“Kung ayaw ng asawa mo sa bahay niyo, siguro ay dahil bata pa siya at ang pagiging isip-bata niya ay gustong maglaro. Siguro ang isipan niya ay wala sa bahay na ‘to. Mas eksakto, hindi sapat ang pagmamahal niya sa ‘yo.”Nagtanong si Jay, “Kung gano’n, ano ang dapat kong gawin para magustuhan niya ang bahay na ‘to?”“Ang mga babae ay madaling makuntento. Kung maganda ang trato mo sa kaniya, magiging mapagmalaki siya bilang resulta ng pag-aalaga sa kaniya. Ang angkop na pagbibigay sa kaniya ng kung anong panganib ay hindi lamang sinusubok ang pagiging taos-puso niya sa ‘yo ngunit mapapatingin din siya sa mga pag-uugali niya para siya ay maging isang kwalipikadong asawa.”Nakinig nang mabuti si Jay.…...Pagdating ng gabi, hinila ni Rose ang pagod niyang katawan pabalik sa Garden of A Diary.Kaninang maliwanag, dinala siya ni Josephine sa Tourmaline Estate, ngunit sa kasamaang palad, ang gate ng Fragrant Vessel Court ay nakakandado at ang nakapaligid na defense measures nito ay mahigpit d
“Naghapunan ka na ba?” Mahinang tanong ni Jay.Umiling si Rose. Sa katunayan, sa sobrang gutom niya ay nagwawala ang kaniyang tiyan. Sinadya niyang umuwi nang maaga para makapaghapunan siya kasama si Jay ngayong gabi.Hindi niya inaasahan na ito ang mauuwian niyang eksena.“Gagawa na ako ng hapunan.” Bumangon si Rose ng kama at tumakbo palayo.Ang manatili kasama si Jay sa loob lamang ng isa pang segundo ay sobrang sinasaktan ang kaniyang puso sa puntong hindi siya makahinga.Ang sulok ng kumot ay bumagsak sa lupa. Lumapit si Jay at hinila niya ito. Inayos niya ang kumot para kay Rose at noong inaayos niya ang mga unan, hindi niya sinasadyang mahawakan ang bahagi ng unan na basa ng luha.Nanigas si Jay nang mahabang sandali.Umiyak ba ang tusong babae na ‘to?Ang yelo sa malamig niyang puso ay biglang nawasak at sa halip ay napuno ng malalim na pagsisi sa sarili.Ang pamamaraan niya ng pagsubok kay Rose ay masyadong malupit.Dali-daling bumaba si Jay at tumayo sa labas ng kusina. Ang k
Hapunan.Nagluto si Rose ng noodles.Habang siya ay nagluluto, malungkot na paalala sa kaniya ni Jay. “Ako rin, hindi pa ako naghahapunan.”Tumingin sa kaniya si Rose. “Sino’ng niloloko mo?”“Tinapon ko ‘yong karne sa basurahan.”Ang mga mata ni Rose ay napatingin sa basurahan at noong makita niya ang lahat ng kagamitan mula sa kainan kanina ni Jay, namula ang mukha niya.Sumobra ba ang reaksyon niya kanina?Binigay ni Rose ang mangkok ng noodles sa kamay ni Jay. “Pwede kang maunang kumain. Magluluto ako ng isa pa.”Sinabi ni Jay, “Hindi ko kaya ‘tong ubusin. Bakit hindi na lang tayo kumain nang sabay?”Nabigla, tumango si Rose.Isang mangkok ng noodles at dalawang pares ng chopsticks.Nang ganito lang, ang dalawa ay magkasunod na sumubo ng pagkain.Pagsubo ni Rose ay nalaman niya na nakalimutan niyang maglagay ng panlasa sa noodles.Kasing tabang ito ng tubig at para bang sila ay ngumunguya ng wax.Patago siyang tumingin kay Jay, iniisip na hindi niya ito magugustuhan, ngunit hindi ni
Naglakad si Jay papasok ng Rose Manor nang may seryosong ekspresyon at ang maingay na manor ay biglang natahimik sa kaniyang pagdating.Ang matalas niyang mga mata ay tumingin sa lahat ng naroon. Ang tatlong mga asawa at kanilang mga anak ay narito. Halos lahat ng mga Ares ay narito.Tumingin si James kay Jay nang may malamig na ekspresyon. “Jay, ito ang problema ng pamilya ko. Wala itong kinalaman sa ‘yo.”Noong si Jay ay 28 taong gulang pa lamang, naramdaman ni Grand Old Master Ares na ang kaniyang katawan ay humihina na, kaya ang pangangalaga ng problema ng Pamilya Ares ay binigay niya kay Jay.Ang desisyon na ‘to ay nagsanhi ng matitinding reklamo mula sa kaniyang mga tito noon. Sila ang nakakatanda, eh, pero sila ang makokontrol ng mas nakababatang si Jay.Gayunpaman, mabilis silang nahawakan ni Jay sa braso at pinakalma sila. Sa nakalipas na ilang taon, ang Pamilya Ares ay kumalma na.Nitong mga nakaraang taon lamang noong ang mga bata mula sa iba’t ibang mga pamilya ay unti-unti
Hindi na magawa pa ni Rose na makinig. Nakikita niya na kahit gaano karaming mga bagay ang gawin ni James upang biguin ang third lady, ang third lady ay hinding-hindi siya iiwan.“Isa na namang ‘di masayang magkasintahan!” Sabi ni Rose.Ninais niyang lumapit upang pakalmahin ang third wife, ngunit biglang hinawakan ni Josephine ang kaniyang kamay at kumurap sa kaniya.Agad na nagising si Rose. Gusto ni Josephine na kuhain niya ang pagkakataon na umalis dito at pumunta sa Fragrant Vessel Court upang mahanap ang sagot na gusto niya.Kaya, ang dalawa ay patagong umalis.Ang mga mata ni Jay ay nahuli ang likod ng dalawang babae na naglalakad palayo. Ang kaniyang mga mata ay nagdilim.“Ate Angeline, ganap na pinagtaksilan ko ang kuya ko para sa ‘yo.” Si Josephine ay bahagyang nalungkot noong sabihin niya ito.Ayaw ni Rose na makonsensya siya at inangat ang kaniyang mga kamay. “Josephine, hindi naman ayaw sa ‘yo ng kuya mo, eh. Hindi mo na ako kailangang samahan sa mga ganito. Bakit hindi ka
“Sundan niyo ako.” Sabi ni Jay.Sina Rose at Josephine ay parang dalawang inosenteng mga bata, naglalakad sa likod ni Jay nang nakayuko at mababang mga balikat.Pumunta si Jay sa harap na pinto at inabot ang payat niyang daliri upang buksan ang fingerprint lock. Pagkatapos pumindot sa ilang pindutan, tumalikod siya at kinuha ang kamay ni Rose, pinipindot ang kaniyang daliri sa fingerprint lock. “Mula ngayon, gamitin mo na ang pinto na ‘to,” seryoso at malamig na sabi ni Jay.“Sige.” Si Rose ay nagulat dahil talagang ni-register ni Jay ang kaniyang fingerprint sa kandado. Hindi ba ito natatakot na babalik siya rito upang imbestigahan ang mga sikreto niya anumang araw at oras?Hindi hanggang sa bumukas ang mga ilaw at noong umupo si Jay sa sofa ay napagtanto ni Rose na mayroong mga maliliit na tusok sa likod ng kaliwang kamay ni Jay. Ito ay isang nakabibiglang tanawin.Kung ito ay isang pares ng matitigas na kamay, marahil ay hindi makokonsensya si Rose, pero ang mga kamay ni Jay ay lub
“Aalis na ‘ko.” Tumayo si Josephine at kinindatan si Rose nang may tinatagong layunin. “Hipag, tawagan mo ako kapag may nangyari!”Tumango sa kaniya si Rose.Tumingala si Jay at tumitig kay Josephine nang malamig. “Hindi namin kailangan ng tulong mo rito.”Kumaway si Josephine.Pagkatapos niyang umalis, nagsimula si Rose ng usapan, “Oo nga pala, kumusta ang nangyayari sa pamilya?”Sinabi ni Jay, “Mga sira-ulo lang naman sila.”Nang marinig ang sagot ni Jay, si Rose ay bahagyang nabigla. Naalala niya ang umiyak ng third lady at ang nalulungkot na mga mata ng mga dalaga na nawalan ng kaniyang anak.Hindi niya mapigilan na bumuntong-hininga sa kawawa nilang kapalaran.“Ah!”Umabot si Jay at inangat ang kaniyang baba, pinipilit siya na tumingin sa kaniya.“‘Wag kang mag-alala, hinding-hindi ko magagawa sa ‘yo ang mga ganitong gulo,” nagsalita si Jay nang may lubos na pagka-seryoso, na para bang ito ay isang pangako.Nabigla nang sandali si Rose at tumango.“Sige.” Hindi niya alam kung ano
Sa Rose Manor.Hinagis ni Jean ang mga babae sa mundo kung saan wala silang dangal gamit ang malupit na mga pamamaraan. Siniklaban nito ang pinakamatinding away sa pagitan ng mag-ama, sina James at Jean Ares.“Jean, ang lakas naman ng loob mong labanan ako?” Sa sobrang galit ni James at kinuha niya ang baso ng wine at binato ito kay Jean.Tulalang tumayo roon si Jean, hinahayaan ang kaniyang ama na maglabas ng galit.Nang makita na ang baso ay tatama na sa katawan ni Jean, ang third lady, na mahal na mahal ang kaniyang anak, ay mabilis na lumapit. Ang baso ay tumama sa kaniyang noo at sa isang iglap, tumulo ang dugo rito.Walang awa si James. Pagalit siyang sumigaw sa mag-ina, “Lumayos kayo rito!”Hinawakan ni Jean ang kamay ng kaniyang ina at tumitig sa kaniyang ama nang may mapulang mga mata. Sa huli, nanggigil siya at mapait na sinabi, “Ina, narinig mo ba ‘yon? Inuutusan ba tayo ni Ama na umalis?”Ang third lady ay hawak-hawak ang kaniyang noo. Ang sakit ng sugat ay hindi kayang tap