Home / Romance / Sir Ares, Goodnight! / Chapter 441 - Chapter 450

All Chapters of Sir Ares, Goodnight! : Chapter 441 - Chapter 450

848 Chapters

Kabanata 441

‘Di nagtagal, bago lumabas si Zayne at tumakbo patungo kay Rose. Sinuri niya nang ilang beses ang sexy na kasuotan ni Rose.“Rose Loyle, hindi ka ba natatakot na mamatay sa lamig kapag may ganyan kang kasuotan sa ganitong malamig na araw?”“Hindi ba maganda?” Umikot si Rose sa kaniyang kinatatayuan.Kinindatan din niya si Zayne.Niyakap ni Zayne ang kaniyang mga braso at nanginig. “Nakakasuka naman ‘to. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko.”“Achoo!” Biglang napabahing si Rose.Agad na sumigaw si Zayne, “Mas gugustuhin mong magmukhang elegante kaysa ang magpainit? Maliit ba talaga ang utak mo?”Pinilit ni Rose ang kaniyang sarili kay Zayne at hinawakan siya nang mahigpit. “Nilalamig ako, Ginoong Severe. Painitin mo naman ako.”Nanliit ang leeg ni Zayne na parang isang ostrich. “Diyos ko, Rose Loyle. Sinusubukan mo ba talaga akong pagsamantalahan?”Si Josephine ay nakaupo sa likod ng kotse, tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Noong makita niya sina Rose at Zayne na niyayakap ang isa
Read more

Kabanata 442

Ang pinto ng BMW ay biglang bumukas.Tumingin si Josephine kay Zayne habang nakapamaywang. Sumigaw siya kay Zayne na parang isang leon, “Zayne Severe!”Napa-upo si Zayne sa lupa nang pinagpapawisan ang kaniyang noo. “Hindi ko kayang pangalagaan ang isang tigre, at ngayon dalawa na sila. Gusto ko nang mamatay.”Pagkatapos no’n, humiga siya sa lupa at nagpanggap na bangkay.Lumapit sa kaniya si Josephine at sinipa siya nang malakas. “Bakit ka nagpapanggap na patay? Tumayo ka nga!”Sinabi ni Rose, “Itali mo nga ang paa niya.”Biglang napatalon si Zayne. “Walang awa ka, Rose Loyle! Sa wakas ay malinaw na kung ano ang ugali mo. Mas kakampi ka sa isang taga-labas kaysa sa kadugo mo.”Tumingin sa kaniya nang malamig si Rose. “Sabi ko sa ‘yo ‘wag mo galitin si Josephine. Bakit hindi mo ako sinunod? Nagsanhi ka pa ng pagkalito at iniwan ulit siya, nawasak tuloy ang puso niya at nagalit. Narito ako ngayong araw, handang parusahan ang sarili kong pamilya kung para ito sa hustisya!”“P*ta!” Hindi
Read more

Kabanata 443

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Naramdaman ni Rose ang panginginig ng kaniyang boses.Sinabi ni Josephine, “Narito ako para may tapusin na nanggaling sa nakaraan.”Agad na natahimik si Rose.Binuksan ni Josephine ang pinto ng kotse at umapak sa maputik na kalsada. Pagkatapos no’n, marahan siya nanglakad patungo sa mga wasak na gusali sa harap.Tumingin si Rose sa malungkot na anyo ni Josephine, ang kaniyang mga mata ay namumula.Ang pagmamahal ng isang tao kapag bata pa ay isa ngang matapang na bagay. Ito ay isang malakas na pagkaakit. Pero kahit na alam na alam ng tao ang kaahihinatnan nito, mahihigop pa rin siya rito.Ang huling pagwawakas ay palaging malungkot.Minahal ni Josephine si Zayne. Kung ang pagmamahal na ‘yon ay bahagyang mas malabo at kung ang pagmamahal niya sa lalaki ay hindi ganoon kalakas, o marahil, hindi tumakbo ng libo-libong milya si Josephine upang habulin ang kaniyang minamahal, hindi siya kakawawain at papahiyain ng iba. Hindi siya maiiwan ng ganitong malungkot na k
Read more

Kabanata 444

Sa sobrang kaba ni Josephine ay hinawakan niya nang mahigpit ang pamalo. Ang kaniyang mga mata ay nakatitig lamang sa lalaki.Ang lalaki ay biglang tumalon nang kasing bilis ng kuryente.Nasipa ni Rose ang ilalim ng lalaki, ngunit siya ay nabigla dahil napagtanto niya na ang mga bagay ay nagiging masama.“Josephine, bilisan mo tumakas.” Ninais ni Rose na protektahan si Josephine kahit ano pa man ang mangyari.Humakbang pasulong si Josephine at sumigaw, “Paano ko magagawang iwan ka rito?”“Josephine, makinig ka sa ‘kin. Ang buhay ko ay napulot ko lang naman. Ang kuya mo ay walang paki sa buhay kong ‘to, at nasiyahan ako noong namatay ako. Pero iba ka… Bata ka pa at hindi ka pa nakakasal!”Napahiyaw si Josephine, “Paano mo nagawang itrato nang mababa ang buhay mo? Hindi nga siguro ito pinapahalagahan ng kuya ko, pero paano ako? Kahit ano pa ang mangyayari, igugugol ko ang susunod kong buhay kasama ka.”Mapula ang mga mata ni Rose. “Josephine, gusto kong maintindihan ang katotohanan niton
Read more

Kabanata 445

Ala una ng umaga.Nakabalik na si Rose sa Garden of A Diary.Mahinang binubuksan ang pinto, pumasok siya sa bahay at umakyat.Sinubukan niya na hindi gumawa ng kahit kaunting ingay!Kaso pag-akyat niya, hindi niya sinasadyang masipa ang hilera ng dekorasyon na damo na nakatayo sa gilid ng mga hawakan sa sahig.Gumawa ito ng mahinang tunog.Halos kasabay nito, ang hilera ng maliwanag na mga ilaw sa kisame ng ikalawang palapag ay nabuhay.Nakatayo si Jay sa ibabaw ng hagdan, nakakunot ang kaniyang mga kilay. Napakalma lamang siya pagkatapos makita si Rose.“Ginoong… Ginoong Ares!” Si Rose ay natuliro sa kaniyang kinatatayuan, nauutal, “Pasensya na, naistorbo ko ba ang tulog mo?”“Hindi pa ako natutulog,” sabi ni Jay.Nang marinig ang sagot nito, si Rose ay bahagyang nagulat. Ang trabaho at pahinga ni Jay ay matatag. Kung wala namang kasal o libing, ang ilang mga oras na ‘to ay isang ‘di magagalaw na oras ng pahinga.Marahan siyang lumapit, inangat ang maliit niyang ulo, at tumingin kay J
Read more

Kabanata 446

Tinitigan siya ni Rose at sinabi nang may nahihiyang ekspresyon, “Mali ka ng akala. Wala siyang nagawa sa ‘kin!”“Gusto pa rin kitang suriin!” Ang boses ni Jay ay nangingibabaw.“Paano mo susuriin?” Nagtaka si Rose.Sa isang iglap, lumapit sa kaniya si Jay...Agad na nagsisi si Rose.Sabi na pagsasamantalahan siya ng lalaking ‘to sa pamamagitan ng paggamit ng mga palusot. Kainis-inis!Noong gabing ‘yon, sumailalim si Rose sa isang mental torture at pisikal na pagkawasak. Dahil sa balisa, nakatulog siya nang hindi niya namamalayan.Nakatulog siya hanggang sa tanghali ng sumunod na araw noong magising siya nang mag-isa.Kabubukas lamang ni Rose ng kaniyang mga mata at ngayon lamang nagkamalay, pagkatapos no’n, agad siyang napabangon.Hinihinga ang sariwang hangin, bumuntong-hininga siya sa tuwa. “Buhay pa rin ako!”Tumingin sa kaniya si Jay. “Bakit ang saya-saya mo?”Biglang namalayan na may tao sa tabi niya, pinigilan niya ang itsura niyang natutuwa. Sinabi niya, “Ginoong Ares, gising k
Read more

Kabanata 447

Muling tumingin si Josephine kay Jay. “Kuya, bakit mo pinatay ang tawag ko?”“Hindi ba’t nakakairitang maistorbo ang tulog mo sa umaga?” Ang tono ni Jay ay may laman pa rin na bakas ng ‘di pagkatuwa pagkatapos maistorbo.Walang masabi si Josephine.“Kuya, ano’ng oras na. Maaga pa rin ba sa ‘yo ang ganitong oras?”“Wala ka bang alam sa kaligayahan ng kasal?” ang ekspresyon ng kaniyang kuya ay madilim.Ang eleganteng mukha ni Josephine ay kumibot. “Naintindihan ko. Magbibigay-pansin na ako sa susunod.”“Ano ulit ang ginagawa mo rito?” Ang pag-uugali ni Jay ay nanatiling malamig.Pakiramdam ni Josephine ay hindi patas ang trato sa kaniya ng kaniyang kuya, kaya malungkot niyang sinabi, “Narito ako para makita kayo.”“Dahil nakita mo na kami, pwede ka na bang umuwi?” Si Jay ay wala sa magandang wisyo kapag nasa harap ng babaeng ‘to na hindi nagpaliwanag nang maayos.Agad na kinuha ni Josephine ang braso ni Rose at nagtanong, “Kuya, pwede ko bang hiramin si hipag para gumala?”“Hindi.” Matig
Read more

Kabanata 448

Tumingin si Jay kay Rose na tahimik sa galid, ang kaniyang boses ay nagiging mas malambing. “Kailangan ko siyang alagaan kapag nalumpo siya.”Walang masabi si Josephine.Gayundin si Rose.Ano’ng klaseng lohika ‘to?“May kinikilingan ka,” bulong ni Josephine.Hinawakan ni Jay ang kamay ni Rose sa harap ni Josephine at sinabi, “Trabaho ko ang mahalin siya.”Umirap nang ilang beses si Josephine, kinuha ang plato niyang pagkain, at naglakad palabas. “Hindi ko ‘to kayang tiisin.”Hinila ni Rose ang kaniyang kamay palayo at ‘di natutuwang bumulong, “Ginoong Ares, kagagaling lamang ni Josephine sa masakit na pag-ibig. Masasaktan siya kapag aarte tayo nang ganito sa harap niya.”“Umaarte ba tayo?” Umangat ang mga kilay ni Jay, kinukwestyon si Rose.Siya ay naging seryoso tungkol sa pagpapakasal kay Rose, pero akala niya ay umaarte lamang sila?“Hindi ba?” Tanong ni Rose.Noong kumagat si Jay sa scone, ang ekspresyon sa gwapo niyang mukha ay mas madilim pa sa pwet ng isang kawali.Nang makita n
Read more

Kabanata 449

Kinuha ni Rose ang kamay ni Josephine at nakangiting sinabi, “Ginoong Ares, mga babae muna.”Dahil dito, nanigas ang gwapong mukha ni Jay.Siya ay paulit-ulit na iniiwan ng bagong kasal niyang asawa at ang mapagmalaki niyang puso ay hindi maiwasan ang seryosong pinsala.“Sige lang.” Nagpanggap siyang walang paki.Masayang umalis sina Josephine at Rose.Pinanood sila ni Jay habang ang kaniyang mga mata ay lumulubog.Ang kapaligiran na tanawin ng Garden of A Diary tuwing taglamig ay bahagyang malabo. Ang mga ginkgo trees, mga damo at baging tuwing tagsibol at tag-init, ay dumuduyan sa hangin sa sandaling ‘to. Ang mga gintong dahon ng ginkgo ay nakakalat sa lupa habang ang mga hubad na sangay ay mukhang mga pangil at kuko.Ang mga asul na jacaranda trees lamang ay ang kasing luntian ng dati, kasing taas ng bundok ngunit lubos na malungkot at mapanglaw.Si Jay ay bahagyang nagsisisi. Kung alam niya lang na ang hardin ay magiging ganitong malabo sa tag-lamig, dapat ay nagtanim na lamang siy
Read more

Kabanata 450

“Kung ayaw ng asawa mo sa bahay niyo, siguro ay dahil bata pa siya at ang pagiging isip-bata niya ay gustong maglaro. Siguro ang isipan niya ay wala sa bahay na ‘to. Mas eksakto, hindi sapat ang pagmamahal niya sa ‘yo.”Nagtanong si Jay, “Kung gano’n, ano ang dapat kong gawin para magustuhan niya ang bahay na ‘to?”“Ang mga babae ay madaling makuntento. Kung maganda ang trato mo sa kaniya, magiging mapagmalaki siya bilang resulta ng pag-aalaga sa kaniya. Ang angkop na pagbibigay sa kaniya ng kung anong panganib ay hindi lamang sinusubok ang pagiging taos-puso niya sa ‘yo ngunit mapapatingin din siya sa mga pag-uugali niya para siya ay maging isang kwalipikadong asawa.”Nakinig nang mabuti si Jay.…...Pagdating ng gabi, hinila ni Rose ang pagod niyang katawan pabalik sa Garden of A Diary.Kaninang maliwanag, dinala siya ni Josephine sa Tourmaline Estate, ngunit sa kasamaang palad, ang gate ng Fragrant Vessel Court ay nakakandado at ang nakapaligid na defense measures nito ay mahigpit d
Read more
PREV
1
...
4344454647
...
85
DMCA.com Protection Status