Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 461 - Chapter 470

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 461 - Chapter 470

848 Chapters

Kabanata 461

Sumandal si Rose sa bintana at kinuyom ang kaniyang mga kamao.“Josephine, ako ang bahala sa kaniya. Tumakbo ka na!”“Hindi, hindi kita pwedeng iwan—”“Kung hindi ka tatakbo, parehas tayong mamamatay,” sabi ni Rose.Namutla si Josephine.Sa huli, nagpaalam siya nang seryoso kay Rose, “Pigilan mo lang siya at hintayin mo akong bumalik.”Pagkatapos no’n ay bumaba si Josephine ng kama at ninais na pumunta sa pintuan upang makatakas.Pagalit na tumitig sa kaniya ang lalaki. “Gusto mong tumakas? Asa.” Ang karayom ay lumipad at sumaksak sa likod ni Josephine.“Kuya, kapatid mo ako. Hindi mo ba ako pakakawalan?” Si Josephine ay mayroong ekspresyon ng takot at pangamba sa kaniyang mukha.Marahan siyang lumapit sa pinto.Biglang naglakad pasulong si Rose, gumagawa ng isang spinning kick, at tinamaan ang leeg ng lalaki.Ang lalaki ay ginalit ni Rose. Tumalikod siya at binato ang kaniyang kamao sa kaniya.Kinuha ni Josephine ang pagkakataon na ‘to na makatakas.Ang lalaki ay ninais na pangalagaan
Read more

Kabanata 462

Sa sobrang gulat ni Jay sa bangungot ay napabangon siya agad!Napuno ng pawis ang kaniyang noo habang ang kaniyang dibdib ay mabilis na gumagalaw mula sa mabilis niyang paghinga.“Angeline!”Tinanggal ni Jay ang kaniyang kumot. Mayroon lamang suot na puting pyjamas, desperado siyang tumakbo sa labas.Ilang daang metro lamang ang layo ng Fragrant Vessel Court at ng bahay ni Josephine, ngunit pakiramdam ni Jay ay hindi na niya maabot ang dulo.Ang villa ni Josephine ay nababalot na ng kadiliman.Ang gate ng hardin ay bukas!Pati na rin ang gate patungo sa villa!Biglang nagkaroon ng masamang kutob si Jay. Binigay niya ang kaniyang lahat at sumigaw habang tumatakbo paakyat ng hagdan, “Rose?”“Josephine?”Gayunpaman, walang sumagot!Dumiretso si Jay sa kwarto ni Josephine. Ang pinto sa kwarto ay bukas at ang malamig na hangin ay umiihip mula sa bintana.Tumingin si Jay sa wasak na bintana at napuno ng takot ang kaniyang mga mata.“Angeline?”Binuksan niya ang mga ilaw. Mga bakas ng gulo sa
Read more

Kabanata 463

Walang kahirap-hirap na binuksan ni Jay ang kaniyang bibig, isang masamang boses ang maririnig, “Sa araw ng aksidente ng asawa ko, nagsanhi ng malaking gulo ang pamilya mo. Sinabi mo sa ‘kin na nagkataon lang ‘yon, pero naniniwala ako na sinadya mo ‘yon para makapanakit ng iba.“James, kapag may nangyari sa asawa ko, gusto kong lahat kayo ng pamilya mo ay kasabay niyang malilibing.”Napalunok si James.Ang bawat cell ng kaniyang katawan ay mukhang nanigas.Ito ay nagsanhi sa kaniya na makaramdam ng tagos-butong lamig.Akala niya na ang paningin niya ay lubos na matalas sa buo niyang buhay. Ngunit pagdating kay Rose, mukha talagang may nalagpasan siya.Dati pa man ay hindi na malapit si Jay sa mga babae, kaya bakit kinailangan niyang mahalin si Rose Loyle, na hindi naman espesyal tingnan, nang ganoon?“Grayson, ihatid mo palabas ang bisita natin,” walang emosyon na sabi ni Jay.“Opo, Ginoong Ares!” Sagot ni Grayson.Nanunuyang tumingin si Jay kay James. “Sa susunod, kapag hinanap ulit a
Read more

Kabanata 464

“Mahal kita!”Ang malalim at tahimik na mga mata ni Jay ay namula sa galit at sakit.Ang malamig niyang mga luha ay nahaluan ng pulang dugo, sa sobrang pula ay lubos itong nakasisindak.“Ipaghihiganti kita!”Kinaumagahan, isang sinag ng araw ang kumalat sa sahig mula sa bintana. Ang bintana ay sumayaw at maraming naghahalong liwanag ang naiwan sa sahig.Umupo si Jay sa sulok, ang puti nyang mga pajama ay maluwag na bumabalot sa kaniya. Ang makinis, mahugis, at gwapo niyang mukha ay kasing laki ng isang palad. Ang tahimik at malalim niyang mga mata ay puno ng malamig na liwanag. Ang magulo niyang buhok ay binigyan siya ng tinatamad at malungkot na aura.Pero, siya ay kasing ganda ng isang immortal!“Daddy!”Mula sa baba ay dumating ang lahat ng mga malalambot at malambing na boses ng mga bata.Pagkatapos no’n, maririnig ang mga yapak ng paa sa hagdan.Ang walang sigla niyang mga mata ay bahagyang lumiwanag. Ang pintuan ng kwarto ay biglang tumunog at isang maliit na ulo ang pumasok.Ang
Read more

Kabanata 465

Hinawakan ni Rose ang magaspang at ‘di pantay niyang pisngi at noo, mapait na kinukutya ang kaniyang sarili, “Mayroon bang kahit isang lugar na hindi naapektuhan?”Ang babaeng doktor na may mabuting puso ay pinakalma siya. “‘Wag kang mag-aalala, pwede kang magpa-plastic surgery pagkatapos gumaling ng mukha mo. Sa oras na ‘yon, tiyak na gagawin kitang ang pinakamagandang babae sa mundo.”Mukhang nasiyahan si Rose...Ang kapaligiran ay biglang natahimik.“Ate Angeline, narinig mo ba ‘yon? Sabi ng doktor ay kaya ka niyang gawing pinakamagandang babae sa buong mundo.”Tumango si Rose at sinabi, “Josephine, posibleng nabiyayaan ako dahil sa trahedya na ‘to.”Naluha si Josephine, natutuwa sa katatagan at pagiging positibo ni Rose. “Palagi mo na lang akong pinapahanga sa ‘yo.”Nagpaliwanag si Rose, “Josephine, sa wakas ay pwede na ulit akong maging si Angeline.”Natahimik si Josephine.Siya ay lubos na nagtataka. Pagkatapos ng lahat ng kamalasan na pinagdaanan ni Rose, paano pa rin niya gusto
Read more

Kabanata 466

Gayunpaman, mukha pa ring seryoso si Josephine. “Kung gano’n, sino ang lalaki na ‘yon na kamukhang-kamukha ng kuya ko?”Naging malungkot ang ekspresyon ni Rose. “Sino’ng nakakaalam?”Pagkatapos ng tatlong araw.Noong nag-iimpake si Rose bilang paghahanda na bumalik sa kaniyang pinanggalingang bansa, lumabas si Josephine nang may suot na puting suit at bagong gupit na buhok. Ang gwapo niyang mukha ay mayroon ding malambot na kalalakihan.“Ate, sa tingin mo ba ang gwapo ko?”Natuliro si Rose.“Ang ganda mong babae, bakit mo binago ang sarili mo para magmukhang lalaki?”Inangat ni Josephine ang baba ni Rose at nilandi siya nang bahagya. “Mula sa araw na ‘to, ako na ang luntiang dahon na poprotekta sa ‘yo.”Nagreklamo si Rose gamit ang maganda niyang mga labi, “Sa sobrang ganda ng trato mo sa ‘kin malapit ko nang paghinalaan na naapektuhan ko ang sekswalidad mo.”Pinatunog ni Josephine ang kaniyang labi at sinabi, “Maganda nga kung wala nang Zayne o Jay sa mundong ‘to. Tayong dalawa, mga b
Read more

Kabanata 467

Pagkatapos umalis ni Rose, pumasok si Jay sa ward ni Old Master Severe nang may seryosong mukha.Nilagay ni Grayson ang mga bulaklak sa vase at ang cake sa mesa sa tabi ng bintana.Noong makita niya ang kakaibang matcha cake na nasa mesa na, napahiyaw si Grayson sa gulat, “President!”Nakatayo si Jay sa tabi ng kama, tahimik na nakatingin sa natutulog na si Old Master Severe. Nang marinig ang nagulat na boses ni Grayson, napalingon si Jay.Si Grayson ay may hawak nang isang maliit na matcha cake at naglakad patungo kay Jay. “Ginoong Ares, tingnan mo. May naunang pumunta rito bago tayo.”Si Jay, pagkatapos makita ang kakaibang cake na may mga letrang ‘masaya’ na gawa sa prutas, biglang nanlaki ang kaniyang mga mata.Bigla niyang inabot ang kaniyang kamay at ginamit ang kaniyang daliri upang kuhain ang gilid ng matcha cake bago ito lasahan.Ang pamilyar na lasa ay nagsanhi sa kaniyang puso na bumulaklak sa saya.Biglang napatakbo si Jay sa labas na para bang siya ay nababaliw.May kumpiy
Read more

Kabanata 468

Pagalit na sumagot si Zayne, “Hindi.”Masyadong tinatamad si Jay na mag-abala kay Zayne at direktang inutusan si Grayson, “Grayson, tingnan mo nga agad ‘yong security footage. Gusto kong malaman kung sino ang nagdala ng matcha cake na ‘to.”“Sige po.” Tumalikod si Grayson at naglakad palabas.Pagalit na tumingin si Zayne kay Jay.Sinabi ni Jay, “Ang pagkamatay ni Angeline ay hindi isang aksidente. Mayroong taong nanadyang patayin siya.”Si Zayne ay nagagalit. “Sino pa ba ‘yon kung ‘di ikaw?”“Mukhang may nalaman si Angeline na sikretong hindi dapat niyang malaman, kaya mayroong nagnais pumatay sa kaniya.“Ang taong ‘to ay nagpapanggap na ako, nagsasanhi kay Angeline na magkamaling maniwala na papatayin ko siya.”Tumigil siya, pagkatapos ay tulalang sinabi, “Sa loob ng mahabang panahon, hindi siya naglakas-loob na buksan ang puso niya sa ‘kin, pati na rin ang pagprotekta niya sa kaniyang sarili laban sa ‘kin, kaya hindi ko siya nagawang protektahan…”Habang nakatingin kay Zayne, nagpatu
Read more

Kabanata 469

Pagkatapos bumalik ni Rose sa nirentahan niyang kwarto, binagsak niya ang kaniyang sarili sa kama, paminsan-minsang bumubuntong-hininga.Si Josephine ay nagsusuot ng isang beauty mask at nagtaka noong marinig niya ang paulit-ulit na mga buntong-hininga na ‘yon.“Ano’ng problema?” Tanong ni Josephine.Nalulungkot na sabi ni Rose, “Kanina, may nakasalubong akong sinabi na ang pangit ko.”Agad na tinanggal ni Josephine ang beauty mask at sinabi, “Sino’ng nagsabi? Pupunitin ko ang bibig niya.”“Isang batang babae.”“Walang galang!” Sabi ni Josephine.“Wala namang malalim na kahulugan ang mga salita ng mga bata.”Tumingin si Josephine kay Rose na nalulungkot at sinabi, “Kung alam mo naman na walang malalim na kahulugan ‘yon, bakit nagmumukmok ka pa rin d’yan?”Bumabangon, malungkot niyang sinabi, “Josephine, sa tingin ko ay nakita ko ang kuya mo kanina.”Napanganga si Josephine sa gulat. “Baka nagkataon lang?”“Dalawang beses sa isang araw?” Nag-angat si Rose ng dalawang daliri.“Nakilala k
Read more

Kabanata 470

Sumagot si Empire Without Sunset, ‘Sa username mo pa lang, halata na.’‘Maaaring hindi babae si Chasing Men While Lugging A Saber, maaaring isa akong lalaki.’ Pagkatapos ay dagdag ni Rose, ‘Paano kung isa akong homosexual?’Sabi ni Empire Without Sunset sa chat ‘...’Nagpatuloy si Rose, ‘Dahil gusto mong ako ang magdesisyon, hindi na ako mahihiya pa. Magkita tayo sa Taekwondo Room.’Pagkatapos no’n, ang eksena sa screen ay nagbago sa loob ng isang Taekwondo Room.Ang in-game character ni Rose ay isang babaeng mandirigma na may dalang isang 40-metrong saber.Para naman kay Empire Without Sunset, ang kaniyang character ay isang ordinaryong binata.Noong lumawak ang eksena, ang dalawang character ay mukhang makatotohanan noong tumayo sila sa gitna ng silid.Nag-type si Rose, ‘Ano’ng pusta natin?’Nagtanong si Empire Without Sunset, ‘Ano’ng gusto mo?’‘Pera.’Nagtanong si Empire Without Sunset, ‘Gusto mo ng pera?’‘Malapit na akong mamatay sa gutom!’‘Sige. Talunin mo ako at bibigyan kita
Read more
PREV
1
...
4546474849
...
85
DMCA.com Protection Status