Si Jay ay isang tao na ayaw sa ingay, kaya mahigpit niyang sinara ang mga bintana sa pagpasok niya.Sa kasamaang palad...Ang tunog ng maingay na mga kaldero at mangkok ang maririnig sa tabing silid kasama ang pagkanta ni Josephine.Kumuha si Jay ng dalawang bola ng bulak at naglagay ng isa sa bawat isa sa kaniyang mga tainga.Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas ay tumigil na sa pagkanta si Josephine.Noong tanggalin ni Jay ang mga bola ng bulak...Narinig niya ang boses ni Rose.Ang problema, hindi ito isang masakit sa tainga na tunog ngunit isang tunog na kayang pumatay… Para itong isang umiiyak na multo na hindi mahabol ang kaniyang hininiga.Umupo si Jay sa kama at nag-isip kung magandang bagay ba na ang kaluluwa ni Angeline ay lumipat sa katawan ni Rose.Ang kaniyang Angeline ay may boses ng isang anghel, ngunit si Rose ay wala!Habang si Jay ay nag-iisip, ang katabing silid ay biglang natahimik.Kahit ang kapaligiran at naging tahimik.Tumingin si Jay sa kaniyang relo na nagpapa
“Josephine Ares!” Sumigaw si Jay at nagpatuloy na habulin ang nakababata niyang kapatid.Hindi siya kayang takasan ni Josephine, kaya wala itong magawa kung ‘di ang tumigil at harapin siya.“K-kuya!”Kung alam ng kaniyang kuya na nahulog si Rose dahil ninais niyang protektahan si Josephine, malamang ay papatayin siya ni Jay kahit na siya ang nakababata nitong kapatid.Mahal na mahal ng kuya niya ng kaniyang hipag, eh.“Ah, alam mo pa rin na ako ang kuya mo? Bakit ka tumakbo noong makita mo ako?” Pakiramdam ni Jay ay kailangan niyang maging pranka at tapat sa kaniyang kapatid.Hindi niya hahayaan si Josephine na magkamali ng akala sa kaniya!“Patawarin mo ako, Kuya. Kasalanan kong mabigo na protektahan si hipag!” Tumulo ang mga luha mula sa mukha ni Josephine, at ang kaniyang pag-uugali ay mas totoo na kaysa dati.Pakiramdam ni Jay ay may bakal sa kaniyang lalamunan. ‘Mukhang ang pagkawasak nga ng mukha ni Rose ay totoo.’Pinanghahawakan pa rin niya ang kakaunting pag-asa na nagpanggap
Sinasabi ng lahat na ang kaniyang kuya ay isang lalaking may pusong-bato, ngunit malayo ito sa katotohanan pagdating sa kaniyang hipag.“Kuya, ‘wag kang malungkot! Sinabi ng doktor na pwede paring sumailalim si hipag sa plastic surgery…”Nang marinig siya, pumiyok ang boses ni Jay, “Hindi ko siya hahayaan na sumailalim sa ganoong klase ng paghihirap. Gusto ko lang siyang mabuhay nang malusog.”Sinabi ni Josephine, “Kuya, simula noong masira ang mukha ni hipag, nagbago rin nang kaunti ang pag-iisip niya. Palaging may taong tititig o magsasalita tungkol sa kaniyang mukha sa likod niya. Hindi niya siguro sinasabi ‘to, pero alam kong nababahala siya roon. Kung matutulungan siya ng surgery na maibalik ang kumpiyansa niya, bakit hindi?”Niyakap ni Jay si Rose nang mas mahigpit. “Ayos lang ‘yon, hahayaan ko siyang mas sumaya sa bawat araw na lilipas.”Pagkatapos no’n, tumingin siya nang masama kay Josephine at sinabi nang may matigas na boses, “Mayroon siyang mahinang katawan. Tumigil ka na s
Mukhang nahulaan ni Jay ang iniisip ni Grayson at biglang napatigil sa kaniyang paglalakad. “Grayson, alam mo ba kung bakit sa kasabihan na ‘magpakasal at magtrabaho’, magpapakasal ka muna bago magkaroon ng trabaho?”Umiling si Grayson.“Humanap ka na rin ng karelasyon,” sabi ni Jay.Huminga nang malalim si Grayson. “President, bata pa ako.”Noong makita ni Grayson kung paano ang kaniyang matapang at masiglang boss ay palaging nag-aalala sa kaniyang asawa, si Grayson, na noong una ay nananabik na makaranas ng pag-ibig, ay natatakot na roon ngayon.Tumitig si Jay kay Grayson at sinabi nang may tinatagong ibig sabihin, “Ang saya-saya ng buhay mo, ‘di tulad ng Angeline ko na namumuhay nang mahirap kahit na magkaparehas kayo ng edad.”Walang masabi si Grayson.Muling napabuntong-hininga si Jay. “Ako ang nagdulot ng paghihirap sa kaniya.”Sa medical department ng Grand Asia.Pinagtipon ni Jay ang lahat ng tauhan at matigas na binalaan ang lahat, sinasabing, “Ang medical department ay magpap
Ang Matron ay bahagyang nabigla. Inasahan niya na magiging madali ang pagbabago ng nararamdaman ng missus pagkatapos makaranas ng ganoon at siya ay magiging mahirap pakiusapan. Hindi niya inasahan na si Rose ay magiging mahinhin at magiliw na babae.Ngumiti ang matron. “Handa ka bang sumunod sa ‘kin para sa mag-ikot sa mga ward?”Masayang sumunod si Rose.Muli niyang sinuot ang maskara niya, nagpalit sa isang asul na uniporme, at sinundan ang matron sa wards.Naglakad ang matron sa harap at nagpakilala, sinasabing, “Ang mga pasyente rito ay madalas pinapasok dahil mayroon silang masamang sintomas at halos wala nang lakas ng loob na mabuhay. Binibining Loyle, kung kaya mo silang ngitian, marahil ay makakakuha sila ng positibong lakas mula sa ‘yo para panghawakan nila.”Ngumiti nang kalmado si Rose.“Kung bibigyan ng pagkakataon, handa akong tulungan sila.”Noong tumingin ang matron sa malinaw at inosenteng mga mata ni Rose, sa wakas ay naintindihan na niya kung bakit nagpakahirap ang pr
Si Empire Without Sunset ay hindi sumasagot nang ilang sandali bago siya magtype, ‘Gusto mo siyang nakikita araw-araw?’Sumagot si Rose nang hindi ito masyadong pinag-iisipan. ‘Syempre!’Pagkatapos ay sumagot si Empire Without Sunset, ‘Pinagdarasal ko na magkakatotoo ang hiling mo!’Sabi ni Rose, ‘Salamat!’‘Hindi mo na kailangang ibalik ang pera. Inaamin ko na ang pagkatalo ko.’Natuliro si Rose. ‘Dahil hindi ka narito para bawiin ang pera mo, bakit mo ako inimbitang makipaglaban?’Sabi ni Empire Without Sunset, ‘Kung hindi ka nasisiyahan sa anumang aspeto ng trabaho mo, makipag-usap ka sa minamahal mong kapatid rito. Papayuhan kita!’...Nanlaki ang mga mata ni Rose at pagalit na umalis sa laro.Si Josephine ay nakaupo sa duyan ng balkonahe noong makita niya ang pagbabago sa ekspresyon ni Rose. Dinura niya ang mansanas na nginunguya niya sa basurahan.“Ate Angeline, ano’ng nangyari?”Hindi pa rin nawawala ang galit ni Rose noong sumingasing siya, sinasabi, “Nilandi ako ng Empire With
Siya ay nagising sa ganoong kakaibang bangungot at huminga nang malalim sa sandaling bumangon siya.Ang araw ay nagsisimula nang bumangon mula sa kalayuan.Nawalan na siya ng interes na matulog pa, kaya gumising na siya para maghanda para sa trabaho. Sinadya niyang ahitin ang kaniyang mga buhok dahil makikita niya si Rose ngayong araw.Ninais niyang ipresenta ang kaniyang sarili kay Rose sa pinakamaganda niyang anyo para iwasan na mag-alala si Rose sa kaniya.Si Medical Department ng Grand Asia.Dumating si Rose sa opisina ng matron nang maaga.Tumayo siya sa harap ng matron at yumuko. “Salamat sa pagpapasensya mo sa pagtuturo sa ‘kin.”Sumulyap ang matron sa orasan sa pader, ang kaniyang mga mata ay hindi makapaniwala.Ang ibang mga manggagawa malamang ay babangon pa lamang ng kama, ngunit ang babae na ito na tuunan ang pansin ng presidente ay mas masipag pa kaysa sa iba.“Sumama ka sa ‘kin.”Dinala ng matron si Rose sa silid ni Old Master Severe at mabilis na sinabi ang tungkol sa ko
Ang matron ay biglang nakatanggap ng mahalagang tawag, kaya dali-dali niyang sinabi kay Rose, “Binibining Loyle, mayroon akong bagong pasok na pasyente na nasa kritikal na kondisyon at kailangan kong pumunta roon para pangalagaan ‘yon. Ikaw na muna ang mag-alaga sa presidente.”Agad na tumango si Rose. “Sige.”Pagkatapos umalis ng matron, sina Rose at Jay na lamang ang natira sa malaking silid na ‘yon.Biglang naramdaman ni Rose na ang kaniyang desisyon ay padalos-dalos.Siya ay nag-aalala na magsisimula si Jay ng ‘di makatwirang pagdadaldal kapag nalaman nito ang tungkol sa kaniyang nasirang itsura.Nanood si Jay habang naglalakad si Rose paikot sa gitna ng silid. Nakita niya ang ‘di mapakali, pag-aalala, at takot sa ekspresyon nito.“Isa akong bagong care worker rito at kulang ako sa karanasan. Dapat ba akong magtawag ng isang mahusay na tauhan sa nursing station para alagaan ka?” Lumapit sa kaniya si Rose at nagpeke ng isang paos na boses.Tumingin sa kaniya si Jay nang hindi kumuku