Pagkatapos bumalik ni Rose sa nirentahan niyang kwarto, binagsak niya ang kaniyang sarili sa kama, paminsan-minsang bumubuntong-hininga.Si Josephine ay nagsusuot ng isang beauty mask at nagtaka noong marinig niya ang paulit-ulit na mga buntong-hininga na ‘yon.“Ano’ng problema?” Tanong ni Josephine.Nalulungkot na sabi ni Rose, “Kanina, may nakasalubong akong sinabi na ang pangit ko.”Agad na tinanggal ni Josephine ang beauty mask at sinabi, “Sino’ng nagsabi? Pupunitin ko ang bibig niya.”“Isang batang babae.”“Walang galang!” Sabi ni Josephine.“Wala namang malalim na kahulugan ang mga salita ng mga bata.”Tumingin si Josephine kay Rose na nalulungkot at sinabi, “Kung alam mo naman na walang malalim na kahulugan ‘yon, bakit nagmumukmok ka pa rin d’yan?”Bumabangon, malungkot niyang sinabi, “Josephine, sa tingin ko ay nakita ko ang kuya mo kanina.”Napanganga si Josephine sa gulat. “Baka nagkataon lang?”“Dalawang beses sa isang araw?” Nag-angat si Rose ng dalawang daliri.“Nakilala k
Sumagot si Empire Without Sunset, ‘Sa username mo pa lang, halata na.’‘Maaaring hindi babae si Chasing Men While Lugging A Saber, maaaring isa akong lalaki.’ Pagkatapos ay dagdag ni Rose, ‘Paano kung isa akong homosexual?’Sabi ni Empire Without Sunset sa chat ‘...’Nagpatuloy si Rose, ‘Dahil gusto mong ako ang magdesisyon, hindi na ako mahihiya pa. Magkita tayo sa Taekwondo Room.’Pagkatapos no’n, ang eksena sa screen ay nagbago sa loob ng isang Taekwondo Room.Ang in-game character ni Rose ay isang babaeng mandirigma na may dalang isang 40-metrong saber.Para naman kay Empire Without Sunset, ang kaniyang character ay isang ordinaryong binata.Noong lumawak ang eksena, ang dalawang character ay mukhang makatotohanan noong tumayo sila sa gitna ng silid.Nag-type si Rose, ‘Ano’ng pusta natin?’Nagtanong si Empire Without Sunset, ‘Ano’ng gusto mo?’‘Pera.’Nagtanong si Empire Without Sunset, ‘Gusto mo ng pera?’‘Malapit na akong mamatay sa gutom!’‘Sige. Talunin mo ako at bibigyan kita
Noong lalabas na si Rose sa laro, nakarinig siya ng tunog na sinasabi sa kaniya na mayroong pera sa laro na pinasok sa kaniyang game account.Ang tunog ay hindi tumigil nang matagal, nagsasanhi pa kay Josephine na mabigla. Lumapit siya at nakita ang pera sa laro na lubos na dumarami.“P*ta, isa siguro ‘tong mayamang binata na walang mapag-gagastusan ng pera.”Kung ipapalit nila ‘to sa dolyar, halos 10,000 dolyar na ‘to!Nagpadala si Rose ng mensahe kay Empire Without Sunset, ‘Salamat sa pagpapadala ng tulong. Kung kailangan mo ng tulong, gagawin ko ang makakaya ko kahit na buhay ko pa ang kapalit.’‘Ayaw kong mamatay ka, pero kailangan ko kasi ng asawa. Pwede mong pag-isipan na magpakasal sa ‘kin bilang tatak ng pasasalamat mo.’‘Natatakot ako na mawawalan ka ng ganang kumain sa sandaling makita mo ang mukha ko.’‘Saktong-sakto. May gwapo akong mukha na nakakapagpagana kumain. Pwedeng-pwede tayo sa isa’t isa.’Nabigla, sumagot si Rose, ‘Salamat sa hindi mo paghamak sa ‘kin! Maglo-log o
Si Jay ay isang tao na ayaw sa ingay, kaya mahigpit niyang sinara ang mga bintana sa pagpasok niya.Sa kasamaang palad...Ang tunog ng maingay na mga kaldero at mangkok ang maririnig sa tabing silid kasama ang pagkanta ni Josephine.Kumuha si Jay ng dalawang bola ng bulak at naglagay ng isa sa bawat isa sa kaniyang mga tainga.Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas ay tumigil na sa pagkanta si Josephine.Noong tanggalin ni Jay ang mga bola ng bulak...Narinig niya ang boses ni Rose.Ang problema, hindi ito isang masakit sa tainga na tunog ngunit isang tunog na kayang pumatay… Para itong isang umiiyak na multo na hindi mahabol ang kaniyang hininiga.Umupo si Jay sa kama at nag-isip kung magandang bagay ba na ang kaluluwa ni Angeline ay lumipat sa katawan ni Rose.Ang kaniyang Angeline ay may boses ng isang anghel, ngunit si Rose ay wala!Habang si Jay ay nag-iisip, ang katabing silid ay biglang natahimik.Kahit ang kapaligiran at naging tahimik.Tumingin si Jay sa kaniyang relo na nagpapa
“Josephine Ares!” Sumigaw si Jay at nagpatuloy na habulin ang nakababata niyang kapatid.Hindi siya kayang takasan ni Josephine, kaya wala itong magawa kung ‘di ang tumigil at harapin siya.“K-kuya!”Kung alam ng kaniyang kuya na nahulog si Rose dahil ninais niyang protektahan si Josephine, malamang ay papatayin siya ni Jay kahit na siya ang nakababata nitong kapatid.Mahal na mahal ng kuya niya ng kaniyang hipag, eh.“Ah, alam mo pa rin na ako ang kuya mo? Bakit ka tumakbo noong makita mo ako?” Pakiramdam ni Jay ay kailangan niyang maging pranka at tapat sa kaniyang kapatid.Hindi niya hahayaan si Josephine na magkamali ng akala sa kaniya!“Patawarin mo ako, Kuya. Kasalanan kong mabigo na protektahan si hipag!” Tumulo ang mga luha mula sa mukha ni Josephine, at ang kaniyang pag-uugali ay mas totoo na kaysa dati.Pakiramdam ni Jay ay may bakal sa kaniyang lalamunan. ‘Mukhang ang pagkawasak nga ng mukha ni Rose ay totoo.’Pinanghahawakan pa rin niya ang kakaunting pag-asa na nagpanggap
Sinasabi ng lahat na ang kaniyang kuya ay isang lalaking may pusong-bato, ngunit malayo ito sa katotohanan pagdating sa kaniyang hipag.“Kuya, ‘wag kang malungkot! Sinabi ng doktor na pwede paring sumailalim si hipag sa plastic surgery…”Nang marinig siya, pumiyok ang boses ni Jay, “Hindi ko siya hahayaan na sumailalim sa ganoong klase ng paghihirap. Gusto ko lang siyang mabuhay nang malusog.”Sinabi ni Josephine, “Kuya, simula noong masira ang mukha ni hipag, nagbago rin nang kaunti ang pag-iisip niya. Palaging may taong tititig o magsasalita tungkol sa kaniyang mukha sa likod niya. Hindi niya siguro sinasabi ‘to, pero alam kong nababahala siya roon. Kung matutulungan siya ng surgery na maibalik ang kumpiyansa niya, bakit hindi?”Niyakap ni Jay si Rose nang mas mahigpit. “Ayos lang ‘yon, hahayaan ko siyang mas sumaya sa bawat araw na lilipas.”Pagkatapos no’n, tumingin siya nang masama kay Josephine at sinabi nang may matigas na boses, “Mayroon siyang mahinang katawan. Tumigil ka na s
Mukhang nahulaan ni Jay ang iniisip ni Grayson at biglang napatigil sa kaniyang paglalakad. “Grayson, alam mo ba kung bakit sa kasabihan na ‘magpakasal at magtrabaho’, magpapakasal ka muna bago magkaroon ng trabaho?”Umiling si Grayson.“Humanap ka na rin ng karelasyon,” sabi ni Jay.Huminga nang malalim si Grayson. “President, bata pa ako.”Noong makita ni Grayson kung paano ang kaniyang matapang at masiglang boss ay palaging nag-aalala sa kaniyang asawa, si Grayson, na noong una ay nananabik na makaranas ng pag-ibig, ay natatakot na roon ngayon.Tumitig si Jay kay Grayson at sinabi nang may tinatagong ibig sabihin, “Ang saya-saya ng buhay mo, ‘di tulad ng Angeline ko na namumuhay nang mahirap kahit na magkaparehas kayo ng edad.”Walang masabi si Grayson.Muling napabuntong-hininga si Jay. “Ako ang nagdulot ng paghihirap sa kaniya.”Sa medical department ng Grand Asia.Pinagtipon ni Jay ang lahat ng tauhan at matigas na binalaan ang lahat, sinasabing, “Ang medical department ay magpap
Ang Matron ay bahagyang nabigla. Inasahan niya na magiging madali ang pagbabago ng nararamdaman ng missus pagkatapos makaranas ng ganoon at siya ay magiging mahirap pakiusapan. Hindi niya inasahan na si Rose ay magiging mahinhin at magiliw na babae.Ngumiti ang matron. “Handa ka bang sumunod sa ‘kin para sa mag-ikot sa mga ward?”Masayang sumunod si Rose.Muli niyang sinuot ang maskara niya, nagpalit sa isang asul na uniporme, at sinundan ang matron sa wards.Naglakad ang matron sa harap at nagpakilala, sinasabing, “Ang mga pasyente rito ay madalas pinapasok dahil mayroon silang masamang sintomas at halos wala nang lakas ng loob na mabuhay. Binibining Loyle, kung kaya mo silang ngitian, marahil ay makakakuha sila ng positibong lakas mula sa ‘yo para panghawakan nila.”Ngumiti nang kalmado si Rose.“Kung bibigyan ng pagkakataon, handa akong tulungan sila.”Noong tumingin ang matron sa malinaw at inosenteng mga mata ni Rose, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit nagpakahirap ang pr
Sinadya ni Angeline na patunugin ang posas, ngunit hindi siya narinig ng matandang babae. Nakatuon lamang ito sa pagkuha ng kaniyang pulso.Napagtanto ni Angeline na ang doktor na ito ay kumakampi sa mas masamang panig. Siya ay isang doktor na walang moralidad.Pagkatapos ay bigla siyang naging walang galang sa matandang babae. Sinadya niyang pahirapan ang matanda. “Doc, hindi ba’t madalas nilang kinukuha ang pulso sa kanang kamay? Bakit mo ginagamit ang kaliwang kamay mo?”Wala talaga siyang alam tungkol sa medisina. Sinasadya lang niyang magreklamo.Tumingin sa kaniya ang doktor at ngumiti. “Ang mga mata ng babaeng ito ay maliwanag at puno ng enerhiya. Hindi naman mukhang may sakit siya sa utak.”Tumingin nang masama si Angeline kay Jay.Ang mukha ni Jay ay parang isang yelo. Tumingin naman nang masama si Angeline kay Finn na nakatayo sa isang gilid.Mukhang ang dalawang ito ay nagsinungaling sa matandang babae, sinasabi na siya ay may sakit sa utak. Kaya pala hindi nag-react ang mat
“Tumigil ka na sa pagpapanggap. Alam kong hindi ka na pwedeng mabuntis.” Nilantad ni Jay ang pagpapanggap ni Angeline.Nagulat na tumingin sa kaniya si Angeline. Biglang naalala ni Angeline noong siya ay kinawawa ng mag-amang Bell, ang kaniyang uterus ay napinsala at nawalan siya ng kakayahan na magkaroon pa ng anak.“Eh… Bakit ako nagsusuka?” Si Angeline ay nalito.Tumingin si Jay sa seryosong mga mata ni Angeline, at naramdaman niya ang pagsikip ng kaniyang dibdib.Hindi naman mukhang nagsisinungaling ang babaeng ito.Nagpadala siya ng mensahe kay Finn. ‘Papuntahin mo rito ang obstetrician-gynecologist.’Patuloy na nasusuka si Angeline. Ngayon, siya ay nakahiga na lamang sa kama. Ang kaniyang mukha ay payat at maputla.“May cancer ba ako?“Intestine cancer?“Stomach cancer?”Nagsimula siyang mag-overthink.“Hindi, bakit parang parehas ‘to ng nararamdaman ko noong pinagbubuntis ko sina Jenson?”…Napakunot ang kilay ni Jay bago siya tumalikod at umalis.Pagkatapos ng ilang sandali, pu
Si Jay ay nagalit. “Angeline, walang hiya ka talaga.”Nabaliw na si Jay. Kinuha niya ang braso ni Angeline at hinila siya patungo sa kabilang kwarto.Si Angeline ay nalilito. Si Jay ay nasa isang wheelchair. Paano niya nagawang magkaroon ng ganoon katinding aura?“Bitawan mo ako.” Nagpumiglas si Angeline sa hawak ni Jay. Sa sumunod na segundo, ang kaniyang mga kamay ay naipit sa dulo ng kama.Pagalit na tumingin sa kaniya si Jay. “Kaninong anak ‘yan?”Nakita ni Angeline ang pagkabaliw sa mga mata ni Jay. Bigla siyang natawa. “Ginoong Ares, ‘wag mong sabihin sa ‘kin na nag-aalala ka pa rin sa ‘kin. Ano’ng dapat kong gawin? Ang dami-daming pwedeng maging ama ng batang ‘to.”Ninais siyang sakalin ni Jay hanggang kamatayan. Gayunpaman, naalala niya na ang leeg ni Angeline ay sensitibo. Noong naisip niya kung paanong nagsusuka kanina si Angeline, lumambot ang kaniyang puso.Hindi niya kayang gawin iyon kay Angeline.Binawi niya ang kaniyang kamay. “Angeline, parang gusto mo atang maparusaha
Sinabi ni Angeline, “Ginoong Ares, maikli lang ang buhay at kailangan mong maging mabuti sa anumang oras. Ayaw ko nang magpanggap pa para sa mga bata.”Kapag mas bumibitaw si Angeline, mas nababaliw si Jay.Bigla niyang nilapitan si Angeline nang may agresibong itsura sa kaniyang mukha. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa lalamunan ni Angeline. “Kung gusto mo talagang maging malaya, magpakamatay ka na lang.”Ang kamay ni Jay ay nasa leeg ni Angeline, nagsasanhi sa babae na makaramdam ng pagkahilo. Pagkatapos no’n, hindi na niya ito matiis pa. Nasuka siya sa puting damit ni Jay.Tumingin si Angeline sa dumi sa kwelyo ni Jay at napagtanto na siya ay nasa isang malaking gulo.Siya lang ang nakakaalam kung gaano ka-obsessed si Jay sa kalinisan.“Angeline Severe, ang kapal ng mukha mo?” Sigaw ni Jay.Noong nakita ni Angeline ang gulo, muli siyang nahilo.“Umalis ka sa harap ko!”Bago pa man makaalis si Jay, napasuka muli sa kaniya si Angeline.Ang itsura ni Jay ay para bang sumuko na siya
Tumingin si Angeline kay Jay na nasa sulok ng kwarto mula sa sulok ng kaniyang mga mata. Nakita niya ang walang emosyon na mga mata ni Jay at nagsimulang magrebelyo.Kung siya ay nakikisama sa ibang mga lalaki at wala pa ring pakialam si Jay, dapat na niyang tigilan ang lahat ng pantasya niya tungkol kay Jay.Mahinang tinanong ni Angeline si Gordon, “Alam mo ba kung paano humalik?”Tumingin si Gordon sa mapulang mga labi ni Angeline at nagkaroon ng pandidiri sa kaniyang mukha. “Binibini, hinihiling ko lang naman sa ‘yo na magpanggap na kasintahan ko. Hindi mo naman kailangang gawin ang lahat.”Sinabi ni Angeline. “Pekeng halik. Alam mo ba kung paano?”Napatingin si Gordon kung saan nakatingin si Angeline. “Para ba sa kaniya?”Tumango si Angeline.Napabuntong-hininga si Gordon sa ginhawa. “Sige.”Pagkatapos no’n, hinawakan nila ang isa’t isa. Ginamit ni Gordon ang kaniyang kamay upang takpan ang kaniyang mga labi, ngunit mula sa direksyon ni Jay, silang dalawa ay mukhang naghahalikan.B
Malamig na sinabi ni Jay, “Hindi mo kailangang mag-alala sa Grand Asia.”Walang maisagot na pambai si Sean kay Jay. Nababalisa niyang sinabi, “Sige, Master Ares, magsaya ka muna d’yan.” Pagkatapos no’n, naglakad siya palayo nang nalulugmok.Tumingin si Angeline kay Jay. Ang lalaking ito ay isang bisita, ngunit pinahiya niya ang host ng party. Nagawa pa rin niyang manatili at samsamin nang walang inaalala ang kaniyang wine.Hindi na ito matiis pa ni Angeline. Pinaalalahanan niya si Jay at sinabi, “Ginoong Ares, ‘wag mong kalimutan. Kailangan mong magtira ng dignidad para sa ibang tao para hindi nakakailang kapag nagkita ulit kayo sa susunod.”Tumingala si Jay upang tumingin kay Angeline. Mayroong bakas ng lungkot sa mga mata ni Angeline na hindi niya nagawang matago. Alam ni Jay na nag-aalala sa kaniya si Angeline.Sinabi ni Jay, “Hindi naman na kami magkikita sa susunod. Kaya, syempre, hindi ko kailangang magtira ng dignidad para sa kaniya.”Alam ni Angeline na hindi makatwiran si Jay.
Iyon ay isang party upang i-celebrate ang isang buwan ng pagkabuhay ng anak ni Sean.Naalala ni Angeline na si Sean ay isang dating kaibigan na nakipagtulungan sa kaniya dati. Walang dahilan para sa kaniya na hindi magbigay kay Sean ng regalo.Marahil ay pwede siyang makipagtulungan ulit kay Sean.Tulad ng kadalasan, pagkatapos magbihis ni Angeline, nagmaneho siya patungong Imperial Capital mula sa Swallow City.Ang party ng mga Bell ay nangyari sa isang five-star hotel.Noong pumasok si Angeline sa hall, agad niyang inakit ang atensyon ng lahat.Siya ay isang magandang babae, at nagpaganda pa siya para sa okasyon na ito.Siya ay may suot na backless lace dress na pinapakita ang perpekto niyang katawan. Mayroong dugo sa pula niyang “Ginoo.”Sa isang sulok, si Jay ay nakikipag-usap kay Sean noong biglan silang inistorbo ni Finn.Tumingin nang masama si Jay kay Finn. “Tumahimik ka nga.”Sinenyasan siya ni Finn gamit ang kaniyang mga mata upang sabihin sa kaniya na tumingin sa pintuan.T
Gumapang siya papalapit kay Jay at tinulungan ang lalaki sa kaniyang mga damit.Nakita ni Jay na ang mga kamay ni Angeline ay lubos na nanginginig. Halata naman na siya ay kinakabahan at natatakot.Agad na naglaho ang masamang binabalak niya kay Angeline. “Angeline, sa tingin mo ba ay dapat lang na ibenta ang katawan mo para sa kumpanya mo?”Si Angeline ay natuliro. Sinabi niya, “Wala nang pera ang kumpanya at higit pa sa isang daang mga empleyado ng Severe Enterprises ang mawawalan ng trabaho. At saka, wala akong pera para bayaran ang mga utang namain. Kapag nangyari ‘yon, kamatayan ko na lang ang makakapagbayad sa mga pagkakamali ko.”Biglang kinuha ni Jay ang braso ni Angeline. “Ano’ng sinabi mo?”Bayaran ang kaniyang mga pagkakamali gamit ang kaniyang kamatayan? Hindi siya nagpakahirap para kay Angeline para lang patayin niya ang kaniyang sarili.Matapang na tumingin si Angeline sa galit na mga mata ni Jay. “Ginoong Ares, ambisyoso ka at ayaw bigyan ang ibang mga kumpanya ng pagkak
Hindi siya nakakuha ng anumang resulta pagkatapos humingi ng tulong sa labas, kaya narito siya ngayon at bumalik kay Jay. Wala siyang ibang magagawa.Tulirong tumingin si Angeline kay Jay. Marahil ay mas nangingibabaw na ang itsura niya ngayon dahil siya ay lasing na.“Jay Ares, sabihin mo sa ‘kin. Ano ang dapat kong gawin para pagbigyan mo na ang Severe Enterprises?”“Ganito ka ba magmakaawa?” Haha, ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na tawagin siya sa buo niyang pangalan? Sino ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob na gawin ito?Umayos ng tindig si Angeline. Tumayo siya sa harap ni Jay na parang isang estudyante na may nagawang mali.Ganito siya tumayo sa tuwing may nagagawa siyang mali noong siya ay bata pa. Ngayon, siya ay nakatayo sa ganitong posisyon dahil lang sa nakasanayan.“Kung papayag ka na pakawalan ang Severe Enterprises, pwede mong kuhain ang buhay ko kung gusto mo.” Matigas na sabi ni Angeline.Nanigas ang mukha ni Jay. “Bakit ko kakailanganin ang buhay mo?”Gusto