James ng divorce, hindi makikipaghiwalay sa kaniya ang third lady.Dati pa man ay kinamumuhian na ni James si Jay sa laging paninira ng kaniyang reputasyon, at ang matagal na niyang galit sa wakas ay sumabog na. “Jay Ares, sasabihin ko ‘to ulit. Problema ‘to ng pamilya ko. Wala kang kinalaman dito.”Nanliit ang matalas na mga mata ni Jay. Noong una pa lamang ay hindi na siya isang mapagpasensyang tao, at ang paulit-ulit na pangalagaan ang problema ni James at ng kaniyang mga pamilya ay nagsanhi sa kaniya na mainip. Ang mga salita ni James ay parang apoy, agad na sinisiklaban ang kaniyang inis.Ang mag-tito ay tumingin sa isa’t isa nang may ‘di pagkatuwa sa kanilang mga mata. Si James, ang tahimik na tupa, sa wakas ay nagrebelyo na. Si Jay, sa kabilang banda, ay inapakpakan ang etiketa at pamamaliit sa pagitan ng isang mag-tito.Ang dalawang pares ng mga mata ay tumitig sa isa’t isa, isang barilan nang walang bala ang nagsimula.“Ayaw mo akong makialam sa mga problema mo?“
Sa sandaling ‘yon.Sina Rose at Josephine ay nagbihis at bumalik sa likod-hardin ng Fragrant Vessel Court.Nagpanggap si Rose bilang si Jay habang nagpanggap naman si Josephine bilang si Rose. Silang dalawa ay lubos na natuwa sa pagpapanggap bilang mag-asawa.“Hipag, hindi ko inasahan na magiging kamukhang-kamukha mo ang kuya ko! Lalo na ‘yong tindig mo, parang kuhang-kuha mo,” sabi ni Josephine.Sinabi ni Rose, “Ang kuya mo ay mayroong isang poker face na hindi nagbabago kahit isang libong taon pa ang lumipas. Kailangan ko lang panatilihing ganito ang mukha ko.”Sinundan ni Rose ang daan base sa kaniyang alaala at naglakad patungo sa dulo ng bluestone na daanan. Sa harap nito ay isang maputik na daan, at maraming mga baging pati palumpong ang bumabalot sa bawat gilid ng daan. Umihip ang malamig na hangin, nagsasanhi sa mga anino ng mga puno na sumayaw.Biglang hinawakan nang mahigpit ni Josephine ang kamay ni Rose. Nanginginig niyang sinabi, “Ang creepy naman dito.”“Shh!” Hininaan ni
“Ginoong Ares, sino sa tingin mo ang kamukha ko?” Kalmado siyang inasar ni Rose.Si Jay ay hindi alam kung matatawa o maiiyak. “Ako ba?”Nagpanggap si Rose na nairita at sinabi, “Ginoong Ares, malinaw naman na nagpapanggap ako bilang ang ikalawang lalaking bida sa drama ng The Moonlit Sky.Napakunot ang kilay ni Jay. “Tinutukoy mo ba ‘yong kalaban na mabait sa labas ngunit sa loob ay masama talaga?”Paulit-ulit na tumango si Rose.Nang makita ang padilim na padilim na mukha ni Jay, mukhang natuliro rin si Rose.Si Rose ay nagagalit sa kaniyang puso, ngunit kailangan pa rin niyang isipin ang sitwasyon kung gusto niyang maglabas ng galit.Kung kikilos siya nang gano’n sa harap ng tigre, parang gusto na rin niyang mamatay!“Rose, tatlong araw kang hindi nakatanggap ng disiplina at ngayon ay gusto mo nang umakyat ng mga bubong, ‘yon ba ‘yon?” Ang lakas naman ng loob ni Rose na asarin siya?Napalunok si Rose. “‘Wag ka nang magalit, Ginoong Ares. Palagi lang kasi nakikitang may matigas na mu
Sumandal si Rose sa bintana at kinuyom ang kaniyang mga kamao.“Josephine, ako ang bahala sa kaniya. Tumakbo ka na!”“Hindi, hindi kita pwedeng iwan—”“Kung hindi ka tatakbo, parehas tayong mamamatay,” sabi ni Rose.Namutla si Josephine.Sa huli, nagpaalam siya nang seryoso kay Rose, “Pigilan mo lang siya at hintayin mo akong bumalik.”Pagkatapos no’n ay bumaba si Josephine ng kama at ninais na pumunta sa pintuan upang makatakas.Pagalit na tumitig sa kaniya ang lalaki. “Gusto mong tumakas? Asa.” Ang karayom ay lumipad at sumaksak sa likod ni Josephine.“Kuya, kapatid mo ako. Hindi mo ba ako pakakawalan?” Si Josephine ay mayroong ekspresyon ng takot at pangamba sa kaniyang mukha.Marahan siyang lumapit sa pinto.Biglang naglakad pasulong si Rose, gumagawa ng isang spinning kick, at tinamaan ang leeg ng lalaki.Ang lalaki ay ginalit ni Rose. Tumalikod siya at binato ang kaniyang kamao sa kaniya.Kinuha ni Josephine ang pagkakataon na ‘to na makatakas.Ang lalaki ay ninais na pangalagaan
Sa sobrang gulat ni Jay sa bangungot ay napabangon siya agad!Napuno ng pawis ang kaniyang noo habang ang kaniyang dibdib ay mabilis na gumagalaw mula sa mabilis niyang paghinga.“Angeline!”Tinanggal ni Jay ang kaniyang kumot. Mayroon lamang suot na puting pyjamas, desperado siyang tumakbo sa labas.Ilang daang metro lamang ang layo ng Fragrant Vessel Court at ng bahay ni Josephine, ngunit pakiramdam ni Jay ay hindi na niya maabot ang dulo.Ang villa ni Josephine ay nababalot na ng kadiliman.Ang gate ng hardin ay bukas!Pati na rin ang gate patungo sa villa!Biglang nagkaroon ng masamang kutob si Jay. Binigay niya ang kaniyang lahat at sumigaw habang tumatakbo paakyat ng hagdan, “Rose?”“Josephine?”Gayunpaman, walang sumagot!Dumiretso si Jay sa kwarto ni Josephine. Ang pinto sa kwarto ay bukas at ang malamig na hangin ay umiihip mula sa bintana.Tumingin si Jay sa wasak na bintana at napuno ng takot ang kaniyang mga mata.“Angeline?”Binuksan niya ang mga ilaw. Mga bakas ng gulo sa
Walang kahirap-hirap na binuksan ni Jay ang kaniyang bibig, isang masamang boses ang maririnig, “Sa araw ng aksidente ng asawa ko, nagsanhi ng malaking gulo ang pamilya mo. Sinabi mo sa ‘kin na nagkataon lang ‘yon, pero naniniwala ako na sinadya mo ‘yon para makapanakit ng iba.“James, kapag may nangyari sa asawa ko, gusto kong lahat kayo ng pamilya mo ay kasabay niyang malilibing.”Napalunok si James.Ang bawat cell ng kaniyang katawan ay mukhang nanigas.Ito ay nagsanhi sa kaniya na makaramdam ng tagos-butong lamig.Akala niya na ang paningin niya ay lubos na matalas sa buo niyang buhay. Ngunit pagdating kay Rose, mukha talagang may nalagpasan siya.Dati pa man ay hindi na malapit si Jay sa mga babae, kaya bakit kinailangan niyang mahalin si Rose Loyle, na hindi naman espesyal tingnan, nang ganoon?“Grayson, ihatid mo palabas ang bisita natin,” walang emosyon na sabi ni Jay.“Opo, Ginoong Ares!” Sagot ni Grayson.Nanunuyang tumingin si Jay kay James. “Sa susunod, kapag hinanap ulit a
“Mahal kita!”Ang malalim at tahimik na mga mata ni Jay ay namula sa galit at sakit.Ang malamig niyang mga luha ay nahaluan ng pulang dugo, sa sobrang pula ay lubos itong nakasisindak.“Ipaghihiganti kita!”Kinaumagahan, isang sinag ng araw ang kumalat sa sahig mula sa bintana. Ang bintana ay sumayaw at maraming naghahalong liwanag ang naiwan sa sahig.Umupo si Jay sa sulok, ang puti nyang mga pajama ay maluwag na bumabalot sa kaniya. Ang makinis, mahugis, at gwapo niyang mukha ay kasing laki ng isang palad. Ang tahimik at malalim niyang mga mata ay puno ng malamig na liwanag. Ang magulo niyang buhok ay binigyan siya ng tinatamad at malungkot na aura.Pero, siya ay kasing ganda ng isang immortal!“Daddy!”Mula sa baba ay dumating ang lahat ng mga malalambot at malambing na boses ng mga bata.Pagkatapos no’n, maririnig ang mga yapak ng paa sa hagdan.Ang walang sigla niyang mga mata ay bahagyang lumiwanag. Ang pintuan ng kwarto ay biglang tumunog at isang maliit na ulo ang pumasok.Ang